Share

Chapter 307

Author: Author Rain
last update publish date: 2026-11-02 16:40:18

-Vanessa-

Kung tutuusin, ilang beses ko pa ngang tinanggihan ang mga binibili niya para sa akin dahil nahihiya akong gumastos siya nang ganoon kalaki. Pero mapilit talaga siya. Kapag may nagustuhan akong damit, hindi siya titigil hangga't hindi niya iyon nabibili para sa akin.

“Bro, she's my girlfriend now. Have some respect,” seryosong babala ni Blake sa kanya. “And also, yung lalaking iniligtas natin sa dagat, si Tatay Arthur. He's Vanessa's father,” dagdag pa ni Blake.

Sandaling hindi nakaim
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 312

    -Blake-“Now, talk,” utos ko kay Ron habang matalim ko siyang tinititigan.Magkatabi kami ni Vanessa sa mahabang sofa. Nakasandal ako nang bahagya habang nakapatong ang isang braso ko sa sandalan nito, malapit sa likuran ng dalaga. Si Ron naman ay nakaupo sa nag-iisang armchair na nasa tapat namin.Pero kahit na magkakaharap kaming tatlo, para bang wala ako roon sa paningin niya. Kay Vanessa lamang nakatuon ang atensiyon niya, na para bang ako ang bisitang nakikisali sa pribadong pag-uusap nilang dalawa.“Gusto ko sanang makausap nang sarilinan si Isay,” sabi niya. Saglit lang niya akong tinapunan ng tingin bago muling ibinalik ang mga mata kay Vanessa. “Isay, please…”Napatingin ako sa girlfriend ko. Tahimik lamang siyang nakaupo sa tabi ko habang nilalaro ng mga daliri niya ang laylayan ng suot niyang dress. Paminsan-minsan ay bahagya niyang hinihila iyon, na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano sisimulan.Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung kinakab

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 311

    -Blake-Agad na napalingon sa akin ang dalaga, at si Ron naman ay napayuko. So, nakilala niya ako and he's guilty dahil nagsinungaling siya sa akin!“Blake, siya si Ron…” pakilala niya, pero halatang hindi niya alam kung paano ipagpapatuloy ang sasabihin. Hindi niya masabi na ito ang bayaw niya at dati niyang naging boyfriend.Bahagya akong tumango habang pinag-aaralan ang mukha ng lalaki.Sigurado na ako na siya nga ang lalaking nakita namin sa isla. At kung tama ang hinala ko, marami pa akong kailangang malaman tungkol sa kanya at sa relasyon niya kay Vanessa.“Hindi sasama sa'yo si Vanessa. Ipinagkatiwala na siya sa akin ng tatay niya,” mariin kong sabi.Agad kong inakbayan ang dalaga at hinila siya palapit sa akin upang tuluyan nang mabitawan ni Ron ang kamay niya.Napatingin din sa akin ang lalaki. May bahagyang pagtataka sa mukha niya, ngunit hindi nagtagal ay naging seryoso rin ang ekspresyon nito.“Brod, maraming salamat sa pagtulong mo kay Tatay Arthur at kay Isay,” sabi niy

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 310

    -Blake-Pagkatapos naming kumain, agad na akong nagyayang umuwi.Binayaran ko pa rin ang lahat ng kinain namin kahit hindi naman ako masyadong nag-enjoy. Ilang beses pang sinabi ni Kristina na huwag ko na raw bayaran dahil treat na niya iyon para sa amin, pero nagpumilit pa rin ako. Ayokong magkaroon pa ng dahilan si Bryan para muling yayain si Vanessa para kumain sa restaurant ng ate niya.“Blake, huwag mo nang bayaran. Regalo ko na sa first monthsary niyo ni Vanessa.” giit ni Kristina habang inaabot sa akin ang resibo.“It's fine. It’s our date, so obligasyon kong itreat ang girlfriend ko.” maikli kong sagot.“Pero…”“Kristina, sa susunod na lang na pagpunta ko dito mo ako ilibre,” pabiro kong sabi para hindi na siya makatanggi.Paglabas namin ng restaurant, kapansin-pansin ang lungkot sa mukha ng magkapatid. Parehong nakatanaw sa amin sina Kristina at Bryan na para bang ayaw pa nila kaming paalisin.Maging si Vanessa ay tila biglang natahimik habang naglalakad kami palabas ng rest

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 309

    -Blake-Pagpasok ko pa lang sa loob ng restaurant ni Kristina, agad kong nakita sina Vanessa at Bryan na masayang nagkukuwentuhan habang nagtatawanan.Sandali lang. Anong meron?Kanina lang, ang sungit-sungit ni Bryan sa girlfriend ko. At hindi lang kanina ha. Mula pa noong una niya itong nakilala sa isla.Halos hindi nga nito magawang ngumiti kapag kausap si Vanessa. Pero bakit ngayon, parang matagal na silang magkakilala at sobrang komportable na sa isa’t isa?Bigla tuloy umasim ang mukha ko.Sino ba namang matutuwa kapag ang kaibigan mo ay masungit lang sa harap mo, pero kapag nakatalikod ka, biglang nagiging mabait at malambing sa girlfriend mo?Hindi ba dapat ako ang nagpapasaya kay Vanessa? Bakit parang mas masaya pa siya kapag kausap ang kaibigan ko?Napatigil ako sa may pintuan at ilang segundo silang pinagmasdan. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila, pero halatang-halata sa mukha ni Vanessa na nag-eenjoy siya sa kwentuhan nila. Panay ang ngiti nito, at kung minsan a

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 308

    -Vanessa-Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang makialam. Monthsary namin ngayon ni Blake, at gusto ko sanang magkaroon kami ng oras na kaming dalawa lang. Hindi ko naman inaasahang makakasalubong namin ang kaibigan niyang ito na sobrang sama ng ugali!“Bakit hindi niyo ako isasali eh ako ang magbabayad ng kakainin niyo?” tanong niya bago siya mismo ang umupo sa upuang hinila niya.“May pambayad kami, no!” nakairap kong sagot.“Si Blake meron, pero ikaw?” napaismid siya bago umiling. “But don't worry, libre na rin kita. Mukha kang kawawa, eh.”Bago pa ako makasagot, isang magandang babae ang lumapit sa amin. “Bryan!”Sandali akong natigilan nang makita siya dahil parang pamilyar sa akin ang mukha niya. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita o kung bakit parang may kung anong pamilyar sa kanyang mga mata at ngiti.“Ate Kristina!” masiglang tawag ni Bryan.Agad siyang tumayo at sinalubong ng yakap ang babaeng tinawag niyang Kristina.Napatingin ako sa kanilang

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 307

    -Vanessa-Kung tutuusin, ilang beses ko pa ngang tinanggihan ang mga binibili niya para sa akin dahil nahihiya akong gumastos siya nang ganoon kalaki. Pero mapilit talaga siya. Kapag may nagustuhan akong damit, hindi siya titigil hangga't hindi niya iyon nabibili para sa akin.“Bro, she's my girlfriend now. Have some respect,” seryosong babala ni Blake sa kanya. “And also, yung lalaking iniligtas natin sa dagat, si Tatay Arthur. He's Vanessa's father,” dagdag pa ni Blake.Sandaling hindi nakaimik si Bryan nang marinig iyon. Bahagyang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, at sa unang pagkakataon ay hindi ko na makita ang dating pangungutya sa mga mata niya.Kasama siya ni Blake noong iligtas nila si Tatay. Kung tutuusin, nararapat lang na magpasalamat ako sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanilang dalawa, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa aking ama.Kaya kahit hindi ko gusto ang pakikitungo niya sa akin, pinili kong isantabi muna iyon.“Salamat sa pagligtas sa tatay ko,” sabi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status