Share

Chapter 60:

Penulis: ArtofPollyanna
last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-28 18:50:11

ELARA’S POV:

Nasa ika-siyam na buwan na ako ng akin pagbubuntis. Kabuwanan ko na. Sa wakas, matapos ang mahabang paghihintay, heto na at malapit ko nang masilayan ang aming kambal. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, excited, kinakabahan, masaya at takot sa maaring mangyari. Normal delivery ang sabi ng OB ko. Handa na ako pero hindi ko alam kung kailan talaga ang saktong araw ng panganganak ko.

“Ah!” napahawak ako sa tiyan ko nang biglang may kumirot. Kakagaling ko lang sa cr para umihi. Pero parang may humilab sa loob ng tiyan ko paglabas ko. Isang kirot na hindi ko pa nararanasan kailanman.

“What happened?” tarantang tanong ni Rhett. Agad siyang tumayo at nilapitan ako. Nag-leave ito simula nang mag-nine months na ang pinagbubuntis ko. Aniya’y gusto niyang nasa tabi niya ako kung sakaling dumating ang oras ng panganganak ko.

Napapikit ako at huminga ng malalim, pero imbes na mawala ay lalo pang sumidhi ang sakit. Parang may alon na humahampas sa loob ko, sunod-sunod, walang pah
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • When Dreams Wear a Suit   Chapter 61:

    ELARA'S POV:Ngayon ang araw na madi-discharge kami ng mga kambal sa hospital. Parang kahapon lang ako nanginginig sa delivery room, ngayon ay nakikita ko na ang dalawang munting himala sa buhay namin ni Rhett. As usual, kasama ang parents namin sa pagsundo sa amin at ramdam ko agad ang saya kahit pagod at masakit pa ang buong katawan ko.“Ang cute talaga ng mga pamangkin ko, mana sa magandang genes ko!” saad ni Eirina, halos mangigil sa tuwa habang nilalapitan ang mga kambal. Gusto niyang buhatin ang mga ito pero sinalubong siya ng matalim kong tingin kaya hanggang haplos lang siya sa pisngi ng mga bata. Karga nina mama at papa ang dalawa, parang ayaw din nilang ipahiram.“Nah, sa akin sila nagmana, ate. Tingnan mo na naman oh!” sagot ni Ethan sabay turo sa mukha niya na parang pinapakita ang ebidensya.“Huwag na nga kayong mag-away. Sa akin nagmana ang mga apo ko, diba Rhevan at Elraeh?” masayang sabi ni mama habang kinakausap ang mga kambal na tila ba naiintindihan siya ng mga ito.

  • When Dreams Wear a Suit   Chapter 60:

    ELARA’S POV:Nasa ika-siyam na buwan na ako ng akin pagbubuntis. Kabuwanan ko na. Sa wakas, matapos ang mahabang paghihintay, heto na at malapit ko nang masilayan ang aming kambal. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, excited, kinakabahan, masaya at takot sa maaring mangyari. Normal delivery ang sabi ng OB ko. Handa na ako pero hindi ko alam kung kailan talaga ang saktong araw ng panganganak ko.“Ah!” napahawak ako sa tiyan ko nang biglang may kumirot. Kakagaling ko lang sa cr para umihi. Pero parang may humilab sa loob ng tiyan ko paglabas ko. Isang kirot na hindi ko pa nararanasan kailanman.“What happened?” tarantang tanong ni Rhett. Agad siyang tumayo at nilapitan ako. Nag-leave ito simula nang mag-nine months na ang pinagbubuntis ko. Aniya’y gusto niyang nasa tabi niya ako kung sakaling dumating ang oras ng panganganak ko.Napapikit ako at huminga ng malalim, pero imbes na mawala ay lalo pang sumidhi ang sakit. Parang may alon na humahampas sa loob ko, sunod-sunod, walang pah

  • When Dreams Wear a Suit   Chapter 59:

    ELARA'S POV:Today is the day we finally reveal the genders of our twins. My heart is racing, full of excitement, anticipation and a little nervousness. I can’t wait to find out if my guesses were right or completely off.“Anong gusto mong gender para sa twins natin, hubby?” tanong ko kay Rhett habang nag-a-apply ng light makeup sa harap ng salamin. Ramdam ko ang kaba at excitement sa dibdib ko. Suot ko ang ivory tulle long puffy-sleeve off-shoulder maternity gown na malambot at dumadampi sa katawan ko. Flats lang sa paa para iwas aksidente at ang buhok ko ay maluwag na nakakulot.Rhett looked at me, his expression calm, yet his eyes sparkled with quiet excitement. He wore an ivory tux that perfectly matched my gown.“I don’t have a preference when it comes to our twins,” he said gently, brushing a lock of hair behind my ear. “As long as they’re healthy, I’m happy. That’s all that matters to me.”“Pero, sana isang lalaki at isang babae,” ngumiti ako, hawak ang kamay niya. “Gusto ko ta

  • When Dreams Wear a Suit   Chapter 58:

    ELARA’S POV:Hindi naging madali ang bawat araw, linggo, at buwan ng pagbubuntis ko lalo na noong first trimester. Halos araw-araw ay sinusubok ang katawan at emosyon ko. May mga umagang hindi ako makatayo, may mga gabing hindi ako makatulog dahil sa hilo at pagsusuka. Naging maselan ang kalagayan ko, pero sa kabila ng lahat, palaging nariyan si Rhett. Hindi siya umalis sa tabi ko, handang umalalay sa bawat pagkakataong kailangan ko ng tulong.“How are you feeling right now, my wife?” mahinahong tanong ni Rhett matapos akong magsuka. Kapwa kami nakaupo sa gilid ng kama habang hawak niya ang kamay ko. Banayad ang haplos na tila ba sinasabi niyang magiging maayos din ang lahat.“Medyo okay na ako,” mahina kong sagot sabay pilit na ngiti. “Salamat, hubby.” Hinalikan ko siya sa labi, ramdam ko ang pagod naming dalawa.Tinugon niya ang halik ko at niyakap ako nang mahigpit.“It’s my pleasure, my wife. I want you and our baby to be safe and always healthy,” malambing niyang sabi na lalong n

  • When Dreams Wear a Suit   Chapter 57:

    ELARA'S POV:Ang tanging ingay na bumabalot sa apat na sulok ng kwarto ay ang pinaghalong paghinga, mahihinang ungol at kaluskos ng bawat galaw naming dalawa ni Rhett. Parang huminto ang oras habang ninanamnam namin ang bawat sandaling kami ay nagniniig. Walang iniisip kundi ang init ng katawan at ang damdaming matagal naming kinimkim.Nakaapat na rounds kami ni Rhett at natapos iyon nang halos mag-uumaga na. Ramdam ko ang hapdi sa kaloob-looban ko at ang bigat ng talukap ng mga mata ko. Sa sobrang pagod ay nakatulog na lamang ako nang hindi namamalayan. Pagmulat ko ng mga mata ay maliwanag na ang paligid. Bandang hapon na pala.“You're awake, sweetheart. Sorry, did I make you tired?” maingat na tanong ni Rhett habang may dalang tray ng pagkain at marahang umupo sa tabi ko.Tatayo na sana ako para salubungin siya ngunit napapikit ako at muling napaupo. Biglang sumakit ang puson ko, parang may kumikirot sa loob ko. Napaangat ang kamay ko at napahawak doon saka napahinga nang malalim.M

  • When Dreams Wear a Suit   Chapter 56:

    ELARA’S POV:“Alright ladies and gentlemen! Are you still with us?” masiglang tanong ng host, punô ng sigla ang boses na tila mas lalong nag-e-enjoy pa habang mas lalong lumalalim ang gabi.“YES!” sabay-sabay na sigaw ng mga bisita, may halong hiyawan at palakpakan.“Okay! Because the reception program officially ends now and we are jumping straight into the PARTY PROPER!”Nag-ingay ang buong venue. May sumipol, may pumalakpak at may agad na tumayo na parang matagal nang naghihintay para sa parteng ito.“This is the time to eat, drink, laugh, take lots of photos and celebrate LOVE! Feel free to move around, visit the photo area and don’t forget to grab a picture with our stunning newlyweds.”Napangiti ako habang hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Rhett. Ramdam ko ang init ng palad niya, parang sinasabi niyang andito lang siya sa tabi ko at nakikisaya sa gabing ito.“If you want to personally greet Mrs. Elara and Mr. Rhett, their table is now open. Go ahead and shower them with love!”

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status