"Are you okay, anak?" banayad kong usisa kay Erom habang nakaupo kami sa kama.
Nandito na kami sa condo ngayon. Kanina ko pang napapansin ang pananahimik niya mula nang nakasakay kami sa kotse.
Marahan niyang inangat ang kanyang paningin sa akin. "I'm okay, Mom. It's just... I'm tired," he answered.
Tipid akong ngumiti saka siya hinalikan sa noo. "Sige na, mahiga ka na. Ipagtitimpla na lang muna kita ng gatas para mas madali kang makakatulog,"
Tumango lang naman siya at saka sumunod sa sinabi ko. Pinanuod ko na maging kumportable sa pagkakahiga ang anak ko bago ako tumayo at umalis ng silid.
"Tulog na si Erom?" usisa ni Chaos nang nakarating ako sa kusina.
Nakaupo siya habang umiinom ng kape.
"Tutulog pa lang," tugon ko at nagtungo sa lababo para magtimpla ng gatas.
"Okay ka lang?"
Natigilan ako sa pagkilos nang itanong iyon sa akin ni Chaos.
Okay ba ako?
Kung hindi man ako okay, bakit? Ano'ng
HALOS tatlong minuto na ang lumipas mula nang ibaba ako ng taxi driver sa harapan ng mansyon ni Valjerome. Dahil nga kasama ako ay hinayaan ng mga bantay na nadaanan namin na makapasok ang sasakyan. Nanatili akong nakatayo habang nakatitig sa kabuuan ng bahay niya. Hindi ko maiwasan na mapangiti nang mapakla habang naiisip ang mga taon na inilagi ko sa masyon na ito.Matagal na rin pero parang kahapon lang ang lahat...Isang buntonghininga ang pinakawalan ko saka ako naglakad papasok. Agad na sumalubong sa akin si Jaime, base pa lang sa tingin na ibinigay niya sa akin ay ramdam ko ang pasasalamat doon. Napaisip tuloy ako kung maayos ba ang trato ni Valjerome sa kanyang mga tauhan at ganito na lang sila mag-alala para sa kanila. Mas lalong dumoble ang guwang sa dibdib ko dahil doon.Sana ay nagawa niya rin akong itrato nang maayos noon.Iwinaksi ko na lang iyon sa isip ko at itinuon ang atensyon sa dahilan kung bakit ako naparito. Iyon ay
"W-What did you say?" garalgal kong usal habang nakatitig kay Valjerome.He kept crying as he leaned down towards my foot. "I'm sorry, Jazzie. I'm sorry for everything."Nanghihina akong napaupo sa sahig, tulala at paulit-ulit na ipinapasok sa isip ko ang mga sinabi niya kanina.Ang taong umampon sa akin ang mismong pumatay sa mga magulang ko.Pagak akong tumawa habang lumalandas ang mga luha ko sa pisngi.Ang itinuring kong ama ang dahilan kung bakit ako maagang naulila.Gusto kong magsalita, sumigaw sa sakit, magwala, pero hindi ko magawa dahil gulung-gulo ang isip ko. Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa mga nalaman ko."Patawad," muling pagsusumamo ni Valjerome, nanatiling nakasubsob ang ulo sa sahig.Hindi ko na siya inintindi pa at nanghihinang tumayo. "Stop making a scene, Valjerome. Go to sleep, inaabala mo ang mga kasambahay mo," walang emosyon kong wika at wala sa sariling naglakad palayo.Tuluya
"Uy, Jazzie!"I flinched on my place when someone tapped my shoulder. "Oh, Ken, b-bakit?" tanong ko nang natuon ang atensyon ko sa kanya.Kunot-noo niya akong pinagmasdan. "May problema ba, Jazzie? Kanina ko pang napapansin na para bang malalim ang iniisip mo," puna niya.Palihim kong nakagat ang ibaba kong labi at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa bintana. "W-wala, ano... naisip ko lang si Erom," pagpapalusot ko.Kababalik ko lang sa hotel pero ito ako, lutang at hindi makagawa nang maayos sa 'king trabaho. Pangatlong suite na ang nililinisan ko ngayon at ang dalawa kong silid na nalinisan kanina ay parehong palpak. Nakalimutan kong palitan ng bedsheet ang naunang suite habang nawala naman sa isip ko na linisin ang cr ng pangalawang kwarto. Kaya naman ngayon sa ikatlong suite na nakatoka sa akin ay nagpasama na ako kay Ken para hindi na makalimot pa sa ibang bagay. Marahan akong nagpakawala ng buntonghininga at muling tinanaw ang itim na sasakyan sa ibaba
"Aren't you gonna eat that?" usisa ni Chaos sa harapan ko, tinutukoy ang paperbag na kanina ko pang tinititigan sa center table.Nahihiya akong nag-iwas ng tingin at saka umupo nang maayos. Nasa loob na kami ngayon ng silid-pahingahan at kasalukuyang nakaupo sa sofa.Once again, I glanced on the paperbag. Palihim kong nakagat ang ibaba kong labi sa iba't ibang bagay na pumapasok sa isip ko.Bakit niya ako pinadal'han ng pagkain?Ano'ng plano niya?Para saan ito?"You know, okay lang sa akin na kainin mo 'yan kung ako ang inaalala mo," ani Chaos na siyang nakapagpatuon ulit ng atensyon ko sa kanya.Mabilis akong umiling bilang pagtanggi sa sinabi niya. "It's not like that," depensa ko. "Medyo nakakapanibago lang kasi," pabulong na dagdag ko.Marahan naman siyang tumango. Saglit pa siyang nagpakawala nang mahinang halaklak at naiiling na sumandal sa sofa."Is he courting you?" usisa ni Chaos.
"Wow! Para sa 'kin po ba ito, Mommy?" manghang usisa ng anak ko nang nabalik kami ng condo, patukoy sa teddy bear na ibinigay ni Valjerome.Kauuwi lang namin galing sa unit ni Chaos dahil doon kami kumain ng dinner. Bago ako nagpunta roon ay iniwan ko muna ang mga gamit na dala ko rito sa bahay para wala akong maraming bitbit.Hilaw akong ngumiti. Nag-iisip ng tamang sagot para sa anak ko."Gusto mo ba?" iyon na lang ang nasabi ko imbes na kumpirmahin kung para kanino iyon.Mabilis na tumango si Erom at niyakap ang malaking teddy bear na mas malaki pa sa kanya. Hindi ko tuloy naiwasan na mapahalakhak nang mahina."He's cute!" aniya.Napaangat naman ang kilay ko at lumapit sa sofa kung saan siya nakapwesto kasama ang teddy bear. "He?" tanong ko. "Paano mo nasabi na lalaki 'yan?" dagdag kong saad.Erom smiled at me, then pointed something on the collar part of the teddy bear. May asul na ribbon kasi iyong design. Hinawakan niya iyon sak
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho. Wala pa man akong ginagawa ay tila nabugbog na ang katawan ko sa pag-iisip."Jazzie!" masiglang salubong sa 'kin ni Ken nang pumasok ako sa silid naming mga trabahante.Agad namang kumunot ang noo ko sa siglang ipinapakita niya. "May 13th month pay na?" tanong ko."September pa lang, Jazzie. Naghihirap ka na ba?" sarkastikong sagot niya at saka ako hinila patungo kung saan. "Pero sa dami nang ipinadala sa 'yong pagkain, para ka na ring nagpasko," aniya at itinuro ang lamesang ginagamit namin.Napaawang naman ang labi ko at napatitig sa mga pagkain na nakahain doon. May kanin, adobong manok, pritong itlog, bacon, hotdog, pasta, salad at..."Lechon?" bahagyang tumaas ang tono ko nang nakita ang lutong biik."Dinala 'yan kanina ng isang lalaki," sambit ni Ken.Humarap ako sa kanya at pinilit ang sarili ko na umakto ng normal kahit pa luluwa ang puso ko sa kaba."K-Kilala mo?" usisa ko
Sa dinami-rami ng go-see na pinagdaanan ko. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng kaba. Namamawis ang mga palad ko at halos hindi kumalma ang tibok ng puso ko."Welcome back, Ms. Zamora," nakangiting pagbati ng isa sa mga hairstylist na nasa loob ng dressing room.Agad na napunta sa 'kin ang atensyon ng ibang modelo na kasama ko sa silid. Naroon ang panunuri ng kanilang mga mata sa presensya ko. Hindi na ako nagtataka dahil sa paglipas ng maraming taon ay nagawa kong patahimikin ang pangalan ko, o mas dapat ko bang sabihin—ng dati kong asawa. Kung may mga nakakatanda man sa akin ay iyon ang mga taong dati kong nakasama o nakasalamuha.Tipid akong ngumiti sa hairstylist. "Salamat," nahihiyang sambit ko.Kung noon ay mataas ang kumpyansa ko sa sarili ngayon ay hindi ko maiwasan na mabahala. Isa sa mga dahilan kung bakit nagdalawang-isip ako sa pagbalik ay dahil na rin ng katawan ko. Nagkaroon na ako ng anak, hindi ko alam kung gano'n pa rin ba kaganda an
Kung kanina ay puno ako ng takot para sa anak ko, ngayon ay natatalo ng kaba ang dibdib ko habang pumapasok kami sa mansyon ng dati kong asawa. Hindi ko inakala na rito niya kami dadal'hin, akala ko ay iuuwi niya kami sa condo kaya naman hindi ako nag-alangan na sumama sa kanya kanina.Buhat niya pa rin si Erom na hanggang ngayon ay tahimik at nakayakap sa kanya. Sa mga minutong lumipas, unti-unti akong nakaka-ideya sa ginagawa ng anak ko. Parang hinahaplos ang puso ko habang nakatingin sa kanilang mag-ama. Pinalaki ko si Erom na may kinikilalang tatay para hindi niya maramdaman ang pagkainggit sa iba, ngunit siguro nga ay hindi lahat ng bagay madadaan sa simpleng solusyon.We silently sat on the couch. Pasimpleng sinenyasan ni Valjerome ang mga nagkalat na katulong at tauhan. Sa puntong iyon ay may munting tuwa sa loob ko sa desisyon ni Valjerome na huwag lantarang ipakita ang mundo niya sa anak ko. Oo, matalino si Erom, magaling umintindi at umusisa pero hindi ibig s