Chapter 1
"Jaxon, are you sure it's okay with your wife?"
Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan ng marinig ko ang boses na iyon. Babae.
"Kahit hindi ayos sa kanya ay isasama pa rin naman kita dito."Jaxon.Marahan akong bumaba ng hagdan at sinalubong silang dalawa. Ang asawa ko at isang hindi pamilyar na babae.
"Nandito ka na pala," sambit ko. Tiningnan lamang niya ako pagkatapos ay nilagpasan nila akong dalawa ng babaeng kasama niya.
"Oh, so you're the wife? " Maarteng tanong ng babae at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napaiwas ako ng tingin dahil sa paraan ng pagkakasuri ng babae sa akin."I-I'm Lhaurizeth. Jaxon's-" Hindi ko pa man natatapos ang ginawa kong pagpapakilala ng hilahin ni Jaxon ang babae."Let's go Bettina." Malamig na wika ni Jaxon at hawak ang kamay na isinama niya sa ikalawang palapag ng bahay namin ang babae niya. Sinundan ko na lamang sila ng tingin.
I sighed.
'Hanggang kailan ba kami magiging ganito?'
Nanghihinang napaupo ako at pinigilang pumatak ang mga luha sa mata ko. Kailangan kong maging malakas sa mga sitwasyong gaya nito.Huminto ang pag-agos ng luha sa mga mata ko ng marinig ko ang pag-iingay ng cellphone ko. Saglit kong hinamig ang aking sarili bago sagutin ang tawag.Si Arianne, ang college friend ko na parang kapatid kung ituring ako. "H-hello.""Hi Lhaurize! Are you free today?""Y-yes. Why?""Iinvite sana kita sa bahay. Birthday kasi ni Hawk."'Thank you Arianne,' anang isip ko.Gusto kong makaalis pansamantala sa bahay namin ni Jaxon. Ayokong marinig ang kung ano mang bagay na ginagawa nila ng babae niya.
"I'll be there in 45 minutes Arianne," sagot ko at tinapos na ang tawag.Muli akong bumalik sa itaas at nagtungo sa kwarto naming mag-asawa. Kwarto namin noon na ako na lang ang gumagamit ngayon simula ng magkaroon ng mga babaeng inuuwi si Jaxon sa bahay namin.Saglit lang akong nagpalit ng damit at nag-ayos ng sarili bago muling bumaba. Dinig ko ang malakas na boses ng babae ni Jaxon mula sa katabing kwarto.Eksaktong 45 minutes nang makarating ako sa bahay nila Arianne. Hindi ko na nagawang makapagpaalam sa asawa ko dahil busy siya kaya nag-iwan na lamang ako ng note sa tapat ng kwarto nila ng babae niya."Glad you came Lhaurize!" Masayang bati sa akin ni Arianne at niyakap ako.
"Wala naman din kasi akong ginagawa sa bahay kaya naisipan kong pumunta na lang dito," pilit ang ngiting tugon ko.Mayamaya pa ay nakita ko na ang kapatid ni Arianne na si Hawk at may kasamang hindi pamilyar na lalaki.
"Ate Lhaurize!" Masayang bati sa akin ni Hawk at yumakap ng makalapit sa akin."I thought you were busy with Kuya Jaxon kaya hindi na ako nag-abalang i-invite kayo. By the way, where is Kuya Jax?"Napayuko ako sa tanong na iyon ni Hawk. Wala silang dapat malaman. At hindi na dapat nilang malaman. Alam kong magagalit sila. "He's busy kaya ako na lang ang nagpunta rito,' sagot ko at ngumiti sa kanya."Well, ano pa nga bang aasahan natin kay Kuya? Napakaworkaholic ng asawa mo ate." Natatawang saad ni Hawk samantalang napatingin ako sa lalaking kasama niya.
"By the way ate, meet my college buddy Rusty Montelibañez. Rust, she's Lhaurizeth Santillan- Dela Vega. " Pagpapakilala sa akin ni Hawk ganun din sa lalaking kasama niya."Nice to meet you Ms. Dela Vega." Nakangiting bati ni Rusty sa akin at inilahad ang palad nito. "Nice meeting you Mr. Montelibañez," tugon ko sa kanya tsaka tinanggap ang pakikipag-kamay niya. "Misis Dela Vega na iyan Rust. Naalala mo yung businessman na si Jaxon Keith Dela Vega? Asawa niya iyon," paliwanag ni Hawk kay Rusty kaya napakamot sa kilay ang huli."Ah yeah. I remembered his name," maikling sagot ni Rusty at tumawa.Matapos ang maikling pag-uusap naming tatlo ay ako na ang kusang nagpaalam sa kanila at kumuha ng pang-dalawahang lamesa."Happy Birthday Hawkieee!""Yo! Hawkieee!""Birthday ngayon ni Hawk kaya pumayag siyang batuhin niyo ng itlog!""Tapos harina! Hahahaha!""Hoy! Walang ganyanan mga siraulo!"Napuno ng tawanan ang buong venue ng kaawaran na iyon ni Hawk. Nakalimutan ko pansamantala ang problema ko at halos abutin ng madaling-araw ang buong party na iyon."Kaya mo bang mag-drive pauwi? Ipapahatid kita sa driver namin," pangungulit sa akin ni Arianne na noon ay lasing na."Hindi na Arianne. Kaya ko na, besides hindi ako gano'ng nakainom.""Kahit na Lhaurize. Baka mapatay ako ni Jaxon kapag may nangyari sa'yo."'Hindi mangyayari ang bagay na 'yon Arianne,' bulong ko sa isip. "Ayos lang talaga Arianne. Kaya kong umuwi.""Lhaurize-""Ako na nga ang maghahatid sa kanya para mapanatag ka." Napalingon ako ng marinig ang boses ni Hawk. Amoy-alak siya ngunit hindi naman siya lasing hindi katulad ng kapatid niya na anumang oras ay tutumba sa kalasingan."Hay, buti naman sige na ihatid mo na siya. Thank you brother."
"Arianne!" Pagtawag ko sa kanya ngunit tinalikuran na niya ako at pumasok ng bahay kaya kaming dalawa ni Hawk ang naiwan.
"Don't worry, mukhang harmless naman si Hawk. Walang mangyayari sa'yo habang kasama mo 'yan." Mula sa kung saan ay sumulpot si Rusty na na nakangiti pa. Tumingin naman ako sa kanya bago nalipat kay Hawk."Okay lang ba sa'yo? You should be celebrating tonight. Ang ate mo talaga-"
"I insist ate. Let's go baka nag-aalala na ang asawa mo sa'yo."Nagpaalam ako saglit kay Arianne at Rusty bago sumunod kay Hawk na pumasok sa loob ng kotse at tahimik kaming bumiyahe. May mga pagkakataong nagtatanong siya sa akin na sinasagot ko naman ngunit nang maramdaman niya sigurong wala na akong balak na makipag-usap pa ay tumigil na rin siya sa katatanong sa akin.
Makalipas lang ang ilang minuto ng makarating kami sa bahay. Bumaba na ako at gano'n din siya."Salamat sa paghatid Hawk."
"No worries ate. I'll go ahead na. Pumasok ka na rin sa loob."
Ngumiti ako sa kanya at saka tumango."Good night ate Lhaurize," saad niya pa ng makapasok na sa loob ng sasakyan."Ingat and thank you ulit," paalam ko at hindi na hinintay na makaalis ang sasakyan niya. Pumasok na ako sa loob at isinara ang gate.
Tahimik na ang buong bahay pagdating ko. Sarado na rin ang ilaw sa ibaba kaya mukhang tulog na si Jaxon.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay binuhay ko ang ilaw sa unang palapag at halos mapatalon ako sa gulat ng makitang nakaupo at nakakrus ang mga braso ng asawa ko. Oo. Gising pa siya."Bakit nandito ka at bakit gising ka pa?" takang tanong ko.Hindi ang tulad ng isang Jaxon Dela Vega ang mananatiling gising ng alas-dos ng umaga.
"Where have you been?" Malamig na tanong niya sa akin. Tumayo siya at nakapamulsang hinarap ako."Why are you asking? Hindi ba't ikaw na ang nagsabi sa akin na walang pakialamanan sa isa't isa?" Naasar na sagot ko at nakita ko ang pagkunot ng noo niya."But you're my wife.""Sa papel. Sa papel mo lang ako asawa Jaxon. Ikaw rin ang nagsabi niyon sa'kin." Pinipigilan kong pumatak ang mga luha ko kaya tinalikuran ko na siya at dumiretso na sa kwarto namin.
Saglit lang akong nag-ayos ng sarili bago humiga sa kama.Oo sa papel lang kami mag-asawa. Ako ang may gusto na magpakasal kami kahit ayaw niya sa akin. Kahit pa alam kong wala siyang pagmamahal sa akin. Dahil lamang sa utang na loob ng pamilya niya kaya napilitan siyang pakasalan ako. Kasalanan ko lahat kung bakit nagkakaganito ang buhay ko. Para akong nag-asawa ng patay."Lhaurizeth." Agad akong napabalikwas nang bangon ng marinig ang boses ng asawa ko.Hindi ko na-ilock ang pinto. "Jaxon please lang ayokong makipag sagutan sa'yo ngayon," sagot ko at lumapit sa kanya na nakapasok na sa loob ng kwarto."Dito ako matutulog sa tabi mo.""Ano?""Narinig mo na. Hindi ko na kailangan pang ulitin sa'yo.""Lasing ka ba?"Anong himala ito? Sa loob ng apat na taon namin bilang mag-asawa ay hindi pa siya tumatabi sa akin sa pagtulog."Do I look like I'm drunk?"
"Pero-"
"Matulog ka na. Gusto ko na ring matulog," pagtatapos niya sa usapan namin bago humiga at tumalikod sa akin.
Wala na akong nagawa kundi ang mahiga na rin. Nakaharap sa akin ngayon ang malapad niyang likod na walang kumot. At hindi ko namalayang nilamon na ako ng antok.Chapter 2Nagising ako ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko.Agad naman akong napabalikwas nang bangon ng makitang nasa tabi ko pa si Jaxon at tulog na tulog pa. Napatingin ako sa alarm clock na nasa bed side table at nakitang alas-otso pasado na ng umaga."Jaxon." Mahinang pagtawag ko sa pangalan niya. Kumilos siya saglit at nagulat ako ng hawakan niya ako sa may pulsuhan ko at hilahin ako palapit sa kanya."Lhaurize.." Pikit-matang bigkas niya sa pangalan ko. Saglit ko siyang pinagmasdan at akmang hahawakan ang mukha niya ngunit hindi ko na lamang itinuloy."Jaxon, malalate ka na sa trabaho mo," saad ko at idinilat naman niya ang mga mata. Saglit siyang tumingin sa akin kaya nagkaroon ako ng pagkakataong mapagmasdan muli ang asawa ko."Ah, oo nga pala may trabaho pa ako."Walang pasabi siyang bumangon at lumabas ng kwarto.Napabuntong hininga naman ako at muling humiga.
Chapter 3Kinabukasan ay nagising akong wala sa tabi ko si Jaxon. Bumangon ako at bumaba na. Wala na rin ang sasakyan niya sa garahe.'Hays'Pagkatapos nang nangyari sa amin ay hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya o kung paano ko siya pakikiharapan.Naputol ang mga iniisip ko nang marinig ang tunog ng doorbell. May bisita ng ganito kaaga?Lumabas ako at pinagbuksan ng gate ang bisita. Ngunit hindi ko inaasahan ang taong nakatayo sa labas ng bahay namin."Rusty?" bungad na tanong ko ng makita ko siya."Good morning.""Anong ginagawa mo rito?" tanong ko pa. Sa halip na sumagot ay may itinaas siyang paper bag sa harap ko. Galing sa isang kilalang restaurant ang dala niyang paper bag."May dinaanan kasi akong kakilala malapit dito kaya naisipan kong dumaan sa inyo.""Gano'n ba.""Ang tahimik yata ng bahay niyo?"Lumin
"Wala ka namang dapat ikahingi ng tawad Jaxon," sagot ko matapos marinig ang paghingi niya ng tawad. Oo, aaminin ko na nagpapakatanga ako sa lalaking ito dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya kahit alam kong parang estranghera kung ituring niya ako. "Hindi ka na pwedeng lumabas o makipagkita sa Rusty na 'yon." "Pero-" "Makinig ka na lang sa'kin kung ayaw mong humantong sa annulment ang lahat." Hindi na ako nakasagot pa sa kanya. Ayoko. Ayokong makipaghiwalay sa kanya kahit anong mangyari. Hindi pwedeng humantong ang lahat sa annulment. Titiisin ko na lang ang pagtratong ginagawa niya basta kasama ko siya. "S-sige kung 'yan ang gusto mo." Tinalikuran na niya ako at lumabas ng kwarto kaya naman maayos rin akong nakapagpalit ng damit pantulog. Makaraan ang ilang sandali ay muli siyang pumasok sa loob ng kwarto na amoy-alak. Hindi ko alam kung bakit dalawang magkasunod na gabi na siyang naglalasing. Ayoko na
"How's their food? Mukhang mauubos mo na yata ang inorder mo." Tumigil ako sa akmang pagsubo ng marinig ang sinabi ni Sebastian. Nilingon ko siya pagkatapos ay kiming nginitian. Paalis na sana siya kanina nang mabangga ko kaya lang ay hindi inaasahang nagkita sila ni Rusty. Sa huli ay inaya na lamang siya nila Arianne na sumama sa amin. Akala ko nga no'ng una ay hihindian niya ang imbitasyon ngunit mabilis pa sa alas-kwatrong pumayag siya. "Masarap yung pagkain nila," sagot ko pagkatapos ay itinuloy na iyon. Ngumiti ito sa akin pagkatapos ay inabot ang isang plato ng Crab dish. Kinuha ko naman iyon at naglagay sa plato ko at inilapag sa lamesa pagkatapos ay inabot din niya sa akin ang isang hot sauce."Thank you," pasasalamat ko at tumango naman siya."Taste good," sagot ni Arianne na katabi ni Rusty sa upuan."Good to know." "You love seafood dishes?" tanong pa sa akin ni Sebast
"Rusty.."Para akong natulos mula sa kinatatayuan ko ng makita si Rusty sa loob ng kwartong tinutuluyan ni Jaxon. Humarap ito sa akin matapos kong itanong kung anong ginagawa niya sa bahay naming mag-asawa. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok. Binalot muli ng kaba ang dibdib ko ng tumayo ito at akmang hahakbang palapit sa akin. Umatras ako ngunit patuloy lamang siya sa paglapit."Hindi ko alam na mauunahan pala kitang makauwi." Kalmado lamang ang boses niya habang sinasabi iyon sa akin. Pero takot ang nararamdaman ko. Takot dahil alam kong mag-isa lamang ako sa bahay at walang laban sa kanya. Lalaki siya at alam naman ng lahat ang lakas ng isang tulad niya."Anong ginagawa mo rito?"Lhaurize show some bravery.Pilit kong nilalakasan ang loob ko habang kaharap ko siya. Hindi dapat ako magpakita ng takot sa kanya dahil mas makakampante siya na kaya niya ako."Dumaan lang naman ako
Dalawang araw ang inilagi ko sa ospital. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay si Sebastian ang nag-asikaso sa akin. Hindi ko na ipinaalam kina Arianne ang nangyari dahil malamang na tatawagan agad nila si Jaxon kung nagkataon. Bukod doon ay hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko na may dalawang buhay sa sinapupunan ko. Malaki ang pasasalamat ko kay Sebastian na siyang tumulong sa akin. Noong una ay nahihiya pa ako dahil ilang araw pa lang kaming magkakilala ngunit heto siya at hindi ako pinabayaan. Siguro, swerte ko ng maituturing ang pagdating niya dahil inaamin kong kahit paano ay nagkaroon ako ng sandalan at kaibigan sa oras na pakiramdam ko ay mag-isa lamang ako. Nakauwi na ako sa bahay at kasama ko pa rin si Sebastian. Hindi ko pa ipinapaalam kina Arianne ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil gusto kong bukod sa akin at kay Sebastian ay si Jaxon ang sunod na makaalam. Tungkol naman kay Rusty, wala na akong balita pa sa kanya. Hindi na siya nagpakita pa sa akin u
Kinabukasan habang maaga akong nag-aagahan ay isang hindi inaasahang tao ang bumalik sa bahay. Si Jaxon.Nasa dining area ako nang makarinig ng pagbukas ng gate sa bandang garahe namin. Sa pag-aalalang bumalik si Rusty ay mabilis kong kinuha ang isang Benchmade 860 Bedlam knife na iniwan sa akin ni Sebastian nang nagdaang gabi. Noong una ay ayoko pang tanggapin iyon ngunit sadyang makulit si Sebastian kung kaya't napilit niya akong itago ang pocket knife na iyon.Dahan-dahan akong lumabas sa dining area at halos maibagsak ko ang hawak na kutsilyo ng makita ang asawa ko. As usual, magkasalubong ang mga kilay nito at parang laging iritable. Pero hindi nakabawas ang magkasalubong niyang kilay sa kaguwapuhan niya.Mabilis kong tinago sa likuran ko ang hawak ko pagkatapos ay sinundan siya nang pumanhik siya paakyat sa itaas ng bahay."Napabilis yata ang uwi mo?" usisa ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot bagkus ay
"Sinubukan kong sabihin kaso nagmamadali siyang umalis. Mukhang hinahabol ang flight niya."I lied for the second time around."Kahit saglit hindi kayo nakapag-usap?"Umiling ako."Actually, gusto ko ng sabihin na kaso nagkaroon kami ng kaunting pagtatalo.""Kaya hindi mo na sinubukang sabihin?""Hindi na. Ayoko ring ma-stress.""And then what happened after?""He left me."Marahang tumango-tango si Sebastian nang ikwento ko sa kanya ang nangyari bago umalis si Jaxon. Dumating siya mga ilang minuto pagkatapos makaalis ng asawa ko. Balak ko pa sanang habulin si Jaxon para sana makilala si Sebastian ngunit hindi na umabot. Wala na ang sasakyan niya paglabas ko ng bahay. Talagang ganoon kagusto ni Jaxon na makalayo sa akin."Lhaurize, be honest with me. Maayos ba ang relasyon ninyong mag-asawa?"Hindi ako naka