Share

CHAPTER SIXTEEN

Author: Lira Luna
last update publish date: 2026-11-07 13:59:01

Malamig ang simoy ng hangin sa kahabaan ng Hacienda Del Fuego. Ang amoy ng basang lupa, mga namumukadkad na rosas, at sariwang orchids ay nagbibigay ng kakaibang kapayapaan sa paligid. Noong mga nakaraang buwan, sa tulong at rekomendasyon ng pamilya Del Fuego, opisyal nang lumipat si Kiven upang doon na rin manirahan sa hacienda. Dahil sa kanyang hilig sa botanika at likas na sipag, siya na ang naging katuwang ni Donya Celestina sa pagpapaganda at pag-aalalaga ng mga pambihirang halaman sa mala
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER SEVENTEEN

    LUMIPAS ang dalawang linggo mula nang magkausap sina Lori at Kiven sa hardin ng Hacienda Del Fuego. Bagamat nagdala ng kaunting ginhawa ang mga payo ng matalik na kaibigan, hindi naging madali para kay Lori ang magpanggap na walang nakikitang mali sa patuloy na pagdidikit nina Gabriel at Samantha sa Del Fuego Medical Center.Araw-araw, ang mukha ni Samantha ay sumasalubong kay Lori hindi lamang sa mansyon, kundi pati na rin sa mga kwento ni Gabriel pag-uwi.Sa silid aklatan ng mansyon, malalim na ang gabi, si Gabriel ay kasalukuyang nakatutok sa kanyang laptop, sinusuri ang mga medical journals at ang mga report ng ospital para sa susunod na linggo. Si Lori, na abala sa pagbabasa ng isang libro sa tabi ng lampshades, ay hindi maiwasang mapatingin sa kanyang asawa nang marinig niyang banggitin ang pangalan ng babaeng bumabagabag sa kanyang isip.“Mahal, si Sam nga pala…” panimula ni Gabriel habang patuloy na nag-a-update ng mga dokumento. “Napakahusay niyang mag-organize ng mga schedul

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER SIXTEEN

    Malamig ang simoy ng hangin sa kahabaan ng Hacienda Del Fuego. Ang amoy ng basang lupa, mga namumukadkad na rosas, at sariwang orchids ay nagbibigay ng kakaibang kapayapaan sa paligid. Noong mga nakaraang buwan, sa tulong at rekomendasyon ng pamilya Del Fuego, opisyal nang lumipat si Kiven upang doon na rin manirahan sa hacienda. Dahil sa kanyang hilig sa botanika at likas na sipag, siya na ang naging katuwang ni Donya Celestina sa pagpapaganda at pag-aalalaga ng mga pambihirang halaman sa malaking state.Sa gitna ng hardin, nakatayo si Kiven habang maingat na pinuputulan ng mga tuyong dahon ang isang hanay ng mga mamahaling hybrid roses. Suot niya ang isang simpleng apron at guwantes, malayo sa dating buhay na puno ng paghahabol at pag-aalaga kay Lori sa probinsya.“Kiven,” mahinang tawag ni Lori habang dahan-dahang lumalapit, bitbit ang dalawang baso ng malamig na iced tea.Lumingon si Kiven at agad na sumilip ang isang mainit na ngiti sa kanyang mukha. Tinanggal niya ang kanyang mg

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER FIFTEEN

    Lumipas ang ilang araw sa Hacienda Del Fuego, at ang presensya ni Samantha Villareal ay unti-unting naging bahagi ng araw-araw na buhay ng pamilya. Sa panlabas, si Samantha ay nagpakita ng mukha ng isang perpektong kaibigan—mabait, matulungin, at laging may dalang pasalubong para sa lahat.Madalas siyang makipaglaro sa kambal na si Mishael at Malachi, kahit pa ang dalawa ay nagmamasid lang sa kanyang kilos. Nagluluto ng mga imported na pastries para kay Donya Celestina, at maging kay Lori. Sa katunayan, maging si Don Alfredo ay napaamo ng kanyang kasabikan sa negosyo at talino sa pakikipag-usap.Ngunit si Lori ay hindi madaling nagpalinlang. Sa kabila ng mga ngiti at perpetong kilos ni Samantha, nararamdaman niya ang malamig na lason sa likod ng mga titig nito—isang malinaw na mensahe na hindi sumusuko ang babae sa kanyang layunin.Isang umaga habang nag-aalmusal ang pamilya sa malaking dining hall ng mansyon, binuksan ni Samantha ang isang usapan na magpapabago sa araw na ‘yon.“Tita

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER FOURTEEN

    Napakalamig at napakapayapa ng hangin sa burol na nakatanaw sa buong Hacienda Del Fuego. Ang dating masukal at madilim na mga alaala ng nakaraan ay tuluyan nang napalitan ng sikat ng araw na nagbibigay-liwanag sa malawak na plantation at sa magandang mansion.Isang taon ang mabilis na lumipas mula noong kasal nina Gabriel at Lori.Sa malawak na damuhan ng hardin, maririnig ang malakas at masayang tawanan ng dalawang batang tumatakbo. Si Malachi, na anim na taong gulang na ngayon, ay mabilis na humahabol sa isang maliit na tuta na iniregalo sa kanila ng kanilang Lolo Alfredo. Sa likuran naman nito, si Mishael—na lumalaking malusog, masigla at wala nang anumang bakas ng sakit sa puso—ay masayang pumapalakpak habang nakaupo sa isang matibay na duyan sa ilalim ng malaking puno ng manga. “Kuya Malachi, tulungan mo si Bubble! Tumatakbo siya patungo sa Rosas nina Lola at Dada Kiven!” sigaw ni Mishael habang nakangiti nang napakalapad.Mula sa balkonahe ng mansyon, nakatayo si Donya Celestin

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER THIRTEEN

    Ang tunog ng bakal na nagkikiskisan, ang basag na salamin, at ang malakas na hiyaw ng ulan ang tanging umalingawngaw sa madilim na kalsada.Sa isang iglap, ang tahimik at punong-puno ng pag-asang pag-uwi nina Gabriel at Lori ay nauwi sa isang bangungot. Dahil sa biglang pagharang ng itim na van at sa madulas na kalsada na dulot ng bagyo, nawalan ng kontrol si Gabriel sa manibela. Ang itim na SUV ay umikot nang ilang beses bago tuluyang bumangga sa konkretong harang ng bangin at sumadsad sa masukal na burol.“Gabriel,” tanging sigaw ni Lori bago tuluyang nagdilim ang kanyang panigin habang binabalot ng matinding pagkabigla ang kanyang buong katawan.Makalipas ang ilang oras, dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Lori. Ang unang sumalubong sa kanya ay ang mabigat na amoy ng usok, gasolina, at ang malakas na buhos ng ulan na pumapasok sa wasak na bintana ng sasakyan. “M-Mishael… Malachi…” pabulong na tawag ni Lori, nanginginig ang buong katawan habang pilit na ginagalaw ang kanyang kamay

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER TWELVE

    Makalipas ang ilang araw ng emosyonal na paggaling at pagbuo ng pamilya, opisyal nang pinahihintulutan ng mga doktor si Mishael na lumabas na ng ospital— lalo na ang pahintulot ng kanyang ama na siyang nagsagawa ng kanyang operasyon. Ang dating malamig at nakakatakot na silid na ‘yon ay tuluyan nang napalitan ng init ng isang tunay na tahanan. Bagamat nanatili pa rin ang ilang pag-iingat dahil sa kondisyon ng puso ng bata, ang mukha nina Mishael at Malachi ay punong-puno ng sigla at tuwa habang inihahanda ni Kiven ang kanilang mga gamit.“Dada, should I wrap this toy car?” masayang tanong ni Malachi habang inilalagay ang mga ito sa loob ng maliit na bag.“Of course, handsome, we need to bring all of that because you’re going home at your Grandma Celestina’s gigantic mansion,” nakangiting sagot ni Kiven habang tinatapik ang ulo ng bata.Si Lori, na abala sa pag-aayos ng mga huling dokumento sa mesa, ay dahan-dahang napabuntong-hininga ng may kaluwagan. She looked out the glass window w

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status