LOGINIsabela’s POV
Nalungkot ako nang magising akong wala na naman si Liam sa tabi ko. Alam kong kailangan na naman niyang bumalik sa Singapore, pero kahit handa na ako sa ideyang iyon, masakit pa rin. Parang nasanay na ang puso ko sa presensya niya at iyon ang kinatatakutan ko.
Malungkot na hinaplos ko ang bakanteng lugar ni Liam. Kakaalis pa lang niya ngunit mis
Isabela’s POVNaging napakasaya ng tanghalian namin kasama si Kuya Sean. Dahil sa likas na palabiro at karismatiko nito, mabilis na gumaan ang pakiramdam nina Mommy at Maeva sa kaniya. Pagkatapos naming kumain, lumipat kami sa sala para magkwentuhan habang si Maeva naman ay sobrang saya sa mga mamahaling regalo na ibinigay ng kanyang Uncle Sean.Nakipaglaro pa si Kuya kay Maeva, hinayaan nitong gawin siyang kabayo at maghabulan sa buong sala hanggang sa mapagod ang anak ko.Dahil sa tindi ng pagod sa kakalaro, dinala na muna si Maeva ng mga kasambahay sa itaas para magsiesta.Naiwan kaming tatlo sa sala, at doon na dahan-dahang naging seryoso ang atmospera.“Tita Selene, may iniwan p
Isabela’s POVPagkalipas ng isang araw, naging abala ang buong mansiyon sa paghahanda para sa pagdating ni Kuya Sean. Halos hindi ako mapakali sa tindi ng pananabik na makita siyang muli. Alam kong bakas pa rin ang kaba kay Mommy, ngunit ramdam ko sa puso ko na magiging maayos ang lahat.Nasa tapat ako ng magiging kuwarto ni Kuya, abala sa pagsusupervise sa mga kasambahay upang masigurong pulido ang bawat sulok at maayos ang mga kagamitan.“Tsk, tsk... Kailangan ko na bang mag-alala, asawa ko?” biglang maktol ng isang pamilyar na boses mula sa likod ko.Nilingon ko si Liam na kasalukuyang nakasandal sa hamba ng pinto habang nakanguso.“Mas malala pa ang pag-aasikaso mo sa
Isabela’s POVHinatid ko muna si Mommy sa kanyang kuwarto bago ako tuluyang bumalik sa amin ni Liam. Pagpasok ko, nakita kong kakaligo lang niya at mukhang kanina pa ako hinihintay.Nang makita niya ang itsura ko, hindi na siya nagtanong, sinalubong niya agad ako ng isang mahigpit na yakap.Agad kong isinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib, hinahayaan ang sarili kong lamunin ng pamilyar niyang bango at init.“Asawa ko...” bulong ko.Kasabay ng pagbanggit ko sa pangalan niya ang tuluyang pag-agos ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.“Uhmmm...
Isabela’s POVIlang minuto ring binalot ng mabigat na katahimikan ang Terasa. Tanging ang banayad na simoy ng hangin sa gabi at ang marahang kalansing ng aming mga tasa ang maririnig.Nakatitig lang si Mommy sa kawalan, ngunit kitang-kita ko ang panginginig ng kanyang mga labi.Dahan-dahan niyang ibinaba ang tasa sa mesa. Nang lumingon siya sa akin, tuluyan nang umagos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.“Patay na siya...” mahina, paos, at tila hindi makapaniwalang bulong ni Mommy. Umiling siya nang paulit-ulit, hinahawakan ang kaniyang dibdib na tila ba may biglang sumakit doon.“Tatlong taon na pala siyang wala...”
Isabela’s POVDahil sa sobrang pagod sa mahabang biyahe, pagkatapos ng ilang oras na pakikipagkuwentuhan at muling pagtitipon ng pamilya ay dumiretso na muna ako sa kuwarto namin ni Liam para magpahinga.Gabi na nang magising ako. Malamig ang tabi ko at napagtanto kong mag-isa na lang ako sa malawak na kama. Dahil na rin sa lagkit ng pakiramdam mula sa biyahe, nagpasya muna akong maligo bago tuluyang bumaba.Habang dahan-dahan akong bumababa ng hagdan, agad na humaplos sa pandinig ko ang masayang boses ni Maeva na umaalingawngaw sa buong sala.“Wow, Daddy! You are so good. Is that a dinosaur?”“Yes, baby, that’s a dinosaur... Rawr!”“Hahaha! Ang galing mo, Daddy!”Pagawi ng tingin ko sa gitna ng sala, nakita ko ang aking mag-ama. Masaya silang nakaupo sa sahig, napapaligiran ng makukulay na clay habang nag-aagawan at gumagawa ng kung ano-anong hugis. Napatigil ako sa isa sa mga baitang ng hagdan. Hindi ko muna sila inistorbo, pinanood ko lang ang tagpong iyon, lalo na at kitang-kita
Isabela’s POVNagising ako sa banayad na tunog ng boses ng piloto sa mikropono, nag-aanunsyo ng aming nalalapit na pagdating sa Pilipinas. Sa pagmulat ng aking mga mata, ang unang bumati sa akin ay ang malamlam na liwanag sa loob ng first-class cabin at ang pamilyar na bango ni Liam na tila bumabalot sa buong pagkatao ko.Naramdaman ko ang kanyang kamay na mahigpit na nakahawak sa aking palad, isang kapit na tila ayaw akong pakawalan kahit sa gitna ng kanyang pagtulog o pagtatrabaho. Nang sulyapan ko siya, nakita kong abala ang kabilang kamay niya sa pagpindot sa kanyang ipad, sinagot ang napakaraming email niya na galing sa trabaho na tila walang katapusan.Naramdaman niya ang bahagyang paggalaw ko kaya agad siyang lumingon sa akin. Isang matamis at mapungay na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi nang magtagpo ang aming mga mata.“Gising na ang asawa ko?” malambing niyang bulong. Binitiwan niya ang kaniyang ginagawa at masuyong hinalikan ang likod ng aking kamay. “How are you f
Isabela’s POVGabi na nang makauwi ako galing sa opisina, pero ang pagod ko ay hindi lang pisikal, ito ay abot hanggang kaluluwa. Anim na araw. Anim na araw na ang nakalipas mula nang maganap ang paghaharap namin ni Liam sa ospital, ngunit hanggang ngayon, nakakabinging katahimikan ang namamayani
Casey’s POV"Hudson, halika dali! Habulin natin si Liam!"Halos maubos ang hininga ko sa pagmamadali. Ang kaba sa dibdib ko ay tila tambol na lalong bumibilis ang pagtibok. Ito na... ito na ang sandaling matagal ko nang kinatatakutan. Sumusubo pa si Hudson nung hilain ko siya. Muntik pa siyang mat
Liam’s POVNang makita ko ang biglang pagwala ng kulay sa mukha ni Isabela, may kung anong humaplos sa dibdib ko, isang pamilyar na kaba na matagal ko nang ibinaon. Ang mapanuri at malamig kong maskara ay tila natunaw sa tindi ng takot na rumehistro sa kanyang mga mata. “I will use the car,” mabi
Isabela POV"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Liam," pilit na pakalma kong sagot. Ngunit kahit anong pigil ko, ang boses ko ay parang marupok na sinulid, isang hila lang, mapuputol na."Talaga ba?" Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, ngunit ang kanyang mga mata ay nanatilin







