Share

[8] Truth or Lie

Nasa sala na sila ng bahay nina Elm nang tingnan ni Leaf ang oras.

“Kailangan ko na umuwi. Mag-aalas siyete na pala. Panigurado, luto na ‘yung dinner sa bahay. Gusto mo bang sumama?”

“Hindi na.” Nag-uunat si Elm na tumayo sa sopa. Pinantayan niya ang nakatayong si Leaf. “Nakakahiya kung araw-araw. Hatid na lang kita?”

“Huwag na. Maggagabi na. Baka may loko-loko pa dyan sa labas at patulan mo. Magta-traysikel na lang ako. Kailangan ko na rin kasi mabilis na makauwi.”

Nakanguso siyang tumango-tango. “Sige, bukas punta ako sa inyo. Pero may kondisyon. Dapat maglalakad tayo. Masarap kaya maglakad. Exercise.”

“Atleta ka nga talaga. Sige lang. Wala namang problema sa ‘kin. Gusto ko rin kayang naglalakad.”

“Sige. Hatid na kita sa labas.”

Binuhat na ni Elm ang bag ni Leaf at lumabas na sila sa may eskinita. Inantay niyang makasakay si Leaf bago siya bumalik ng bahay nila.

🍀🍀🍀

Lumipas ang mga araw. Ganoon na halos ang naging nakagawian ni Leaf tuwing may klase. Papasok sa eskwelahan, magkwek
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status