LOGIN"Lalaki?" nagtatakang ulit ng midwife.Sandali siyang natigilan bago muling bumalik ang propesyonal niyang ngiti. Mahina siyang natawa."Hindi po, Ma'am. Baby girl po ang apo ninyo," kalmado niyang ulit.Hindi pa rin makapaniwala si Salome. Maingat niyang kinuha ang sanggol mula sa bisig ng midwife.Bahagyang nanginginig ang mga kamay niya habang niyayakap ang maliit na bata.Pagkatapos ay marahan siyang yumuko, gusto niyang makita mismo."A girl..."Mahina niyang bulong nang wala na siyang mahanap na dahilan para itanggi ang katotohanan. Hindi mapakali ang mga mata niya habang nililibot ang buong labor room.Parang umaasa siyang may isa pang umiiyak na sanggol.O baka may mali lang. Pero tahimik ang buong silid.Iisang sanggol lang. Iisang katotohanan.Lumapit si Duke."Please take care of my wife first," maikli niyang sabi sa nurse bago humarap sa kanyang ina."Ako na ang magkakarga sa baby, Ma."Maingat niyang kinuha ang sanggol mula kay Salome."Duke..."Mahina at b
Natigilan si Raoul.Humigpit ang panga niya habang ilang segundo siyang nakatitig lang sa harapan bago dahan-dahang ibinaling ang tingin kay Jenesis.Marahan niyang inabot ang malamig na kamay ng asawa at mahigpit iyong hinawakan."Listen to me." Mahina pero matatag ang boses niya. "The fact na hindi sila pumunta rito doesn't mean you don't deserve to be loved or respected."Yumuko si Jenesis. Muling nanginig ang mga balikat niya dahil sa pagpigil sa pag-iyak."That's on them." Mas bumaba ang boses ni Raoul. "Sila ang may problema. Hindi ikaw."Marahan niya itong hinila papalapit hanggang sa sumandal ang ulo ni Jenesis sa dibdib niya."Hindi nag-iisa si Lolo noong inilibing siya."Dahan-dahan niyang hinaplos ang likod ng asawa."Maraming taong nagdasal para sa kanya. Maraming taong totoong nagmamahal sa kanya."Saglit siyang tumigil."And most importantly..." Marahan niyang hinalikan ang noo ng asawa. "...nandiyan ka."Mas lalo pang humagulgol si Jenesis."Pero..." Halos h
"What...?" halos hindi marinig ang boses ni Jenesis.Nalaglag ang cellphone mula sa kamay niya at bumagsak sa sahig nang malakas.Nanigas ang buong katawan niya.Biglang namutla ang mukha niya habang nakatitig lang siya sa harapan, na para bang wala na talaga siyang nakikita."Jenesis?"Agad na napatayo si Raoul. Kumabog nang malakas ang dibdib niya."Love? What's wrong? Hey... talk to me."Pero walang sagot si Jenesis.Nanginginig ang mga labi niya. Hirap siyang huminga, hanggang sa unti-unting pumatak ang mga luha niya nang walang kahit isang salita.Agad na lumuhod si Raoul sa harap niya at mahigpit siyang niyakap."Hey... look at me," mahina pero puno ng pag-aalala ang boses niya. "Jenesis, listen to me."Tuluyang napasandal si Jenesis sa dibdib ni Raoul."Lolo..."Bigla siyang humagulgol."Wala na si Lolo, Kuya.""What...?"Halos hindi makapaniwala si Raoul.Tumango si Jenesis habang tuloy-tuloy ang pag-iyak."Oo, Kuya... wala na si Lolo."Putol-putol ang boses
"What do you really mean, Kuya?" mahinang sabi ni Duke habang halos pabulong lang ang boses para walang ibang makarinig. "This is the moment Jenesis has been waiting for for almost two years. She's been hoping for more than a year that Grandpa would finally wake up."Maikling tumango si Raoul nang walang bakas ng pagsisisi sa mukha. "I know. And because I know exactly how much this means to her, just do what I'm asking. It won't take that long.""It won't take that long?" Lalong kumunot ang noo ni Duke. "Until your children turn one year old? That's not a short time, Kuya. That means Grandpa Noah would've been in a coma for almost three years if you kept him from waking up."Natahimik si Raoul nang matagal habang humihigpit ang panga at pilit kinakalma ang sarili, na para bang may matinding laban na nangyayari sa isip. "If that's the case..." mababa na ang boses niya nang muling magsalita. "Then... at least until Jenesis gives birth."Mariing umiling si Duke. "No." Diretso siyang t
“Kapag mga four weeks na lang bago ang due date mo, isasama kita sa mall para bumili ng mga gamit ng babies natin,” sabi ni Raoul sa asawa niya nang umagang iyon habang tumatayo sandali at bumabalik bitbit ang isang wheelchair na matagal na niyang inihanda. “From now on, gamitin mo na lang ito kapag lalabas tayo. I know mabilis kang mapagod kapag masyadong marami kang nilalakad.”Agad na napangiti si Jenesis.“You really know what I need, Kuya.”“Of course,” natatawang sagot ni Raoul habang muling umuupo sa tabi niya. “I'm your husband. Kahit paunti-unti, kabisado na kita.”Napatingin siya sa tiyan ni Jenesis na halatang lumaki na sa ilalim ng maluwag nitong damit at marahang hinaplos iyon.“So... how are our twins doing in there? Are they still kicking hard?”“Oo naman, Kuya,” natatawang sagot ni Jenesis. “Minsan nga nagpapalitan sila. Yung isa active tuwing umaga, tapos yung isa naman mas makulit kapag gabi.”Napangiti nang maluwang si Raoul.“So they already have different p
“Kaya... wala kang ginawa?” tanong ni Salome sa bunso niyang anak na kararating lang bandang alas-diyes ng gabi. “Honestly, Mama thought you or someone else would stop Raoul and Jenesis's wedding.”Si Caizer, na kanina ay nakatayo lang sa may bungad ng living room, ay tuluyang naglakad papasok at umupo sa sofa sa tabi ng kanyang ina.“What for?” kaswal niyang sagot. “Nothing would change for me anyway. In the eyes of the law, the children Jenesis is carrying are still legally mine.”Mahinang napabuntong-hininga si Salome.“To be honest, Mama was hoping someone would stop their wedding. If I had done it myself... Raoul would've hated me even more.”“So what?” kampanteng sabi ni Caizer habang sumasandal sa sofa. “Just let Kuya Raoul be. You still have two other children, and they're still doing everything you want. If he doesn't want to obey you anymore... then let him.”“It's not that simple, Caizer,” mariing nagkuyom ng kamao si Salome sa ibabaw ng kanyang kandungan. “I want all
“Ngayong gabi, naka-set na yung meeting mo sa lalaking binigyan ko ng business card kahapon.”Ang sinabi ni Caizer kagabi ang dahilan kung bakit parang kumikirot ang sikmura ni Jenesis kinabukasan. Hindi na siya makakatakas ngayong gabi. Kailangan niyang makipagkita sa lalaking mambubuntis sa kanya
“Ano ba ‘yan?!” matalim na sigaw ni Salome, sabay turo kay Jenesis na parang may nagawa itong malaking kasalanan, kahit na maingat naman nitong ginagawa ang paggupit ng kuko. “Hindi mo man lang maayos ang paggupit!”Biglang tumahimik ang buong sala. Tanging tibok ng puso ni Jenesis ang malakas sa l
Kakarating lang ni Raoul sa Rodriguez Grand Corporation, ang malaking kumpanyang pagmamay-ari ng kanyang pamilya na may operasyon sa loob at labas ng bansa.Matatag at may awtoridad ang bawat hakbang niya habang pumapasok sa engrandeng gusali na umaabot ng limampung palapag.Pagpasok pa lang ng ta
“Caizer…” mahina ang tawag ni Jenesis nang makapasok sila ng asawa niya sa kwarto matapos ang hapunan.Biglang humarap si Caizer, diretso ang tingin kay Jenesis, iyong tingin na malamig at matalim.Bahagyang umangat ang gilid ng labi ng lalaki, may halong panlalait. “Ang talino mo na ngayon ah. Al







