مشاركة

CHAPTER FIFTEEN

مؤلف: Lira Luna
last update تاريخ النشر: 2026-11-07 10:04:28

Lumipas ang ilang araw sa Hacienda Del Fuego, at ang presensya ni Samantha Villareal ay unti-unting naging bahagi ng araw-araw na buhay ng pamilya. Sa panlabas, si Samantha ay nagpakita ng mukha ng isang perpektong kaibigan—mabait, matulungin, at laging may dalang pasalubong para sa lahat.

Madalas siyang makipaglaro sa kambal na si Mishael at Malachi, kahit pa ang dalawa ay nagmamasid lang sa kanyang kilos. Nagluluto ng mga imported na pastries para kay Donya Celestina, at maging kay Lori. Sa k
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER SIXTEEN

    Malamig ang simoy ng hangin sa kahabaan ng Hacienda Del Fuego. Ang amoy ng basang lupa, mga namumukadkad na rosas, at sariwang orchids ay nagbibigay ng kakaibang kapayapaan sa paligid. Noong mga nakaraang buwan, sa tulong at rekomendasyon ng pamilya Del Fuego, opisyal nang lumipat si Kiven upang doon na rin manirahan sa hacienda. Dahil sa kanyang hilig sa botanika at likas na sipag, siya na ang naging katuwang ni Donya Celestina sa pagpapaganda at pag-aalalaga ng mga pambihirang halaman sa malaking state.Sa gitna ng hardin, nakatayo si Kiven habang maingat na pinuputulan ng mga tuyong dahon ang isang hanay ng mga mamahaling hybrid roses. Suot niya ang isang simpleng apron at guwantes, malayo sa dating buhay na puno ng paghahabol at pag-aalaga kay Lori sa probinsya.“Kiven,” mahinang tawag ni Lori habang dahan-dahang lumalapit, bitbit ang dalawang baso ng malamig na iced tea.Lumingon si Kiven at agad na sumilip ang isang mainit na ngiti sa kanyang mukha. Tinanggal niya ang kanyang mg

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER FIFTEEN

    Lumipas ang ilang araw sa Hacienda Del Fuego, at ang presensya ni Samantha Villareal ay unti-unting naging bahagi ng araw-araw na buhay ng pamilya. Sa panlabas, si Samantha ay nagpakita ng mukha ng isang perpektong kaibigan—mabait, matulungin, at laging may dalang pasalubong para sa lahat.Madalas siyang makipaglaro sa kambal na si Mishael at Malachi, kahit pa ang dalawa ay nagmamasid lang sa kanyang kilos. Nagluluto ng mga imported na pastries para kay Donya Celestina, at maging kay Lori. Sa katunayan, maging si Don Alfredo ay napaamo ng kanyang kasabikan sa negosyo at talino sa pakikipag-usap.Ngunit si Lori ay hindi madaling nagpalinlang. Sa kabila ng mga ngiti at perpetong kilos ni Samantha, nararamdaman niya ang malamig na lason sa likod ng mga titig nito—isang malinaw na mensahe na hindi sumusuko ang babae sa kanyang layunin.Isang umaga habang nag-aalmusal ang pamilya sa malaking dining hall ng mansyon, binuksan ni Samantha ang isang usapan na magpapabago sa araw na ‘yon.“Tita

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER FOURTEEN

    Napakalamig at napakapayapa ng hangin sa burol na nakatanaw sa buong Hacienda Del Fuego. Ang dating masukal at madilim na mga alaala ng nakaraan ay tuluyan nang napalitan ng sikat ng araw na nagbibigay-liwanag sa malawak na plantation at sa magandang mansion.Isang taon ang mabilis na lumipas mula noong kasal nina Gabriel at Lori.Sa malawak na damuhan ng hardin, maririnig ang malakas at masayang tawanan ng dalawang batang tumatakbo. Si Malachi, na anim na taong gulang na ngayon, ay mabilis na humahabol sa isang maliit na tuta na iniregalo sa kanila ng kanilang Lolo Alfredo. Sa likuran naman nito, si Mishael—na lumalaking malusog, masigla at wala nang anumang bakas ng sakit sa puso—ay masayang pumapalakpak habang nakaupo sa isang matibay na duyan sa ilalim ng malaking puno ng manga. “Kuya Malachi, tulungan mo si Bubble! Tumatakbo siya patungo sa Rosas nina Lola at Dada Kiven!” sigaw ni Mishael habang nakangiti nang napakalapad.Mula sa balkonahe ng mansyon, nakatayo si Donya Celestin

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER THIRTEEN

    Ang tunog ng bakal na nagkikiskisan, ang basag na salamin, at ang malakas na hiyaw ng ulan ang tanging umalingawngaw sa madilim na kalsada.Sa isang iglap, ang tahimik at punong-puno ng pag-asang pag-uwi nina Gabriel at Lori ay nauwi sa isang bangungot. Dahil sa biglang pagharang ng itim na van at sa madulas na kalsada na dulot ng bagyo, nawalan ng kontrol si Gabriel sa manibela. Ang itim na SUV ay umikot nang ilang beses bago tuluyang bumangga sa konkretong harang ng bangin at sumadsad sa masukal na burol.“Gabriel,” tanging sigaw ni Lori bago tuluyang nagdilim ang kanyang panigin habang binabalot ng matinding pagkabigla ang kanyang buong katawan.Makalipas ang ilang oras, dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Lori. Ang unang sumalubong sa kanya ay ang mabigat na amoy ng usok, gasolina, at ang malakas na buhos ng ulan na pumapasok sa wasak na bintana ng sasakyan. “M-Mishael… Malachi…” pabulong na tawag ni Lori, nanginginig ang buong katawan habang pilit na ginagalaw ang kanyang kamay

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER TWELVE

    Makalipas ang ilang araw ng emosyonal na paggaling at pagbuo ng pamilya, opisyal nang pinahihintulutan ng mga doktor si Mishael na lumabas na ng ospital— lalo na ang pahintulot ng kanyang ama na siyang nagsagawa ng kanyang operasyon. Ang dating malamig at nakakatakot na silid na ‘yon ay tuluyan nang napalitan ng init ng isang tunay na tahanan. Bagamat nanatili pa rin ang ilang pag-iingat dahil sa kondisyon ng puso ng bata, ang mukha nina Mishael at Malachi ay punong-puno ng sigla at tuwa habang inihahanda ni Kiven ang kanilang mga gamit.“Dada, should I wrap this toy car?” masayang tanong ni Malachi habang inilalagay ang mga ito sa loob ng maliit na bag.“Of course, handsome, we need to bring all of that because you’re going home at your Grandma Celestina’s gigantic mansion,” nakangiting sagot ni Kiven habang tinatapik ang ulo ng bata.Si Lori, na abala sa pag-aayos ng mga huling dokumento sa mesa, ay dahan-dahang napabuntong-hininga ng may kaluwagan. She looked out the glass window w

  • When Two Broken Hearts Collide, Again    CHAPTER ELEVEN

    “Stop it, Mom! You’re judging Lori way too much!” Ang sigaw ni Gabriel ay parang kidlat na pumunit sa tahimik at tensyonadong hangin sa loob ng pribadong silid. Ang mga monitor ng puso at mahihinang beep ng mga aparatong nagpapanatili sa maayos na kalagayan ni Mishael ay tila nabalot ng isang nakakabinging katahimikan.Napatigil si Donya Celestina. Nanlaki ang mga mata ng matanda sa unang pagkakataon na sinigawan siya ng kanyang nag-iisang anak nang dahil sa ibang babae. Ang kanyang dibdib ay mabilis na tumaas-bumaba, habang ang mga kamay nito ay nanginginig hindi sa takot kundi sa matinding hinanakit at pagkabigla.“Gabriel…” boses-pagtangis na may halong poot na tawag ng matanda sa anak. “Sinisigawan mo ako? Ako na nagpalaki at nagbuhos ng buhay para sa pamilyang ito? Pinagtatanggol mo ang babaeng ito laban sa sarili mong ina nang dahil lamang sa ilang lumang litrato at akusasyon?”“Hindi ko kayo sinisigawan dahil wala akong galang sa inyo, Ma,” may diin ngunit nanginginig ding sag

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status