ILANG minuto ko ng tinititigan ang mukha ni Noreen habang mahimbing na natutulog sa tabi ko. Ilang beses ko na siyang hinalikan sa pisngi at labi pero hindi pa rin magising-gising. Mukhang napagod talaga siya kagabi.
Napapangiti ako habang iniisip kung gaano ka swerte dahil kasama ko siya at katabi. Ang babaeng ilang taon ko ng pinapangarap...
[Past]
LUMABAS ako ng bahay para maglaro sa may malapit na court. Dala ko ang laruang bola at patakbong nagtungo roon nang mapahinto.May nakaagaw kasi ng aking pansin. Isang batang babae na malusog at mas matangkad pa sa akin.
Sa tabi nito ang isang pink na bike. Pero sa halip na sakyan ay hila-hila niya lang ito. Tinitigan ko ito pero ilang sandali ay hindi rin nakatiis at lumapit na.
"Sa 'yo 'yan?" ang tanong ko.
"Oo, bakit?" ang sagot nito.
"Ba't hindi mo sinasakyan?" ang tanong ko at nag-dribble nang isang beses.
Kumunot ang noo nito at pagkatapos ay nilampasan ako.
Ang sungit naman niya.
Magpapatuloy na dapat ako sa may court nang magsalita ito, "H-hindi ako marunong."
Lumingon ako at pagkatapos ay sa direksiyon ng court. At muling binalik ang tingin sa kanya.
"Gusto mo turuan kita?"
Ngumiti ito sa akin at pagkatapos ay inilapit ang hawak na bike.
PAWIS NA PAWIS at hingal na hingal ako sa kakatulak. Tinuruan ko ngang matutong mag-bike si Noreen—ang pakilala niya sa akin kanina. Hindi naman siya mahirap turuan pero nakakapagod lang dahil kanina ko pa tinutulak ang bike na sakay siya.
Sobrang bigat niya kaya!
Sa kakatulak ay hindi ko na alam kung saang kalye na kami napunta. Mukhang napalayo na yata kami.
Ilang sandali lang ay bigla siyang sumigaw. "P-pusa!"
Nahinto ako sa pagtulak. Siya naman ay biglang natumba kasama ang bike. Nakatulala lang ako sa tumakbong pusa. Bigla kasing tumawid sa harap. Nang maalala siya ay lumapit ako. Tinulungan na makatayo.
Pero hindi ko magawa! Masiyado siyang mabigat!
O, ayaw niya lang talaga tumayo.
"Tumayo ka na," ang utos ko at saka napatingin sa tuhod niya. "Hala, may dugo!"
Sinilip ko ang mukha niya na nakatitig lang din sa dumudugo niyang tuhod.
At nang tumingin siya sa akin ay nag-alala ako. Baka kasi bigla siyang umiyak... pero nagkamali ako. Dahil sa halip na umiyak ay bigla siyang ngumiti.
"Ang lampa-lampa ko talaga," ang sabi niya at saka natawa. Kusa siyang tumayo at pinagpagan ang nadumihang damit dahil sa pagkakatumba.
"A-ayos ka lang?" ang tanong ko. Kakaiba kasi na sa halip na maiyak ay natawa lang siya sa nangyari.
"Okay pa sa alright!" ang ngiti niya saka tinayo ang bike.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero parang biglang nag-slow motion ang lahat. Ang buhok niyang nililipad ng hangin ay tila mahinang sumasayaw sa paningin ko. Kahit ang mga kilos at sinasabi niya ay mabagal rin.
"Hoy!" bigla niyang sigaw. "Okay ka lang? Kanina pa kita kinakausap pero nakatulala ka lang."
"Ha?" Napakurap ako. Ilang beses.
Kumunot ang noo niya at napanguso. "Ang sabi ko uwi na tayo. Lilinisin ko pa 'tong sugat." Sabay turo sa tuhod.
"Ha?" Hindi ko alam kung bakit hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Para akong nabingi.
"Ewan ko sa 'yo," aniya at saka ako iniwan.
Nang malayo-layo na siya ay doon lang ako natauhan at mabilis na sumunod.
At simula ng araw na iyon ay madalas ko na siyang makita at makalaro. Sa tuwing nasasagi niya ang kamay ko ay lagi akong naiilang o hindi kaya ay kinakabahan.
Hindi ako sigurado sa nararamdaman kaya nagtanong ako kay Mama. Baka alam niya kung anong nangyayari sa akin.
Pero tinukso lang niya ako. Na crush ko daw si Noreen.
"Hindi nga sabi, eh!" ang tanggi ko. Ayaw kong tuksuin pang lalo. "Ang taba-taba at ang pangit ng mukha at katawan niya." ang panglalait ko kahit hindi naman.
Ang totoo ay cute siya at bagay sa kanya ang maging chubby. Pero hindi ko aaminin iyon kay Mama.
May mga pagkakataon na natutulala ako kapag kasama siya at kung ano-ano ang nai-imagine ko.
Minsan malambing siya, kahit hindi naman.
Minsan nginingitian niya ako, kahit ang totoo ay nakasimangot siya.Sa paningin ko lagi siyang kakaiba. Sa paningin ko ay siya lang ang nakikita.
HINDI ko mapigilang maiyak. Sobrang nakakalungkot ang araw na ito.
Namatay ang magulang ni Noreen sa car accident. Ilang araw ko siyang hindi nakita at nakausap.
Kapag nagpupunta naman kami ni Mama para makiramay ay wala akong lakas ng loob na kausapin siya. Hindi ko alam ang sasabihin. Ayokong may masabing mali na baka ikalungkot niya pang lalo.
Pero sana pala, lumapit ako. Sana pala, kinausap ko siya.
Dahil malalayo na pala siya at hindi na makakasama pa.
Ilang araw lang matapos ang libing ay kinukuha na siya ng nag-iisang kamag-anak na meron siya.
"K-kailangan mo ba talagang umalis? Dito ka na lang sa 'min," ang pakiusap ko kahit nasa tabi pa ang kanyang Lola.
Ngumiti siya sa akin at saka ako niyakap. "'Wag kang mag-alala. Magkikita pa naman tayo. Dadalaw ako, pangako. Kung gusto mo susulatan din kita."
Suminghot ako at saka tumingin sa kanya. "P-pangako?"
"Promise."
At tinupad naman niya. Linggo-linggo niya akong sinusulatan. At nagri-reply naman ako.
Tumagal ang sulatan namin ng walong buwan hanggang sa ang linggo-linggo ay naging buwan na lang.
Sobrang saya ko noong binati niya ako sa sulat ng 'Merry Christmas'. Pero iyon na pala ang huli niyang sulat sa akin.
Ilang beses akong sumulat at pinilit ko pa si Mama na samahan akong puntahan kung saan nakatira si Noreen.
Pero lumipat na raw sila.
Nangako siyang dadalaw, pero hindi niya ginawa. Nawala siyang parang bula at wala na akong balita.
Kaya nga nang muli siyang makita sa isang restaurant kung saan siya nagta-trabaho ay hindi ko na siya pinakawalan.
Maraming taon ang nawala. Sa loob ng mga taong iyon ay walang oras na hindi ko siya naiisip at naaalala.
Kaya gumawa ako ng paraan para maging akin siya.
Hindi madali... at talagang napakahirap dahil nasa entertainment industry ako. At para sa kanya napakahirap na makipagrelasiyon sa isang katulad ko.
Pero hindi ako sumuko. Para saan? Nasa harap ko na siya.
Sa kanya ko unang pinangarap ang lahat. She was my first love. I dreamed kissing her and married to her. And specially... grow old with her.
[Present]
Muli ko siyang hinalikan sa labi bago nagpasiyang tumayo na sa kama. Ipaghahanda ko siya ng breakfast bago man lang ako umalis para sa trabaho.Pinakialaman ko na ang refrigerator at kusina— na lagi naman kahit ayaw niya, baka masunog ko raw kasi ang apartment. Walang tiwala sa cooking skills ko.
Pinagluto ko siya ng itlog at bacon na nakita sa may ref. Ginawa ko na ring sinangag ang malamig na kanin sa may kaldero.
Gigisingin ko na sana siya nang makitang palabas na pala sa kwarto.
“Good Morning,” ang bati ko sa kanya at balak sanang halikan sa labi nang iniwas niya ang mukha.
“Wala pa akong toothbrush,” ang tugon niya.
Kaya sa may pisngi niya na lang ako humalik. “Pinaghanda na nga pala kita ng breakfast.”
“Amoy ko nga mula sa loob ang niluto mo,” ang sagot niya. “’Di ba sabi ko sa ‘yo na ‘wag mong pakialaman ang kusina ko?”
Niyakap ko siya mula sa likuran at muling hinalikan ang pisngi niya. “Sorry,” ang sagot ko na lang. “Baka kasi hindi ka makapagluto dahil sa sobrang pagod.”
Bigla niyang pinalo ang braso ko. “Ang bastos mo!”
“Bakit? Hindi ba totoo ang sinabi ko?” ang tanong sa kanya habang may pilyong ngiti sa labi.
“Kumain na nga lang tayo,” ang pag-iiba niya ng usapan.
“Ikaw na lang, kailangan ko ng umalis at baka mapatay na naman ako ni Gab, kapag na-late ako."
“Kahit sandali lang?” Humarap siya sa akin at saka naglambing.
Tinitigan ko ang mata niya at mapait na ngumiti. “Sorry, sa susunod na lang,” ang sagot ko at hinalikan siya sa noo.
Kinuha ko lang sandali ang gamit sa kwarto at mabilis na umalis sa apartment niya. Hindi ko na siya nilingon habang nakatingin sa akin palabas ng apartment.
Gusto ko mang samahan siya ng matagal ay hindi ko magawa. Kailangan na ako sa trabaho ko. Babawi na lang ako sa kaniya kapag natapos ko na ang schedule ko ngayong araw.
Maingat akong naglakad palayo sa apartment habang patingin-tingin sa paligid. Naninigurado na walang nakakapansin sa akin.
Agad akong sumakay sa naka-park kong kotse ilang metro ang layo sa apartment niya. Matapos ma-on ang makina ay saka ko tinanggal ang suot na mask.
Tinignan ko mula sa side-mirror ang pinanggalingan kong apartment kahit hindi naman na kita mula sa pwesto ko. “Promise, babawi ako,” ang bulong ko bago paandarin ang sasakyan palayo.
***<[°o°]>***
PAGKABABA sa kotse ay si Gab agad ang bumungad sa akin. Halatang galit na galit at gusto na akong saktan.Tinignan ko ang oras sa suot na relo. “Hindi ako late,” ang sabi ko sa kanya.“Tang*na mo!” isang malutong na mura ang sinagot niya sa akin. Buti na lang at pabulong niya iyong sinabi dahil baka marinig siya ng staff na nasa paligid.“Bakit na naman?!” ang reklamo mo.Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko na kulang na lang ay baliin. “Ngumiti ka,” ang utos niya sa akin.Kahit gustong-gusto ko ng mapaaray sa sakit ng pagkakahawak niya ay sumunod ako. “Masakit, gag*!” ang pabulong kong reklamo. Gusto nang tanggalin ang kamay niya.“’Di ba sabi ko sa ‘yo ‘wag mo munang puntahan ‘yang babae mo… putulan kita ng ano r’yan, eh, makita mo.”“May
PATAPOS na ang pag-aayos sa akin nang pumasok sa dressing room si Jackson—my co-artist in T. R. Entertainment. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit mainit ang dugo niya sa akin. Para siyang si Gab. “Kumusta?” ang bati nito at naupo sa tabi ko. Pasimpleng inaayos ang buhok sa harap ng salamin. “Ayos lang.” “Galingan natin mamaya sa show,” ang sabi niya at naupo pakaliwa para ibigay sa akin ang buong atensiyon. “Tapos na po,” ang singit ng make-up artist kaya agad kong sinenyasan na maari na itong umalis. Hinintay ko lang na maisara nito ang pinto at saka ko hinarap si Jackson. “Ano na naman ang trip mo?” “Wala, gusto lang kitang kausapin.” Habang may ngiting nakakaloko. “’Wag na tayong maglokohan… anong kailangan mo?” Hindi ko gusto ang pinapakita niyang ngiti. Umismid siya at kalaunan ay natawa. “
MAINGAY ang gabi at puro mga sasakyan ang nakikita ko sa labas ng van. May kasama ako pero bakit tila hindi ko marinig ang lahat na tila napakatahimik… pakiramdam ko ay nag-iisa ako. Tumatakbo naman ang oras pero bakit tila nakahinto ang lahat.“Sa bahay tayo,” ang utos ko sa driver. Gusto ko munang umuwi kay Mama ngayong gabi. Gusto ko siyang makita at makasama.“Masiyado ng gabi para umuwi ka pa sa inyo. Maaga pa tayo bukas,” ang sabi ni Gab.“Sunduin mo na lang ako bukas.”“Ang layo-layo kaya—“ nahinto siya nang tignan ko… at mukhang naintindihan naman niya ang pinahihiwatig ko. “Bahala ka na nga, basta maaga kang gumising bukas para hindi mo na ako maabala pa ng husto.”Tumango ako at pagkatapos ay pumikit. Hindi ko napansin na nakatulog ako sa biyahe kung hindi lang ako ginising ni Gab.&l
(Past)SOBRANG saya ko pauwi. Tumambay kasi ako sa bahay ng classmate ko para makinuod ng anime movie na ibinida niya kanina sa school.“’Ma! Andito na ako… may kwento ako sa ‘yo,” ang sigaw ko pagpasok sa bahay. “Alam mo kanina nanuod ako nang—“ bigla akong nahinto nang may maapakan.Pinulot ang naapakan na damit ni Papa sa sahig. “’Ma?” ang tawag ko. “’Pa?” pero nahinto ako nang makita si Mama na umiiyak sa may sahig.Lumapit ako at tinanong siya kung anong nangyari pero tanging mga hikbi niya lang ang naisagot.Wala akong nagawa kundi ang umiyak rin kahit hindi ko naman alam kung ano ang nangyayari. Umiiyak si Mama sa dahilang hindi ko alam… at umiiyak rin ako dahil nakakaiyak ang mga hagulgol niya.Matapos niyang umiyak ay tumayo siya at nagluto ng pagkain para sa akin. Pagkatap
(Past)HINDI nagtagal ay naging desperado ako sa buhay. Sa kagustuhan kong magkaroon ng pera para matulungan si Mama ay pumasok ako sa masamang gawain.Marahas akong hinila ng kasama ko. “Hoy, baguhan… alam kong first time mo ‘to pero bawal ang bahag ang buntot dito kaya ayusin mo,” ang bulong nito sa akin. Marahas ako nitong kinuwelyuhan sabay turo sa isang lalake. “Nakikita mo ‘yong lalakeng ‘yon?... ‘Yong mataba at nakasuot ng amerikano. Mukhang mayaman kaya gusto ko kunin mo ‘yong wallet niya,” ang utos nito sabay tulak sa akin paabante. “Ayusin mo, ha. Hihintayin kita sa kabila.”Lumingon ako sa kasama ko. Kahit na training na kami para rito ay hindi ko maiwasang kabahan.Tinapik niya lang ang balikat ko saka lumayo sa akin para hintayin ako sa kabilang kalsada.Huminga ako ng malalim para lakasan ang loob sa gagawin. Wala n
UMIINOM ako ng kape habang hinihintay ang producer na makapag-decide sa final set-up ng new show na pinaplano ng management.Mahigit isang oras ng nagdi-discuss pero hindi pa rin sila makahanap ng ipapalit sa isa sa mga judges na ni-reject ang offer dahil sa schedule conflict.Isa ako sa mga napili nila at agad ko namang tinanggap ang offer. Kahit dito man lang, connected pa rin ako sa propesiyon na hindi ko na mababalikan.Ilang sandali lang ay naayos na nila ang problema at may papalit ng judge. Binaba ko ang iniinom na malapit ng maubos at pinakinggan ang sinasabi ng isa sa mga staff."Ito ang mga list ng contestants na magpa-participate sa competition." Isa-isa nitong binigay ang list at saka kami pinapanuod ng mga audition videos.Tinignan ko ang list at saka nagtanong, "50 lahat?""Sila lahat ang mga male trainees natin. Pero pipili lang kayo ng 25 na papasok sa elim
BIGLA akong napabangon nang makaramdam ang sakit sa likod. Agad kong nilingon kung sino mang walangh*yang sumuntok sa akin."Tang—""Oo! Ina mo rin!""Anong problema mo?!" ang tanong ko sa kanya.Kinuha niya ang unan sa tabi at hinampas sa ulo ko. "Hindi ka nagtatanda!" hampas ulit. "May nakakita sa 'yo kagabi!" hampas ulit pero this time sinalag ko na.Nag-agawan pa kami ng subukan kong kunin sa kanya ang hawak."Ano ba! Ang sakit-sakit na!" ang reklamo ko at nagawang maagaw ang unan at mabilis na hinagis sa labas ng bintana. Wala sanang matamaang tao sa ibaba.Napatalikod si Gab sa akin at may kung ano-anong binubulong sa sarili. Tumitingala pa at parang nagdadasal.Bahagya akong lumapit para marinig siya pero agad ring napaatras nang marinig ang binubulong."Pumangit sana siya, umitim at bumaho, para iwan siya."
NAKATULALA at iniisip si Noreen. Kanina ay nagkasalubong kami sa elevator pero hindi namin makuhang mag-usap dahil may ibang tao."May problema?" ang tanong ni Gab matapos tapikin ang balikat ko.Umiling ako bilang sagot."Oh, by the way, gusto ng management na gawan ka ng documentary project for your 10th year anniversary.""Documentary?""Yup, your life before and now.""I don't like it," mauungkat na naman ang buhay ko noon. "Pwedeng pass na lang? Pwede namang i-celebrate ang 10th year anniversary ko ng walang ganyan.""Pero nakarating na sa taas at pumayag si Mr. Ben."Of course, dahil sa tulong nito ay hindi ako magiging si Aaron ngayon."Yeah, gustong-gusto pa naman ni Mr. Ben na nakikita sa camera," ang komento ko at natawa."Laging nagri-replay sa utak ko ang boses niya kapag sinasabi niyang pinang