Masuk
Elara Raenor had one simple dream, ang makapagtapos ng pag-aaral.
Mula pa pagkabata, alam na niya kung gaano kahalaga ang edukasyon. Hindi madali, pero ginawa niya ang lahat para makakuha ng scholarship. Sa dami ng applications, sa countless sleepless nights, at sa mga panahong halos gusto na niyang sumuko, hindi siya tumigil. Panganay siya sa tatlong magkakapatid. At alam mo naman kapag panganay, automatic kang sandigan ng pamilya. Maraming nakaatang na responsibilidad. Minsan nakaka-pressure, pero may kakaibang saya kapag nakakatulong ka. Pero sa likod ng bawat ngiti, may mga gabing gusto niyang magpahinga. Gusto niyang maging bata ulit, kahit sandali lang. Pagkalipas ng ilang taon ng pagsusumikap, nakamit din niya ang matagal niyang pinapangarap. Finally, she graduated from a known university in Pampanga Bachelor of Science in Industrial Technology, Major in Food Service and Management. Ang saya ng pamilya nila noon. Kahit simple lang ang handa, ramdam niya ang labis na pagmamalaki ng mga magulang niya. Pagkatapos ng ilang buwan, nag-apply siya sa Elite Coffee Shop, isang sosyal at kilalang kapehan sa lungsod. Hindi siya sigurado kung matatanggap, pero naglakas-loob siya. And guess what? She made it. Sa unang linggo pa lang ng trabaho, halos gusto na niyang umatras. Kailangan niyang kabisaduhin ang mga coffee blends, mga ingredients, at kung paano gamitin ang coffee machine. Pero kahit mahirap, hindi siya sumuko. Day by day, unti-unti niyang nakuha ang rhythm at sa bawat aroma ng kape na lumalabas sa espresso machine, ramdam niyang unti-unti na rin niyang natutupad ang pangarap niyang maging independent. Isang umaga habang naglilinis siya sa counter, narinig niya ang boses ng manager nilang si Ma’am Natally. “How many months or years are you working here again, Ms. Elara?” tanong nito habang inaayos ang files sa kamay. “One year, Ma’am.” sagot niya, sabay ngiti. Hindi na siya nagtanong pa kung bakit, kahit curious siya at nangangati ang bibig niya na magtanong. “Oh! Kaya pala sanay ka na sa daily routine mo. I’m glad dahil isa ka sa mga dedicated employees ko,” sabi nito habang tumingin sa gold wristwatch niya. “May gagawin muna ako, maiwan na muna kita.” Tumango si Elara at nginitian ito. Mula sa glass wall, natanaw niyang sumakay si Ma’am Natally sa kanyang kotse — eleganteng babae, business-minded, at halos never nag-absent. Isa sa mga babaeng tinitingala ni Elara. Pagtingin niya sa wall clock, 6:00 AM pa lang. Maaga pa. Panaka-naka pa lang ang mga customer. Marahil ay busy pa sa trabaho o tulog pa sa bahay. Nilibot niya ang tingin sa paligid. Tahimik ang lugar, tanging mahinang jazz music ang umaalingawngaw sa speaker. Malamlam ang ilaw, kulay ginto, na nagbibigay ng init at kapanatagan. Amoy na amoy ang bagong giling na kape — matamis, mainit, at nakakaengganyo. Ang bawat mesa ay may sapat na distansya para sa privacy, at sa mga sulok ay may bookshelf na puno ng lumang libro at magazines. Sa malalaking bintana, kumikislap ang mga ilaw ng lungsod na parang mga bituin sa gabi. Hindi lang ito lugar para uminom ng kape — ito ‘yung klase ng spot na gusto mong tambayan para magpahinga at magmuni-muni. May mga customers na nakaharap sa kanilang laptop, may iba namang nagkukwentuhan habang hinihigop ang mainit na kape. May ilan na nagbabasa ng libro, tila nasa sarili nilang mundo. “Himala, hindi ata masyadong marami ang mga customer ngayon,” biglang sabi ni Theo — ang katrabaho niyang laging may nakahandang ngiti na para bang walang problema sa mundo. “Baka tinatamad lumabas o baka busy sa work,” sagot niya habang nililinis ang counter. Sa lamig ng aircon at amoy ng coffee beans, halos gusto na niyang humiga at matulog. “Kung alam ko lang, nag-absent na lang sana ako ngayon. Edi sana tulog ako ngayon sa kama,” reklamo ni Theo sabay kamot sa ulo. Napailing si Elara. “Kung mag-a-absent ka, sayang ang sahod. Ayaw mo nun? Chill ka lang tapos may sweldo ka pa.” “Eh hindi ko naman kailangan ng pera,” sagot nito sabay ngiti. “Naiinip lang ako sa bahay kaya nagtrabaho ako.” Napangiti siya ng mapait. Oo nga naman. Si Theo ay anak mayaman. Para rito, hobby lang ang pagtatrabaho. Mabuti pa siya hindi na problema ang pera. Habang ako, heto kailangang kumayod para makakain kami. Makalipas ang ilang minuto, umalis si Theo papunta sa storage room. Ilang segundo pa lang, narinig niya ang pagtunog ng maliit na bell sa pinto. May pumasok na customer. Isa. Dalawa. Hanggang sa tuloy-tuloy na ang pagdating ng mga tao. Lumabas si Clarie mula sa likod para tumulong. Si Bella naman ang nasa cashier. Si Elara, as usual, ang nasa serving station. Palangiti, mabilis kumilos, pero laging maingat. Ang galing na niya sa multitasking. Nakikipag-usap sa customers, inaasikaso ang orders, at tinitiyak na walang nagrereklamo. Para bang natural na sa kanya ang ganitong routine. Pero sa araw na ‘yon, tila gusto siyang subukin ng tadhana. Habang nagmamadali siyang ihatid ang mainit na cappuccino sa mesa ng isang customer, hindi niya namalayang may nabangga siyang lalaki at sa kasamaang palad, natapunan niya ito ng kape. Diretsong tumama ang mainit na likido sa mamahalin nitong navy blue suit. “Oh my gosh! I’m so sorry, sir!” mabilis niyang sabi, halos manginig ang kamay niya habang hawak ang tray. Hindi niya alam kung ipagpapatuloy niya ba ang paghakbang ng kanyang mga paa para maihatid ang order na kape ng customer o punasan ng tissue ang mamahalin nitong suit. Tumingin siya sa dibdib nitong basang-basa, bago dahan-dahang itinaas ang tingin sa mukha nito. At doon siya tuluyang napatigil. Gulat. Pagkapahiya. Kaba. At, sa hindi maipaliwanag na dahilan, may halong kilig. Parang gusto niyang tumigil ang mundo sa sandaling iyon. Matangos ang ilong, matalim ang mga mata, at kahit galit ito ay hindi maitatangging napakagwapo. Pero sa unang pagkakatitigan nila, ang nakita niya sa mga mata nito ay galit, matulis, malamig, at matapang. “Watch where you’re going ms,” malamig nitong sabi, habang pinupunasan ng tissue ang basang bahagi ng suit. Hindi agad siya nakasagot. Parang nanigas ang dila niya. Wait lang… hindi ba ito ‘yung lalaking nakita ko sa magazine ilang taon na ang nakalipas? Ang lalaking matagal ko nang hinahangaan? Si Rhett Alaric, ang CEO ng isang kilalang engineering firm. Ang lalaking minsan ay laman ng business magazine na naka-display pa nga sa bookshelf ng coffee shop nila. At ngayon, nandito siya sa harap niya. At nabuhusan pa niya ng kape! Walang naglalakas-loob na lapitan si Rhett Alaric. Lahat ay may takot at respeto. He wasn’t just a man in a suit. He was the man everyone feared to disappoint. At sa mismong sandaling iyon, alam ni Elara na hindi lang basta kape ang natapon niya. Kundi pati ang unang impresyon niya sa lalaking matagal na niyang pinapangarap.ELARA’S POV:Malakas ang buhos ng ulan paggising ko ngayong umaga. Ramdam ko pa ang lamig ng hangin habang nakatanaw sa bintana. Makapal ang mga ulap at halos maglaho na ang langit sa tindi ng dilim. Panigurado, pahirapan na naman sa biyahe papuntang café.Nag-text pa ang NDRRMC. May paparating daw na bagyo. Kawawa na naman ang unang dadaanan nito. Paulit-ulit na lang… baha rito, baha roon. Hindi mo alam kung likas na sakuna o gawa ng mga kurakot na opisyal. Sa huli, ang mga tao at mga hayop ang kawawa. May masisira na namang mga kabahayan, imprastraktura at kabuhayan ng ilan.“Para po!” sigaw ko sabay kaway sa jeep. Tumigil ito sa tapat ng café kaya agad akong bumaba. Tulad ng dati, kailangan ko pang tumawid dahil nasa kabilang daan ang Elite Café. Sinilip ko muna ang kaliwa’t kanan, ayokong maulit ang kamalasang muntik na akong masagasaan noon.Hawak ang payong, mabilis akong tumawid. Pero kahit may panangga ako, halos walang silbi dahil sa lakas ng hangin. Ang mga patak ng ulan, pa
ELARA'S POV:“Anong nangyari ba’t absent ka kahapon?” tanong ni Clarie habang nililinis ang counter. Kita sa mukha nito ang halong curiosity at concern.“Muntik na akong mabangga ng sasakyan.” mahinang sagot ni Elara, habang pinupunasan ang mesa. “Pero hindi naman ako natamaan. Dinala lang ako sa hospital.” Napabuntong-hininga siya.Biglang napatigil si Clarie. “Hala! Ano’ng sabi mo? Muntik ka nang mabangga? Kumusta ka na ngayon? May sugat ka ba?” sunod-sunod na tanong nito, bakas ang pag-aalala sa mga mata.Ngumiti si Elara, pilit na pinapakalma ang kaibigan. “Okay na ako. Wala naman akong sugat. Medyo nagulat lang talaga ako sa nangyari.”Pero sa loob-loob niya, hindi talaga siya okay. Dahil sa muli nilang pagkikita mula nang araw na ‘yon, mas lalo lang nitong ginulo ang puso at isip niya.“Mabuti naman kung gano’n,” sagot ni Clarie, sabay halukipkip. “Sino nga pala yung muntik nang makabangga sa’yo?”Doon biglang uminit ang pisngi ni Elara. Parang sabay-sabay na naglakbay ang init
ELARA’S POV:Habang abala si Elara sa pagluluto ng kalderetang baka, biglang nag-notif ang cellphone niya. Rest day niya ngayon kaya siya muna ang nagluto para makapagpahinga ang kanyang ina. Pinatay niya ang kalan at kinuha ang phone.Lennox Drevin: Hi best friend! I just want to let you know that I’m going home. Did you miss me?Napangiti siya nang mabasa iyon. “Si Lennox talaga…” bulong niya, saka halos muntik nang mabitawan ang telepono nang bigla itong tumawag ng video call.“Hello! Kumusta ang Canada? Nakabingwit ka na ba ng chix mo?” biro niya agad.“Wow, ganun agad?” drama ni Lennox habang kunwaring hinahawakan ang dibdib niya. “You didn’t even say you missed me too. I’m hurt!”“Eeew, drama mo!” inirapan niya ito. “Kailan flight mo?”“Bukas! Sama ka sa pagsundo?” ngisi nito.“Sayang, may duty ako. Kung wala lang sana…”Saglit na natigilan si Lennox, may lungkot na dumaan sa mga mata bago ngumiti uli. “It’s okay. I’m a big boy now.”“Good. Ingat sa flight mo.”“See you soon!”N
ELARA'S POV:Ilang araw matapos ang unang encounter nila, hindi pa rin mawala sa isip niya si Rhett Alaric. The man who’s been living rent-free in her mind and dreams for years. Hindi man maganda ang naging simula nila, she couldn’t help but admire him. There was something about his presence the way he carried himself, the quiet confidence in his eyes na hindi niya makalimutan.Imposibleng maging sila, alam niya ‘yon. Pero siya na ang naging standard niya pagdating sa ideal guy. Kaya siguro kahit ilang beses pa siyang ligawan ng iba, she always ends up comparing them to him. Wala eh, no one came close.At sa wakas, nalaman na rin niya kung sino ang lalaking matagal na niyang iniisip. Pero mapaglaro nga siguro ang tadhana, dahil kung kailan niya nalaman, saka pa siya nakagawa ng hindi magandang impresyon sa unang pagkikita nila.Narinig niyang humikab si Theo, dahilan para maputol ang paglalakbay ng isip niya. “Nakakaantok naman,” pabulong nitong reklamo.Binalingan niya ito. “Wala nam
RHETT’S POV:He usually lets his secretary make his coffee, but today he decided to step out and grab one himself. Maybe a quick break from work would help ease the stress piling up from deadlines and meetings.The Elite Coffee Shop seemed perfect, cozy, quiet, and not too crowded. Just what he needed to breathe a little.But maybe fate had other plans.Because just a few minutes after he entered, someone accidentally spilled hot coffee on his expensive suit.He looked down, brows furrowing at the brown stain spreading on the lower part of his suit. Then his eyes slowly lifted toward the trembling woman in front of him. He caught a glimpse of her ID, Elara Raenor.Cold eyes. Tight jaw. What a way to start his day!“S-Sorry talaga, sir! Hindi ko sinasadyang mabuhusan kayo ng kape,” the girl stammered, eyes wide and watery, panic clear in her voice.He could already feel other customers glancing their way. He hated attention. He hated wasting time even more. His patience was wearing thi
Elara Raenor had one simple dream, ang makapagtapos ng pag-aaral.Mula pa pagkabata, alam na niya kung gaano kahalaga ang edukasyon. Hindi madali, pero ginawa niya ang lahat para makakuha ng scholarship. Sa dami ng applications, sa countless sleepless nights, at sa mga panahong halos gusto na niyang sumuko, hindi siya tumigil.Panganay siya sa tatlong magkakapatid.At alam mo naman kapag panganay, automatic kang sandigan ng pamilya. Maraming nakaatang na responsibilidad. Minsan nakaka-pressure, pero may kakaibang saya kapag nakakatulong ka.Pero sa likod ng bawat ngiti, may mga gabing gusto niyang magpahinga. Gusto niyang maging bata ulit, kahit sandali lang.Pagkalipas ng ilang taon ng pagsusumikap, nakamit din niya ang matagal niyang pinapangarap.Finally, she graduated from a known university in Pampanga Bachelor of Science in Industrial Technology, Major in Food Service and Management. Ang saya ng pamilya nila noon. Kahit simple lang ang handa, ramdam niya ang labis na pagmamalaki







