BIGLA akong napadilat nang maramdamang umaalog ang kinahihigaan ko.
Mabilis akong bumangon nang mag-akalang lumilindol.Pero bagsak ang balikat ko ng ma-realize na ang kambal lang pala na tumatalon-talon sa kama ang may gawa.“Akala ko kung ano na, kayo lang pala na dalawa.” Inabot ko sila pero mukhang natunugan nila ang balak kong gawin na pagkiliti kaya mabilis na nagsitakbuhan palabas ng kwarto.Pero hindi sila tuluyang lumayo at nanatili lang sa bukas na pinto, nagpapahabol.Dahan-dahan naman akong umalis sa kama at nagkunwaring walang balak kumilos at habulin sila.Pero naghintay lang ako nang tamang tiyempo at, “Waa!!” bigla ko silang hinabol na dalawa hanggang sa makarating sa kitchen area. Mabilis silang lumapit kay Tita na naghahanda ng breakfast. Nagtago sila sa likod nito.“Mukhang ginulo ka ata nitong dalawa,” ang komento niya.“Nagulat nga ako, e. Akala ko, lumilindol,” tapos ay niliSUMANDAL ako sa headboard ng kama habang kausap si Thalia. Katatapos ko lang mag-shower, pang-refresh sa buong araw na trabaho. Ala-una na ngayon sa Paris habang dito ay seven na ng gabi.“Ang mga bata?” ang tanong ng siya lang ang makita. Madalas, kapag tumatawag ako ay nakaabang na sa tabi niya ang dalawa.“Nasa kwarto nila, tinuturuan kong magsulat nang tumawag ka. Gusto mo bang kausapin sila?”Umiling ako. “Sa susunod na lang,” mas importante ang pag-aaral nila na matutong mag-sulat. “Ipakita mo sa 'kin pagkatapos, gusto kong makita ang hand-writing nila.”Tumango siya at sandali kaming natahimik. Walang nagsasalita at pawang nakatingin lang sa isa't isa.Gosh, namimiss ko na siya kahit wala pang isang linggo noong huli ko silang makasama.“Mukha kang pagod,” ang puna niya kahit sa video call niya lang ako nakikita.“Talaga?” —parang hindi naman. Bagong ligo nga lang
PAGPASOK sa dressing room ay agad kong kinuha ang damit na sandaling iniwan dahil kailangan kong suotin ang hinandang damit ng designer. Matapos ay binalik sa staff na sumunod sa akin ang sinuot na damit.Nahinto naman ako ng mapansin na wala sa pinaglagyan ko ang cross body bag. Nasa loob pa naman ang ilang mahahalagang bagay at cellphone.“Tapos ka na?” ang tanong ni Gab matapos pumasok sa dressing room.“'Yung bag ko?” Wala kasi sa pinag-iwanan ko.“Nasa van na, kinuha ko na agad habang nagpi-pictorial ka pa kanina.”Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay nawala na o may nangahas kumuha.“Tara na para makakain na tayo,” aniya sabay tingin sa suot na relo. “Past twelve na.”Pero nang makapasok sa van at hanapin ang bag ay wala ito. “Ang sabi mo ay narito ang bag ko?”“Pero kinuha ko ang mga gamit mo sa dressing room kaya imposibleng wala r'yan,” ani Gab at tin
MATAPOS mag-shower ay nagpunta ako sa kusina. Kumuha ng maiinom.Binalikan ko ang cellphone sa kuwarto at tinawagan si Gab.“Ibili mo ako ng dinner,” agad kong utos pagkasagot niya sa tawag. Hindi ko na hinintay pang makasagot at pinatay agad ang tawag.Sigurado akong manggagalaiti na naman iyon sa galit dahil inutusan ko na naman.Kumuha ako ng damit at nagbihis. Pagkatapos ay nagpunta sa sala habang hinihintay si Gab nang biglang tumunog ang cellphone ko.Agad akong napangiti ng makita ang pangalan niya sa screen.“Hello?” ang sagot ko sa kabilang linya.“Aaron, where are you now?” ang tanong niya.Pumikit muna ako at dinama ang pagkakasabi niya ng pangalan ko. “Sa bahay,” ang sagot ko pagkatapos.“Okay,” ang sagot niya. “Sige, ibababa ko na ‘to.”—no, wait!Gusto ko pa siyang kausapin ng matagal pero binaba na niya ang tawag.Balak ko sana siya
KANINA pa gising ang diwa ko pero hindi muna ako kumilos. Gusto ko munang pakiramdaman ang kambal na naglalaro pa sa kama. Tahimik sila pero ramdam ko ang likot nila dahil umuuga ang kama.“Gisingin natin si Daddy,” hindi ko sigurado kung si Theo ba o si Timothy ang nagsalita.Muli kong narinig na umuga ang kama hanggang sa tumahimik na.Pilit kong kinakalma ang sariling huwag matawa para hindi nila mahalatang nagpapanggap akong tulog.Nakuha pa nilang magplano sa harap ko. Balak nila akong kilitiin sa tagiliran.“Sa kabila ka, ako rito,” ani Theo.Pigil ang labi kong mangiti sa ginagawa nila.“Bilang ka ng 1 to 3,” ang utos niya pa kay Timothy.“Ikaw na lang, you know how to count.”“You know also... okay, 1... 2... 3—”Pero bigla na akong dumilat at mabilis na hinablot sila palapit at pagkatapos ay kiniliti. “Kayo, ha.”Tawa lang sila nang tawa dahil
MATAPOS ang araw na magpakita sa harap ng condo si Noreen ay hindi ko na pinapunta ang mag-ina ko at dumadalaw na lang sa bahay pagkatapos ng trabaho. Ni hindi na rin ako halos umuuwi at nakikitulog na sa bahay para makasama lang sila.Ipinapabenta ko na rin ang condo at titira muna pansamantala sa bahay kasama si Mama.Ngayon nga ay nasa labas ako ng building dala ang mga gamit ko habang tanaw ang truck na nagdadala ng mga appliances at furnitures sa condo.Ngayong araw na kasi ako uuwi at malamang ay kanina pa ako hinihintay ni Mama.Pumasok agad ako sa humintong kotse sa harap ko. “May nahanap akong interested na bilhin ang condo,” ang sabi ni Gab na siyang maghahatid sa akin pauwi sa bahay.“Thank you, naaabala na kita ng husto.” Una ay ang pag-aasikaso sa pinapatayong bahay tapos ngayon naman ay kailangan niyang maghanap ng potential buyer ng condo.“Wala 'yun, basta ba may bayad.”“Don’t worry,
HINDI ko na nahintay na sunduin ako ni Gab. Nag-message na lang ako na kunin nito ang naiwang gamit.Umaapaw ang emosiyon ko sa nalaman. After five years ay nalaman ko na rin ang katotohanan kung anong nangyari sa relasiyon namin noon.Sumakay ako sa taxi at nagpahatid sa bahay. Pikit ang mga mata at walang ibang gusto kung hindi ang makauwi na at makapagpahinga. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano, lalo na ang nangyaring sagutan sa pagitan namin ni Noreen.“Sir, nandito na po tayo,” ang sabi ng driver kaya minulat ko ang mga mata saka nilabas ang wallet para magbayad.Bago pumasok sa gate ay tiningnan ko muna ang oras sa suot na relo. Napaaga ang pag-uwi ko.Mabagal at maingat ang mga hakbang ko papasok ng bahay para hindi mapansin na nakauwi na ako. Ayokong magtanong si Mama na hindi ko naman alam paano sasagutin.Dumiretso agad ako sa itaas para pumunta sa kwarto. Mamaya na lang ako bababa kapag hapunan na.Pagpasok sa kwarto ay hindi na ako nagpalit ng damit at
MATAPOS ang meeting sa conference ay sumama sa akin sina Theo at Timothy habang nakasunod naman si Thalia.Alam kong gusto niyang pigilan ang mga bata at baka madulas ito sa pagtawag sa akin at masabi ang relasiyon ko talaga sa mga ito. Pero hindi ko na iniisip iyon. Wala na akong pakialam kung may magtanong basta masaya akong kasama sila at hawak ang mga kamay nila habang namamasiyal sa buong building.“Saan niyo gustong magpunta?” ang tanong ko dahil sa laki ng building ay hindi ko alam kung saan kami unang magpupunta.“Kahit saan Da—” tapos biglang tinakpan ni Theo ang bibig. Mukhang na-realize niya ang muntik nang masabi. Muntikan na niya akong matawag na 'Daddy'. “Sorry,” ang hingi niya ng tawad sa akin at pagkatapos ay inulit niya itong sabihin kay Thalia na nasa likod namin.“Okay lang, you don’t have to feel sorry.”“Tama ang Mommy mo. Okay lang, tayo-tayo lang naman ang nandito,&rdquo
HABANG yakap siya ay bigla na lang bumukas ang pinto at patakbong pumasok ang mga bata kasunod si Mr. Ben, tita Lea at pati na rin si Mama.Pumasok sila sa kwarto nang makita sa CCTV na nag-yes na si Thalia.Pero akala ko ay sila lang pero sunod na lang na pumasok ay sina Gab, Kim, Jackson pati si Papa at Jimson. Mukhang pinaalam ni Mr. Ben at Mama ang gagawin ko ngayon kaya sila narito.“Congratulations,” ani Kim at saka ako niyakap.“Thank you,” ang tugon ko pagkatapos ay kay Jackson naman ibinaling ang tingin. Nakipag-apir ako sabay tapik sa likod niya. “Nakapunta ka.”“Congrats, uunahan mo pa 'ko.”“Ang hina mo kasi, e,” ang biro ko sa kanya. Pagkatapos ay napatingin sa ibaba nang mapansin si Theo na nakatingala sa akin. Tumaas ang dalawang kilay ko, tinatanong kung anong kailangan niya.“Mommy cried,” ang sumbong ni Theo.“Tears of joy 'yun,” ang tugon ko