Share

Chapter 34

HABANG nakaharap sa salamin at nakikita ang reflection ay hindi ko mapigilang tingnan ang make-up artist na nag-aayos sa akin. Bago siya sa paningin at napapansin ko talaga ang panginginig ng kamay niya. Pero kahit kabado ay masasabi kong maayos at talagang professional ang ginagawa niya.

“Okay ka lang?” ang tanong ko at tumingin sa kanya.

Ilang beses siyang tumango at halos hindi ako matingnan sa mata. “O-okay lang po.”

“Nanginginig kasi ang kamay mo.”

Nang sabihin ko iyon ay mas lalong nangining ang kamay niya. “W-wala lang po ‘to, bago lang po kasi ako.”

“Ah, kaya pala ngayon lang kita nakita,” napatingin ako sa labi niya na parang may gustong sabihin. “May gusto kang sabihin?” ang tanong ko.

Nanlaki ang mata niya at saka kumurap-kurap. Pagkatapos ay tumingin muna sa paligid kaya napasunod rin ang tingin ko. Sobrang daming tao rito sa dressing room pero lahat ay abala kaya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status