Share

Chapter 2 - Luna became homeless

Author: Juvy Pem
last update Last Updated: 2022-05-02 01:18:40

"No! This is impossible! Hindi puwedeng babagsak ang kompanya ni dad, pinaghirapan n'yang itayo ito!" Umiiyak na sigaw ni Luna. Kausap siya ng isa sa pinagkakatiwalaan ng kanyang ama sa kompanya.

"Wala na akong magagawa pa iha. May malubhang sakit ang daddy mo. Halos nagpull-out na lahat ng investors kasi walang kasiguraduhan kung magiging stable pa ba ang takbo ng kompanya." Malungkot na saad ni Attorney Reyes kaibigan din ito ng kanyang ama.

Nakaratay ang kanyang ama sa hospital halos tatlong buwan na rin, dahil sa sakit na lung cancer at may taning na ang buhay nito. Itinago ng kanyang ama ang karamdaman nito, dahil sa takot na patalsikin ito bilang Presidente ng Salvacion Construction Services Company.

Hindi alam ni Luna kong ano ang gagawin. Nasa kompanya siya ng mga oras na iyon. Pinasadahan niya nang tingin ang opisina ng ama. Halos kasing-laki ito ng kwarto niya sa bahay. Napaka-simple ng opisina nito dahil isa din itong simpleng tao. Sa harap ng mesa nito, may sofa at lamesita para sa mga bisita nito. Sa gilid may lumang bookshelf. Napatulo ang luha niya nang mapansin ang nag-iisang picture frame na nasa mesa nito. Kinuha niya ito at niyakap, kuha ito noong 18th birthday niya. 'I love you so much, dad!' Bulong niya sa sarili. Hindi alam ni Luna kung ano ang kanyang madatnan sa mans'yon mamaya pag-uwi niya. Sigurado siyang alam na ng gahaman n'yang step-mother ang tungkol sa kompanya.

Paglabas ni Luna sa opisina ng ama, malungkot s'yang binati ng ibang empleyado sa kompanya na kanyang nakasalubong. Malungkot na ngiti lang ang tanging tugon niya sa mga ito. Dahil kahit ang kanyang mga kamay ay walang lakas na kumaway sa mga ito.

Hindi niya maintindihan kung malamig ba o mainit ang hangin na sumalubong sa kanya paglabas niya ng building. Tumingala siya upang pasadahan nang tingin ang kompanya. Pinaghirapan ito ng kanyang ama nang napakataggal na panahon. Binata pa lang ito nang umpisahan nitong itayo ang kompanya. Ngayon hindi niya alam kung sino ang susunod na magmamay-ari nito. Habang naghihintay ng taxi sa labas ng building. Naisipan niyang tawagan ang kanina'y kausap niya na kaibigan ng kanyang ama.

"Hello, tito!" Bati ni Luna kay Mr. Reyes ang abogado ng kanyang ama.

"Oh, iha napatawag ka?" tanong nito kay Luna.

"Tito, pwede ko bang malaman kung sino ang nakabili sa kompanya ni dad?" Malungkot na tanong niya.

"Iha, ang kompanya ng daddy mo ay subsidiary na ngayon ng De Vera Holding Group. Sila ang pangalawa sa may pinaka-malaking shares sa kompanya ng daddy mo mula noon. Kaya ang nangyari naibenta lahat ng shares ng dad mo sa De Vera Holdings. Kaya ngayon sila na ang major share holder ng Salvacion Company. Huwag kang mag-alala iha, mabait ang Presidente ng kompanya, hindi nito papabayaan ang kompanya ng daddy mo. Sa katunayan nga, wala siyang pinatalsik na empleyado ng iyong ama. Bagkus inayos pa niya ang lahat ng mga benefits na maaaring matanggap ng mga empleyado rito." paliwanag ng abogado sa kanya.

"Okay po tito! Mabuti naman kung gano'n. Salamat po, mag-iingat ka po palagi." Halos maluha-luhang pumara si Luna ng taxi pauwi sa mans'yon nila.

Habang sakay ng taxi, nakikita niya ang mga taong naglalakad sa daan. May dala-dala na kung anu-ano, ang iba ay halatang galing sa trabaho. Naisip ni Luna kung magiging ganyan din kaya ang buhay niya ngayong wala na ang tanging pinagkukunan nila ng mga pangangailangan? Ito na nga ba ang kabayaran sa mga kasalan niya? Biglang pumatak ang kanyang mga luha. Hindi niya namalayan na nasa tapat na pala sila ng malaking gate ng kanilang mansiyon.

"Dito nalang po ako manong!" saad niya sa driver.

Napatingin sa kanya ang driver. "Okay ka lang iha?" Tanong ni Manong driver sa kanya.

"Yes po! Salamat po sa concern manong!" Sagot niya sabay baba ng taxi.

Pagkatapos magbayad ng pamasahe, nanatili siyang nakatayo sa harap ng malaking gate. Noong nakaraang araw may sarili pa siyang driver at sasakyan, ngayon nakasakay na siya ng taxi for the first time.

Si Luna ay matapang sa harap ng lahat lalo na sa kanyang mga kaibigan. Ngunit siya ay mahina rin ang kalooban lalo na pagdating sa ganitong mga problema. Dahan-dahan n'yang binuksan ang malaking bakal na gate. Kahit ang guard nila ay wala na pati ang mga hardinero. Sinulyapan niya ang kanilang bakuran na puno ng halaman at mga bulaklak na alagang-alaga ni Mang Canor noon, pero ngayon ay halatang wala nang nag-aalga sa mga ito. Ang kanyang paboritong swimming pool ay marami ng dahon at dumi.

Nahihirapan si Luna na tanggapin ang lahat, na sa isang iglap siya ay mahirap na. Lahat ng kanyang masaya at malungkot na karanasan ay nandito sa bahay na ito. Hindi niya alam kung pati ang kanilang bahay ay mawawala rin. Naglakad siya patungo sa malaking pinto ng kanilang bahay. Binuksan niya ang pintuan gamit ang sariling susi na dala. Ngunit laking gulat niya pagpasok, dahil tumambad sa kanyang harapan ang malaking traveling bag.

"What's the meaning of this?!" Nakataas ang kilay na tanong niya sa kanyang step-mother na si Mercedes. Nakatayo ito sa babang parte ng hagdan.

"Simple lang lumayas kana rito!" Sagot nito na humahakbang palapit sa kanya.

"How dare you! Ang lakas nang loob mo na palayasin ako sa sarili kong pamamahay?" Galit na sagot ni Luna.

Nagulat siya ng biglang dumapo ang palad nito sa kanyang pisngi. Halos lumaki ang kanyang mga mata sa galit. Napakuyom siya ng kanyang kamao.

"Pamamahay? Akala mo may bahay ka pa? Lahat ng pera ng iyong ama ay ubos na. Kaya gumising ka na dahil nasa putikan kana ngayon huwag kang ilusyonada!" bulyaw ni Mercedes kay Luna.

"At sinong may karapatan sa bahay na'to! Ikaw?" Ganting tanong ni Luna kay Mercedes.

"Of course, dahil kasal kami ng ama mo!" Taas-noo nitong sagot kay Luna.

"Ambisyosa ka talaga! Kaya hindi kita magawang mahalin at ituring na tunay na ina, dahil pera lang ni dad ang habol mo! Ngayong hindi mo na siya mapapakinabangan aangkinin mo na ang lahat ng pag-aari niya? Sakim ka!" Nagpupuyos sa galit na sagot ni Luna sa kanyang step-mother.

"Lumayas kana rito. Wala akong pakialam kung saan kaman mapadpad maraming club diyan, doon mo gamitin ang maganda mong katawan!" Sigaw ni Mercedes sa kanya sabay tapon ng kanyang bag sa labas ng pintuan. Ginuyod siya nito palabas sabay sirado ng pintuan.

Naiwang natulala si Luna sa labas ng pinto. Sa bilis nang pangyayari, hindi kaagad siya nakagalaw. Tumulo ang kanyang mga luha, dahil sa sobrang awa niya sa sarili. Hindi niya alam kung saan siya pupulutin ngayon lalo na't magtatakip-silim na. Kinuha niya ang kanyang wallet upang tingnan kung may pera pa ba s'yang natira. Laking gulat niya dahil kaunting barya nalang ang laman nito. Saka niya naalala, na pinangbayad pala niya ito sa taxi kanina. Napaupo siya dahil pakiramdam niya nanlalambot ang kanyang buong katawan.

"Ohh God! How could this happen to me!" Bulong niya sa sarili. Wala siyang ibang malapitan dahil mula noong binalita ang pagbagsak ng kompanya ng kanyang ama, nagsipaglayuan na sa kanya ang lahat pati ang kanyang mga kaibigan.

Tumayo siya at lumakad palabas ng mans'yon. Pagdating niya sa labas ng gate, pinagmasdan niya muna ang malaking bahay.

"Babalikan kita, hintayin mo ako!" Bulong niya saka umalis na walang lingon-likod.

Naalala n'yang dumaan sa may atm machine upang magbakasakali na may kunting pera pa ang kanyang card.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 45 - Mercedes meets Canor

    Nagkatinginan ang mag-inang sina Arianna at Mercedes. Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila ngayon sa kanilang harapan. Napalingon si Mercedes sa paligid. Marami ng mga taong dumarating papasok sa restaurant. Kung mag-iiskandalo sila ngayon dito ay mas lalong magagalit si Adrian sa kanyang anak. Nanlalambot ang katawan at ramdam n'ya ang pawisang mga palad. Dahan-dahan nilang sinalubong ang matandang lalaki na matalas ang tingin sa kanilang dalawa. Nanggigil si Mercedes dahil ang akala n'ya ay p*t*y na ang matandang ito. Ngunit matikas pa rin ang tindig nito na nakatayo sa kanilang harapan ngayon. Mabilis itong nakalapit sa kanila habang nakangisi. "Hayop ka! Ba't buhay ka pa? Ano na naman bang gusto mo?" galit niyang singhal sa lalaki. "Wala kang kasing sama! Alam kong ikaw ang bumaril sa akin! Magmaang-maangan ka pa? Hindi ko akalain na hindi mo tutuparin ang pangako mo sa akin, Mercedes. Pinabayaan mo ang nag-iisang anak ni Sir! Hindi kita mapapatawad! Pagbabayaran mo ang

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 44 - Adrian's back to Manila

    Nakaupo at nakapatong pa sa tuhod ang baba ni Luna habang nakaharap sa mga manok at pato na pinapakain ng kanyang lolo sa kanilang bakuran. Mamasa-masa pa ang paligid dahil sa magdamag na naman na ulan. Tulog pa ang kanyang anak. Samantalang sila ng kanyang lola ay humihigop ng kapeng barako sa kusina. Bukas ang harapan ng kusina kaya makikita ang kanilang bakuran kung nasaan ang kanyang lolo. Nasanay s'ya sa kape na mano-manong ginawa ng kanyang lolo. Masarap kasi inumin sa umaga masyadong aroma. "Apo, hindi ka ba papasok sa trabaho mo?" nagtatakang tanong ng Lola Sonia niya. Magkaharap silang nakaupo sa upuang yari sa kahoy habang humihigop ng kape. May pagtataka ang rumehistro sa mukha nito. Naibaling n'ya sa mga manok ang kanyang tingin bago sumagot dito. "Mag-resign na ako sa hotel, La." diretso niyang sagot sa matanda. Naramdaman niya ang malungkot na tingin ng kanyang lola. "La, huwag mo akong tingnan ng ganyan. Iiyak ako sige ka. Maaga pa." natatawa na maiiyak niyang sa

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 43 - The Party

    Biglang tumigil ang mundo ni Luna. Parang namanhid ang kanyang buong katawan. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata. Pinaglalaruan ba s'ya ni Adrian? Bakit kailangan nitong gawin ang mga bagay na ito? Tahimik na ang kanyang mundo kasama ang anak. Mayroon s'yang maayos na trabaho sa hotel na ito para masuportahan ang kanilang anak. Pero bakit ngayon parang lahat ng ito ay unti-unting magbabago dahil lang sa lalaking ito? Naikuyom ni Luna ang kanyang kamao. Pigil-hininga na tinungga n'ya ang halos kalahating baso ng champagne sa lamesa. Mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa baso. Kulang nalang ay mabasag n'ya iyon sa galit. Hindi na n'ya pinatapos pa ang speech ni Adrian. Umalis siya sa kanyang kinatatayuan. Nag-aalala namang susundan sana s'ya ni Hazel ngunit pinigilan n'ya ang kaibigan dahil nais n'yang mapag-isa. Dinala s'ya ng kanyang mga paa sa harap ng malaking landscape sa bandang likod ng hotel. Hindi siya masyadong makita ng mga dumadaan dahil may naka

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 42 - The new owner

    Halos nagdadalawang-isip na pumasok si Luna kinabukasan. Matamlay ang kanyang pakiramdam dahil hindi s'ya nakatulog ng maayos ng gabing iyon. Maingat s'yang tumayo upang hindi magising ang kanyang munting prinsesa. Kinintalan muna n'ya ito ng halik sa noo bago s'ya tumayo mula sa kama upang maghanda sa pagpasok sa trabaho. Inilagay muna n'ya ang susuotin para sa party mamaya sa isang bag saka mabilis na naggayak. Habang sakay ng traysikel patungo sa sakayan ng jeep. Hindi n'ya mapigilan ang manalangin na sana ay walang mangyayaring katulad kagabi ngayong araw hanggang sa makauwi s'ya sa kanilang bahay mamayang gabi. Ayaw n'yang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang anak. Lalo na kapag si Adrian ang kanyang kaharap. Hindi pa nga dumating ang oras ng party ay kinakabahan na s'ya. Hindi n'ya maiwasang isipin na baka a-attend mamaya sa party ang lalaki. "Hey! Ready kana ba para sa party mamaya?" untag ni Hazel sa kanya habang abala s'ya sa pagtitipa sa kanyang computer.Nagkibit-balika

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 41 - She's surprised

    Biglang nahipnotismo si Luna nang makitang nakatitig si Adrian sa kanya habang nakatayo ito sa kanyang harapan. Hindi n'ya naramdamang iginiya s'ya nito papunta sa sasakyan nito. Ngunit nahimasmasan s'ya bago paman s'ya nakapasok sa loob ng sasakyan. "T-Teka! Mr. De Vera! Anong ginagawa mo?" nabigla n'yang tanong sa lalaki.Ngunit sa halip na sagutin s'ya nito ay bigla s'yang itinulak papasok sa front seat ng sasakyan. Napangangang sinundan n'ya ng tingin ang lalaki na umupo sa driver seat. Kibit-balikat itong tumingin sa kanya ng makita s'yang nakaawang ang bibig. "I told you earlier right? So... here we are. We need to talk, okay? What do you want for dinner?" sunod-sunod nitong saad habang naglalagay ng seatbelt.Saka na n'ya naalala ang sinabi nito kanina. Ang buong akala n'ya ay nakalimutan na nito iyon ngunit ...maling akala lang pala ang lahat. Anong gagawin n'ya? Magsisigaw s'ya upang makakuha ng atens'yon at nang makatakas s'ya sa lalaking ito? No, no, no ! Mali, mali! B

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 40 - Long time no see

    Nagulat si Luna nang may tumapik sa kanyang balikat. Bigla s'yang napalingon sa kanyang likuran. Nakita niya ang nagtatakang mukha ng kaibigang si Hazel. "Anyare saiyo? Bigla ka nalang natulala riyan?" nagtatakang tanong nito sa kanya. "Ha? Eh! Naalala ko lang ang nangyari kagabi." palusot niya rito. Napailing ito. "Girl, hindi ka pa rin ba nakaka-move on doon? I'm sorry, okay? Hindi ko naman kasi alam na magkakilala kayo ng pinsan ko." bahagyang lumungkot ang mukha ni Hazel nang maalala ang ginawa nito sa kanya. "Haist, mamaya na yang pag-e-emote mo riyan. Sayang ang make-up mo. Mukhang may pinaghandaan ka pa naman." nakangisi niyang sagot sa kaibigan. "Oi girl! Alam mo bang sabi ng mga marites dito na kasamahan natin napakagwapo raw ng bisita natin ngayon. At bukod doon, binata pa raw!" excited nitong balita sa kanya. Nagkibit-balikat na lamang siya sa tinuran ng kaibigan. Ano naman ngayon kung gwapo. May mapapala ba siya roon? Hiyaw ng kanyang isipan. Pero bakit iba ata

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 39 - 4 years later

    4 years laterMamasa-masa pa ang kapaligiran dahil sa magdamag na ulan. Parang tinatamad na maligo si Luna sa likuran ng bahay. Kung hindi lang dahil sa trabaho siguro makikita mo pa rin siya sa higaan ng mga oras na iyon. Kasabay ang malamig na ihip ng hangin sa bukid ay ang lamig na galing sa makapal na fogs na bumalot sa paligid. Kaya ang inaantok pa na si Luna ay nakaupo pa rin sa harapan ng lumang poso habang nagtatalo ang isip kung maliligo ba o hindi. Kasalanan talaga ng kanyang kaibigan kung bakit s'ya tinatamad bumangon ngayon. Nag-aalburutong sigaw ng kanyang isipan. "Sus maryosep na batang 'to. Alam mong napakalamig pipilitin mong maligo. Hindi naman siguro matsutsuge ang mga makakasalamuha mo kung wala kang ligo ngayong araw. Maghilamos kalang at maghugas para hindi ka ma-late sa trabaho." nagulat s'ya sa maagang sermon sa kanya ng kanyang lola Sonia. Naabutan kasi siya nitong yakap-yakap ang kanyang dalawang tuhod habang nakatitig sa kawalan. "Lola naman, kumukuha la

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 38 - Nolan's scheme

    "C'mon, Adrian! Huwag kang masyadong paapekto riyan. Akala ko ba walang kayo! Bakit mukhang broken hearted ka!" natatawang biro ni Kyle sa kanya.Tinungga niya ang vodka sa kanyang baso. Dahil sa nangyari ngayong araw humantong siya sa bar at inaya ang kanyang tropa. "Ikaw ba ay naniniwala sa mga larawan?" tanong sa kanya ni Zedric. Napatingin siya rito. Naalala niya ang mga nakitang tagpo sa larawan. Ang paghawak ni Nolan sa kamay ni Luna at magkasabay silang naglakad patungo sa sasakyan ng lalaki. Pakiramdam niya umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo. "Of course! Sino ba naman ang hindi maniniwala roon? Malamang magkasama sila ngayon. And they are living happily ever after." napipilitan niyang sagot.Biglang tumawa si Kyle sa tinuran niya. "Yun naman pala eh! Bakit parang sinakloban ka ng langit at lupa riyan. Akala ko ba okay lang sayo na makipag-date siya sa iba." tumatawang sabi ni Kyle sa kanya. Palibhasa playboy kaya walang pakialam sa serious relationship. Hindi pa k

  • We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )   Chapter 37 - Your a big liar

    Nagtatakang nilapitan siya ng kanyang mga magulang. Napatingin siya sa kanyang ina nang hawakan nito ang kanyang braso. "What's wrong, son?" nag-aalalang tanong nito sa kanya. Hinarap niya ito. Nakita niya ang labis na pag-aalala sa mga mata nito, ang balak niya sanang sisihin ito sa lahat ay naudlot. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinisil ang pagitan nito. Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago muling nagsalita. "Bad news, mom." matipid niyang sagot. Tinapik siya sa balikat ng kanyang ama. "Are you okay, son? Parang may bumabagabag saiyo." "She left, dad. Maybe, I need to leave now. Baka sakaling maabutan ko pa siya. Bye, mom, dad!" dahan-dahan na siyang humakbang sa direksyon ng short cut na daan mula sa garden patungo sa malaking gate ng kanilang bahay. Naiwan sina Jenny at Dennis na walang imikan sa garden. --Balisa si Josie nang maabutan niya ito sa cubicle nito. Nagpalakad-lakad ito sa harap ng mesa. Agad niyang namataan ang papel sa mesa nito

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status