ログイン(Natalia pov) Pagkatapos pumunta sa admin ng mall para kausapin ang mga ito ay dumiretso ako sa pinakamalapit na coffee shop para magkape muna. May isang oras pa ako para sunduin si Natnat. Nilabas ko ang laptop ko at nag estimate ng magagastos para sa ipapatayo kong shop kung sakali na makuha ko ang pwesto sa mall. Hindi ko pa nauubos ang kape ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nabahala ako ng makita na ito anf teacher ng anak ko. “Hello, Ma’am Bolinao, pwede ba kayong pumunta dito? Nandito kasi ang magulang ng nakaaway ni Nathaniel ngayon. Gusto daw kayo makausap.” “Ano? May nakaaway ang anak ko?” “Gano’n na nga ho.” Sagot nito. Wag daw ako mag alala dahil hindi naman galit ang magulang ng batang sinuntok ng anak ko. Gusto lang daw ako makausap para pareho mabigyan ng pangaral ang mga anak namin. Nagmamadali akong lumabas para magdrive pabalik. Pero sa kalagitnaan ng daan ay nasiraan ako ng sasakyan. “Shit! Ngayon pa nasira kung kailan nagmamadali ako… ang malas ko
Kinabukasan ay sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng mga bulaklak. Akala ko imahinasyon ko lang pero pagdating sa sala ay napaka dami ng bulaklak doon. “M-may patay ba tayo?” “Sira! May nagpadala! Anong patay? Gusto mo unahin kita?!” Ani Leisa sabay batok kay Pete na may muta pa. Napuyat kasi ito sa pag aaral kagabi kaya inaantok pa. “Kainis! Ang aga aga na naman ng kalbong ‘yon? Akala ko ba sinabihan mo na siya?” Reklamo ni Leisa na halatang inaantok pa. Pagtingin ko sa orasan namin mag aalas sais pa lang pala. Ang aga nga. “Hi, ma’am… good morning. Flowers for you from Sir Anzel. Pasensya na kung masyadong maaga. Paborito mo daw kasi itanim ito noon kaya baka daw gusto mo maamoy habang nag aalmusal ka.” “Di’ba sabi ko wag ka ng babalik?” “Ah… eh… akala ko laruan lang ang bawal. Wala ka namang sinabi, ma’am, eh!” “Pinipilosopo mo ba ang ate kong kalbo ka? Gusto mong malaga ‘yang ulo mo?” Kumamot si Jose sa ulo. Lumunok ito, halatang takot kay Leisa. “Grabe k
Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa sandamakmak na pinadalang laruan ni Anzel para sa anak ko. Puro iyon mamahalin at hindi biro ang halata. Sa dami ng mga ito ay halos mapuno ang bahay. Akala namin ay maagang dumating ang supplier ng mga beauty products na inorder ko sa Thailand. Iyon pala ay puro toy delivery ang mga dumating. “Pakisabi sa amo mo na hindi kailangan ng anak ko ang mga ito.” “Teka, ma’am, sigurado kayo na isasauli niyo ang lahat ng ito?” Napakamot si Jose sa ulo. “Ang dami at sayang naman. Si Sir mismo ang nag effort na bilhin ang lahat ng ito para kay little boss.” Naningkit ang mata ko. Little boss? Tumikhim si Jose at nag iwas ng tingin ng madulas. Sinabi ni Anzel dito na may anak kami? “Mukhang magugustuhan ng anak mo ang mga ‘to. Sigurado kayo na irereturn niyo? Ahhh sabi ko nga oo eto na ibabalik na, ma’am.” Sagot na bawi nito ng tingnan ng masama nila Leisa at Pete na may hawak na kawali. “Ate, baka bumalik ulit ‘yang kalbo na ‘yan dit
Umawang ang labi ko sa sinabi nito. Bago ko ito masuway ay umiyak na ito ng malakas. Bubuhatin ko sana pero naunahan na ako ng kanyang ama. “Superman dapat tayo ang nagpo-protect kay mama. Bad ka… bad ka!” “Shhh… stop crying, son. No one will hurt your mom.” “Ni-aaway mo siya… nakita kita!” Sisi ni Natnat. “Kapag ni-away mo ulit ang mama ko si Tito Kaleed na lang ang pipiliin ko maging papa!” “Ate, ano ang nangyari? Natnat, may umaway ba sayo—“ Nagpalipat-lipat ang tingin ni Leisa sa aming dalawa ni Anzel. Naningkit ang mata ng kapatid ko at halatang nainis ng makita ito. Mabigat ang dugo nito kay Anzel simula noong naghiwalay kami. Mukhang balak nito hampasin ng laruan sa ulo ang dati kong asawa kaya pinigilan ko siya. Para maunawaan ay inabot ko sa kanya ang envelope na binasa ko kanina. Nag aalala na tiningnan ako ni Leisa. Alam kong nag aalala ito dahil alam ni Anzel na anak nito si Natnat. Pero ano ang magagawa ko? Wala na akong magagawa dahil buking na ako at may k
(Natalia pov) Linggo at walang pasok kaya naisipan namin nila Leisa na pumunta ng Divisoria para mamili. Minsan lang kami mamili sa mall dahil mas mahal ang mga paninda doon. Nakakahanap naman kami ng mura pero maganda ang quality dito, kailangan matiyaga ka lang sa pag iikot at paghahanap. “Mama, ito ang ganda ganda po!” Turo ni Natnat sa malaking laruan sa pinakadulo. “At ito pa, mama!” Turo pa nito sa isa. Napailing ako. Sabi na nga ba marami itong ituturo. Tinawag ito ni Leisa para papiliin sa hawak nito. Dahil mataas ang kinalalagyan ng laruan ay tumingkayad ako para kunin ito. Nahirapan ako dahil masyado itong mataas. Tatawag na sana ako ng tindero para tulungan ako ng biglang may kumuha niyon. Nagulat ako ng makita kung sino ang may ari ng matipunong kamay na kumuha ng laruan. Ano ang ginagawa ni Anzel dito? “Can we talk?” Padaskol kong kinuha ang laruan sa kanya. “Nag uusap na tayo.” “Alone.” Tumikwas ang kilay ko. Kung hindi ko lang kasama si Natnat at maagaw
Napalunok ako ng laway. Isip, Natalia… isip! Mabuti na lang ‘Superwoman’ ang tawag sa akin ni Natnat minsan at hindi mama. Habang nag iisip ng paraan ay napatingin ako sa dalawa. Nakatingala si Natnat at nakatingin sa kanyang ama. Nakayuko naman si Anzel at nakatitig rito. Tinuro ng anak ko ang mata. “Daddy mo rin po si Superman?” Kumunot ang noo ni Anzel. “Ang sabi ng mama ko daddy ko daw si Superman kaya ganito ang eyes ko. Pero ang sabi ng tita ko alien daw po ang daddy ko. Dalawa rin po ba ang daddy mo? Kasi ako marami akong daddy. Pero hindi ko pa sila nakikita.” Sumungaw ang amusement sa mata ni Anzel ng marinig ang sinabi ng anak namin. Niluhod nito ang isang tuhod para pumantay rito. “I’m not an alien, kiddo. Namana ko ang mata ko sa ama ko at lolo ko. Sa tingin ko gano’n din ang mata mo.” “Talaga? Ibig sabihin hindi po tayo alien?” Anzel chucked and shook his head. “Nope. We are human.” Bago pa humaba ang usapan nila ay sumingit na ako. “Leisa, dumating na
Namilog ang mata ko ng buhatin niya ako. Namumulang umiling ako. “Wag na bababa na lang ako—Anzel!” “Ano ba ibaba mo ‘ko kaya ko naman maglakad!” Napahinto ako sa pagpiglas at napatitig sa gwapong mukha nito. Wala naman itong balak na ibaba ako kaya hinayaan ko na lang ito. “Wag mo akong ting
"Parang hindi minahal, ah..” "Yun na nga. Ano ba ang nagustuhan ko sa kanya at tatlong taon bago ako natauhan." Bumuga ako ng hangin. Gusto ko sanang sabihin sa kanila ang tungkol sa problema ko pero nahihiya na ako. Alam kong mag ooffer sila ng tulong. Sobra-sobra na ang naitulong nila kaya ay
Isang linggo pa lang ay gamay ko na ang trabaho at mga product na nasa shop. Karamihan dito ay mga Thailand product at Korean product. Mas mabili kasi ito dahil epektibo. Magaling ako makisama kaya hindi na ako nahirapan na makisama sa mga tauhan ng shop ni Meryl. Alas singko pa lang ay nagsasarado
“Kakain ka, o tatayo ako at pakakainin kita sa paraang gusto ko. Choose, Natalia.” Naniningkit ang mata ko. “Tinatakot mo ba ako?” Tumaas ang sulok ng labi nito. “Sa anong paraan mo ba naisip na pakakainin kita?” Hindi ako nakasagot. “Tell me, sa anong paraan? Gusto kong malaman.” Nang mamula a






![Captured By Ninong Hades [SPG]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
