Share

0006.

Author: SEENMORE
last update publish date: 2026-02-10 20:59:23

Nang magising sila Meryl at Jeffy ay katakot-takot na "interview" ang ginawa nila sa akin. Para akong nasa hot heat at ini-interrogate ng mga ito. Pinapaamin ako kung sino sa nakilala namin kagabi ang naikama ko. Ang mga loka ay iniwan pala ako ng makakita ng fafa. Kaya pala biglang nawala ang dalawa no'ng nasa dance floor na ako.

"Sino sa kanila? Si Daniel ba? Si Bruno, or si Kenneth?" Nang mamula ako ng husto ay parang kiti-kiti na naghampasan ang dalawa sa braso. Wala pa akong inaamin pero
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0137.

    “At ano naman ang magagawa ko?” Nakasabunot sa buhok na tanong nito. “Sigurado ka ba na dinukot nila si Natalia? Alam na ba ito ni ninong?” “Oo sigurado kami. Alam na ni kuya Anzel at nakikipagtulungan na sila sa mga pulis. May tiwala ako sa kanila pero gusto kong makasiguro na hindi mapapahamak si ate. Tawagan mo ang magulang mo ngayon at sabihin na pakawalan ang ate ko. Maging mabuti ka naman kahit ngayon lang. Alam kong makikinig sila sayo dahil anak ka nila!” Pumasok ito sa loob para kunin ang cellphone. Naiwan sila ng kanyang ama. “Ano ang ginagawa mo dito, pa? Wag mong sabihin na nandito ka para mag isip ng plano para guluhin kami?” Naalala niya ang kalagayan ng ate niya ngayon. Hindi niya mapigilan na maluha. “Masaya ka na ba? Parang nakaganti ka na kasi nasa panganib si ate ngayon. Ito ang gusto mo diba?” Laglag ang balikat na umiling ito. Umawang ang labi niya. Akala niya guni-guni lang ang nakita niya kanina. Pero hindi. Parang hindi ito ang amang nakilala nila noo

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0136.

    Mabawi? Natigilan ito ng makita na matawa ako. Nasaktan ako ng alisin nito ang tape sa bibig ko. “At nakuha mo pang tumawa?!” Lumaki ang ngiti ko. Yung takot ko kanina napalitan ng nang-iinsultong tawa. Sinong hindi matatawa sa sinabi nito. Ano ako bagay na pwedeng bawiin pagkatapos ibasura? Pagkatapos ng ginawa nila noon sa akin? “Nagtanong ka pa talaga. Ano ako tanga para magpabawi? Nakahiga na ako sa kama. Bakit ako babalik sa banig?” Isang malakas na sampal ang ginawad nito sa akin. Kahit ang drum na pinaglagyan niya sa akin muntik ng matumba sa lakas ng sampal nito. “Aba’t… wala kang respeto!” Tumingala ako para pigilin ang luha ko. Ayokong umiyak. Gusto kong ipakita na kahit katiting ay wala akong pinagsisihan sa lahat ng desisyon na ginawa ko pagkatapos kong umalis sa pamilya nila. “Kung may wala mang respeto sa ating dalawa ikaw ‘yon. Ginawa ko ang lahat para sa anak mo, para sa pamilya ninyo. Pero ano ang ginawa niyo? Ano ang ginawa mo? Hindi niyo lang ako

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0135.

    (Natalia pov) Napaung0l ako sa sakit pagdilat ko. Para akong binugbog ng sampong tao sa sakit ng katawan ko. “N-nasaan ako?” Namutla ako ng makitang nasa isang kwarto ako. Nagkalat ang mga gamit sa paligid. Halatang hindi kwarto sa ospital ang kinaroroonan ko. Gumapang ako pababa ng kama. Napaiyak ako sa sakit ng makita na dumudugo pa ang malaking sugat ko sa paa. Dapat nasa ospital ako ngayon pagkatapos ng aksidente. Pero bakit nandito ako? Paalis na dapat ako sa Coffee shop kanina ng habulin ako ni Carrie at sabihin sa akin na buntis ito at si Anzel ang ama. Sa sobrang sakit at gulat ko ay nagmaneho ako ng umiiyak. Ang sunod kong natandaan ay bumangga ako sa isang van. Nawalan ako ng malay sa lakas ng impact. Paggising ko ay nandito na ako kaysa sa hospital. Humawak ako sa ulo. Pati pala dito may sugat ako. Napadaíng ako sa sakit ng mahulog ako sa kama. Nangiyak-ngiyak ako sa sakit ng tumama ang katawan ko sa maruming tiles ng sahig. Pakiramdam ko hihiwalay ang buto ko sa

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0134.

    3rd person povHumawak si Anzel sa baba at may ngisi na tumingin sa kawalan. Katatapos lang nilang mag usap ng kanyang dating assistant. Napag alaman niya na nagalit ito ng makita ang balita tungkol sa kanila ni Carrie. Imbes na mainis, o mabahala ay hindi niya maiwasan ang matuwa.His wife is jealous. And thats a good news for him. Nahihibang na yata siya. Imbes na ayusin ang maling akala ng kanyang asawa at tawagan ito ay tila lutang na nakaupo siya sa tuwa.“Superman, okay ka lang po? Niaway ka ba ni kuya Jose?” Inosenteng tanong ng kanyang anak.Kahit ito ay nagtataka sa inaasta niya.“No, son. Masaya lang si daddy.”“Masaya? Kasi po… ang ganda ni mama kanina?”“Palaging maganda ang mama mo sa paningin ko, son. Siya lang ang nag iisang maganda sa paningin ko.” Kinuha niya ito at kinandong. Ang sabi ng kanyang ina noon, kaya daw siya kamukha ng kanyang ama ay dahil mahal na mahal daw nito ang daddy niya.May ngisi na humawak siya sa baba. ‘Ibig bang sabihin ay mahal na mahal siya

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0133.

    Lutang at palakad-lakad ako sa sala. Nagtakbuhan ang mga kasambahay na nakakita sa akin dahil akala nila multo ako. Alas dos na kasi ng madaling araw. Akala nila saan nanggaling ang yabag. Napahawak ako sa dibdib ng biglang bumukas ang ilaw sa sala. Sumalubong sa akin ang nag aalalang mukha ni Anzel. Agad nito akong niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang pangungulila sa yakap nito at halik. Pumikit ako ng hawakan niya ang pisngi ko pagkatapos ako hagkan sa noo. Kumunot ang noo nito na parang nagtataka. Imbes sigawan ito dahil galit ako ay hindi ko nagawa. Bakas kasi ang labis na pagod sa gwapo nitong mukha. Bukas pa dapat ang balik nito pero napaaga. Pinangko ako nito. “Sandali. Saan tayo pupunta?” Takang tanong ko. “Sa hospital. Better to check your teeth. Baka ma-infection. How’s your face? Ang sabi may beke ka daw. Ang tiyan mo masakit pa rin ba?” Mahaba at sunod-sunod na tanong nito na bakas sa mukha ang labis na pag aalala. Natampal ko ang noo ko. Kaya ba ito umuwi ng m

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0132.

    (Natalia pov) Inis na inis ako kay Anzel hanggang ngayon. Hindi nito nilinaw kung ano ba talaga ang gusto ng ex nito. “Ate, kalma. Ang puso.” “Paano ako kakalma eh kay ex na umaaligid sa asawa ko.” Mahina kong bulong. Ayaw ko kasing marinig kami ni mama. Nandito kami ngayon sa bodega kung saan nakatambak ang marami naming stock sa paninda. Tatlong araw na akong wala sa mood dahil sa walang malinaw na sagot ng asawa ko. Tinitigan lang ako ng tanungin ko? Sino ang hindi mainis? “Mahal ka no’n. Malabo na lokohin ka no’n.” Natatawang ani pa ni Leisa sa akin. Pati ito ay wala ng pagdududa sa nararamdaman sa akin ni Anzel. Lahat sila ay naniniwala na mahal na mahal ako ng asawa ko. Alam ko naman iyon. Sa katunayan hindi rin naman ako duda doon. Naiinis lang ako dahil imbes sagutin ang tanong ko ay hindi ako sinagot ni Anzel. Hindi kaya… alam nito na mahal pa siya ni Carrie? “Ate, maawa ka naman sa scrub.” Sabi ni Pete. Tumingin ako sa hawak kong scrub. Napangiwi ako ng

  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0012.

    "Hindi ka lang nabayaran agad ay nagkakaganyan ka na? Wag kang mag alala dahil babayaran kita—a-ano ba—w-wag mo nga akong hawakan... ahhh." Hindi ko matuloy ang sinasabi ko sa tuwing humahaplos ang kamay niya sa hita ko. Yung kuryenteng naramdaman ko kanina ay mas lalong sumidhi. Wala naman ak

    last updateLast Updated : 2026-03-20
  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0013.

    “Saan ka galing?” Napahawak ako sa dibdib sa gulat. “Alam mo bang nag aalala na kami? Dalawang araw kang nawala. Akala namin pina-salvage ka na ng asawa mo.” Ani ni Jeffy. “Ex. Hiwalay na kami no’n.” humawak ako sa leeg ko ng tingnan ako ni Meryl. Napalunok ako ng laway. Hindi kaya may markang na

    last updateLast Updated : 2026-03-20
  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0010.

    “Kakain ka, o tatayo ako at pakakainin kita sa paraang gusto ko. Choose, Natalia.” Naniningkit ang mata ko. “Tinatakot mo ba ako?” Tumaas ang sulok ng labi nito. “Sa anong paraan mo ba naisip na pakakainin kita?” Hindi ako nakasagot. “Tell me, sa anong paraan? Gusto kong malaman.” Nang mamula a

    last updateLast Updated : 2026-03-19
  • Wild Night with my Ex’s Ninong   0008.

    "Parang hindi minahal, ah..” "Yun na nga. Ano ba ang nagustuhan ko sa kanya at tatlong taon bago ako natauhan." Bumuga ako ng hangin. Gusto ko sanang sabihin sa kanila ang tungkol sa problema ko pero nahihiya na ako. Alam kong mag ooffer sila ng tulong. Sobra-sobra na ang naitulong nila kaya ay

    last updateLast Updated : 2026-03-18
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status