At the forest in Antipolo The wind whistling around trunks, birds singing, insects humming, branches creaking. Iilan lamang sa maririnig at mapapansin mo kapag nasa gitna ka ng kagubatan. Malamig na simoy ng hangin. The air smells good, too, it's totally relaxing. Ipinikit ni Luna ang kanyang mga mata, to feel the soothing sound of the forest. Bago ito sa kanya, siya na lumaki sa city. "Parang masarap mamuhay rito." nakangiti niyang bulong.Kinalabit siya ni Josie sa kanyang tagiliran. "Handa ka na ba?" tanong nito sa kanya.Ngumiti siya rito. "Just go on Josie, I'm not interested in thier games. Ito ang hinahabol ko rito, ang maka-bonding si Mother Nature. I want to stay longer." "Nako bebe, laking Manila ka kasi kaya ayan uhaw ka sa kagubatan. Ako na lumaki sa probinsya, parang naumay na rin." nakangiti nitong wika. "Huwag gano'n, Josie. If you try to appreciate the breathtaking beauty of nature, promise hindi ka mauumay." masayang sagot niya. "Oo na, joke lang naman
Nanatiling nakapikit si Luna habang nakahiga sa hospital bed, upang sariwain ang nangyari sa kanya sa araw na iyon. ***Nakailang kuha na siya ng litrato sa naggagandahang mga bulaklak. Habang aliw na aliw si Luna, hindi niya napansin na may taong sumusunod sa kanya.Kalahating oras ang nakalipas, hindi niya namamalayan na napapalayo na pala siya. Nang makarating siya sa medyo masukal at halos dikit-dikit na ang mga puno, doon niya naramdaman na may sumusunod sa kanya. Kaninang umaga naramdaman din niya na parang may taong sumusunod sa kanya habang naglalakad siya sa paligid ng resort. Nilakasan niya ang kanyang loob at binilisan ang paghakbang, ngunit pabilis nang pabilis rin ang taong sumusunod sa kanya. Mayamaya nawala ito sa kanyang paningin. Mabilis siyang nagtuloy sa paglalakad, hanggang makarating sa may malaking puno ng mangga. Ang buong akala niya ay safe na siya, iyon pala ay may mga naghihintay sa unahan.Ang tatlong kasamahan niyang babae. "Viola! Help me, please! May
Three days ago, hindi na tuluyang kinasuhan ni Luna ang tatlong magkakaibigan. Alam naman kasi niya na ginamit lang ang mga ito ni Chariz upang maghiganti sa kanya. Ayaw sanang pumayag ni Adrian, subalit wala itong nagawa dahil buo na ang kanyang desisyon. Hindi na niya nagawang aminin sa lalaki na alam niya kung sino ang tunay na may pakana sa nangyari. Dahil kung meron mang dapat magtuos iyon ay silang dalawa ni Chariz. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit galit pa rin ito sa kanya. It was happened a long time ago. She never thought, that Chariz will hold grudges against her being in a relationship with Nolan Magno before. It wasn't totally her fault of course, because Nolan is single that time. It's just happened that Chariz has had a secret infatuation to Nolan, that is what she learned from her school mates before. But, that isn't enough reason for her to put someone's life into danger. Suspended ng isang linggo ang tatlo bilang parusa ni Adrian sa kanila. Todo pasalamat na
"Adrian, she's working here. Isn't she?" she asked, surprised. "She's my secretary." "Really?" "Why? You have a problem with that?" he asked sarcastically. Lumapit sa harap ng kanyang mesa si Chariz. The truth is, he don't like this woman at all. Hindi niya maintindihan ang kanyang ina, kung bakit nagmamadali itong mag-asawa siya. Lahat na ata ng mga babaeng matitipuhan nito iririto sa kanya. "Adrian, I want you to stay away from that woman. Ayaw kong aahasin ka niya kapag naikasal na tayo. You don't know her much!" Napatingin siya sa babae. "Miss. Del Mundo, kung wala ka ng kailangan makakaalis kana. Please, do mind your own business. And one more thing. I don't have interest on marrying you." diretsahang saad ni Adrian. "Shut the door when you leave." pahabol niyang wika. Galit na nagrampa patungo sa pintuan si Chariz. Dahil nakayuko si Adrian at abala sa mga pipirmahang papeles, hindi niya nakita ang pag-asim ng mukha ng babae. Nagulat sina Luna at Josie sa mala
Walang sagot na narinig si Luna mula sa lalaki. Pilit niyang iminulat ang kanyang mga mata habang nasa elevator sila. Nakayakap ang braso nito sa kanyang baywang upang alalayan siya. Saktong tumingin siya rito ay nagtama ang kanilang mga mata. Napatingin si Luna sa mapulang labi ni Adrian, natutukso siyang halikan ito. Ngunit sinaway niya ang kanyang sarili dahil bigla niyang naalala ang pagpunta ni Chariz sa opisina nito. "Ba't ka naglasing?" biglang tanong nito. "Wala kang pakialam." nakasimangot niyang sagot. "Luna Marie!" Napatingin siya rito dahil sa pagbigkas nito sa buong pangalan niya. Biglang tumayo ang kanyang mga balahibo dahil sa seryosong mukha nito na nakatitig sa kanya. Bakit ba sa tuwing bigkasin nito ng buo ang kanyang pangalan ay para siyang alagad nito na kaagad tatalima sa anumang utos. "Ahh-ee k-kasi naman, kailangan kong mag-move-on, bawal ba 'yun? Pinaglalaruan mo lang ang feelings ko eh!" bulalas niya. Ngunit bago niya naisip na mali ang kanyang sa
Dalawang araw nang wala si Adrian sa opisina nito. Kung ano-ano nalang ang pumapasok sa isipan ni Luna. Secretary s'ya nito ngunit wala s'yang alam sa mga nangyayari. Maybe he was just toying with me? Sigaw ng kanyang isipan. Or, maybe he's busy. Pagbawi niya. Napailing s'ya, and heaving a sigh. Malungkot ang mukha habang sinusubo niya ang kinakaing siomai. Bumili s'ya sa nadaanang stall. Nasa park siya nakaupo at pinapanood ang mga kabataan na masayang naglalaro kasama ang mga magulang ng mga ito. Parang may biglang kumudlit sa kanyang dibdib. She's longing for a mother's love and care. Hindi niya napigilan ang biglang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata at agad naman niyang pinahiran. What if, magkaroon siya ng anak, magiging mabuting ina kaya siya? Tanong niya sa kanyang sarili. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. 'I'm sure magiging mabuting ina ako. Gagawin ko ang lahat maibigay lang ng buo ang pagmamahal at suporta sa aking anak'. Taimtim na bulong ng
Nagtaka si Adrian kung bakit si Josie ang pumasok sa kanyang opisina upang maghatid ng mga papeles na kanyang pipirmahan. Nagsalubong ang kanyang kilay habang nakatingin sa babaeng papalapit sa kanya. "What kind of look is that?" puna sa kanya ni Josie.Nakatukod ang kanyang mga siko sa mesa habang nilaro-laro ng mga daliri n'ya ang mamahaling pen na hawak. "Bakit ikaw ang nagdala niyan Josie? Where's Luna?" tanong n'ya rito. Kanina lang ay nakita n'ya ito sa labas.Napabuga ng hangin si Josie saka inilapag ang files sa mesa niya. "Ano ba kasi ang problema ninyong dalawa! Kanina'y kumatok na siya sa pintuan mo, ngunit biglang itinulos sa kinatayuan at namutla saka lumapit sa akin at iniabot ito, sabi magbabanyo muna s'ya. Hindi ko na kayo maintindihang dalawa Sir Adrian. Bakit parang malungkot ang kanyang mukha kanina. May ginawa ka ba sa kanya?"Nagulat si Adrian sa narinig. Napatingin s'ya sa pintuan. 'Hindi kaya n'ya narinig ang pinag-usapan namin ni Nikko?' naisip n'ya.W
Matagal nang nakatitig si Luna sa hawak na panyo. Nakahiga s'ya sa kanyang kama habang inaalala ang nangyari noon sa eskwelahan. Nakatago sa kanyang kahon ang panyo na tinapon ni Adrian noon sa kanya para takpan ang kanyang dibdib. Mayamaya bigla s'yang napaupo at binuklat ang panyo. Hinanap n'ya ang naka-engraved doon na initials. ADV sa tabi nito ay may drawing na diamond. 'Is it really him?' tanong n'ya sa kanyang sarili. Kinuha n'ya ang kanyang cell phone na nakapatong sa ibabaw ng unan. Pinindot n'ya ang search sa internet upang hanapin ang pangalan ng lalaki. Lumaki ang kanyang mga mata sa nakita at nabasa na mga article tungkol dito. "Gano'n s'ya ka sikat?" napamulagat s'ya habang nakatuon ang mga mata sa cell phone. Nag-browse s'ya upang maghanap ng mga pictures nito na nakasuot ng mask. Sa kalagitnaan may lumabas na picture nito, nakasuot ng itim na kalo at itim na mask. Pinalaki n'ya ang litrato upang matitigan n'ya itong mabuti. "Oh my god! No!"Nag-uunahan sa pagpatak