LOGINTumingin ako sa kaibigan ni Anzel. Wala akong tiwala, mukhang babae at sanay manakit ng babae. Saka ayokong iwan si Leisa ng mag isa rito. Hinawakan ni Anzel ang kamay ko at hinila ako. “Teka, si Leisa— “Relax. Si Em na ang bahala sa kanya.” Tumingin si Anzel kay Em at tumango, nakita ko na may munting ngisi sa labi nito. Naalala ko ang tinawagan nito kanina. Pinapunta ba nito si Em para kunin ang atensyon ni Leisa? Pinagbuksan ako ni Anzel ng kotse. Pagkaupo nito sa driverseat ay agad nitong pinasibad ang sasakyan. “Saan tayo pupunta?“ tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Iniisip ko kung tama ba na hayaan ko siya na hatakin na lang ako basta-basta at isama. “Malalaman mo rin.” Ani nito. Pagkalipas ng ilang sandali ay dumating kami sa bahay na pinapaayos nito noon. Pagkababa ay maang ko itong tiningnan. Wala akong masabi sa ganda at laki ng bahay. “Matagal ng tapos ang bahay natin. Gusto kong makita mo.“ Paglingon ko nakita kong may ngiti ito. “I though
(Natalia pov) Nakanganga habang nakatingala kami ni Leisa habang nakatingin sa gusaling nasa harapan namin. Hindi ito kasing laki ng Z mall pero napakalaki pa rin nito. Napakalaki kasi talaga ng Z mall, ito ang pinakamalaking mall sa bansa. Pero hindi nagtatalo ang gusaling nasa harapan namin. Ubod ito ng laki. “Ang laki nito, eh stall lang ang hanap natin.” Manghang ani ni Leisa habang nakatingala din gaya ko. Tama, masyado itong malaki. Humawak ako sa baba at nag isip. Ayokong tanggapin ang gusaling ito, ayoko kasi magkaroon ng dahilan para lumalim pa si Anzel. Pero naisip ko na kailangan namin ito. Hindi ako impokrita kung itatanggi ko at sasabihin na hindi ko kailangan ito. “Ate, sigurado ka ba na tatanggapin mo ‘to? Kasi kung tatanggapin mo ‘to parang pumayag ka na rin na ligawan ka ulit ng lalaking ‘yon.” Tama so Leisa, iyon din ang naisip ko. Saka sa laki ng gusaling ito ay sobra pa ito sa kailangan namin. Tumikhim si Leisa. “Ayoko talaga na magkabalikan kayo. Ala
Hindi ako naka-react agad ng abutan ako nito ng bulaklak sabay halik sa labi ko. Nang makabawi ako ay pulang-pula ang mukha ko. May bulaklak na may pahalik pa? “A-ang kapal talaga ng mukha mo!” “Nat—ouch!” Napamura si Anzel ng hampasin ni Ate Miracle ng bag. Nagulat din ako. Akala ko si Leisa lang ang inis na inis dito, pati rin pala ang kapatid nito. “Kung makahalik ka wagas… pinatawad ka na ba?! Lagot sa akin si Prime kapag nakauwi ako mamaya!” *Samantala nasamid si Prime habang umiinom ng tubig. Lumunok ito ng marahas at biglang namutla. Pakiramdam nito ay may hindi magandang mangyayari sa kanya mamaya. Damn. Tama na sinabi niya sa bayaw kung nasaan ang mga ito?* ‘Gising, Natalia! Gising!’ Tumingin ako sa bulaklak habang nakahawak ang isang kamay ko sa labi. Hinalikan lang ay natulala na ako. Matapos mahampas ng bag ay lumapit sa akin si Anzel. May inabot itong envelope, na naglalaman ng mga dokumento. Kumunot ang noo ko. “Ano ‘to divorce paper?” Nag iwas ito ng tin
Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Bukod sa namamaga ang mata ko ay nanlalalim pa ito. Hindi kasi ako makatulog sa kakaiyak dahil sa mga sinabi ni Anzel. Dapat hindi ako magpa-apekto kasi nakalimot na ako. Pero bakit kumikirot ang dibdib ko dahil sa mga sinabi nito? Mahal daw ako. Dapat balewala na ‘yon sa akin kung talagang nalimutan ko na siya. Pero bakit parang sira na plaka iyon na paulit-ulit naglalaro sa isip ko? Nasabihan lang ako na ‘mahal’ hindi na agad ako nakatulog. May lason talaga ang mga salita ni Anzel. ‘Salita nga lang ba talaga?’ Kastigo ng isip ko. Humawak ako sa labi ko ng maalala ang halik na pinagsaluhan naming dalawa. Nang marinig kong bumukas ang pinto ay umayos ako ng upo at nagpanggap na nagsusuklay. “Ate, may bisita ka. Nasa baba sila Tita Aiah at Ate Miracle.” Nagulat ako sa sinabi ni Pete. Pero inaasahan ko na rin na bibisita ang mga ito. Pagkababa ko ay nadatnan ko ang mga ito na kausap si mama at Leisa. Sumalubong akin ng bes0 at ya
Nagulat ako. Akala ko nabibingi lang ako ng marinig ko na tawagin ako nito na Mrs. Quinn. Nilahad nito ang palad sa akin. “Your cowardly husband requested a song for you. Sising-sisi ang gag0 sa ginawa kaya patawarin mo na dahil baka ako ang pumatay sa kanya.” Bulong nito. Nanlaki ang mata ko. Kilala nito si Anzel? Natampal ko ang noo ko. Magkakilala ang mga lolo nila, malamang magkakilala sila— Hindi ako nakatanggi ng hawakan niya ang kamay ko habang dinadala ako sa unahan habang kumakanta ito. Huminto ito at ngumisi, nagulat ako ng bigla ako nitong akbayan habang nakatingin sa likuran. Paglingon ko ay nagulat ako ng makita si Anzel doon… madilim ang mukha habang nakalagay ang cellphone sa tenga. “Stay still, Mrs. Quinn. Nang makaganti man lang ako sa mga gag0ng kaibigan ko.” “Huh— Napasinghap ako ng may humatak sa akin. Si Anzel pulang-pula ang mukha nito, parang papatay ng tao. “Relax, walang aagaw sa kanya. Tsk. Wala ito sa ginawa niyo sa akin mga gag0.” Hindi maipint
“Pasensya ka na, ma’am. Sa ngayon walang bakantena ukupado ang lahat ng stall. Hayaan niyo kapag may bakante tatawag kami sayo.” Nanlumo ako sa sinabi ng admin. Nandito ako ngayon sa mall kung saan plano ko magbenta ng mga beauty product. Wala na daw bakante dahil ukupado na ang lahat. Pati si Leisa ay nanlumo gaya ko. Pareho kasi kaming excited na magkaroon ng shop sa loob ng mall. “Ate, subukan kaya natin sa Z mall? Mas malaki at sikat ang mall na ‘yon. Sigurado na mas marami tayong mabebenta doon.” “Iyon na nga, mas sikat at mas malaki ibig sabihin mas malaki ang renta. Baka hindi natin kaya.” “Sabagay. Pang mayaman nga pala ang mall na ‘yon.” Naalala ko noong pumunta kami doon nila Meryl ay halos malula kami sa presyo ng mga tinda doon. Kahit dekalidad ang mga binibenta namin at maganda, sa renta naman kami tatagain. Saka hindi naman malaki ang itatayo naming shop, kaya nga stall lang ang gusto kong rentahan. Bukod sa hindi namin kaya makipagsabayan sa mga kilala at sika
"Parang hindi minahal, ah..” "Yun na nga. Ano ba ang nagustuhan ko sa kanya at tatlong taon bago ako natauhan." Bumuga ako ng hangin. Gusto ko sanang sabihin sa kanila ang tungkol sa problema ko pero nahihiya na ako. Alam kong mag ooffer sila ng tulong. Sobra-sobra na ang naitulong nila kaya ay
Isang linggo pa lang ay gamay ko na ang trabaho at mga product na nasa shop. Karamihan dito ay mga Thailand product at Korean product. Mas mabili kasi ito dahil epektibo. Magaling ako makisama kaya hindi na ako nahirapan na makisama sa mga tauhan ng shop ni Meryl. Alas singko pa lang ay nagsasarado
"Hindi ka lang nabayaran agad ay nagkakaganyan ka na? Wag kang mag alala dahil babayaran kita—a-ano ba—w-wag mo nga akong hawakan... ahhh." Hindi ko matuloy ang sinasabi ko sa tuwing humahaplos ang kamay niya sa hita ko. Yung kuryenteng naramdaman ko kanina ay mas lalong sumidhi. Wala naman ak
“Saan ka galing?” Napahawak ako sa dibdib sa gulat. “Alam mo bang nag aalala na kami? Dalawang araw kang nawala. Akala namin pina-salvage ka na ng asawa mo.” Ani ni Jeffy. “Ex. Hiwalay na kami no’n.” humawak ako sa leeg ko ng tingnan ako ni Meryl. Napalunok ako ng laway. Hindi kaya may markang na







