HAWAK ang plane ticket sa kanang kamay at sa kaliwa naman ang luggage ay lumabas ako sa condo para sumakay sa elevator nang makatanggap ng tawag mula kay Gab.
“Hello?”“Nasa’n ka ngayon?” ang tanong niya agad. Sa tono palang nang boses niya ay parang hindi magandang balita ang itinawag niya.“Bakit? Pasakay ako ngayon sa elevator.”“Papunta ka na ba sa airport?”“Oo, bakit? May bad news ba?”“Oo, hindi mo ba na check? May kumakalat na issue tungkol sa ‘yo,” ang sagot niya. Medyo maingay banda sa linya niya at medyo hinihingal rin siya.“Wala akong nakikita, sa’n ka ba? Ba’t parang hinihingal ka?”“Paakyat na ako d’yan, bumalik ka sa loob ng condo mo at ‘wag mong pagbubuksan kahit na sino, maliban sa ‘kin,” ang utos niya.Bigla naman akong naalarma at kahit naguguluhan ay sinunod ko ang utos niya. Bumalik ako sa condo at ni-lock ang pinto.Naupo sa sofa at nag-browse online kung ano bang issue ang kumakalat sa akin. “Please, ‘wag lang sana tungkol kay ThLUMIPAS ang isang araw na walang nangyari. Matapos makausap si Papa ay hindi na ako tumawag pang muli.Mas kinakampihan niya pa si Linda kahit ito ang may mali.Si Gab naman ay nagpunta sa company para alamin kung ano ang pwedeng gawin tungkol sa issue.At heto ako nakatunganga lang at walang magawa.Nag-ring ang cellphone ko. Tumatawag si Thalia.“Hello?”“Aaron, kumusta, okay ka lang ba?”Napabuntong-hininga ako. “Nabalitaan mo na ba?”“Oo, actually, kahapon pa pero hinintay kong ikaw mismo ang mag-open up.”“Sorry, hindi ko agad nasabi sa ‘yo. Inaalala ko lang kasi ang kalagayan mo,” ang tugon ko.“Naiintindihan ko. ‘Wag kang mag-alala at magiging maayos din ang lahat.” Kahit hindi ko siya nakikita ay nai-imagine kong nakangiti siya habang sinasabi iyon.“Sorry talaga, dapat ay nand’yan na ako at kasama ka.”“May ibang araw pa naman.”“Tama, may ibang araw pa... I miss you,” hindi ko napigilang sabihin.“Ako rin, I miss you.”Pagkatapo
HINDI pa man tuluyang naipapasok sa gate ang kotse ay sinasalubong na kami ni Mama.Binaba ko ang bintana at agad natigilan nang makita kung sino ang katabi ko, si Linda.“Si Papa?” ang tanong at tanging pag-angat lang ng kamay ang ginawa habang nakaturo sa loob ng bahay.“Bakit magkasama kayo?” ang bulong ni Mama nang makalabas ako sa kotse.“Sa loob na lang,” ang sagot at hinawakan ang braso niya para iakay papasok sa loob ng bahay. Sumunod naman si Gab at Linda.Sa sala ay naroon si Jimson at napatayo nang makita ang kanyang Ina.“Jimson, pakitawag naman ang Papa mo,” ang utos ni Mama na sinunod naman nito.Naupo muna kami habang nagpatuloy si Mama sa kusina para kumuha nang maiinom habang naghihintay kami.Ilang sandali lang ay nakababa na si Papa. Tumayo naman si Linda at nilapitan ito. “Pwede ba tayong mag-usap?” ang rinig kong tanong ni Linda.Tumingin muna sa akin si Papa
HAWAK ang kamay ni Thalia ay naglakad-lakad muna kami sa likod nang bahay para makapag-usap matapos kumain kasama ang magulang ni Chris. “Okay ka lang?” ang tanong niya pa.Tumango ako. “Oo naman, medyo nabibigla lang sa mga tanong ng Tito at Tita mo,” ang sagot ko. Habang kumakain kasi kami ay panay ang tanong ng mga ito sa akin.“Gano’n talaga sila, medyo mas strict pa nga sila kaysa kanila Daddy.”May pinagmanahan naman pala si Chris. “Ayos lang naman ang mga tanong nila sa ‘kin, kasi hindi naman nila ako gano’n ka kilala.”Huminto kami sa paglalakad at pinulupot ang mga braso sa bewang niya habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. “Hindi ko alam na sasabihin mo ‘yun kanina. Ang akala ko ay tungkol lang sa pag-aaral ang dahilan mo kaya ayaw mo munang magpakasal.”Pinilupot niya rin ang mga braso sa bewang ko at tiningala ako. “Gusto ko kasi na pagdating nang panahon n
NANG bumalik on-air ay muling nagsalita ang Host para sabihing magpi-perform na ang mga participants by group.Dahil isa ako sa judges ay hindi ako pwedeng basta-basta na lang umalis at pumunta sa backstage kahit gusto kong pumunta at alamin na mismo ang nangyayari.Tanging sa mga messages lang ni Thalia ako nakakakuha ng balita.Nang tinawag ng Host ang grupo ni Chris ay nilingon ko ang banda sa audience dahil hindi pa nakakabalik si Thalia.Nag-umpisa ng tumugtog ang background music habang nagsisilabasan ang member, at kasama rito si Chris.Nakahinga ako ng maluwag nang makita ito. Na mukhang maayos na ang itsura kumpara kanina.Thalia:Okay na si Chris.Ang nabasa ko sa pinadalang message niya. Lumingon pa ko sa audience at nakitang paupo na siya sa upuan.Muli kong binalik ang tingin sa stage at pinanuod ang performance ng grupo ni Chris nang mag-umpisa na sila.Sampo na lang silang lahat na participants ngayon. At lima sa k
NAKAPAMEWANG akong tumingin sa bukas na luggage sa aking harapan. Iniisip kung anong kulang at hindi pa nailalagay sa loob.Sigurado akong may nakakalimutan ako. Hindi ko nga lang maisip kung ano.“Hindi ka pa ba tapos d'yan?” ang tanong ni Gab na nasa tabi ng luggage at nakatingin lang sa akin. Nakuha pa ngang mangalumbaba habang nag-iisip ako kung anong nakalimutan ko.“Kung tulungan mo kaya akong mag-isip dito.”Pero umirap lang siya at nakuha pang humikab. Bored na bored ang gag*.“Lumabas ka na nga lang, hindi ka naman nakakatulong.”“Tang*na mo, parang hindi mo 'ko kailangan para mag-drive at ihatid ka papunta sa airport, a.”“Simula kaninang tinawagan kita ay puro mura naririnig ko sa 'yo, buti na nga lang hindi pa nagdudugo ang tenga ko sa 'yo.”“Istorbo ka kasi. Rest day ko tapos bub*wesitin mo 'ko.”“Wala ka namang gagawin kaya tulungan mo na lang ako.
BIGLA akong napadilat nang maramdamang umaalog ang kinahihigaan ko.Mabilis akong bumangon nang mag-akalang lumilindol.Pero bagsak ang balikat ko ng ma-realize na ang kambal lang pala na tumatalon-talon sa kama ang may gawa.“Akala ko kung ano na, kayo lang pala na dalawa.” Inabot ko sila pero mukhang natunugan nila ang balak kong gawin na pagkiliti kaya mabilis na nagsitakbuhan palabas ng kwarto.Pero hindi sila tuluyang lumayo at nanatili lang sa bukas na pinto, nagpapahabol.Dahan-dahan naman akong umalis sa kama at nagkunwaring walang balak kumilos at habulin sila.Pero naghintay lang ako nang tamang tiyempo at, “Waa!!” bigla ko silang hinabol na dalawa hanggang sa makarating sa kitchen area. Mabilis silang lumapit kay Tita na naghahanda ng breakfast. Nagtago sila sa likod nito.“Mukhang ginulo ka ata nitong dalawa,” ang komento niya.“Nagulat nga ako, e. Akala ko, lumilindol,” tapos ay nili
SUMANDAL ako sa headboard ng kama habang kausap si Thalia. Katatapos ko lang mag-shower, pang-refresh sa buong araw na trabaho. Ala-una na ngayon sa Paris habang dito ay seven na ng gabi.“Ang mga bata?” ang tanong ng siya lang ang makita. Madalas, kapag tumatawag ako ay nakaabang na sa tabi niya ang dalawa.“Nasa kwarto nila, tinuturuan kong magsulat nang tumawag ka. Gusto mo bang kausapin sila?”Umiling ako. “Sa susunod na lang,” mas importante ang pag-aaral nila na matutong mag-sulat. “Ipakita mo sa 'kin pagkatapos, gusto kong makita ang hand-writing nila.”Tumango siya at sandali kaming natahimik. Walang nagsasalita at pawang nakatingin lang sa isa't isa.Gosh, namimiss ko na siya kahit wala pang isang linggo noong huli ko silang makasama.“Mukha kang pagod,” ang puna niya kahit sa video call niya lang ako nakikita.“Talaga?” —parang hindi naman. Bagong ligo nga lang
PAGPASOK sa dressing room ay agad kong kinuha ang damit na sandaling iniwan dahil kailangan kong suotin ang hinandang damit ng designer. Matapos ay binalik sa staff na sumunod sa akin ang sinuot na damit.Nahinto naman ako ng mapansin na wala sa pinaglagyan ko ang cross body bag. Nasa loob pa naman ang ilang mahahalagang bagay at cellphone.“Tapos ka na?” ang tanong ni Gab matapos pumasok sa dressing room.“'Yung bag ko?” Wala kasi sa pinag-iwanan ko.“Nasa van na, kinuha ko na agad habang nagpi-pictorial ka pa kanina.”Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay nawala na o may nangahas kumuha.“Tara na para makakain na tayo,” aniya sabay tingin sa suot na relo. “Past twelve na.”Pero nang makapasok sa van at hanapin ang bag ay wala ito. “Ang sabi mo ay narito ang bag ko?”“Pero kinuha ko ang mga gamit mo sa dressing room kaya imposibleng wala r'yan,” ani Gab at tin