INICIAR SESIÓNIsabela’s POVDahil sa sobrang pagod sa mahabang biyahe, pagkatapos ng ilang oras na pakikipagkuwentuhan at muling pagtitipon ng pamilya ay dumiretso na muna ako sa kuwarto namin ni Liam para magpahinga.Gabi na nang magising ako. Malamig ang tabi ko at napagtanto kong mag-isa na lang ako sa malawak na kama. Dahil na rin sa lagkit ng pakiramdam mula sa biyahe, nagpasya muna akong maligo bago tuluyang bumaba.Habang dahan-dahan akong bumababa ng hagdan, agad na humaplos sa pandinig ko ang masayang boses ni Maeva na umaalingawngaw sa buong sala.“Wow, Daddy! You are so good. Is that a dinosaur?”“Yes, baby, that’s a dinosaur... Rawr!”“Hahaha! Ang galing mo, Daddy!”Pagawi ng tingin ko sa gitna ng sala, nakita ko ang aking mag-ama. Masaya silang nakaupo sa sahig, napapaligiran ng makukulay na clay habang nag-aagawan at gumagawa ng kung ano-anong hugis. Napatigil ako sa isa sa mga baitang ng hagdan. Hindi ko muna sila inistorbo, pinanood ko lang ang tagpong iyon, lalo na at kitang-kita
Isabela’s POVNagising ako sa banayad na tunog ng boses ng piloto sa mikropono, nag-aanunsyo ng aming nalalapit na pagdating sa Pilipinas. Sa pagmulat ng aking mga mata, ang unang bumati sa akin ay ang malamlam na liwanag sa loob ng first-class cabin at ang pamilyar na bango ni Liam na tila bumabalot sa buong pagkatao ko.Naramdaman ko ang kanyang kamay na mahigpit na nakahawak sa aking palad, isang kapit na tila ayaw akong pakawalan kahit sa gitna ng kanyang pagtulog o pagtatrabaho. Nang sulyapan ko siya, nakita kong abala ang kabilang kamay niya sa pagpindot sa kanyang ipad, sinagot ang napakaraming email niya na galing sa trabaho na tila walang katapusan.Naramdaman niya ang bahagyang paggalaw ko kaya agad siyang lumingon sa akin. Isang matamis at mapungay na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi nang magtagpo ang aming mga mata.“Gising na ang asawa ko?” malambing niyang bulong. Binitiwan niya ang kaniyang ginagawa at masuyong hinalikan ang likod ng aking kamay. “How are you f
Sean’s POVIlang araw na rin akong nananatili rito sa mansion ni Liam, ang lalaking pinili at pinakasalan ng kapatid ko. Alam kong napapansin ni Liam ang lantaran kong pagsiksik sa buhay nila, at wala akong pakialam kung naiinis siya sa presensya ko. Kailangan kong kilalanin ang lalaking pinagkatiwalaan ng puso ng nag-iisang prinsesa ko. Kailangan kong masiguro na karapat-dapat siya.Dahil bago pa man sila nagkakilala... bago pa man naging marangya ang buhay ko dahil na rin sa pagsusumikap ng aking ama, may isang pangakong binuo ko sa sarili ko na hinding-hindi ko tatalikuran.Noong mga panahong wala pa ako sa posisyong ito, noong mga gabi na blangko ang mga hawak kong impormasyon at tila ba itinatago ng mundo si Isabela sa akin, iisang panalangin lang ang hawak ko, ang mahanap siya. Lahat ng kaginhawaan na natamasa ko mula pagkabata ay dahil na rin sa pagsisikap ng aming ama, at nangako ako sa kaniya na gagawin ko ang lahat para mahanap ang kapatid ko at ibigay ang buhay na nararapat
Liam’s POVHalos maghahating-gabi na, pero ang sala ng tinutuluyan naming mansyon sa Milan ay mukhang may sariling sikat ng araw dahil sa lakas ng tawanan ng dalawang taong nasa harap ko.Nakaupo ako sa solong sofa, naka-de-kuwatro habang ang magkabilang braso ay nakapako sa aking dibdib. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa naging abo ang mayabang kong bayaw. Pakiramdam ko, nagdidilim ang buong mukha ko at umuusok na ang aking mga tainga, pero ang dalawa, walang pakialam. Walang nakakapansin sa presensya ko.“Talaga, Kuya? Sinabi mo talaga 'yan sa board members mo?” humahalakhak na tanong ni Isabela.Naka-upo siya sa mahabang sofa, komportableng nakasandal sa mga unan habang ang mga mata ay nagniningning sa tuwa. At sa tabi niya? Doon nakasalampak si Sean, bitbit ang kanyang tasa ng gabi-gabing espresso, na may suot pang mapang-aping ngiti.“Of course, princess. Binigyan ko sila ng tigtatlong segundong katahimikan bago ko pinunit ang proposal sa harap nila. You should’ve seen
Liam’s POVPagkatapos mamatay ng video call, binitiwan ni Isabela ang kaniyang cellphone at huminga nang malalim. Bago pa man siya tuluyang makabangon sa kama, mabilis ko nang hinila ang kaniyang beywang pabalik.“Liam!” nagulat ngunit natatawa niyang saway nang mapahiga siya sa aking dibdib.Yinakap ko siya nang mahigpit, ibinaon ko ang aking mukha sa kaniyang leeg, at nanamnam ang pamilyar niyang bango. Sa wakas, solo ko na rin ang asawa ko. Walang Maeva na nagpapakuryente sa screen, at lalong walang Sean Vance na sumisira sa diskarte ko.“Mine, kailangan sa akin magmana ang baby na ito,” bulong ko, habang ang isang kamay ko ay dahan-dahang bumaba patungo sa kaniyang patag pa na tiyan. Hinaplos ko iyon nang marahan, marubdob, na tila ba nagmamarka na agad kung sino ang nagmamay-ari sa kanila. “Kailangang mapatunayan natin sa hambog mong kapatid kung sino ang mas gwapo sa aming dalawa. Hindi pwedeng makuha niya ang bragging rights.”Naramdaman ko ang pagka-uga ng kaniyang balikat da
Isabela’s POV“This calls for a celebration! So, where do you want to eat for lunch? It’s on me!” masayang anyaya ni Sean. Kita ko sa rearview mirror ang kislap sa kanyang mga mata habang nagmamaneho.Nilingon ko si Liam sa tabi ko. Nakahalukipkip na naman siya at nakatingin sa labas ng bintana, pero alam kong hindi naman siya tututol. Ramdam ko ang pasensyang ibinibigay niya para sa akin.“Hmm... I think I want pizza and pasta today,” masigla kong sagot bago ko idinikta kay Sean ang address ng paborito kong restaurant.“Hola! Your wish i
Isabela’s POVAng bawat salita ni Liam ay tila mga palasong tumatama sa mga sariwang sugat ko. Gusto kong maniwala. Gusto kong magpadala sa pamilyar na init ng yakap niya, pero tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, ang boses ni Mommy ang naririnig ko, ang katotohanang sumira sa bawat pangarap na b
Liam’s POVPara akong aninong walang direksyon. Halos kaladkarin ako ni Hudson palabas ng kama para lang sumama sa kanya rito. Sa totoo lang, wala akong pakialam sa sikat na floating restaurant na ito o s
Isabela’s POVHindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak kagabi. Ang huling alaala ko na lang ay ang marahang pagtapik ni Miguel sa balikat ko habang unti-unting namamatay ang huling kislap ng fireworks
Liam’s POVBisperas ng Pasko“Liam, kailangan mong lumabas dito. Mag-impake ka, pupunta tayong Subic.”







