LOGINLiam’s POV Sinubukan kong ituloy ang pagmamaneho sa kabila ng ulan, ngunit lalo lang itong lumalakas. Kabado ako, baka magkamali ako ng maniobra, baka mapahamak kami ni Isabela. Sa bawat hampas ng hangin at bagsak ng ulan sa salamin, mas bumibigat ang kaba sa dibdib ko.Napansin ko ang panlalamig niya. Kita ko kung paanong bahagyang nanginginig ang kanyang mga balikat, at iyon ang lalong nag-udyok sa akin na gustong bilisan ang takbo ng kotse, gusto ko na siyang maiuwi, mailayo sa lamig, sa panganib. Ngunit tila ayaw kaming pauwiin ng gabing iyon. Ang ulan at hangin ay parang nagkakaisang humarang sa aming daan.Kaya napilitan akong tumigil.Nang maipark ko nang maayos ang kotse, muli akong napalingon kay Isabela. Mas malinaw ko nang nakikita ang panginginig niya. Ngunit sa isang iglap, tila nawala ang lamig sa sarili kong katawan. Dumikit sa kanya ang basang damit, hinuhulma ang bawat linya ng kanyang pigura. Ang tela sa kanyang dibdib ay manipis na lamang, at sa kabila ng pilit kon
Isabela’s POVKusang umakyat ang aking kamay sa kanyang batok. Sa isang iglap, naglaho ang kirot ng selos, tila nilamon ng init ng kanyang presensya. Ang bawat halik niya’y hindi nagmamadali, puno ng katiyakan, ng mga pangakong hindi kailangang bigkasin. Ramdam ko siya, sa bawat hagod, sa bawat banayad na dampi ng kanyang kamay sa aking pisngi, sa bawat haplos na naglalakbay sa aking katawan, na para bang sinisigurong naroon pa rin ako, na akin siya, at siya’y akin.Sa sandaling iyon, iisa lang ang mahalaga, kami ni Liam.Ang pangako niyang hindi niya ako hahayaang mahulog, na sasaluhin niya ako kahit kailan, iyon ang panghahawakan ko. At ang mga salitang sinabi niya, na wala akong dapat ipagselos… pinili kong paniwalaan. Pinili kong magtiwala.
Isabela’s POV“Why did you lie to me?” Simple lang ang tanong niya, pero may bigat, arang mabigat na batong bumagsak sa dibdib ko.“Hindi ako nagsinungaling,” sagot ko. “Magma-mall sana kami, pero nahuli ni Casey ang boyfriend niya na may kasamang babae sa hotel.”Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy.“Kaya imbes na sa mall, sa bar kami napunta. Hindi ba ginagawa rin naman ‘yan ng mga lalaki? ‘Yung maglasing?”Mahina ang boses ko, simple ang tono, pero may bahid ng tagong sama ng loob.Tinaasan niya ako ng kilay at sumandal sa upuan. Hindi niya ako inalisan ng tingin.“Are you mad at me? Why?” tanong niya, halatang naguguluhan at naiinis.“No!” sagot ko, palabas sa ilong.Ang manhid naman ng lalaking ito, bulong ng isip ko. Obvious naman na galit ako. Na nagtatampo ako. Na nagseselos ako.“I don’t believe you,” diretsong sabi niya. “Cold ka sa akin. Binigyan kita ng space kanina para mag-isip ka, pero mas lumala pa. Sinundo kita, wala ka sa school. Nagsinungaling ka pa. Hindi m
Isabela’s POVInayos ko ang kumot ni Casey habang mahimbing siyang natutulog. Tulog siya sa sobrang kalasingan, malalim, walang kaalam-alam sa kaguluhang nangyari ngayong gabi. Marahan kong pinunasan ang luha sa gilid ng kanyang mga mata, bakas pa rin ang sakit kahit tulog na siya.Pagkatapos, napatingin ako sa saradong pinto.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.Mukhang galit si Liam kanina, at hindi ko alam kung bakit lalo akong kinakabahan. Alam kong nagsinungaling ako sa kanya, at malinaw na hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Napalunok ako, ramdam ang paninikip ng dibdib ko.“Dito na lang kaya ako?” mahina kong bulong sa sarili ko. “Magpanggap na lang akong lasing para dito na rin ako matulog kasama si Casey?”Napapitlag ako nang biglang may kumatok sa pinto. Bumukas ito at pumasok muli si Hudson.“Let me introduce myself again,” mahinahon niyang sabi. “I’m Hudson, Liam’s best friend. Your friend can stay here until she wakes up.”“Thank you… pero..” napatingin ako kay Casey,
Liam’s POV“Liam? Anong ginagawa mo dito?”Nanlalaki ang mga mata ni Isabela habang mahigpit pa ring nakakapit ang aking kamay sa kanyang baywang. Nakatingala siya sa akin, at sa distansyang iyon, ramdam ko ang bahagyang paghinga niya, mabilis, aligaga.Nagsalubong ang aking mga kilay.“Hindi ba dapat ako ang magtanong sa’yo niyan?” madiin kong sagot.Sinulyapan ko ang paligid bago muling ibalik ang tingin sa kanya.“Ngayon ko lang nalaman na ganito na pala ang itsura ng mall?” tanong ko, nakataas ang kilay.Kitang-kita ko ang pagkapit ng kaba sa kanya. Napalunok siya, at tila nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod. Mas lalo kong naramdaman ang bigat, este, ang bigat nilang dalawa ng kaibigan niya na halos nakasandal na sa kanya.“Isa… the world is spinning,” reklamo ng kaibigan niya habang lalo pang isinisiksik ang sarili kay Isabela.“A-ahh… wait, Casey… oh my gosh…” tarantang sambit ni Bela.“I’m falling… I’m falling… Casey, umayos ka!”Napasinghap ako nang bigla siyang mawalan ng
Liam’s POVAndito ako ngayon sa bar ng kaibigan ko. Tinawagan niya ako kanina, kakabalik lang daw niya galing abroad, at tulad ng dati, diretso agad sa imbitasyon.“Ey, you look pissed,” bungad niya sa akin pagdating na pagdating ko pa lang. Hinampas niya ako sa braso. Hindi ko siya sinagot. Kunot ang noo ko habang inaalala ang nangyari kanina sa university.~~ flashback ~~Nagmadali akong pumasok sa campus, halos hindi ko na iniinda ang mga matang sumusunod sa bawat hakbang ko. Isang pangalan lang ang laman ng isip ko, Isabela. Alam kong may last subject pa sila, kaya chineck ko pa ang schedule niya para sigurado. Pero pagdating ko roon, hindi ko siya mahanap.Wala silang pasok. Walang tao sa room kung saan dapat yung klase niya.Tumingin ako sa paligid, pilit hinahanap ang pamilyar na anyo niya. Ngunit imbes na siya ang makita ko, napansin kong ako ang pinagtitinginan ng mga tao. Yung iba pa, halatang kinikilig.“’Di ba siya yung knight in shining armor na nagligtas sa fiancée niya







