Compartilhar

Chapter 04

Autor: Langit Parama
“Caizer…” mahina ang boses ni Jenesis habang tumatayo mula sa pagkakaupo. Nanginginig ang kamay niya habang inaabot ang calling card. “Bakit kailangan pa nating pag-usapan ‘to ulit, Caizer?”

Mas tumalim ang tingin ni Caizer.

“Bakit?” malamig niyang sagot. “Akala mo ba nagbibiro lang ako kanina? You think I’m just bluffing tungkol sa hospital bills ng lolo mo?”

Napayuko si Jenesis. Mahigpit niyang pinisil ang calling card hanggang halos malukot ito.

“Pero… Cai, hindi ko kaya,” basag ang boses niya, halos pabulong. “I can’t do something like that.”

Lumapit si Caizer. Mabagal ang hakbang pero may bigat, hanggang sa wala na halos distansya sa pagitan nila.

“Kailangan mong kayanin,” malamig niyang sabi. “Because you don’t have a choice.”

Tumingala si Jenesis, puno ng luha ang mga mata. “Caizer… please. Don’t force me like this. Kung tungkol sa hospital bills, ako na ang—”

“Stop.”

Isang salita lang, pero sapat para mapatahimik siya.

Matagal siyang tinitigan ni Caizer, matalim, parang tinatagos ang dibdib ni Jenesis na kanina pa mabigat ang pakiramdam.

“Gusto mong malaman kung bakit paulit-ulit ko ‘tong sinasabi?” mas mababa ang boses niya ngayon, pero mas malamig.

“Sa tingin mo, kasalanan kanino kung bakit lagi akong pinapahiya ni Mama sa harap nina Kuya Duke at Kuya Raoul?” dugtong niya.

Itinuro ni Caizer ang sarili niya, mabilis ang paghinga.

“Ako ang napapahiya, Jen. Ako ang lagi niyang kinukwestyon. Every time na nasa dining table tayo, ako lang ang pinupuna.”

Hindi malambot ang tono niya, mapait. Itinaas niya ulit ang kamay, itinuro si Jenesis. “Tapos wala ka pa gabi sa dinner? Sinadya mo ba ‘yon para lalo akong mapahiya?”

Dahan-dahang bumaba ang tingin niya, tumutok sa mukha ni Jenesis.

“Kaya huwag kang magreklamo. Just do what I said,” mariin niyang bulong. Itinulak niya nang bahagya ang daliri sa dibdib ni Jenesis.

“Magbuntis ka. That’s the only way para mabawi mo ang kahihiyan na dinadala ko dahil sa 'yo.”

Kinabukasan…

“Tama nga si Ate Yngrid… multifunction ka talaga,” natatawang sabi ni Iris habang pinapanood si Jenesis na nagpa-plantsa ng blazer niya.

“Hindi na kailangan ng maraming katulong. Ikaw lang sapat na. Lahat ng sulok ng bahay malinis,” dagdag niya. Mukhang papuri, pero halatang panlalait.

Sanay na si Jenesis. Hindi na siya sumagot. Nang matapos siya, pinatay niya ang plantsa at inayos ang kable.

“Tapos na po, Ate,” sabi niya, walang emosyon. Hindi man lang siya tumingin kay Iris.

“Oh, really? Tingnan ko nga.”

Kinuha ni Iris ang blazer at sinuri iyon na parang may hinahanap na mali. Ilang segundo lang, ngumisi siya.

“Ayan na nga. May gusot pa rin, Jenesis. Ayoko ng may mali. Ayusin mo naman kasi,” inis niyang sabi.

Ibinato niya ulit ang blazer sa mesa. Hindi gumalaw si Jenesis. Nakatingin lang, hindi lumalaban, hindi rin natatakot. Parang wala na siyang maramdaman.

Nainis si Iris sa reaksyon niya.

“Bakit ka nakatingin ng ganyan?” matalim niyang tanong.

Naka-cross ang mga braso niya, bahagyang yumuko palapit. “Ayaw mo ba gawin ‘to? Hindi ka ba willing magplantsa para sa akin?”

Binuka ni Jenesis ang bibig niya para magsalita, pero,

“Iris!”

Naputol ang tensyon sa biglang tawag ni Duke mula sa may pinto. “Bilisan mo, malelate na ako!”

Napalingon si Jenesis, at nakita niya ang malamig na tingin ni Duke sa kanya, saglit lang, pero sapat para lalo siyang yumuko.

“Coming!” sagot ni Iris, halatang iritado. Pero ang galit niya, kay Jenesis pa rin nakatuon.

Kinuha niya ang blazer na lalo pang nagusot, saka ngumisi nang malamig.

“Mag-iingat ka, Jen.”

Umalis siya, iniwan ang banta sa hangin.

Nanatiling nakayuko si Jenesis hanggang sa tuluyan nang mawala ang mga yabag ni Iris. Saka lang siya gumalaw para ipagpatuloy ang trabaho niya.

Maaga pa, pero napakarami na niyang kailangang gawin.

Kailangan niyang tulungan ang biyenan niya, lalo na sa pag-inom ng gamot bago mag-almusal.

KNOCK! KNOCK!

Maingat siyang kumatok sa pinto ng kwarto ni Salome, hawak ang tray na may gamot at isang baso ng maligamgam na tubig.

“Pasok,” matigas na sagot mula sa loob.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Nakaupo na si Salome sa harap ng salamin, maayos na ang ayos.

“Ma, gamot po muna,” malumanay na sabi ni Jenesis habang inilalapag ang tray sa side table.

Lumingon si Salome, malamig ang tingin mula ulo hanggang paa ni Jenesis. Inabot ni Jenesis ang baso at gamot.

“Saan ka kagabi?” tanong ni Salome, mababa pero may laman. “Bakit wala ka sa dining table?”

Nanuyo ang lalamunan ni Jenesis. Naalala niya ang galit ni Caizer kagabi.

“Pasensya na po, Ma. Medyo masama pakiramdam ko kagabi, kaya hindi na ako nakasabay mag-dinner.”

Hindi na siya nagdagdag pa. Alam niyang walang saysay.

Ininom ni Salome ang gamot at ibinalik ang baso nang hindi tumitingin. Agad itong kinuha ni Jenesis at inilagay sa tray. Hindi pa siya umaalis.

Tumayo siya sa likod ni Salome at dahan-dahang inayos ang buhok nito, ginawa itong maayos na bun.

“Tapos na po, Ma,” mahina niyang sabi.

Aalis na sana siya, pero…

“Kunin mo ang tungkod ko.”

Agad siyang sumunod, inabot ang tungkod, saka inalalayan ang biyenan palabas ng kwarto papunta sa dining area.

Sa kaliwang side siya naglakad, isang kamay may hawak na tray, ang isa nakaalalay kay Salome. Pero bago pa sila makarating sa mesa, bigla siyang tinabig ni Salome.

“Huwag mo akong hawakan. Baka itulak mo pa ako,” malamig nitong sabi, sapat ang lakas para marinig ng lahat. Napatingin ang lahat kay Jenesis.

Napatigil siya. Namutla ang mukha.

“Pasensya na po, Ma,” mahina niyang sabi bago hinila ang upuan para sa biyenan.

Pagkatapos ng almusal, nag-alisan na ang lahat. Si Jenesis na lang ang naiwan. Isang babaeng tinatawag na maybahay… pero siya ang gumagawa ng lahat.

Isinukbit niya ang manggas at sinimulan ang paghuhugas ng pinggan. Matapos ang lahat ng gawain sa kusina, paakyat na sana siya sa kwarto nang maalala niya…

Biyernes.

Araw kung kailan siya ang naggugupit ng kuko ni Salome. Huminga siya nang malalim, pinatatag ang sarili. Kinuha niya ang nail cutter at nagtungo sa sala.

Nandoon si Salome, nakaupo sa single sofa, nagbabasa ng magazine. Katabi nito si Yngrid, may kargang sanggol, habang si Gianna ay naglalaro sa carpet.

“Mama, nail cutting po ngayong araw,” mahina niyang sabi habang lumalapit.

Sumulyap lang si Salome, pero iniabot ang kamay. Umupo si Jenesis sa sahig at dahan-dahang sinimulan ang paggupit ng kuko.

May narinig silang yabag ng sapatos. Dumating si Raoul.

“Papa!” masayang sigaw ni Gianna.

Tinaasan lang ito ng kilay ni Raoul, saka umupo sa tabi ni Yngrid.

Napatingin si Raoul sa anak, saka kay Jenesis, na nakaupo sa sahig habang inaasikaso ang kamay ng ina niya.

CLICK!

“Ahh!”

Napasinghap si Salome. Sa gulat, naitulak niya ang noo ni Jenesis. Napatumba naman si Jenesis paatras, napaupo sa sahig, nanlalaki ang mga mata.

Nahulog ang nail cutter mula sa kamay niya.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Web of Lies: Drowning from my Brother-in-law's Touch   Chapter 510

    Kinaumagahan, nagising si Raoul na mabigat pa rin ang kanyang ulo. Hindi pa tuluyang nawawala ang bahagyang pagkirot sa kanyang sentido.Nakakabit pa rin sa ilong niya ang maliit na oxygen tube, at ang dati nilang marangyang kuwarto ay halos magmukhang isang emergency medical room dahil sa mga kagamitang nakapaligid sa kanya.May naramdaman siyang bigat sa kanyang tagiliran.Marahan siyang napalingon.Nakahiga sa tabi niya si Jenesis. Nakayakap ang maliit nitong braso sa katawan niya habang mahimbing na natutulog. Regular ang paghinga nito, pero halatang pagod ang mukha.Dahan-dahang itinaas ni Raoul ang kanyang kamay. Maingat niyang inalis ang nasal cannula sa kanyang ilong.Ilang segundo siyang napatingin sa mukha ng kanyang asawa. Tahimik ito habang natutulog.Payapa.Pero bakas pa rin ang pagod sa mukha nito.KNOCK KNOCK KNOCK! Napalingon si Raoul sa pinto nang marinig ang katok. Kasabay nito, bahagyang kumurap si Jenesis at unti-unting nagising.“Daddy… Mommy!”Narini

  • Web of Lies: Drowning from my Brother-in-law's Touch   Chapter 509

    Pagkatapos ng dinner, naglinis muna si Jenesis sa banyo. Naghilamos siya, nagsipilyo, at pagkatapos ay naghanda ng maligamgam na tubig para maligo si Raoul.Nasa family room pa ang lalaki kasama ang tatlo nilang anak. Paminsan-minsan ay naririnig ni Jenesis ang mahina nitong pagtawa, na para bang gusto nitong ipakita sa lahat na talagang maayos na siya. Na para bang wala nang dapat ipag-alala.Bumalik si Jenesis sa kanilang kuwarto at umupo sa harap ng vanity table.“At least… hindi siya nagalit kanina. Hindi rin niya tinanggihan nung pinaghanda ko siya ng pagkain,” mahina niyang bulong habang tinitingnan ang sarili sa salamin. “Kahit… malamig pa rin siya sa akin.”Sa harap niya ay nakahilera ang mga bote ng skincare na ilang araw niyang hindi nagamit.Ngayong gabi, sinubukan niyang bumalik sa dati niyang routine. Isang bagay na dati ay normal lang para sa kanya, pero ngayon ay parang hindi na pamilyar.CLICK!Bumukas ang pinto ng wardrobe. Pumasok si Raoul.Kalmado ang mga hak

  • Web of Lies: Drowning from my Brother-in-law's Touch   Chapter 508

    “Mommy, bakit hindi pumunta si Sir Brian para magturo?” tanong ni Rheana nang hapong iyon, bahagyang kumunot ang noo niya sa pagtataka. “Lagpas kalahating oras na. Pinag-leave mo ba si Sir Brian, Mommy?”Kaklabas lang ni Jenesis mula sa banyo at sandali siyang natigilan. Nakatayo pa rin siya habang pinupunasan ang basang buhok gamit ang tuwalya.Huminto ang kamay niya. Muling bumalik sa isip niya ang sinabi ni Raoul bago ang aksidente.Malinaw. Diretso. Walang puwang para sa pagtutol.Hindi na kailangang magturo ni Brian.Dahan-dahang huminga si Jenesis bago ibinaba ang tuwalya mula sa kanyang buhok.“Si Sir Brian… nag-resign na, anak,” sa wakas ay sagot niya, pilit na pinapakalma ang boses. “May iba siyang kailangang asikasuhin. Kaya for now, hindi na muna siya makakapagturo.”Agad na umiling si Rheana. Sumimangot pa siya nang bahagya.“Si Sir Brian ang gusto ni Rheana. Mas masaya siyang magturo, tapos mabait pa siya.”Bahagyang ngumiti si Jenesis, kahit hindi maganda ang pak

  • Web of Lies: Drowning from my Brother-in-law's Touch   Chapter 507

    Napatingin si Jenesis sa bag na nasa tabi niya. Naroon ang mga damit na pamalit para sa tatlo niyang anak, na una niyang inihanda para magamit nila sa ospital.Ngayon, parang wala na ring silbi ang lahat ng iyon. Nawala ang plano niya simula nang magdesisyon si Raoul na umuwi at bumalik agad sa trabaho.Ngayon, tahimik na nakaupo si Jenesis sa loob ng sasakyan na nakaparada sa harap ng Light Elementary School.Hinihintay niya ang mga anak niyang uwian, habang hindi niya alam kung ano ba talaga ang dapat niyang maramdaman.Hindi nagtagal, lumitaw mula sa school gate ang tatlong pamilyar na maliliit na pigura.Sina Riven, Rayan, at Rheana.Magkakasabay silang naglalakad kasama si Bernice, habang magkakahawak ang kanilang mga kamay.“Nandiyan na si Mommy! Sinundo na tayo!” masayang sigaw ni Rheana.Agad nitong binitiwan ang kamay ni Bernice.“Kuya, mauuna na ako, ha!”“Oo,” sagot ni Bernice habang nakangiti.Mabilis na tumakbo nang kaunti ang tatlong bata papunta sa sasakyan at

  • Web of Lies: Drowning from my Brother-in-law's Touch   Chapter 506

    Tumama kay Jenesis nang walang awa ang mga salitang iyon. Natahimik siya.Tuluyan siyang natahimik.Bahagyang nakabuka ang kanyang labi, na para bang may gusto siyang isagot, pero walang kahit isang salita ang lumabas mula sa kanyang bibig.Nakatitig lamang siya kay Raoul.Ang taong dati niyang madaling kausapin, ang taong lagi niyang nakakausap nang maayos, ngayon ay parang napakalayo.Wala na ang lambing na nakasanayan niya.Ang natitira na lamang ay malamig na pakikitungo na ngayon ay tila isang bagay na hindi niya kilala.Wala nang sinabi si Raoul. Saglit lamang siyang tumingin kay Jenesis bago tumalikod.Matatag ang mga hakbang niya, na para bang wala na siyang kailangang ipaliwanag pa.Si Argus, na kanina pa tahimik na nakatayo sa gilid, ay agad na sumunod sa kanyang likuran nang hindi man lang naglakas-loob na lumingon.Bumukas ang pinto at pagkatapos ay muling sumara. Naiwan si Jenesis na mag-isa.Napakatahimik ng silid.Sobrang tahimik na pati ang tibok ng sarili n

  • Web of Lies: Drowning from my Brother-in-law's Touch   Chapter 505

    “Starting today, papasok na ulit kayo sa school, ha,” malumanay na sabi ni Jenesis sa tatlo niyang anak. “Halos isang linggo na kayong walang pasok. Kaya pagkatapos ng breakfast, mag-ready na kayo. Mommy na ang maghahatid.”Nagkatinginan ang tatlo bago sabay-sabay na tumango.“Okay, Mom.”“Pero pagkatapos ng school, pupunta tayo ulit sa hospital, ha, Mom? Gusto kong makita si Daddy,” sabi ni Rheana bago tumayo mula sa kanyang upuan.Napangiti nang kaunti si Jenesis.“Oo, anak.”“Diretso na lang tayo galing school, ha? Huwag na tayong umuwi,” excited na dagdag ni Rheana. “Magdala na lang tayo ng extra clothes para mas mabilis.”“Oo, anak,” mahinahong sagot ni Jenesis.Sumingit din si Rayan.“Mommy, pagkatapos mo kaming ihatid, pumunta ka agad sa hospital, okay? Samahan mo si Daddy. Kawawa naman si Daddy kung mag-isa siya.”Dahan-dahang tumango si Jenesis.“Oo, anak.”Uminit ang puso niya sa narinig, pero kasabay nito ay muling sumikip ang dibdib niya.“Kung ganoon, lahat ng

  • Web of Lies: Drowning from my Brother-in-law's Touch   Chapter 09

    “Raoul…?” kakalabas lang ni Yngrid mula sa banyo matapos gumamit ng CR nang mapansin niyang walang laman ang kama.Agad siyang napasimangot. Tumingin siya sa paligid, gusot ang kumot, pero wala ang asawa niya.“Sigurado nasa study room na naman,” bulong niya, naka-pout pa. “Ba’t hindi na lang siya

  • Web of Lies: Drowning from my Brother-in-law's Touch   Chapter 08

    “Ngayong gabi, naka-set na yung meeting mo sa lalaking binigyan ko ng business card kahapon.”Ang sinabi ni Caizer kagabi ang dahilan kung bakit parang kumikirot ang sikmura ni Jenesis kinabukasan. Hindi na siya makakatakas ngayong gabi. Kailangan niyang makipagkita sa lalaking mambubuntis sa kanya

  • Web of Lies: Drowning from my Brother-in-law's Touch   Chapter 07

    Kakarating lang ni Raoul sa Rodriguez Grand Corporation, ang malaking kumpanyang pagmamay-ari ng kanyang pamilya na may operasyon sa loob at labas ng bansa.Matatag at may awtoridad ang bawat hakbang niya habang pumapasok sa engrandeng gusali na umaabot ng limampung palapag.Pagpasok pa lang ng ta

  • Web of Lies: Drowning from my Brother-in-law's Touch   Chapter 06

    “Caizer…” mahina ang tawag ni Jenesis nang makapasok sila ng asawa niya sa kwarto matapos ang hapunan.Biglang humarap si Caizer, diretso ang tingin kay Jenesis, iyong tingin na malamig at matalim.Bahagyang umangat ang gilid ng labi ng lalaki, may halong panlalait. “Ang talino mo na ngayon ah. Al

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status