Alora's POV
Maaga akong natulog nang araw na iyon, nagising nga lang ako sa gitna ng gabi dahil sa isang panaginip. Para bang hinahabol ako ng mga naranasan ko sa kamay ni Koen, sa kamay ng lalaking dumukot sa akin. Lumabas ako at dumiretso sa kusina, madilim na dahil patay ang mga ilaw kaya naman dahan-dahan ang hakbang ko para wala akong magising. Ayon nga lang ay hindi ko napigilang sumigaw noong may mabangga ako. Madilim pero alam kong tao iyon kaya naman imbes na dugo ang dumaloy sa katawan ko ay napalitan iyon ng takot. Handa na akong tumakbo pero napatigil rin nang hawakan ako ng nabangga ko. "It's me." Kasabay ng pagbigkas ni Azrael ng mga salitang iyon ay ang pagbukas ng ilaw. Hindi nawala ang takot ko dahil mas nadagdagan pa iyon. Nakapalibot sa amin ang mga tauhan niya habang ang mga baril nila ay nakatutok sa akin. Agad na nanginig ang buong katawan ko at nagtago sa likod ng taong hawak ang palapulsuhan ko. Nagsimula na ring magsitulo ang mga luha ko hanggang sa tuluyan akong napaluhod sa sahig yakap ang sarili. Mamatay na ako. Ito na yung katapusan ko, putok na lang ng baril ang inaantay ng takot kong katawan. "PUT YOUR FUCKING GUNS DOWN!!" umalingawngaw ang boses niya sa buong bahay. Hindi ko alam kung sumunod ba sila sa kanya basta ang alam ko lang ay nilapitan niya ako at binuhat papunta sa kusina. Wala sa sarili kong yinakap ang tuhod ko habang nakaupo, ayokong itaas ang tingin ko. Ayokong makakita ulit ng baril n nakatutok sa akin, sa mismong noo ko. "Hindi ka nila sasaktan, ligtas ka sa bahay na 'to." Hinila niya ako sa isang yakap pero nanatiling sarado ang mga mata ko, nararamdaman ko lang ang paghagod niya sa likod ko. "Hindi ka nila sasaktan. You're safe here." paulit-ulit niyang sinasabi iyon at pabalik-balik rin sa isip ko ang imahe ng mga baril na nakasaludo sa akin. Hindi ko alam kung ilang minuto ang dumaan basta nanatili kami sa ganoong sitwasyon hanggang sa wakas ay kumalma rin ang sarili ko at saka niya ako pina-inom ng tubig. Nang tuluyan na akong kumalma ay pinainom niya ako ng tubig at nagpaalam muna saglit. Pinilit ko na ring tumayo kahit nanginginig pa rin ang tuhod ko dahil sa takot, kailangan kong magpunta sa kwarto dahil mas safe ako doon kaysa dito. Nakita ko pa sila Azrael at ang mga tauhan niya malapit sa kusina pero hindi ko sila binigyan ng pansin. "Apologize to her." Iyon lang ang narinig ko sa usapan nila at katapos nun ay naramdaman ko nang may sumusunod sa bawat hakbang ko. Dahan-dahan kong nilingon kong sino ang taong nasa likod ko pero noong makita na si Azrael iyon ay nakaramdam ako ng kaunting kapanatagan. Hanggang noong nasa kwarto na ako at nakahiga na sa kama ay hindi niya ako iniwan. Paano kung bigla niya rin akong gahasain sa oras na tuluyan na akong makatulog? Ngunit kahit sa isiping iyon ay hindi ko napigilan ang bigat ng talukap ko. Kinabukasan nagising ako dahil sa gutom pero mas pinili kong manatiling nakahiga. Ayokong lumabas, hindi ko alam ang pwedeng mangyari sa akin sa labas ng kwartong ito lalo na at kagabi ay tinutukan ako ng baril ng mga tao ni Azrael. Kakayanin ko ang gutom na ito, kinaya ko nga ang ilang araw na walang tamang kain sa puder ni Koen, ito pa kaya? Kailangan kong tiisin kase gusto ko pang mabuhay, kailangan ko pang makatakas dito. Isang katok ang pumukaw sa akin na agad ko namang ikina-atras sa pinakadulong bahagi ng kama habang hawak ng mahigpit ang kumot na nakataklob sa buo kong katawan. "Si Azrael 'to." Nanatiling mahigpit ang hawak ko sa kumot hanggang sa makita kong siya nga ang iniluwa ng pinto. Mayroon siyang dalang mga pagkain at nasa likod niya rin sila Sheila at Stella na ganoon rin ang dala. "Kain na tayo," kaswal niyang sabi matapos ilapag ang mga pagkain sa maliit na lamesang inilagay nila sa kama. Tiningnan ko lang siya habang hindi pa rin gumagalaw sa posisyon ko. "Gusto mo bang mag-isang kumain? Pwede naman akong umalis," sabi niya ng hindi pa rin ako gumagalaw. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pero nauna nang gumalaw ang katawan ko kaysa mag-isip ng sagot. Naupo ako malapit sa maliit na mesa kung nasaan ang mga pagkain. "Kain na tayo." Nagsimula na kaming kumain, halatang parehong nakakaramdam ng gutom sa bawat subo naming dalawa. Nag-aya rin siyang magpunta sa harden katapos naming kumain nag-alangan pa ako sa umpisa pero andito kami ngayon, nagdidilig siya ng mga halaman at ako naman ay nakaupo lang sa duyan na nasa gilid niya. "Anong paborito mong bulaklak?" Napaisip ako sa tanong niya dahil hindi naman ako ganoon kahilig sa mga bulalak. "Sampaguita at rosas," sagot ko dahil iyon lang naman ang kilala ko. Tumango lang din siya kaya naging tahimik ulit kami hanggang sa magsalita na naman siya. "May tanong ako pero hindi mo kailangang sagutin kung ayaw mo." Tumango ako at ipinagpatuloy niya iyong sinasabi niya. "Nabanggit mo kase ang pangalang Koen noong dinala kita sa opisina ko. Ang tinutukoy mo bang Koen ay si Koen Davendra?" Bakit niya kilala si Koen? Magkaibigan ba sila? Nilukob na naman tuloy ako ng takot sa posibilidad na iyon. Dahan-dahan akong tumango sa tanong niya. "Siya ba ang dahilan kung bakit ganoon ang reaksyon mo kagabi?" Isang tango na naman ang natanggap niya mula sa akin, hindi ko nga alam kung bakit ko siya sinagot. "K-kaibigan mo ba siya?" utal-utal kong tanong, takot at handa nang tumakbo sa oras na tumango at magsabi siya ng oo pero tumawa lang siya. "He will never be my friend, kahit sa susunod kong buhay hinding hindi ko siya magiging kaibigan. He is my enemy and I am glad that I was able to take you away from him. He must be devastated now while I am very much glad to have you."Alora's POV Sa loob ng ilang araw na pagpasok ko sa training ay mayroon talaga akong natutunan iyon nga lang ay ang sakit talaga sa katawan. Sinabi na sa akin ito ni Azrael bago pa man pero hindi ko naman alam na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko sa mga joints ko. Sinabihan rin ako ng mga kaklase ko na sa una lang daw ganito kaya sana talaga hindi lang nila ako niloloko. Naging malapit na rin ako sa mga classmates ko roon. Hindi ko nga lang alam ang mga pangalan nila dahil ayaw nilang sabihin sa akin sa hindi ko malamang dahilan dahil kahit ang rason kung bakit itinatago nila ang pangalan nila sa akin ay hindi rin nila sinasabi. Huling araw na lang pala ngayon dahil bukas ay luluwas na papuntang Thailand si Azrael para ayusin ang problema ng business nila. Balak sana naming maglaan ng oras sa pamilya kaso may training kami ni Rail at siya naman ay may trabaho. "See you this afternoon anak." Hinalikan niya ang noo ng anak namin katapos ay ginawa niya rin sa akin iyon. "See yo
Alora's POV Tinuruan ako ni Mr. Yakamoto kung paano ang tamang pagtayo sa training, ang tamang pagbagsak at kung-ano-ano pa. Hindi naman siya mahirap dahil kailangan ko lang i-inat ang kamay ko sa tuwing babagsak ako sa sahig dahil kapag hindi ko iyon ginawa ay baka masaktan ang tagiliran ko. Ang nahirapan lang ako ay ang takot sa pagbagsak pero dahil wala ako sa lugar para mag-inarte ay ginawa ko pa rin iyon, nandito rin naman ako para matuto. Matapos akong turuan ni Mr. Yakamoto ay tinawag naman niya ang mga classmate ko, nakita ko pa ang paghagis ng babaeng kausap ko kanina sa isa pang babae. Iyan ang kahihinatnan ko sa paglipas ng araw na andito ako. "I know all of you already learned it but because we have Alora we will learn it again." Curios akong napatingin lalo na dahil pinagitna niya ang babaeng nakausap ko kanina at gumitna sila kaya wala sa sarili akong napaatras ganon din ang iba. Tumayo silang dalawa ng pagkahatap. "Halimbawa, naglalakad ka sa daan tapos may biglang
Alora's POVNgayon ang unang araw na kinakabahan ako sa paghatid kay Rail sa training center dahil ngayon din ang araw ng simula ng training ko. Hinatid kami ni Azrael sa training center dahil aalis din agad siya papuntang trabaho. Ilang araw na lang din bago siya lumipad papuntang Thailand. "Sunduin ko kayo maya katapos ng training niyo." Tumango ako sa sinabi niya at tumingin naman siya sa anak namin pinantayan naman ito. "Enjoy the training anak, don't strain yourself too much." Magiliw naman na umuo ang anak namin saka siya tumayo at humarap sa akin. "If you change your mind tawagan mo lang ako." Ngumiti lang ako sa kanya. Bago pa kami lumabas ng bahay ay sinasabi na niya sa akin iyon. "Kakausapin ko si Mr. Yakamoto kung sakali man."Umiling ako. "Siguro na ako mahal." Ilang minuto niya pa akong tiningnan, parang sinusuri kong may kaunting pagiging hindi sigurado ba siyang makikita sa mukha ko. "Okay. Huwag mo ring i-push ang sarili mo masyado." Katulad ng ginawa ng anak namin
Alora's POV Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon kay Dad ay sinabi niya agad sa akin na kausapin ko muna si Azrael para siya na rin naman ang mag-ayos at mag-enroll sa akin sa klase. Pauwi na kami ngayon, kakatapos lang ng training ni Rail at sinundo kami ni Azrael doon matapos niya sa trabaho. Napagod siguro si Rail dahil knock-out na ito sa likod. "Gusto kong mag-aral ng self defense." Saglit na napatingin sa akin si Azrael pero agad rin namang ibinalik ang atensyon sa kalsada. "Sure ka na ba?" Tumango ako kahit hindi niya naman iyon makikita dahil nasa kalsada ang buong atensyon niya. "I will contact Mr. Yakamoto, the owner of that training center and Dad's previous butler para ma-enroll ka." Sa totoo lang ay hindi ko nga rin alam kung ano ang mangyayari sa desisyon kong ito pero dahil gusto ko rin namang matuto ng mga bagay na makakapag-protekta sa akin at sa anak ko ay kailangan ko lang magtiwala sa magiging teacher ko at kay Azrael. Pagdating nga namin sa bahay ay hi
Alora's POV"No. I will handle that matter," rinig kong sabi ni Azrael habang nakatayo sa may bintana ng kwarto namin at may kausap sa telepono. Kakapasok ko lang sa kwarto namin dahil nilinisan ko pa ang pinagkainan namin. Ika-limang araw na rin ngayon ng training ni Rail. Kung minsan ay kaming dalawa ang sumusundo sa anak namin pero palaging ako dahil nga busy siya sa trabaho. Hindi pa rin nawala sa isip ko ang sabi ni Dad na mag-aral rin ako ng self-defense. Hindi naman niya ako pinipilit pero tumatak sa isip ko ang sinabi niya dahil alam kong kapag nag-aral nga ako nun ay mapro-protektahan ko ang anak ko at ang sarili ko. Ang tanong nga lang ay kung kaya ko ba? Kakayanin ba ng isip ko kapag dumating na ako sa puntong nasa harap ko na ang isang bagay na magtri-trigger para bumalik ako sa nakaraan? "Kumusta?" tanong ko nang humiga na rin siya sa kama. Yumakap naman siya sa akin at isiniksik ang sarili sa katawan ko. "Hindi pa rin okay. Hindi pa rin tumitigil ang mga taong umaay
Alora's POV "Anak, gusto mo bang matuto ng ganyan?" tanong ko kay Rail habang nanonood kaming tatlo ng ama niya sa TV.Ang pinapanood namin ay yung mga self defense training at yung iba't-ibang klase ng martial arts. Naisip namin na ganito ang gawin dahil baka hindi maintindihan ni Rail ang mismong salita dahil hindi naman siya pamilyar doon. Sa ganitong paraan rin ay malalaman niya ang mga gagawin niya kung sakaling pumayag siyang mag-training. "Pwede po ba?" Humarap siya sa amin ng may pag-asang naka-plastar sa mukha niya. Napatingin naman ako sa ama niyang nangiti at nakatingin lang sa kanya. "Of course anak, kahit bukas mo agad gustong magsimula, gagawin iyon ni Papa." Nakita na naman ang excitement sa mukha ni Rail dahil sa narinig."Really?!" "Yes, andoon din ang ate Valerie mo kaya siguradong mag-e-enjoy ka," sabi pa ni Azrael. "I know papa, kinuwentuhan niya ako about sa ganyan sometimes." "Talaga anak?" Akala ko ay puro laro lang ang ginagawa nila pero napag-uusapan na