NAGTAGIS ang mga bagang ko at nanlamig ang mga mata nang marinig ko ang sinabi niya. Bakit ba parang napakayabang ng tono niya? Tyaka ano pa bang gusto niya?
Sinalubong ko ang kanyang mga mata. “Ano pa bang gusto mo?” asik ko sa kaniya. Pilit ko lang pinapatatag ang sarili ko pero halos gusto ko nang bumagsak. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya at pagkatapos ay itinulak ang pinto. Pumasok siya sa loob ng condo ko nang hindi man lang ako nililingon. Napakuyom ang kamay ko. Nang sumilip ako sa labas ng pinto ay wala na ang Lance na unang nagpakilala kanina. Isinara ko ang pinto ngunit sa halip na humakbang pasulong ay nanatili lang ako doon at sumandal. Tiningnan ko siya na noong mga oras na iyon ay nililibot na ang aking sala. “Bakit ka nandito?” malamig na tanong ko at diniretsa na siya. Wala akong balak na patagalin pa ang pag-uusap naming dalawa. Ilang sandali pa ay nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. Ang kanyang mukha ay muling nagbalik sa pagiging pormal. “Nandito ako para bigyan ka ng offer.” sabi niya sa akin. Hindi ako nagpakita ng kahit na anong reaksyon. Nagpatuloy siya. “Pakasalan mo ako at bigyan ng magiging tagapagmana ko. Ako na ang bahala sa utang ng mga magulang mo at bukod pa doon ay tutulungan kitang maghiganti kay Matt.” sabi niya sa akin. Napakuyom ang mga kamay ko nang marinig ko ang pangalan ni Matt. siya ang may dala ng kamalasan ko ngayon at sa aking pamilya. Dahil dito ay biglang umahon ang matinding galit sa aking dibdib. Napatitig ako sa kaniya, para bang inaanalisa ang sinabi niya. “Sa tingin mo ba ay ganun ako kadaling makumbinse?” malamig kong tanong sa kaniya. Hindi porket may nangyari sa aming dalawa at siya ang nauna sa akin ay basta niya na lang ako mapapapayag sa gusto niya. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sa akin kung sakali? Halos kung tutuusin ay matanda na lang ng ilang taon ang DAddy ko sa kaniya. Paano kung gawin nila akong katatawanan? Paano ako haharap sa mga tao? Umiling ako. “Hindi. Hindi na bale.” sagot ko sa kaniya kaagad at pagkatapos ay binuksan ang pinto. “Makakaalis ka na.” malamig na sabi ko at tahasang pinapaalis siya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pagkakautang ng mga magulang ko, marahil umabot na sa kaniya ang balita. Pero ang pagkakaroon ng anak? Hindi kaya alam na rin niya? Pero imposible, wala pang nakakaalam na buntis ako. Ni hindi nga alam ng sarili kong magulang. Walang ekspresyon ang kanyang mukha ngunit halatang-halata ang panlalamig ng mga mata. Nagbago rin ang kanyang awra. Napakalamig at mapanganib. Ilang sandali pa ay naglakad siya patungo sa pinto ngunit bago lumabas ay muli kong narinig ang tinig niya. “Kapag nagbago ang isip mo, alam mo kung saan ako hahanapin.” sabi niya sa akin. Hindi ako nagsalita. “Pag-isipan mong mabuti ang offer ko. Hindi lang ako ang magbe-benefit dito kundi maging ikaw. Hindi lahat ng tao ay naaalok ng ganito.” dagdag pa niyang sabi at pagkatapos ay humakbang na ngunit muling tumigil at nilingon ako. “Alam ko rin pala kung sino ang may dahilan kung bakit nalulong sa sugal ang mga magulang mo.” sabi niya pa at tuluyan nang umalis. Nang maisara ko ang pinto ay bigla na lang akong napasandal dito bago ako napadausdos sa sahig. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa matinding takot. Napakalakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko akalain na hahanapin niya ako at aalukin ng ganun pero… Hindi. Napailing ako. Baka may iba pang paraan. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa akin kung sakali? Ano na lang? ~~~~~ MADILIM ang mukha kong lumabas ng condo ni Athy. hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaramdam ng inis nang makita ang maputla niyang mukha. Maging ang pangingitim sa ilalim ng kanyang mga mata na para bang hindi siya nakatulog kagabi. Gusto ko sanang mag-usap kami ng maayos pero hindi ko maiwasang hindi mainis dahil sa titig niya. Para siyang nandidiri na hindi ko maipaliwanag. Ni hindi rin namin napag-usapan ang pagdadalang tao niya. Para siyang nakakita ng multo nang makita niya ako. Kitang-kita ko ang takot sa kanyang mga mata ngunit sa kabila nun ay nanatili siyang matapang sa harap ko. Niluwagan ko ang aking necktie. Halata naman na nahihirapan na siya pero bakit tumanggi pa siya sa alok ko? Ayaw niya pa ba iyon? Pagliko ko ay agad akong sinalubong ni Lance. “Kamusta sir? Pumayag ba siya?” kaagad na tanong niya sa akin. Malamig ang tingin kong sinulyapan siya. “Sa tingin mo ba magiging ganito ang reaksyon ko kung pumayag siya?” walang ganang tanong ko sa kaniya. Matagal ko ng assistant si Lance at bukod pa roon ay alam na niya ang lahat ng tungkol sa akin dahil wala naman akong itinago sa kaniya. Nagulat siya noong una pero sa huli ay hindi naman niya ako hinusgahan at ni hindi siya nagtanong. Basta kung ano ang iutos ko sa kaniya ay susundin niya. “Pasensya na po sir. Gusto niyo po ba na ako ang kumausap sa kaniya?” tanong niya sa akin habang naglalakad kami patungo sa elevator. “No need. Alam kong pupunta at pupunta siya sa akin dahil wala siyang choice.” walang emosyon kong sagot bago pumasok sa elevator. Alam kong wala ng ibang tutulong pa sa kanila dahil ang mga taong nakapaligid sa kanila ay walang ibang gusto kundi ang bumagsak sila. Nagtagis ang mga bagang ko nang maisip ko ang tahasang pagtanggi niya. Masyado siyang ma-pride sa kabila ng pinagdadaanan niya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin na galit siya sa akin dahil kahawig ko si Matt o ano. “Anong oras ang meeting?” tanong ko kay Lance na nakatayo pa rin sa tabi ko. Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na tiningnan niya ang kanyang relo. “Alas diyes sir at may isang oras pa bago ang meeting.” Hindi na lang din ako nagsalita at napa buntong hininga na lang pagkatapos ay muling nagtagis ang aking mga bagang dahil sa inis. …NAGTAGIS ang mga bagang ko at nanlamig ang mga mata nang marinig ko ang sinabi niya. Bakit ba parang napakayabang ng tono niya? Tyaka ano pa bang gusto niya? Sinalubong ko ang kanyang mga mata. “Ano pa bang gusto mo?” asik ko sa kaniya. Pilit ko lang pinapatatag ang sarili ko pero halos gusto ko nang bumagsak.Isang buntong hininga ang pinakawalan niya at pagkatapos ay itinulak ang pinto. Pumasok siya sa loob ng condo ko nang hindi man lang ako nililingon. Napakuyom ang kamay ko. Nang sumilip ako sa labas ng pinto ay wala na ang Lance na unang nagpakilala kanina.Isinara ko ang pinto ngunit sa halip na humakbang pasulong ay nanatili lang ako doon at sumandal. Tiningnan ko siya na noong mga oras na iyon ay nililibot na ang aking sala. “Bakit ka nandito?” malamig na tanong ko at diniretsa na siya. Wala akong balak na patagalin pa ang pag-uusap naming dalawa.Ilang sandali pa ay nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. Ang kanyang mukha ay muling nagbalik sa pagiging pormal. “Nandito ako
PAGKAGISING ko kinabukasan ay nagulat ako nang wala na siya sa tabi ko. Sinubukan kong habulin at kausapin siya ngunit hindi ko na siya muling nahagilap pa. Dahil dito ay napilitan akong magpa-imbestiga at doon ko nalaman na hiwalay na pala silang dalawa ni Matt.Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko at pagkatapos ay napahilmos sa aking mukha. Wala akong balak na mag-asawa dahil wala na akong tiwala pa sa mga babae simula nang lokohin ako ng babaeng inakala kong napaka-perpekto at mapagkakatiwalaan pero ngayon na nabuntis ko siya ay wala akong ibang pagpipilian kundi ang pakasalan siya.Hindi man dahil sa may nararamdaman ako sa kaniya kundi para sa magiging future ng magiging anak ko. Idagdag pa na ito na rin naman ang huling taon na palugit sa akin ni Papa na mag-asawa dahil kung hindi ay baka hindi na niya ako pamanahan pa. Kahit papano ay may magandang naidulot naman iyon sa akin pero ang tanong ay kung papayag siya sa magiging offer ko sa kaniya.Tumayo ako sa aking k
ISANG MAHABANG buntong hininga ang pinakawalan ko at pagkatapos ay napahilot ako sa aking sentido. Paano ba ako humantong sa ganito?Noong gabing iyon ay wala naman talaga akong balak na patulan si Athy. Ang buong akala ko ay kayang-kaya kong kontrolin ang sarili ko, ang katawan ko pero mali pala ako. Noong sandaling dumampi ang labi niya sa akin ay natagpuan ko ang sarili kong natangay na sa halik niya.Ang simpleng pagdampi ng labi niya sa labi ko ay nagdulot ng isang emosyon na hindi ko pa naramdaman sa buong buhay ko. Para rin akong nawala sa sarili ko. Nakalimutan ko na siya pala ang girlfriend ng pamangkin kong si Matt.Ilang beses ko na siyang nakita sa family gatherings namin dahil palagi naman siyang nagpupunta pero hindi ko siya personal na kinakausap dahil palagi namang nakabantay si Matt sa kaniya. Hindi rin naman kami close ni Matt dahil na rin sa away namin ng kapatid ko at maging siya na pamangkin ko ay nakikisali.Higit pa doon ay hindi ko akalain na matutukso ako, na
ISANG buwan ang mabilis na lumipas sa buhay ko. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mabigat na kasalanan para parusahan ng ganito. Isang buwan na simula noong may mangyari sa amin ng Tito ni Matt at kaninang umaga lang ay nalaman ko na buntis na pala ako at sino pa ba sana an ama kundi ito hindi ba?Simula noong araw na iyon ay halos iwasan ko ang posibleng mga lugar kung saan ko siya pwedeng makita dahil nahihiya ko sa nangyari. Alam kong hindi niya ito gusto pero dahil makulit ako ay baka nadala na rin siya. Sino ba naman ang tatanggi sa babaeng desperada at handa nang ipagkaloob ang sarili sa lalaki hindi ba? Ganun naman talaga ang mga lalaki. Palay na ang lumalapit sa manok kaya natural ay hindi na siya tatanggi pa.Ngayong gabi naman ay narito ako sa harap ng aking mga magulang dahil ipinatawag nila ako para kausapin. “Wala na kaming ibang paraan pa para makabawi Athy. hindi ko man gusto na ipakasal ka sa anak ni Mr. Rodriguez ay wala akong magawa. Kailangan nating makabayad n
HINDI ko alam kung paano ko nagawang makaalis sa condo ni Matt. hinayaan ko ang mga paa ko na magturo sa akin kung saan ako dapat magpunta at sa isang club ako napadpad. Napaingay at napakatinding usok ang sumalubong sa akin ngunit wala akong pakialam.Agad akong dumiretso sa counter kung saan ay nag-order ako kaagad ng maiinom. Iilang beses pa lang akong pumasok sa bar dahil palagi akong pinagbabawalan ni Matt na pumasok doon. Isang malungkot na ngiti ang muling sumilay sa aking mga labi nang muli ko siyang maalala. Hindi ko lubos akalain na magagawa nila akong lokohin ni Marga.Bakit hindi ko man lang napansin na niloloko na pala nila ako? Bakit hindi ko man lang napansin na sa likod ko ay iba na pala ang galaw nilang dalawa? Dahil ba sa bulag ako? Dahil sa tanga ako?Anong dahilan? Bakit? Para na kaming magkapatid halos ni Marga, idagdag pa na alam niya ang tungkol sa relasyon namin ni Matt pero base sa pag-uusap nilang dalawa ay para bang mas matagal na silang dalawa kaysa sa amin
RAMDAM na ramdam ko ang pamumugto ng aking mga mata dahil sa pag-iyak ng walang tigil simula pa kagabi. Hindi ko alam kung paano ko nagawang umuwi sa condo ko. Parang biglang nagdilim ang mundo ko ng wala sa oras dahil sa nangyari.Pagmulat ng mga mata ko ay muli na namang nag-init ang sulok nito. Parang walang kapaguran ang aking mga mata sa pag-iyak, sobrang sakit. Sobrang hirap tanggapin na bigla na lang akong iniwan ni Matt. napakahirap tanggapin, siguro ay maiintindihan ko naman siya kung sasabihin niya sa akin ang dahilan pero ang mapagod siya? Sapat ba iyon na maging dahilan niya?Wala akong ibang ginawa kundi ang maging perpektong girlfriend sa kaniya. Isa lang naman ang hindi ko naibigay sa kaniya, iyon ay ang sarili ko. Pero kung iyon lang pala ang hinihingi niya ay handa ko itong ibigay sa kaniya bumalik lang ang pagmamahal niya sa akin.Handa na sana akong bumangon ngunit parang walang lakas ang katawan ko. Ni hindi ko maitaas ang aking mga kamay, marahil dahil na rin sa m