로그인PAGKAGISING ko kinabukasan ay nagulat ako nang wala na siya sa tabi ko. Sinubukan kong habulin at kausapin siya ngunit hindi ko na siya muling nahagilap pa. Dahil dito ay napilitan akong magpa-imbestiga at doon ko nalaman na hiwalay na pala silang dalawa ni Matt.
Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko at pagkatapos ay napahilmos sa aking mukha. Wala akong balak na mag-asawa dahil wala na akong tiwala pa sa mga babae simula nang lokohin ako ng babaeng inakala kong napaka-perpekto at mapagkakatiwalaan pero ngayon na nabuntis ko siya ay wala akong ibang pagpipilian kundi ang pakasalan siya. Hindi man dahil sa may nararamdaman ako sa kaniya kundi para sa magiging future ng magiging anak ko. Idagdag pa na ito na rin naman ang huling taon na palugit sa akin ni Papa na mag-asawa dahil kung hindi ay baka hindi na niya ako pamanahan pa. Kahit papano ay may magandang naidulot naman iyon sa akin pero ang tanong ay kung papayag siya sa magiging offer ko sa kaniya. Tumayo ako sa aking kinauupuan at para umuwi na. Late na rin at kailangan kong magpahinga. ~~~~~~ Halos wala akong tulog kagabi tapos pagkagising ko ay wala akong ibang ginawa kundi ang sumuka ng sumuka. Hinang-hina ang katawan ko sa totoo lang. Nang halos mailabas ko na ang lahat ng laman ng tiyan ko ay naghilamos ako ng aking mukha at pagkatapos ay napatitig sa sarili kong repleksyon. Napakaputla ng aking mga labi at ang baba ng aking mga mata ay nangingitim na. Napansin ko rin na parang medyo pumayat ako dahil siguro nitong mga nakaraan ay hindi ako makakain. Maging ni halos uminom ng tubig ay nahihirapan ako dahil sa pagsusuka. Napahawak ako sa aking tiyan ng wala sa oras at napakagat labi. Ngayong nagkautang-utang na ang aking mga magulang ay hindi ko na rin alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko. Ni wala akong alam sa mundo. Nag-aral naman ako pero hindi ko pa sinubukang mag-trabaho dahil binubuhay pa naman ako ng mga magulang ko pero ngayon, saan ako pupulutin? Anong gagawin ko? Paano ko bubuhayin ang anak ko? Kagabi ay tinawagan ko ang mga kaibigan ko at sinubukan ko silang hiraman ng pera pero wala ni isa sa kanila ang handa akong pautangin. Kahit na galit ako sa Daddy ni Marga ay nilunok ko ang lahat ng aking hiya at sinubukang lapitan siya pero maging siya ay hindi handang tumulong sa aming pamilya. Sa salita pa nga niya ay para bang sinisisi niya pa ako dahil sa pagkakautang ng pamilya namin at bakit hindi na lang daw kasi ako magpakasal sa anak ni Mr. Rodriguez. Halatang maging siya ay pinagtutulakan niya ako para ipakasal sa lalaking iyon. Napakuyom ang mga kamay ko. Parang biglang nawalan ng lakas ang tuhod ko kaya napahawak ako ng mahigpit sa lababo. Nanatili ako sa ganuong posisyon ng ilang minuto hanggang sa nakabawi ako at lumabas ng banyo. Nakaupo ako sa sofa at nakatulala nang bigla na lang tumunog ang doorbell ng condo ko. Nagmumuni-muni pa ako at parang walang lakas na tumayo. Pakiramdam ko kasi, simula nang lokohin ako ni Matt ay nagakanda leche leche na ang lahat sa buhay ko. Napatitig ako sa pinto. Sino naman kaya ito? Baka mamaya ay ang Mommy at DAddy ko na naman. Baka mamaya dahil sa hindi ko pagsagot sa mga tawag nila sa akin kagabi ay nagpasya silang puntahan na lang ako. Tinatamad akong tumayo at naglakad patungo sa pinto. Ilang sandali pa ay binuksan ko ito at napataas ang aking kilang nang makita ko ang isang lalaki na nakatayo sa harap ng pinto. “Yes?” tanong ko sa kaniya. Isang alanganing ngiti ang ipinaskil nito sa labi. “Hi, magandang umaga Miss Athy ako nga pala si Lance.” pagpapakilala niya sa akin dahilan para mas lalo pang magsalubong ang aking mga kilay. Hindi ko siya kilala pero kilala niya ako? Alam niya ang pangalan ko kaya sigurado ako na ako nga ang pinuntahan niya rito. Medyo maliit lang ang bukas ng pinto na ginawa ko dahil hindi pa ako sigurado kung hindi ba siya masamang tao. “Sorry pero hindi kita kilala.” sabi ko at akmang isasara ko na sana ang pinto nang bigla niya akong pigilan. “Hindi niyo nga po ako kilala Miss Athy pero si sir, baka kilala ninyo…” sabi niya at sa sumunod na segundo, nagulat na lang ako nang biglang may isang pigura ang lumitaw mula sa likuran niya. Ang lalaking ayaw ko na sanang makita pa— si Marcus Esteban. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa mukha nito. Hindi ako nakagalaw mula sa aking kinatatayuan. Biglang naging mabilis ang tibok ng puso ko at bigla rin akong nataranta. Sunod-sunod ang naging paglunok ko. “A-anong ginagawa mo rito?” halos mautal-utal na tanong ko. Mabuti nga at nagawa kong sabihin ang mga salitang iyon dahil parang nawala bigla ang dila ko at hindi makapagsalita. Walang ekspresyon ang kanyang mukha. Nakatingala ako sa kaniya dahil mas matangkad siya sa akin. Nakasuot siya ng amerikana at hindi maitatangging kahit na nasa kwarenta na ang edad niya ay nananatili pa rin ang kakisigan niya at ang kagwapuhan niya. Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok. Akala ko pa naman ay nakatakas na ako sa kaniya. Akala ko pa naman ay nakalimutan na niya ang namagitan sa aming dalawa pero bakit nandito siya ngayon sa harapan ko? Anong ginagawa niya rito? Sa isang buwan na lumipas ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiwas sa kaniya. Ni halos hindi na nga ako lumabas para lang hindi mag-krus ang landas naming dalawa, kaya bakit? Nakita ko ang pagtaas ng sulo ng mga labi niya. “Bakit hindi mo muna ako papasukin sa loob at doon tayo mag-usap?” tanong niya sa akin pero bakit ko sana siya papapasukin? Close ba kami? Umiling ako at muling hinawakan ang seradura ng pinto. “Umalis ka na. Wala tayong dapat pag-usapan.” matigas na sabi ko kahit na sa totoo lang ay halos manginig na ang tuhod ko sa takot at kaba. Sa halip na umalis ay bigla na lang siyang sumandal sa hamba ng pinto at humalukipkip pagkatapos ay tumingin sa akin. “Hindi ako aalis dito sa pinto hanggat hindi ka pumapayag na mag-usap tayong dalawa.” sabi niya sa akin na may kasamang pagbabanta. …THIRD PERSON’S P.O.V“Sir, may bisita po kayo…” sabi ng isang kasambahay kay Victor. Nasa study room siya ng mga oras na iyon at nag-iisip ng pwede niyang maging hakbang para makabawi kay Marcus. Hindi pwede na tatahimik na lang siya sa isang gilid sa kabila ng ginawa nito sa kaniya. Hindi siya papayag na maging ganito na lang siya at magtago na lang habang buhay.Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang marinig niya ang sinabi ng kasambahay niya. Sino naman sana ang magiging bisita niya e nasa pagtatago siya at isa pa, wala naman gaanong nakakaalam ng mansyon nilang iyon.Hindi na niya nagawa pang magtanong pa dahil sa halip ay tumayo na lang siya mula sa kanyang kinauupuan at naglakad patungo sa pinto para bumaba sa sala. Nang makarating siya sa pinakahuling baitang ng hagdan pababa ay halos matigilan siya nang makita niya ang kanyang ama na naroon. Naging madilim ang kanyang mga mata nang makita niya ang pagmumukha ni Robert Esteban, ang kapatid ni MArcus Esteban.Madilim ang mga ma
ATHY’S P.O.V“Mommy…”Palingon-lingon ako, ngunit wala akong makita. Mag-isa lang ako. Pauulit-ulit ang naging pagtawag sa akin, tinig iyon ng isang bata. Pauulit-ulit at halos mahilo na ako kung saan lilingon hanggang sa isang bata ang lumitaw sa aking harapan.Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, bukod pa doon ay natigilan ako dahil kamukhang-kamukha ko siya pero hindi naman siya ako. Ilang sandali pa ay bigla na lang siyang tumalikod sa akin at naglakad palayo.“Teka! Sandali! Saan ka pupunta?!” sigaw ko at kaagad siyang hinabol, kaya nga lang ay hindi ko siya maabutan. Napakalayo niya. Naramdaman ko na ang pagod ko sa paghabol sa kaniya ngunit hindi ko pa rin talaga siya magawang abutan.“Sandali…”“Athy…”“Athy…”Bigla kong narinig ang pagtawag na iyon sa pangalan ko, kasunod nito ay ang pagyugyog ng balikat ko. “Athy…”Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang pamamasa nito, medyo malabo pa noong una ang tingin ko hanggang sa unti-unti na itong
THIRD PERSON’S P.O.VNAPATAYO si Kendra sa kanyang kinauupuan nang marinig niya ang pagdating ng sasakyan ng kanyang asawa. Sa totoo lang ay kanina niya pa ito inaabangan at halos inabot na rin siya ng madaling araw sa paghihintay rito ngunit wala siyang pakialam. Gusto niyang masiguro na ligtas ang kanyang asawa.Bumukas ang pinto at pumasok si Greg. halata ang gulat sa mukha nito nang makita siya na gising pa rin hanggang sa mga oras na iyon. “Bakit gising ka pa? Anong oras na ah.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay lumapit para bigyan siya ng halik.Agad niyang niyakap ito. “Hindi ako makatulog. Nag-aalala ako para sayo.” sabi niya rito. Naramdaman niya lang na hinaplos nito ang kanyang likod at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo.Sa tagal na nito sa serbisyo, sa bawat gabi ay napupuno siya ng pag-aalala sa bawat may misyon ito. Naiintindihan niya naman ito dahil iyon nga ang trabaho nito pero hindi niya lang talaga maiwasang hindi mag-alala. Matagal na niya itong kinukumbinsi n
THIRD PERSON’S P.O.VNAPAPAILING si Greg habang pinapanood ang mga batang isa-isang isinasakay sa mga truck at ambulansya. Hindi niya lubos akalain na sa murang edad ng mga ito ay ipinangangalakal na nila ang kanilang mga katawan.Walang ibang dapat panagutin kundi ang mga magulang ng mga ito na ayon sa isa sa mga biktima ay ibinebenta daw sila di umano ng kanilang mga magulang doon para maging mga prostitute sa mga murang edad. Sa totoo lang ay ikinalulungkot niya ang ganung klaseng sitwasyon ng mga ito. Hindi niya maiwasang kwestyunin ang mga magulang ng mga ito kung paano nila naatim na ibenta ang kanilang mga anak para lang babuyin ng mga kung sino-sinong tao.Bukod pa doon ay hindi niya rin lubos akalain na may ganuong pasilidad sa lugar na iyon. Hindi naman ito tago kaya nga lang ay napakahigpit ng seguridad at tanging mga miyembro lang ang nakakapasok. Sa tinagal tagal niya sa serbisyo ay marami na rin naman siyang nakaharap na kaso ng mga rape pero ngayon ay kakaiba ito. Isa i
HABANG lulan ng helicopter si Lily ay hindi niya maiwasang hindi tumanaw sa ibaba, kung saan ay punong-puno ng nagliliwanag na mga ilaw. Napapikit siya habang sinasamyo ang preskong hangin. Ilang taon na ba ang lumipas noong huli niyang nalanghap ito?Sampu? Labinlimang taon? Hindi na niya masiguro pa, sa tagal ng panahon ay hindi na rin niya halos matandaan pa. Napakuyom ang kanyang mga kamay at nagdilim ang kanyang mga mata. Sa totoo lang, sa tagal niyang nakakulong sa kamay ni Victor ay walang araw na inasam niyang makalaya, hindi para muling ipagpatuloy ang buhay kundi upang gumanti kay Marcus.Noong una ay ayaw niyang paniwalaan si Victor na ito mismo ang nag-setup sa kaniya noong gabing iyon para magkita silang dalawa. Nag-usap na daw sila na kapalit ng hindi panggugulo ni Victor sa negosyo ni Marcus ay siya ang kapalit.In-denial pa siya noong una dahil alam niya kung gaano siya kamahal ni Marcus. Noong panahong iyon ay bulag na bulag siya pero sa paglipas ng panahon ay doon
MARCUS P.O.VHINAWAKAN ko ng mahigpit ang kamay ni Athy habang nakahiga siya sa kama. Wala pa rin siyang malay hanggang sa mga oras na ito at hindi ko alam kung kailan siya magkakamalay. Napakagat labi ako. Hinalikan ko ang kamay niya.Nang malaman kong nawala na ang baby ay hindi ko halos mailarawan ang nararamdaman ko. Sobrang sakit oo. Idagdag pa na sinisisi ko ang sarili ko ang sarili ko dahil sa nangyari. Alam kong ako ang puntirya nila at hindi si Athy. kung sana ako na lang ang naghatid sa kaniya e di sana ay hindi ito nangyari.Nanlamig ang kanyang mga mata nang sumagi sa isip niya ang mga taong gumawa nito. Alam niyang hindi ito isang aksidente lang dahil plinano talaga ito. “Hahanapin ko ang mga taong may gawa sayo nito Athy pangako.” bulong ko sa kaniya at pagkatapos ay hinalikan ang noo nito bago lumabas ng silid.Sa labas ay naghihintay na sa kaniya si Lance. “Anong balita? Nakita mo ba yung driver?” tanong niya rito.Umiling ito kaagad. “Hindi po sir, I’m sorry.” nagyuk







