Share

Chapter 10: Talk

Habang nagdri-drive si Enrico hindi ko mapiligan na tignan siya. I want to know kung ano ang pinag-usapan nila. Hindi kasi sinabi sa akin ni Enrico kung ano napag-usapan nila kanina.

"Anong oras kita susunduin, baby ko?" Malambing niyang tanong sa akin.

"Tawagan kita kapag out ko na." Nakangiting sagot ko sa kanya.

"Sinabi ko kanina sa kanya na ako ang boyfriend mo." Nagulat ako sa sinabi niya pero okay na rin para maiwasan ko si Roi.

Tumango na lang agad ako.

"Hindi ko na napigilan kanina na sabihin sa kanya." Dagdag na sabi niya.

"Walang problema, baby. Okay lang na nasabi mo para maiwasan niya ako o maiwasan ko siya." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Bigla niyang hinawakan ang kamay at agad namang bumilis ang pintig ng puso ko!

Pagtingin ko sa bintana ay nandito na pala kami sa harap.

"Mag text ka agad para masundo kita." Tumango agad ako.

"I love you, baby ko!" then I kissed him on his lips.

"I love you too." Nakangiting sabi niya.

Bumaba na ako at iniwan ko siyang tulala sa loob
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status