MasukBook 2: The Legacy Series: Rhevan AlaricRHEVAN’S POV:Maaga pa lang pero ramdam na ang bigat ng hangin sa loob ng conference room ng Alaric Construction and Design. Tahimik ang paligid, pero ang katahimikang iyon ay parang bagyong nagbabadya anumang oras ay maaaring manalanta.Naroon sina Liza, isa sa mga accounting staff at si Carlo na halatang hindi mapakali. Katabi nila ang Vice Chairperson na si Alejandro Uy na tikom ang bibig pero umiigting ang mga panga. Sa dulo ng mesa ay si Engineer Sofia Fuentebella na tahimik at kalmado sa panlabas na anyo pero halatang may malalim na iniisip.Nakatayo ako sa harap nila, hawak ang makapal na folder. Mga papeles na ilang linggo kong pinaghirapan tipunin. Mga ebidensyang magsisiwalat ng katotohanan.“Do you know why I called all of you here?” kalmado kong tanong.Ngunit walang sumagot.Dahan-dahan kong inilapag ang mga dokumento sa mesa. Umalingawngaw ang tunog nito sa buong silid.“There are ghost names in the payroll. Money has been release
Book 2: The Legacy Series: Rhevan AlaricAMARIE'S POV:Pagbalik ni Rhevan sa kwarto ay bumungad sa kanya ang namumugto kong mga mata. Hindi ko na nagawang itago ang bakas ng pag-iyak ko. Parang bawat luhang pumatak ay may kasamang bigat na ilang araw ko nang kinikimkim.“Anong nangyari?” bakas ang pag-aalala sa mga mata nito.Unti-unti siyang lumapit sa akin, tila ba nag-aalangan kung hahawakan niya ba ako o bibigyan ng espasyo. Ngunit sa huli ay mas nanaig pa rin ang pag-aalala nito para sa akin. Umupo siya sa gilid ng kama at marahang hinawakan ang kamay ko.“S-Sorry…” basag ang boses kong saad. “Sorry dahil hindi ako nagtiwala sa’yo. Sorry kung pinagdudahan ko ang pagmamahal mo para sa akin.”Napapikit siya. Tila ba napakalalim ng iniisip niya. Malalim ang mga mata at halatang kulang na kulang sa tulog. Bakas ang kapaguran sa buong mukha niya. Pagod mula sa trabaho, pagod sa maling balita na ikinalat nang kung sinumang ponsyo pilato na ‘yon at pagod sa pakikipaglaban para sa aming
Book 2: The Legacy Series: Rhevan Alaric AMARIE’S POV: Pagmulat ng mga mata ko ay ang mukha ni Rhevan agad ang bumungad sa akin. Nakayuko ito sa gilid ng kama at ang isang kamay ay nakahawak sa gilid ng unan ko habang tila ba nakatulog sa kakabantay sa akin. Bahagyang nakakunot ang noo nito kahit natutulog, para bang hanggang sa panaginip ay dala niya ang bigat ng mga problema na pinapasan nito. May kung anong kirot sa dibdib ko nang makita ko ito na nasa ganitong kalagayan. “Mommy! You’re awake. How are you feeling po?” malungkot ngunit may halong pag-asa na saad ni Arielle habang marahang hinahaplos ang braso ko. Napangiti ako ng tipid. Ramdam ko pa ang bigat ng katawan ko at parang hinihila ako pabalik ng kama dala ng pagod at sakit na nadarama ko. Bago pa ako makasagot ay biglang nagising si Rhevan. Mabilis itong tumayo at agad na lumapit sa akin. Ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala. “Finally, you’re awake. Are you feeling any pain? Does your head still hurt? Ple
Book 2: The Legacy Series: Rhevan AlaricChapter 58AMARIE’S POV:“Anong pag-uusapan natin, Dad?” tanong ni Rhevan sa kanyang ama.Magkaharap sila sa likod ng malawak nitong office table. Pinagsalikop ng ama niya ang mga daliri sa ibabaw ng mesa, seryoso ang mukha at tila may mabigat na pasabog.“Alam mo na bang laman ka ng balita at lahat ng social media?” malamig ngunit kontroladong saad nito.Parang binuhusan ng malamig na tubig si Rhevan. “What? How is that even possible?”Tahimik lang ako sa likuran nila. Nandoon si Mommy, si Daddy, at si Elraeh. Pakiramdam ko ay may bagyong paparating at ako ang isa sa mga matatamaan nito.“May kumakalat na balita na may scandal ka raw sa isa sa mga empleyado mo. Care to explain this to me?” hindi ito tanong kundi utos ng isang ama sa anak.Ipinakita niya ang tablet. Doon ko nakita ang mga litrato.Isang babaeng nakatalikod. Malapit kay Rhevan. Sa loob ‘yon mismo ng opisina niya. May isa pang kuha na nakahawak ang babae sa braso niya. Iba’t iban
Book 2: The Legacy Series: Rhevan AlaricAMARIE’S POV:“Gabi na ah, bakit parang nagmamadali ka?” nagtatakang tanong ko kay Rhevan nang makita kong kinuha niya ang susi ng sasakyan sa ibabaw ng console table.Alas–otso na ng gabi. Tahimik na ang buong bahay. Tulog na ang mga bata at dapat sana’y kami rin. Pero heto siya at nagmamadali na parang may hinahabol na oras.“One of the board members requested an emergency meeting. I’ll be back as soon as possible. If you’re sleepy, don’t wait for me, okay?” malumanay niyang saad saka hinalikan ang noo ko.Pinilit kong ngumiti kahit may kung anong kumirot sa dibdib ko. “Mag-iingat ka, ha? Hihintayin kita kahit anong mangyari.”He looked at me, his eyes soft. “I love you.”“I love you too,” sagot ko, pero hindi ko maitago ang lungkot at pag-aalala sa mga mata ko.Pagkasara ng pinto ay parang may sumabay na paglamig ng hangin sa loob ng bahay. Ang katahimikan ay tila ba mas mabigat kaysa dati. Naglakad ako papunta sa kusina para uminom ng gatas
Book 2: The Legacy Series: Rhevan AlaricAMARIE'S POV:Muli akong bumisita sa kumpanya ni Rhevan at gaya ng inaasahan ko ay walang nagbago. Puno pa rin ng bulungan ang paligid. Mga matang palihim na sumusunod sa bawat hakbang ko. Mga labi na nagkukunwaring abala pero malinaw kong naririnig ang bawat patutsada nila sa akin.“Kaya lang naman nagagalit si ma’am kasi threatened siya kay Engineer Sofia.” bulong ng isang empleyado, sapat para umabot sa pandinig ko.Napapikit ako sandali at huminga nang malalim. Ilang beses ko na bang sinubukang palampasin ito? Ilang beses ko na bang pinili ang manahimik para sa kapayapaan ng pamilya ko? Pero siguro ay sapat na na ito. Panahon na para kausapin ko mismo ang babaeng pinanggagalingan ng lahat ng problemang nararanasan ng pamilya ko.Diretso akong nagtungo sa Engineering department. Ramdam ko ang tensyon sa buong paligid. May mga nagkunwaring may inaayos sa computer at may nagkunwaring may tinatawagan pero alam kong ako ang sentro ng usapan nila







