Share

When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband
When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband
Author: Yona Dee

Kabanata 1

Author: Yona Dee
last update Last Updated: 2025-02-11 20:22:25

Nasa business trip si Seraphina kasama ang company manager ng Cavite branch na si Klea. Huling araw na nila ngayon, kaya masaya siyang naglalakad pabalik sa hotel room para kunin ang kaniyang maleta. Alas dose pa lang ng tanghali, kaya alam niyang makakahabol pa siya sa dinner date na ni-reserve niya para sa kaniyang mag-ama.

“Happy birthday, Ms. Faye!” bati ni Klea habang nakangiti.

Napangiti si Seraphina at bahagyang tumango. “Salamat, Klea.”

"Sayang at hindi mo na kami makakasama mamaya," sabi ni Klea. "May pa-surprise sana kami sa 'yo."

"Naku, okay lang! Next time na lang. Ang importante, makauwi ako para sa pamilya ko." Napahagikhik si Seraphina.

“Sweet! May plano na ba kayo?” tanong ni Klea habang binubuksan ang pinto ng sariling kwarto.

“Hmm, simple lang. Dinner lang kaming tatlo. Gusto ko lang silang makasama sa espesyal na araw na ’to.”

Ngumiti si Klea. “Ang swerte naman nila sa ’yo. Sige, enjoy your date, Ms. Faye!”

“Salamat! See you sa office!” sagot ni Seraphina bago pumasok sa kaniyang kwarto para ayusin ang gamit.

Nang matapos sa pag-aayos ng kaniyang gamit, lumabas na si Seraphina sa kwarto. Naabutan niya si Klea sa hallway, kaya sabay na silang nag-check out sa hotel.

Habang nasa biyahe pabalik, hindi na maitago ni Seraphina ang pananabik na kaniyang nararamdaman. Miss na miss na niya ang kaniyang anak—bihira lang niya itong makasama, at isa sa mga madalang na pagkakataong iyon ay tuwing kaarawan niya.

Paglapag ng eroplano, agad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang kaniyang asawa. Ilang ring ang lumipas, ngunit walang sumagot. Sinubukan naman niyang tawagan ang kaniyang anak na si Chantal, pero ganoon din—walang sagot.

Napabuntong-hininga siya at binuksan ang messaging app para mag-text. Ngunit nang makita niya ang kanilang conversation history, parang may kumurot sa kaniyang dibdib. Wala man lang ni isang reply mula sa kaniyang asawa sa mga naunang mensahe niya.

Kinagat niya ang labi, pilit pinapakalma ang sarili. Ayaw niyang agad mag-isip ng masama, pero hindi niya mapigilang makaramdam ng kaba. Sa halip, tinawagan na lang niya ang matalik na kaibigan niyang si Michelle.

"Mich, pwede mo ba akong sunduin sa airport?" mahina niyang sabi, pilit na tinatago ang pag-aalala sa kanyang boses.

"Ha? Nasa airport ka na? Akala ko kasama mo ang pamilya mo ngayon?" sagot ni Michelle, halatang nagtataka.

"Long story. Pwede ba?"

"Sige, give me twenty minutes. D'yan ka lang, okay?"

"Salamat, Mich."

Napabuga ulit siya ng hininga matapos ibaba ang tawag. Habang naghihintay, hindi niya mapigilang isipin—bakit hindi siya sinasagot ng kanyang pamilya?

Pagkalipas ng dalawampung minuto, dumating na rin si Michelle. Bumaba siya ng sasakyan at agad niyakap si Seraphina nang mahigpit.

“Happy birthday, Siri,” bati niya ng malambing.

Napakagat-labi si Seraphina, pilit pinipigilan ang pagluha. Ngunit sa init ng yakap ng kaibigan, naramdaman niyang may namumuong luha sa kanyang mga mata.

Nang umalis si Michelle, tiningnan niya si Seraphina nang may halong pag-aalala. Nakapamewang ito at nakasimangot, halatang hindi kumbinsido sa itsura ng kaibigan.

“You’re not okay! Ano ba talaga ang nangyari?” tanong niya, sabay-krus ng mga braso sa dibdib.

“Wala… Tara na, sakay na tayo. Pagod na ako sa biyahe,” sagot ni Seraphina, pilit na iniwasan ang tanong.

Napailing na lang si Michelle, pero hindi na siya kumontra. Alam niyang hindi pa handang magsalita si Seraphina.

Pagkaupo nila sa sasakyan, biglang bumuhos ang luha ni Seraphina. Napansin ito ni Michelle at agad siyang inabutan ng tissue box.

“Nag-o-overthink lang ba ako… o sadyang hindi talaga nila alam kung kailan ang birthday ko?” mahina ngunit puno ng sakit na sabi ni Seraphina. “O baka may surprise sila, kaya hindi nila sinasagot ang tawag ko?”

Napatingin si Michelle sa kaniya, ngunit nanatiling tahimik.

Alam niya ang totoo.

Walang surprise. Wala silang nakalimutang date.

Dahil sa loob ng sampung taong pagsasama nila bilang mag-asawa, at sa loob ng siyam na taon ng buhay ng anak ni Seraphina—hindi kailanman nila inalala, o ipinagdiwang, ang kaarawan niya.

Si Seraphina ay laging nag-iisa.

Gaya ng dati.

“Ihatid mo na lang ako sa restaurant na pina-reserve ko,” mahina ngunit matatag na sabi ni Seraphina.

Tumango si Michelle, alam na niya kung saan iyon. Taon-taon, doon palagi nagse-celebrate si Seraphina ng kaniyang birthday—mag-isa.

Tahimik ang biyahe, tila walang gustong bumasag sa bigat ng hangin sa loob ng sasakyan. Nang makarating na sila sa restaurant, bumuntong-hininga si Seraphina at nagpaalam.

“Kunin ko na lang bukas ng tanghali ang maleta ko, ha?” sabi niya.

“Okay, text mo lang ako,” sagot ni Michelle. “Siri…”

Ngunit bago pa siya makapagtanong kung sigurado ba itong ayos lang siya, tumango na lang si Seraphina at mabilis na bumaba ng sasakyan. Alam niyang wala rin namang masasabi si Michelle na nakakapag pagaan ng loob niya.

Pagpasok niya sa restaurant, agad siyang sinalubong ng mga staff. Kilala na nila siya.

“Good evening, Ma’am Faye! Happy birthday po,” bati ng isang waitress na may dalang menu.

Napangiti si Seraphina, kahit pakiramdam niya ay hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.

“Salamat,” sagot niya bago siya inihatid sa kaniyang ni-reserve na table.

Pagkaupo niya, napatingin siya sa bakanteng upuan sa harapan niya. Doon sana uupo ang kanyang asawa. Ang kanyang anak.

Pero gaya ng dati, siya lang ang narito.

Dahil maaga pa naman, nagdesisyon si Seraphina na hintayin muna ang kaniyang asawa at anak. Baka naipit lang sa traffic—tulad niya kanina. Alas tres siya umalis mula sa airport, at dahil sa mabigat na daloy ng sasakyan, nakarating siya sa restaurant halos alas siyete na ng gabi.

Habang naghihintay, hindi niya napigilang mapatingin sa paligid. Ilang pamilya at magkakaibigan ang masayang nag-uusap sa kani-kanilang mga mesa. Napangiti siya nang bahagya—siguro sa loob-loob niya, umaasa pa rin siyang darating ang kaniyang pamilya.

“Ma’am, order niyo po?” sabat ng waitress, dahilan upang maputol ang kaniyang pag-iisip.

Napatingin siya sa menu, pero hindi na nag-abala pang mag-isip ng iba. “Isang medium-rare steak, please,” sagot niya, tulad ng palagi niyang inoorder tuwing birthday niya.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang kaniyang pagkain. Napatingin siya sa orasan ng kaniyang cellphone—alas otso na ng gabi.

Napangiti siya, pero hindi niya ginalaw ang steak.

Kailan kaya sila darating? Tatawag ba sila?

Dahan-dahan siyang bumuntong-hininga. Kinuha niya ang kutsilyo’t tinidor at sinimulang kainin ang kaniyang pagkain, kahit parang nawalan na siya ng gana.

As always, ako na lang mag-isa sa pagdiriwang ng birthday ko.

Bakit ba hindi pa ako nasanay?

Sa isip niya, paulit-ulit ang tanong na iyon habang ngumunguya siya ng steak.

At sa kabila ng lahat, kahit anong pilit niyang itago, may kung anong hapdi sa dibdib niya na hindi niya kayang lunukin—kahit kasabay ng masarap na pagkaing nasa harapan niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 160

    Ngunit kahit pa anong pilit niyang isantabi, ang alinlangan ay tila usok na patuloy na gumagapang sa loob ng kanyang dibdib. Hindi siya naniniwala sa akusasyon—ayaw niyang maniwala—pero ang pagbanggit ni Alistair sa mga taong malapit sa kanya, ang mga pangalang hindi dapat bahagi ng ganitong kwento,

  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 159

    “What the heck are you doing here, Alistair! I have no issue seeing you kung saan tayo dalhin ng panahon, but can’t you just go and see my wife—”“Correction, soon-to-be ex-wife, ‘di ba? Maghihiwalay na kayo, Sebastian,” sagot ni Alistair, malamig ang tinig at hindi alintana ang galit na unti-unting

  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 158

    “Ano'ng ginagawa mo rito? Lumayo ka sa asawa ko!” malakas at galit na sigaw mula sa may pintuan, punong-puno ng tensyon at panibugho. Napalingon si Seraphina sa pinanggalingan ng boses at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Sebastian sa pintuan—nakasandal ngunit halatang handang sumugod anum

  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 157

    “It’s about the divorce… He gave the signed—” wika nito habang kinakapkap ang bulsa ng kanyang coat, tila nagmamadaling hanapin ang isang bagay. “I left it… Shit.”“He did sign?” tanong ni Seraphina, halos bulong na lang ang kanyang tinig. Hindi niya maintindihan ang bugso ng damdaming biglang lumuk

  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 156

    Narinig pa ni Seraphina ang ugong ng paparating na ambulansya, ngunit unti-unti nang nanlalabo ang kanyang paningin. Nanghihina na siya, at ramdam na ramdam niya ang matinding sakit na bumalot sa kanyang tiyan—tila ba may bumabaling sa kanyang mga laman-loob, pinupunit ito mula sa loob. Halos hindi

  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 155

    Hindi na muna ni-replyan ni Seraphina ang email ni Alistair. Sa halip, ibinalik na lamang niya ang cellphone sa kanyang bulsa at tahimik na bumalik sa kanyang opisina. Wala na siyang gana pang mag-isip tungkol sa mga sulat o anuman—masyado nang magulo ang kanyang isipan at mas pinili niyang umiwas m

  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 154

    Sa opisina kung saan nagtatrabaho si Alistair, napatingin siya sa mga papel na nakakalat sa kanyang mesa. Halata sa kanyang mukha ang pag-aalala at pagka-dismaya, sapagkat hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na anumang balita mula kay Seraphina. Ilang araw na rin ang lumipas simula nan

  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 153

    Ngunit sa kabila ng kanyang pagtitimpi, hindi napigilan ni Letizia ang muling pagsingit ng katotohanan. “Seraphina initiated the divorce,” aniya, malamig at diretso.Nag-apoy ang mga mata ni Alistair “Because of Sebastian’s infidelity!” sabat niya, halos sumigaw. “Alam mo iyan! You knew from the beg

  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 152

    “I got it, ma’am. I’ll send the evidence right away. Hindi ako makiki-alam kung ano ang gagawin mo diyan sa ebidensya. I just want to tell the truth that I know—before everything else comes to an end. I’ll tell you, and I will also let Trisha know about that—” malumanay ngunit may bigat na sabi ni A

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status