Masuk“Kuya…?” Hindi makapaniwalang tinitigan ni Duke ang kanyang kuya. “Bakit naging ganito?”Agad na sumingit si Jenesis. Mahina ang boses niya pero halatang nagmamadali.“Mahaba ang kuwento, Kuya. Ikuwento na lang namin sa bahay.”Tumango si Duke. “Okay. Naghihintay na ang sasakyan niyo sa labas.”“Gusto ni Rheana sumama kina Daddy at Mommy, Tito,” mahina ngunit determinado niyang sabi.Lumapit siya kay Raoul at maingat na hinawakan ang braso nito, na para bang natatakot siyang masaktan ang kanyang ama.Saglit siyang tinitigan ni Duke bago bahagyang ngumiti.“Okay. Susunod kami ni Bernice sa likod, all right?”Pagkatapos, nauna na siyang maglakad habang hawak ang kamay ni Bernice papunta sa sasakyan.Samantala, pinili nina Riven at Rayan na manatili sa tabi ng kanilang mga magulang.Walang nagsasalita.Tanging mababagal nilang mga hakbang at mga tinging puno ng tanong ang namamagitan sa kanila.Pagdating sa sasakyan, agad na tumulong ang driver at si Argus kay Raoul para makal
Maingat na inayos ni Jenesis ang kumot na tumatakip sa katawan ng kanyang asawa. Gabi na noon, at mahimbing nang natutulog si Raoul matapos uminom ng gamot.Dahan-dahan siyang umakyat sa kama at humiga sa kaliwang bahagi ni Raoul. Ipinulupot niya ang mga braso sa baywang ng lalaki at mahigpit siyang niyakap, na para bang natatakot siyang mawala na naman ito sa kanya.“Gumaling ka agad, Kuya… sana sa makalawa, makauwi na tayo,” mahina niyang bulong.Lumipas ang ilang segundo. Ang mga mata ni Raoul na kanina ay nakapikit ay dahan-dahang bumukas. Diretso ang tingin niya sa kisame ng tahimik na VIP room.“I’m disabled now…” mahina niyang sambit.Mabigat ang boses niya, halos walang buhay. Napapitlag si Jenesis at agad na itinaas ang ulo para tingnan ang asawa.“Hindi ka pa natutulog, Kuya?”Saglit na nilingon ni Raoul si Jenesis. “I can’t walk. You know that.”Malamig ang boses niya at ramdam ang bigat sa bawat salita.Hindi lumayo si Jenesis. Sa halip, mas hinigpitan pa niya ang
“Kanina, bago pumasok sina Kuya Riven at Kuya Rayan, nakausap ni Rheana si Mommy sa phone,” mahina nitong kuwento habang nakaupo sa kama at yakap-yakap ang paborito niyang stuffed toy.Kakauwi lang nina Riven at Rayan mula sa school. Nagkatinginan muna sila bago lumapit sa kapatid.“Kamusta naman si Mommy doon? Nakita na ba niya si Daddy?” agad na tanong ni Rayan, sabay upo sa tabi ni Rheana.Biglang nalungkot ang mukha ng bata.“May sakit si Daddy… katulad ni Rheana,” mahina niyang sabi.“May sakit ulit?” Nanlaki ang mga mata ni Rayan.Agad namang tumingin si Riven sa kapatid. Pinilit niyang manatiling kalmado kahit nag-aalala rin siya.“May sakit na talaga si Daddy bago siya pumunta doon. Baka lumala lang dahil napagod siya. Huwag mo na munang isipin nang sobra, okay? Ang importante, ipagdasal natin siya.”“Amen,” sabay na sagot nina Rayan at Rheana.Saglit na tumango si Riven bago muling nagtanong, mas malumanay na ngayon ang boses.“May iba ka pa bang sinabi kay Mommy?”
“May sakit si Rheana?” Agad na tumayo si Jenesis mula sa pagkakaupo. Biglang nagbago ang tono ng boses niya at napuno ng pag-aalala. “Ano’ng sakit mo, anak? Kaya hindi ka pumasok sa school today, hm?”Walang sagot si Rheana. Bahagyang ibinaba ni Jenesis ang cellphone at nakita niyang inililipat ni Iris ang tawag sa video call.Walang pag-aalinlangan niya iyong tinanggap. Bumukas ang screen at lumitaw ang loob ng kwartong kinaroroonan ni Rheana.“Rheana…?” mahinang tawag ni Jenesis.Makalipas ang ilang segundo, gumalaw ang camera at tumapat sa maliit na mukha ng kanyang anak.Maputla. Mahina. At sa isang iglap, parang may pumisil sa dibdib ni Jenesis nang makita ang kalagayan nito.“Mommy… may sakit ako,” malungkot na reklamo ni Rheana. Nakapout ang labi niya at paos ang boses.“Anak…” lumambot ang boses ni Jenesis. Namumuo na ang luha sa kanyang mga mata. “Anong sakit mo?”“Nilalagnat ako…” mahina niyang sagot habang hinahawakan ang sarili niyang noo.Halos tumulo ang luha ni
Tinitigan ni Jenesis ang doktor na katatapos lamang magsuri sa kanyang asawa. Pagkatapos, lumipat ang tingin niya kay Argus, puno ng pag-asa pero halatang kinakabahan.“Kailan magigising ang asawa ko, Argus? At ito… epekto ba ito ng operation?” mahinang tanong niya, halos nanginginig ang boses.Maikling tumango si Argus bago iparating sa doktor ang tanong ni Jenesis.Makalipas ang ilang segundo, muling humarap si Argus sa kanya.“Sabi ng doctor… hindi ordinaryong coma ang kondisyon niya, Ma’am. Sadyang pinapanatili siyang walang malay para makatulong sa recovery ng brain niya at maging stable muna ang kondisyon.”Natigilan si Jenesis.Pero bago pa man makapagtanong ulit si Argus, muling nagsalita ang doktor. Mas mahaba ang paliwanag nito sa pagkakataong iyon.Tahimik na nakinig si Argus bago dahan-dahang huminga.“Sabi rin ng doctor, may possibility pa rin ng complications.”Biglang napigil ang paghinga ni Jenesis.“Ano…?” mahina niyang tanong.Saglit na nag-alinlangan si Ar
“Kailan pa na-admit sa hospital ang asawa ko, Argus?” Matatag ang boses ni Jenesis, pero hindi niya maitago ang panginginig nito. “Matagal na ba? At bakit umabot sa ganitong kondisyon?”Diretso at matalim ang tingin niya kay Argus.“Pinilit ba niya masyado ang sarili niya? Nagtrabaho nang nagtrabaho kahit hindi pa okay ang katawan niya? Nagpuyat? Hindi kumakain nang maayos?” sunod-sunod niyang tanong.Si Argus, na nakaupo sa harap niya, ay nakayuko lamang. Magkahawak nang mahigpit ang dalawang kamay nito, halatang may bagay na hirap sabihin.“I’m sorry, Ma’am…” mahina nitong sabi.“Huwag kang humingi ng sorry,” mabilis na putol ni Jenesis. Bumaba ang tono ng boses niya, pero mas lalo itong naging seryoso. “Just answer me honestly.”Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila. Huminga nang malalim si Argus bago dahan-dahang naglabas ng hangin.“Actually… walang business matters si Sir Raoul dito sa United States, Ma’am.”Parang basta na lamang bumagsak ang mga salitang iyon.
“Caizer…” mahina ang boses ni Jenesis habang tumatayo mula sa pagkakaupo. Nanginginig ang kamay niya habang inaabot ang calling card. “Bakit kailangan pa nating pag-usapan ‘to ulit, Caizer?”Mas tumalim ang tingin ni Caizer. “Bakit?” malamig niyang sagot. “Akala mo ba nagbibiro lang ako kanina? Y
“Hindi mo kailangang sundin palagi ang sinasabi ng iba.”Dahan-dahang itinaas ni Jenesis ang ulo niya at tumingin sa mga mata ni Raoul. Bahagya siyang nagulat, dahil ngayon lang siya nakarinig ng salita mula rito na parang kakampi niya.Pero bago pa niya maintindihan ang ibig sabihin noon, lumapit
Matapos ang almusal na nagtapos sa mabigat at tensyonadong atmosphere, lumipat si Jenesis sa kusina para hugasan ang pinagkainan ng buong pamilya.Mariin niyang pinipisil ang sponge laban sa plato, halos sobra na ang diin, parang gusto niyang kuskusin hindi lang ang dumi, kundi pati ang mga salitan
“Maghanap ka ng ibang lalaki para mabuntis ka, Jen.”Ang sinabi ni Caizer nang umagang iyon ay parang malakas na hampas sa dibdib ni Jenesis. Nanlaki ang mga mata ng dalagang asawa, hindi makapaniwala sa narinig.Paano nagawa ng sarili niyang asawa na sabihin iyon nang ganun lang kadali? Na para b







