Share

[17] The Desperate

Nilagpasan na lang ni Leaf si Hazel at hinanap na ang silid-aralan niya.

Alam na niyang hindi na niya kaklase si Elm dahil naging labo-labo ang paglalagay ng eskwelahan ng estudyante sa bawat seksyon. Paulit-ulit niya pang tiningnan noon ang listahan na ibinigay sa kanila ng eskwelahan nila. Mabuti na lang at kaklase pa rin niya si Clover.

“Mabuti na lang at nakita na kita,” ani Leaf nang makitang nakatayo si Clover sa pasilyo at nakikinig ng tugtog mula sa pang-ulong hatinig na nakasalpak sa tenga niya.

Pinatay na ni Clover ang tugtog at tinanggal ang pang-ulong hatinig na suot niya. “Bakit? Anong nangyari?”

“Nasalubong ko si Hazel. Hindi talaga maganda pakiramdam ko sa pagbabalik ng babaeng ‘yun sa eskwelahan na ‘to.” Lumingon pa siya pero wala na si Hazel sa kung saan niya ito nakasalubong kanina.

“Nako. Kaya ikaw, bantayan mo ‘yang si Elm. May mga desperada talaga na gagawin ang lahat maiputan ka lang sa ulo. Bantayan mo kung anong sa’yo. At saka kung mahal ka naman talaga ni Elm
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status