MAAGA akong bumangon o tamang sabihing hirap makatulog mula pa kagabi kaya tumayo na lang sa kama kaysa ang mahiga.
Bahagya kong binuksan ang pinto at saka sumilip sa labas. Tinitingnan kung nasa paligid ba si Thalia. Pagkatapos ay tumingin sa katabing pinto kung saan ang kwarto niya. Sa katapat naman na kwarto ang kanila Mr. Ben at Tita Lea.Parehong sarado ang mga pinto at wala rin akong naririnig na ingay. Kahit sa sala na makikita agad pagbukas ko ng pinto ay walang tao. Marahil ay natutulog pa sila kaya lumabas ako at dumiretso sa kusina para makapagkape—Bigla akong napahinto at nagmamadaling umatras para makabalik sa kwarto nang makitang nasa kitchen area si Thalia. Nakatingin ito sa ibang direction kaya hindi ako napansin.Pumihit ako patalikod para bumalik sa kwarto nang makitang paparating si Mr. Ben. “O, Aaron, nakapag-breakfast ka na ba?”Natigil ako sa paghakbang at dahan-dahang nilingon si Thalia na nasa akin na ang tingin. NaHABANG nakaharap sa salamin at nakikita ang reflection ay hindi ko mapigilang tingnan ang make-up artist na nag-aayos sa akin. Bago siya sa paningin at napapansin ko talaga ang panginginig ng kamay niya. Pero kahit kabado ay masasabi kong maayos at talagang professional ang ginagawa niya.“Okay ka lang?” ang tanong ko at tumingin sa kanya.Ilang beses siyang tumango at halos hindi ako matingnan sa mata. “O-okay lang po.”“Nanginginig kasi ang kamay mo.”Nang sabihin ko iyon ay mas lalong nangining ang kamay niya. “W-wala lang po ‘to, bago lang po kasi ako.”“Ah, kaya pala ngayon lang kita nakita,” napatingin ako sa labi niya na parang may gustong sabihin. “May gusto kang sabihin?” ang tanong ko.Nanlaki ang mata niya at saka kumurap-kurap. Pagkatapos ay tumingin muna sa paligid kaya napasunod rin ang tingin ko. Sobrang daming tao rito sa dressing room pero lahat ay abala kaya
YUGYOG sa balikat ang nakapagpagising ng diwa ko pero hindi ko pinansin dahil sa sobrang pagod at antok. Tumagilid lang ako at hindi na pinansin ang nang istorbo.“Gising na Aaron, umuwi na tayo.”Pamilyar sa akin ang boses pero parang imagination ko lang.“Hoy, Aaron, hindi ka pwedeng matulog rito sa set.”Nang maging malinaw na ang boses ay saka lang ako kumilos at umayos ng upo pero nanatiling sarado pa rin ang mga mata. “Anong oras na,” ang tanong ko kay Gab sa namamaos na boses.“Ten. Dalawang oras ka ng natutulog rito.”Nag-inat-inat ako saka dinilat ang mga mata. Agad kong napansin sa reflection ng salamin si Gab. Pero hindi lang siya ang nasa loob ng dressing room, dahil nasa likod ko lang pala ang isa sa kasamahang crew.“Sorry, nakatulog pala ako,” ang hingi ko ng paumanhin dito. Bahagya pa akong yumuko.“Kanina pa na-pack up at umuwi ang iba pero nakita ka naming natu
KAHIT malinis at nakaligo na ay pakiramdam ko ay hindi naalis nang tuluyan ang harina sa buhok ko. Kahit ilang beses nang nag-shampoo ay parang nasa anit ko pa rin ito.“Tapos ka na?” ang tanong ni Chris. Kanina pa ito naghihintay na matapos ako sa paggamit ng banyo. Tulad ko rin kasi ay nalagyan ng harina ang buhok at katawan niya.Dahil kanina lang ay tinulungan namin si Thalia na gustong mag-bake. Pero dahil pareho naming gusto ni Chris na i-mix ang flour ay nag-agawan pa kami hanggang sa matapon sa sarili namin. Sa inis ay binato niya ako nang kung anong mahawakan hanggang sa nauwi sa giyera ang kusina. Naawat lang kami nang dumating sila Mr. Ben at tita Lea galing sa paggo-grocery.“Oo,” ang sagot ko sa tanong niya na halos matawa. Namumuti kasi ang mukha at buhok niya. Actually, buong katawan niya ang binato ko ng harina kaya talagang nakakatawa ang itsura niya.Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa isara niya ang pinto ng bany
INILALAGAY ko na sa likod ng kotse ang luggage ni Mama nang mag-ring ang cellphone....incoming video call...Si Thalia, tumatawag. Sinagot ko ang tawag at agad napangiti nang makita ang mukha niya. “Hello,” ang bati ko.“Nasa airport na kayo?”“Papunta pa lang kami ni Mama,” ang sagot ko at napansin sa gilid si Mama na lumapit sa akin kaya ipinakita ko ito sa camera.“Hello, Tita!” ang masiglang bati ni Thalia. “Excited na po akong makasama kayo rito.”“Ako rin, excited na rin akong makapunta r’yan.”Binigay ko muna kay Mama ang cellphone habang hindi pa ako tapos na ayusin ang mga luggage.Muli kasi ay babalik ako sa Paris para ihatid si Mama na gustong makita si Thalia at tulungan si tita Lea dahil abala pa si Mr. Ben sa company.Sinabi ko ngang hindi na kailangan pero nagpumilit ito na gustong makita si Thalia kaya hinayaan ko na lang.Matapos maiayos a
SABAY-SABAY kaming nag-breakfast sa hapagkainan na madalas ay hindi, dahil late na kung minsan magising si Thalia.Pero dahil tuloy-tuloy ang tulog niya kagabi kaya maaga siyang nagising at nakasalo sa amin.“Mabuti at maaga kang nagising ngayon,” ang puna ni Tita sa anak.“Nakatulog po kasi ako nang mahimbing,” ang sagot niya sabay sulyap sa akin.Bigla namang nag-flasback sa alaala ko ang nangyari kagabi. Kung saan ay sinabi niyang...Wait, totoo naman siguro ‘yung narinig ko kagabi ‘di ba?Tumingin ako kay Thalia. “May natatandaan ka ba kagabi?”“Kinantahan mo ‘ko ‘di ba?” tumango ako sa tanong niya.“And?” –sana lang sabihin niya kung ano pa ang kasunod matapos ko siyang kantahan.“Am... hindi ko na matandaan. Nakatulog na ‘ko habang kumakanta ka pa.”So, malamang ay hindi niya narinig ang sinabi ko?“Okay,&rdq
HAWAK ang plane ticket sa kanang kamay at sa kaliwa naman ang luggage ay lumabas ako sa condo para sumakay sa elevator nang makatanggap ng tawag mula kay Gab.“Hello?”“Nasa’n ka ngayon?” ang tanong niya agad. Sa tono palang nang boses niya ay parang hindi magandang balita ang itinawag niya.“Bakit? Pasakay ako ngayon sa elevator.”“Papunta ka na ba sa airport?”“Oo, bakit? May bad news ba?”“Oo, hindi mo ba na check? May kumakalat na issue tungkol sa ‘yo,” ang sagot niya. Medyo maingay banda sa linya niya at medyo hinihingal rin siya.“Wala akong nakikita, sa’n ka ba? Ba’t parang hinihingal ka?”“Paakyat na ako d’yan, bumalik ka sa loob ng condo mo at ‘wag mong pagbubuksan kahit na sino, maliban sa ‘kin,” ang utos niya.Bigla naman akong naalarma at kahit naguguluhan ay sinunod ko ang utos niya. Bumalik ako sa condo at ni-lock ang pinto.Naupo sa sofa at nag-browse online kung ano bang issue ang kumakalat sa akin. “Please, ‘wag lang sana tungkol kay Th
LUMIPAS ang isang araw na walang nangyari. Matapos makausap si Papa ay hindi na ako tumawag pang muli.Mas kinakampihan niya pa si Linda kahit ito ang may mali.Si Gab naman ay nagpunta sa company para alamin kung ano ang pwedeng gawin tungkol sa issue.At heto ako nakatunganga lang at walang magawa.Nag-ring ang cellphone ko. Tumatawag si Thalia.“Hello?”“Aaron, kumusta, okay ka lang ba?”Napabuntong-hininga ako. “Nabalitaan mo na ba?”“Oo, actually, kahapon pa pero hinintay kong ikaw mismo ang mag-open up.”“Sorry, hindi ko agad nasabi sa ‘yo. Inaalala ko lang kasi ang kalagayan mo,” ang tugon ko.“Naiintindihan ko. ‘Wag kang mag-alala at magiging maayos din ang lahat.” Kahit hindi ko siya nakikita ay nai-imagine kong nakangiti siya habang sinasabi iyon.“Sorry talaga, dapat ay nand’yan na ako at kasama ka.”“May ibang araw pa naman.”“Tama, may ibang araw pa... I miss you,” hindi ko napigilang sabihin.“Ako rin, I miss you.”Pagkatapo
HINDI pa man tuluyang naipapasok sa gate ang kotse ay sinasalubong na kami ni Mama.Binaba ko ang bintana at agad natigilan nang makita kung sino ang katabi ko, si Linda.“Si Papa?” ang tanong at tanging pag-angat lang ng kamay ang ginawa habang nakaturo sa loob ng bahay.“Bakit magkasama kayo?” ang bulong ni Mama nang makalabas ako sa kotse.“Sa loob na lang,” ang sagot at hinawakan ang braso niya para iakay papasok sa loob ng bahay. Sumunod naman si Gab at Linda.Sa sala ay naroon si Jimson at napatayo nang makita ang kanyang Ina.“Jimson, pakitawag naman ang Papa mo,” ang utos ni Mama na sinunod naman nito.Naupo muna kami habang nagpatuloy si Mama sa kusina para kumuha nang maiinom habang naghihintay kami.Ilang sandali lang ay nakababa na si Papa. Tumayo naman si Linda at nilapitan ito. “Pwede ba tayong mag-usap?” ang rinig kong tanong ni Linda.Tumingin muna sa akin si Papa