“Isa pang Mr. Reyes. Unang araw ng klase, late ka,” saad ni Mr. Macato.
“Sorry, Sir. Galing praktis.” Kaswal lang siyang pumasok sa loob at naupo sa bandang likod.
“Sa susunod na ma-late ka pa ulit, tingnan mo, hahalikan talaga kita. Charot lang.” Napa-palakpak pa siya ng kamay habang humahalkhak. “Okay, salamat, Leaf. Pwede ka nang bumalik sa sinapupunan ng iyong upuan.”
Napatingin si Leaf kay Elm na sa likod na hilera ng upuan nila naupo bago niya muling ukupahan ang upuan niya.
Umurong siya konti para maabot ang tenga ni Clover nang sandaling muli niya itong matabihan. “Kaklase natin siya.”
“Oo. Nagulat nga rin ako. Hindi ko rin alam,” bulong ni Clover pabalik. “Saya ka diyan?”
“Hindi ‘nu.”
“Sus. Kunwari ka pa.” Tinusok niya ang tagiliran ni Leaf kaya napatili siya sabay bungisngis ni Clover.
“Baliw ka talaga.” Yumuko na lang si Leaf dahil napatingin ang ilan nilang mga kaklase sa kaniya nang marinig ang matinis niyang tili.
“Okay. Magsimula na tayo. Graded recitation agad. Ano para sa inyo ang kahulugan ng komunikasyon?” saad ni Mr. Macato. Nanahimik na silang dalawa at nakinig na lang sa guro na nasa harap nila.
🍀🍀🍀
Sabay na lumabas ng silid-aralan sina Leaf at Clover nang dumating ang lunch break. Puno ang karinderya ng eskwelahan at bawal silang lumabas kaya bumili na lang sila ng pagkain doon at naupo sa mga gawa sa batong upuan na mayroon nang mesa sa labas niyon. Nakita ni Leaf na dumaan si Elm kasama si Birch at ilan pa sa mga kasamahan niya sa basketbol.
“Ba’t bigla kang namula?” tanong ni Clover. Tumingin-tingin siya sa kung saan nakatingin si Leaf at nakita rin niya si Elm na naglalakad. “Kaya naman pala. Pero ito sa totoo lang, Leaf. Kaibigan na kita ngayon kaya sasabihin ko na ito. Payo ko lang, huwag na si Elm. Maraming lalaki diyan na pwede mong magustuhan pero I swear, huwag na siya.”
Tumigil sandali si Leaf sa pagkain. “Bakit naman? Ano bang problema sa kaniya? May past ba kayo?”
“Well, paasa siya. ‘Yun lang masasabi ko.” Nagpatuloy sa pagkain si Clover matapos niyang umirap at sabihin iyon.
“Pinaasa ka niya?” Hindi umimik si Clover. “Ah, sinisiraan mo siya.”
“Excuse me? Hindi ko siya sinisiraan.” Pinandilatan ni Clover ng mata si Leaf. “Totoo ang sinasabi ko. Kapag nalaman niyang gusto mo siya, papaibigin ka niya. Pagkatapos, kapag na-fall ka na, makikipag-landian na siya sa iba. Hindi siya worth it. Paglalaruan niya lang ang feelings mo unless ‘yun talaga ang gusto mo.”
Sandaling nag-isip si Leaf. “Okay lang. Basta maging kami.”
“Bahala ka sa buhay mo. Basta binalaan na kita.” Nagpatuloy na lang si Clover sa pagkain.
“Malay mo naman. Ako na pala ang makakapagpabago ng buhay niya.”
“Asa ka pa. Wala nang pag-asa iyong lalaki na iyon.”
Ilang sandali pa, natapos rin silang kumain. Nagpaalam si Leaf na magbabanyo.
Papasok siya ng banyo nang makita niya si Elm na nasa loob at nag-aayos ng buhok sa harap ng salamin. Naghugas na lang muna si Leaf ng kamay dahil inaantay niyang umalis ang kaklase bago siya umihi.
“Uy, Classmate.” Tinapik siya sa balikat ni Elm. Napatingin naman si Leaf sa balikat niya kung saan ipinatong ni Elm ang kamay niya.
“Leaf nga pala,” aniya. Inabot niya ang kamay niya para makipagkamay sa binatilyo at para narin maka-tsansing.
Makikipag-kamay na sana si Elm sa kaniya nang bigla nitong sabihing, “Asa. Asa ka.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Leaf. Tumingin siya ng masama kay Elm.
“E’di wag kung ayaw mo.” Nagpunas na lang ng kamay si Leaf sa panyo niya.
“Akala mo ba ‘di ko alam?” ani Elm. Nakatingin sila sa isa’t-isa sa salamin.
Bahagya niyang nilingon si Elm. “Alam na alin?”
Hinarap na ni Elm si Leaf. “Na pinapanood mo ko sa gym kanina habang naglalaro ako.”
“Huh? Ano naman? Gusto kong mag-basketbol. Bawal ba?” nauutal na sagot ni Leaf.
“Talaga ba?”
“Oo.” Napaatras si Leaf ng isang hakbang.
“At gusto mong maniwala ako?” Humakbang naman ng isa si Elm paabante sa kaniya.
“E ‘di huwag kang maniwala kung ayaw mo.”
Umatras muli siya. Bawat atras niya ay siya ring hakbang ni Elm paabante sa kaniya.
“Talaga lang. Kaya pala nakatitig ka sa kili-kili ko noong tinaas ko. Napa-lipbite ka pa nga, ‘di ba?” Nilapit niya ang mukha niya kay Leaf at itinaas ang parehong kilay niya bilang pang-aasar niya. “Nasarapan yarn?”
“Hindi totoo yan. Banlag ka lang.” Napalingon si Leaf sa likod niya. Malapit na siya sa pinto. Bigla siyang sumigaw habang nagtatatakbo palabas ng banyo. “Hindi ko tinitingnan kili-kiling mong walang buhok!”
Hinabol siya ni Elm. “Hoy! Bumalik ka rito.”
Dalawang babae sa magkabilang gilid ng pasilyo ang nagtatago nang lagpasan sila ni Leaf. Itinaas nila ang transparent na lubid nang si Elm na ang lalagpas sa kanila. Natabig ito ng paa ni Elm at sinubukan niyang balansihin ang sarili. Hindi niya kinaya kaya nabagsakan niya ang isang paa niya bago siya tuluyang bumagsak sa sahig.
“Aray,” buong lakas niyang sigaw. Napalingon si Leaf at nakita niya na lang si Elm na nakadapa na sa sahig. Nagbubungisngisan ang dalawang babae na nagmadaling umalis.
“Nakaganti rin tayo sa wakas.”
“Oo nga.” Ang sabi pa nila.
Sumisigaw pa rin si Elm dahil sa sakit. Nag-aalangan pa si Leaf na tulungan siya at nakatitig lang sa umiindang binata.
“Kasalanan mo to!” Nakatingin siya diretso kay Leaf at kita ang panggigigil niya sa diin ng pagsara niya sa mga ngipin niya.
Wala nang nagawa si Leaf kundi lapitan siya. “Ano bang nangyari sa’yo? Hindi ako ang may gawa niyan.”
“Kasalanan mo ‘to kasi tumakbo ka!” Hinihimas-himas niya ang paa niya at umaasa na maiibsan niyon ang sakit.
“Bakit mo ba kasi ako hinabol?” Hindi na nakasagot si Elm at ininda na lang ang sakit ng paa niya. “Saan ba rito ‘yung clinic?”
Hinawakan niya sa braso si Elm at pilit na binuhat para makatayo. Inilagay niya ang kamay nito paikot sa leeg niya at dahan-dahan siyang inalalayan na tumayo.
“Doon,” pasigaw niyang sabi. Tumuro siya ng diretso. “Sa dulo ng hallway, kanan. Andoon ‘yung clinic.” Nagsimula na sila dahan-dahan na humakbang. “Kapag ako hindi nakapag-laro ng basketbol, humanda ka sa akin.”
Napatingin si Leaf kay Elm. Natigilan siya nang sandaling mapagtanto niya na ang lapit na pala ng mukha nila sa isa’t-isa. Saka niya rin napansin na nakadikit na pala ang katawan ni Elm sa kaniya.
“Ano?” Tumingin ng masama sa kaniya si Elm dahil sa pagtataka na rin kung bakit biglang tumigil si Leaf at tumunganga.
Nagpatuloy siya sa paglalakad. Dahan-dahan. Tumunog na ang bell bago sila makapasok ng klinika. Tapos na ang break time kaya dapat ay nakabalik na sila sa klase nila. Inalala ito ni Leaf pero alam niyang hindi niya pwedeng basta na lang iwan si Elm o utusan na lumipad ang binata papasok ng klinika. Alam niyang kailangan niyang ihatid si Elm kahit pa mahuli siya sa sunod na klase.
Pumasok sila sa loob ng klinika.
“Nurse, patulong po. Na-sprain po ata ‘yung isa niyang paa,” ani Leaf sa babaeng may suot na medical scrub at tinatao ang mesa na bubungad pagpasok ng klinika.
“Sige. Pakitulungan na lang siyang humiga dito sa kama.” Sinundan nila ang nars na hinawi ang kurtina na nagtatakip sa isang kama. “Tawagin ko lang si Doc.”
Pumasok ‘yung nars sa loob ng isa pang pintuan. Tinulungan naman na ni Leaf na makahiga si Elm sa kama.
“Elm, pwede ba kitang iwan saglit? Papasok lang ako sa sunod na klase. Sasabihin ko na rin ‘yung nangyari sa’yo sa mga teachers natin. Babalik ako rito. Promise,” ani Leaf habang pinipiga-piga ang kaniyang mga daliri.
“Pagkatapos ng ginawa mo, aalis ka na lang? Kasalanan mo ‘to. Kasalanan mo kung bakit ako napatid. Humanda ka talaga sa akin.” Masama pa rin ang tingin niya kay Leaf.
“Promise, babalik ako. Kapag kailangan mo ng pera, sabihan mo lang ako. Basta gumaling ka lang.”
“Kala niyo talaga lahat madadaan niyo sa pera, ano?” Tumingin na sa malayo si Elm. “Hindi ko kailangan ng pera mo. Pagbayaran mo ‘tong ginawa mo sa akin.”
“Okay. Babalik ako. Mamaya, singilin mo ko. Ayos lang sa ‘kin. Basta huwag mo lang lakasan iyong sipa o suntok na gagawin mo sa ‘kin.”
Sandali pang tumayo doon si Leaf bago dumating ang doktor. Nagdesisyon si Leaf na iwan na siya nang tingnan na si Elm ng doktor.
Bumalik si Leaf sa silid-aralan nila at agad na sinabihan ang guro nila, na kasalukuyang nagsusulat sa pisara, tungkol sa nangyari kay Elm.
Pagbalik niya sa upuan, agad siyang tinanong ni Clover. “Anong nangyari, beshy? Narinig ko ‘yung pangalan ni Elm.”
Napatakip kaunti ng mukha si Leaf at hindi muna sinagot si Clover.
“Kwento mo. Baka makatulong ako.”
“Nakakahiya, beshy,” ani Leaf.
“Kaibigan mo ko, ‘di ba?”
Tinanggal ni Leaf ang mga kamay na itinakip niya sa mukha. “Alam na niya na tinitingnan ko siya sa gym. Tumakbo ako tapos hinabol niya ako. Tapos napatid raw siya. Na-sprain niya ata ‘yung paa niya.”
Sinubukan ni Clover na pigilan ang tawa niya. Yumuko pa siya para lang hindi mapansin ng guro.
“Bakit parang masaya ka pa sa nangyari sa kaniya?”
Huminga si Clover ng malalim at pinaypayan ang sarili para pigilin ang sarili niya sa paghalakhak. “Paano ba naman hindi ako matutuwa? Antagal-tagal na naming gustong mangyari ‘yun sa kaniya.”
“Ang alin?”
“Na magantihan siya at hindi siya makapag-laro ng basketbol. Maniniwala ka ba na isang taon akong naging active sa grupo na ‘yun ng mga babae at beki na pinaasa niya? Kasali pa rin nga ata ako sa GC n’un hanggang ngayon. Never kaming nagtagumpay na mapatid siya. Ikaw lang pala ang makakatulong sa amin.”
Mabuti na lang at nagsusulat pa lang ang guro sa pisara at hindi pa nagsisimula sa pagtalakay. Nakasulat din sa gitnang bahagi ng pisara ang buong pangalan ng guro—Mrs. Sasha Evans. At sa malayong kanan naman, nakasulat ang mga porsyento sa pagkokompyut niya ng grado. Agad na kinuha ni Leaf ang kwaderno niya para isulat ang mga iyon.
Abala man sa pagsusulat ay pinakinggan naman siya ni Leaf. Napalakas nga lang ang boses ni Clover at hindi napigilang humagalpak ng tawa. Narinig iyon ng kanilang guro.
“Ms. Tamayo. Parang narinig kong alam mo na ang sagot sa equation one,” biglang tawag sa kaniya ni Mrs. Evans.
“Ma’am?” Biglang naging seryoso ang mukha ni Clover. Tinapik ni Mrs. Evans ang pisara banda sa kung saan siya unang nagsulat. Napilitan na lang tumayo si Clover papunta sa pisara at kumuha roon ng pentel pen. Tinitigan lang niya ito dahil hindi niya masagutan.
Hindi naman mapakali si Leaf sa upuan niya sa kung ano na ang kalagayan ni Elm. Iniisip niya kung gaano kaya katindi ang ginawa niya para ganoon na lang kung magalit ang mga taong nagplano na patirin siya. Maging si Clover ay matindi ang galit sa kaniya.
Nang matapos ang klase, kinuha ni Leaf ang bag ni Elm.“Seryoso ka talagang babalikan mo siya sa clinic?” tanong ni Clover.Napabuntong-hininga si Leaf. “Kahit papaano kasi nagi-guilty rin ako sa ginawa ko sa kaniya.”“Speaking of guilt, siya ba na guilty sa mga babae at beki na pinaasa lang niya? Dapat lang ‘yun sa kaniya. Huwag mo na siyang tulungan. Deserve niya iyon.”“Hayaan mo na ako, Clover. Hindi mo naman ako kailangang samahan. Pwede ka nang umuwi.”“Hindi talaga noh. Mag-isa ka dyan.” Umalis na si Clover sa harap niya.“Sige na. Bye. Ingat.”Binuhat na niya ang bag ni Elm habang suot naman ang bag niya sa likod. Bumalik siya ng klinika.Pagpasok niya, nakahiga pa rin si Elm sa kama at may bendahe na ang kanang paa niya. Masama pa rin ang tingin niya kay Leaf.“Bumalik ka pa. Hindi naman kita kailangan.”“Anong sabi ng doctor?” Naupo si Leaf sa upuan na nasa gilid ng kama. Ibinaba niya sandali ang mga bag.“E ‘di tanungin mo sila.”“Sprain. One week pa raw siya bago pwede mag
“Para sa’yo ‘to, Elm. Konting tulong lang ‘yan para bumilis ang paggaling mo,” ani Maple at may inabot na sobre. Napatingin pa si Elm kay Leaf bago tinanggap iyon.“Salamat po.”“Ingat kayo,” saad ni Alder.Dahan-dahan nang bumaba ng kotse si Elm. Sumunod naman sa kaniya si Leaf. Sabay silang naglakad papasok sa loob ng eskwelahan. Binagalan lang ni Leaf maglakad para masabayan niya si Elm.“Bakit mo sinabi sa kanila na nagba-basketbol ako?” tanong ni Leaf habang nasa hallway sila. “Nang-aasar ka ba?”“Bakit, hindi ba ‘yun totoo? ‘Di ba sinabi mo naman ‘yun? Gusto mong humawak ng bola kasi gusto mong magbasketbol.”Napatiim-bagang si Leaf. “Hindi nga totoo, okay na?”Tumigil sandali si Elm kaya napilitan rin siyang tumigil. “So, alin ang totoo? Na tinitingnan mo talaga ako sa gym dahil may gusto ka sa ‘kin?”Namula ulit ang tenga ni Leaf. Ilang tao na ang lumagpas sa kanila pero hindi pa rin niya sinasagot ang tanong. Nag-aalangan siya kung sasabihin na ba niya ang totoo kay Elm dahil
Palabas na sila ng tarangkahan ng eskwelahan. Iniisip ni Leaf na hindi naman na siguro maiinis si Elm kung magsasalita ulit siya dahil naging tahimik naman ang pasilyo nang lagpasan nila.“Ang ganda ng tula mo kanina. Para pala ‘yun sa Mommy mo. Nasaan na siya?”“Ewan ko. Wala akong pakialam.”“Sabi mo, bumalik siya?”“Ano bang pakialam mo?” sabi ni Elm. Saglit siyang tumigil para lingunin ang kaklase at agad rin namang nagpatuloy sa paglalakad.“Elm?” Isang babae na maputi at kulay rosas ang maliit na mukha ang humarang sa daanan nila. Matangkad rin siya tulad ni Elm. “Anong nangyari sa paa mo, okay ka lang ba?”Napakamot sa ulo si Elm. “Ah, ito. Wala ‘to. Sorry hindi ako pwedeng sumama sa’yo ngayon kasi may gagawin kaming project, ‘di ba Leaf? Kailangan na bukas.”Tinapik pa ako ni Elm nang lingunin ako.“Ah, opo. Kailangan na bukas.”“Sa sunod na araw na lang.”May inabot na sobre ang babae sa kaniya. Mababakas ang makapal na laman niyon. “Sabihin mo lang kung kailangan mo pa.”“Ay
Sumakay sila ng traysikel papunta sa bahay nina Leaf. Pagdating nila doon, pinaupo sila ni Maple sa may mesa habang hinahanda pa niya ang hapunan nila.“Alam mo buti naisip ni Leaf na dito ka na lang mag-dinner,” ani Maple. “Ang lungkot kaya kapag mag-isa lang.”Sumulyap si Elm kay Leaf at ngumiti. “Opo, tita. Kaya nga pumayag din ako.”“Para tuloy dalawa ang anak ko. Okay din pala ang dalawang anak, ano? Sana nagpadagdag pala ako sa Daddy mo, Leaf.” Tinakpan pa niya ang bibig habang tumatawa. “Family planning kasi kami. Anyway, maiba ako. Elm, nakausap mo na ba ‘yung Mommy mo?”“Nag-uusap naman po kami kapag bibigyan niya ako ng pera. Hindi ho kami madalas na nag-uusap. Medyo busy rin kasi ako,” saad ni Elm.“Alam mo. Hindi naman sa nangingialam pero siguro payo na lang rin. Nasa'yo na kung pakikinggan mo o hindi. Kami kasing mga nanay, hindi naman kami perpekto. Nagkakamali rin kami pero hindi ibig sabihin nun, hindi na namin mahal ang mga anak namin. Lagi kaya kayong nasa isip nami
P.E. ang klase nila bago ang break time. Nasa silid-aralan sila at ang aralin nila ay tungkol sa larong basketbol. Ang nagtuturo ay si Coach Kiko. Dahil coach siya ni Elm, halos puro pangalan niya ang nababanggit sa buong klase nila. Siya ang ginagawang halimbawa at ang mga nakamit niya dahil sa pagiging manlalaro ng kanilang eskwelahan.“Sigurado sa susunod na linggo, okay na ang paa mo, Elm. Pwede mo na akong tulungang mag-demo sa kanila,” ani Kiko habang nagbabanat ng braso konti. Matangkad siyang lalaki at bakas din sa masikip niyang damit ang matipuno niyang pangangatawan. Isang tipikal na pangangatawan ng isang manlalaro. Halata rin sa pagtuturo niya na matagal na niyang gamay ang laro na iyon.“Yes, sir,” tugon ni Elm.“Okay class, next week, kailangan naka-PE uniform na kayo sa klase natin dahil sa gym na tayo. Maglalaro tayo ng basketbol.”Biglang tumunog ang bell.Break time na. Natanguan lang sina Leaf at Clover at kinuha na ang mga pitaka nila bago lumabas ng silid.Nakaup
Nasa sala na sila ng bahay nina Elm nang tingnan ni Leaf ang oras.“Kailangan ko na umuwi. Mag-aalas siyete na pala. Panigurado, luto na ‘yung dinner sa bahay. Gusto mo bang sumama?”“Hindi na.” Nag-uunat si Elm na tumayo sa sopa. Pinantayan niya ang nakatayong si Leaf. “Nakakahiya kung araw-araw. Hatid na lang kita?”“Huwag na. Maggagabi na. Baka may loko-loko pa dyan sa labas at patulan mo. Magta-traysikel na lang ako. Kailangan ko na rin kasi mabilis na makauwi.”Nakanguso siyang tumango-tango. “Sige, bukas punta ako sa inyo. Pero may kondisyon. Dapat maglalakad tayo. Masarap kaya maglakad. Exercise.”“Atleta ka nga talaga. Sige lang. Wala namang problema sa ‘kin. Gusto ko rin kayang naglalakad.”“Sige. Hatid na kita sa labas.”Binuhat na ni Elm ang bag ni Leaf at lumabas na sila sa may eskinita. Inantay niyang makasakay si Leaf bago siya bumalik ng bahay nila.🍀🍀🍀Lumipas ang mga araw. Ganoon na halos ang naging nakagawian ni Leaf tuwing may klase. Papasok sa eskwelahan, magkwek
Tapos na ang klase nila. Nasa bahay na nina Elm si Leaf. Nakahiga si Elm sa kama niya. Nakataas at nakasandal sa pader ang mga paa niya. Nakasando na lang rin siya at nasa labahin na ang uniporme niya. Baliktad ang paghiga niya. Nahiga naman sa tabi niya si Leaf na nakaturo naman sa kabilang gilid ang mga paa at naka-uniporme pa rin. Ang ulo nila magkatabi pero nasa magkaibang direksyon ang hilata nila.“Ibig sabihin, hindi ka bisexual?” tanong ni Leaf.“Iyon din ‘yung hindi namin mapagkaintindihan ni Papa. Hindi pareho ang nararamdaman ko sa babae at lalaki dahil sa beki lang naman na may gusto sa akin ako, nagkagusto. Hindi pa sa lahat ng bakla ‘yun. Sa babae talaga ako attracted simula bata pero open na ako ngayong i-try ang kapareho ko ng gender.”“Kahit straight na lalaki?”“Depende. As if patulan talaga nila ako. Pero iyon nga, open na rin akong i-try tulad ng sabi ko.”Nasa mukha ni Leaf ang telepono niya habang nakatingin naman si Elm sa kisame.“Pero sexually attracted ka sa’
Sumunod na araw. Walang praktis sina Elm ng basketbol kaya sumabay sa kaniya si Leaf papunta sa bahay nila.Nasa sopa sila ng bahay nila Elm sa may sala at noong una ay sinubukan ni Leaf na ituro kay Elm ang mga nalagpasan niyang aralin. Maya-maya, biglang isinara ni Elm ang kwaderno ni Leaf."Ganito na lang. Pahiram na lang ako ng notebook mo tas ako na lang mag-aaral. Gawin na lang nating oras ito para sa isa't-isa kasi bihira na lang tayo magkasama. Mas madalas na ‘yung praktis namin. Minsan lang 'to kaya, please. Ako na lang mag-isa mag-aaral niyan."Ibinaba ni Leaf ang kwarderno niya sa mesa. Kinuha naman ni Elm ang telepono niya at nagbukas ng social media app. Walang ibang magawa si Leaf kundi pagmasdan siya habang nagpipigil ng inis sa kasintahan."Sa linggo, ah. Huwag mong kalimutan na pumunta," ani Elm nang hindi tumitingin sa kaniya.Inilabas na ni Leaf ang mga kwaderno niya mula sa bag niya at inilapag sa mesa."Alis na ako. Balik na lang ako dito sa linggo." Binuhat na ni