LOGIN“Handa na ba kayong pumunta sa bahay ni Ate Bernice ninyo?” tanong ni Jenesis sa tatlo niyang anak na kanina pa abala sa kani-kanilang kuwarto.“Ready na, Mommy!” masayang sigaw ni Rheana habang lumalabas ng kuwarto. Suot nito ang paborito nitong headband at may maliit na sling bag na nakasabit sa balikat.“Ready na rin kami ni Riven, Mom,” proud na sabi ni Rayan.Matatag namang tumango si Riven. “Hihintayin na lang natin si Daddy, right?”“Yes,” sagot ni Jenesis habang sinulyapan ang wall clock sa sala. “Darating na si Daddy any minute now.”“Nailagay na po ba ni Mommy yung pandan cake para kay Daddy?” tanong ni Riven para makasiguro.Napalingon si Jenesis at ngumiti nang malumanay.“Oo, anak. Na-send ko na rin kay Daddy yung video ninyo kanina. Yung naka-chef uniform kayo.”“Ha? Hindi pa namin nakikita yung video, Mommy!” reklamo ni Rayan.“Oo nga,” sabay na sabi ni Rheana.“Tonight na lang natin panoorin kasama si Daddy,” mahinahong sagot ni Jenesis. “I-play natin sa TV pa
“Papa... makakapasok na ulit sa school si Bernice, ’di ba? Katulad ng mga pinsan ko?” mahina ngunit puno ng pag-asang tanong ni Bernice habang nakatingin sa kanyang ama.Ngumiti si Duke at agad na hinila ang anak papunta sa kanyang mga bisig. Marahan niyang hinaplos ang tuktok ng ulo nito.“Of course, sweetheart.”“Miss na miss na ni Bernice ang school,” inosenteng pagpapatuloy ng bata. “Iyong naka-blue na uniform, tapos iba-ibang headband. Ihahatid ako nina Papa at Mama, gaya ng dati.”Lalong lumambot ang ngiti ni Duke, pero may bahid pa rin iyon ng lungkot. “Papa misses those moments too.”“Papa, huwag ka nang malungkot, ha,” sabi ni Bernice habang marahang hinahaplos ang dibdib ng kanyang ama gamit ang maliit na kamay. “Nagkita na naman tayo. Magkakasama na ulit tayo.”Napahinga nang malalim si Duke. “I’m still sad when I see that you’re not completely better yet. Your lips are still pale, and your face is still so weak.”Marahan niyang hinaplos ang pisngi ng anak. “Get bette
“Eat a little more, sweetheart. You need to eat properly so you can get better faster,” malumanay na sabi ni Duke habang sinusubuan ng mainit na lugaw ang kanyang anak.Marahang tumango si Bernice. Maputla pa rin ang mukha nito, pero mas malinaw at mas buhay na ang mga mata niya ngayon dahil nasa tabi niya ang kanyang ama.Hindi kalayuan sa kama, nakatayo si Iris habang tahimik na pinagmamasdan ang mag-ama. Mabigat ang pakiramdam niya sa bawat hakbang na gusto niyang gawin papalapit sa anak.May pumipigil sa kanya. May guilt. May hiya. At higit sa lahat, nahihiya siyang humarap kay Bernice matapos ang lahat ng nangyari.“Why are you just standing there?” tanong ni Duke nang hindi lumilingon.Napatingin din si Bernice sa kanyang ina. “Yeah, Mama. Come here. Sit with us po.”Bahagyang natigilan si Iris. Lalong sumakit ang dibdib niyang kanina pa mabigat.Malinaw pa rin sa kanyang alaala ang sinabi ni Bernice ilang araw na ang nakalipas. Tinawag siya ng sariling anak na masama.Ma
“What happened to Bernice?” agad na lumuhod si Raoul at binuhat ang maliit na katawan nito papunta sa kanyang mga bisig. Kita sa mukha niya ang matinding pag-aalala.Sa tabi niya, agad ding nataranta si Jenesis. Kahit hindi niya anak si Bernice, hindi niya maiwasang kabahan nang makita ang munting bata na nakahandusay at halos walang malay.Lumapit si Gracia na maputla ang mukha. “Siguro dahil ayaw niyang kumain nitong mga nakaraang araw. Halos hindi niya ginagalaw ang pagkain niya. Come on, let’s bring her inside. Be fast.”Tumango si Raoul at hindi na nagsalita pa. Agad niyang dinala si Bernice papasok ng bahay.Ilang hakbang pa lamang ang kanilang nagagawa nang lumitaw si Duke sa may pintuan papunta sa gilid na hardin.“What happened to Bernice, Kuya?” tanong niya, halos habol ang hininga.Hindi na hinintay ni Duke ang mahabang sagot. Agad niyang kinuha ang anak mula sa mga bisig ni Raoul at mahigpit itong niyakap, para bang natatakot siyang mawala na naman ito sa kanya.“The
Napatigil si Iris.Hindi siya makapagsalita habang nakatingin sa lalaking nakaluhod sa harap niya.“I’m not asking you to forget everything,” mahinang sabi ni Duke. “I’m only asking for one chance. Just one. Let me make things right.”Unti-unting tumulo ang mga luha niya sa marmol na sahig.“If I have to, I’ll leave everything from my past behind. Everything that caused you pain. I’ll get treatment again. I’ll see a doctor. Counseling. Anything you want.”Dahan-dahan siyang tumingala at tumingin sa asawa. Napakalungkot ng mga mata niya ngayon.“Please... huwag mong ilayo sa akin si Bernice.”Huminga nang malalim si Iris. Pero pinili pa rin niyang manahimik.“Think about our daughter, Ris,” mahina ngunit patuloy na pagsusumamo ni Duke. “What happens if we really separate? Lalaking may broken family si Bernice. Kahit mag-asawa ka ulit balang araw o hindi, mawawala pa rin sa kanya yung pagiging buo ng pamilya niya.”Hindi pa rin nagsalita si Iris.“I’m sure she wants to be like
“Yehey! Siguradong gagaling agad si Ate Bernice kapag kasama niya tayo!” masayang sigaw ni Rheana nang makita niyang napatawa na rin si Bernice kahit namumugto pa ang mga mata nito.Pinunasan ni Bernice ang basang pisngi niya.“Hindi naman ako may sakit, ah...”“Eh di sa puso ang sakit,” seryosong sabi ni Rayan habang nakahalukipkip, kunwari ay eksperto.Mabilis siyang tiningnan ni Riven.“Feeling expert ka naman.”Lumapit si Rayan kay Bernice at inilapit ang mukha nito.“Tama, di ba? Kapag katawan ang masakit, umiinom ng gamot. Kapag puso ang masakit, ice cream ang gamot. Nakita ko sa TV.”Napatawa nang mahina si Bernice.“O, di ba! Effective yung joke ko!” proud na itinuro ni Rayan si Bernice.Sumingit naman si Rheana.“Eh di bumili tayo ng maraming-maraming ice cream para totally gumaling na si Ate Bernice!”Napabuntong-hininga si Riven. Mas kalmado ang kilos at pananalita niya kumpara sa dalawang kapatid.“Hindi naman kailangan ng sobrang daming ice cream. Baka umubo p
Kakarating lang ni Raoul sa Rodriguez Grand Corporation, ang malaking kumpanyang pagmamay-ari ng kanyang pamilya na may operasyon sa loob at labas ng bansa.Matatag at may awtoridad ang bawat hakbang niya habang pumapasok sa engrandeng gusali na umaabot ng limampung palapag.Pagpasok pa lang ng ta
“Caizer…” mahina ang tawag ni Jenesis nang makapasok sila ng asawa niya sa kwarto matapos ang hapunan.Biglang humarap si Caizer, diretso ang tingin kay Jenesis, iyong tingin na malamig at matalim.Bahagyang umangat ang gilid ng labi ng lalaki, may halong panlalait. “Ang talino mo na ngayon ah. Al
“Ano ba ‘yan?!” matalim na sigaw ni Salome, sabay turo kay Jenesis na parang may nagawa itong malaking kasalanan, kahit na maingat naman nitong ginagawa ang paggupit ng kuko. “Hindi mo man lang maayos ang paggupit!”Biglang tumahimik ang buong sala. Tanging tibok ng puso ni Jenesis ang malakas sa l
“Caizer…” mahina ang boses ni Jenesis habang tumatayo mula sa pagkakaupo. Nanginginig ang kamay niya habang inaabot ang calling card. “Bakit kailangan pa nating pag-usapan ‘to ulit, Caizer?”Mas tumalim ang tingin ni Caizer. “Bakit?” malamig niyang sagot. “Akala mo ba nagbibiro lang ako kanina? Y







