Napatiimbagang si Crassus. Hindi siya papayag na basta-basta na lang ito mawawala sa tabi niya. Hindi siya papayag ito na lalayo ito sa kanya. Marami na itong nakuha. Maliban doon ay nagkalapit na rin ang loob nito kay Lolo Faustino.Binato niya sa paanan nito ang cellphone nito. Napaawang ang labi ni Raine."You're not going anywhere," Crassus hissed. His jaw are clenching while his eyes are burning in madness. Naikuyom ni Raine ang kanyang kamay. Biglang uminit ang kanyang ulo. Akala niya ay magiging madali lang ang lahat. Na papayag kaagad ito since siya ito lumabag sa rules nila. Binibigyan na nga niya ito ng pagkakataon para makasama muli nito si Tia. Tapos hindi ito papayag?"Baliw ka ba?" Bulalas ni Raine. Kinuha niya ang kanyang cellphone at kinipkip iyon sa dibdib. "Bakit ayaw mo pumayag? Nasa kontrata natin iyon. Ikaw mismo ang gumawa niyon pero bakit ayaw mong tumupad sa usapan?"Hinaklit ni Crassus ang braso nito. Napangsinghap si Raine. Sinubukan niyang pumalag pero inal
Pagkatapos umamin ni Raine ay parang ilog na rumagasa ang damdamin niya. Namimigat ang puso niya. Sa tuwing naalala na naman niya ang kanyang pinagdaanan ay hindi niya maiwasang malungkot at maawa sa sarili. Ilang beses na siya nakatikim ng dagok sa kamay nito at sa ex nito pero kailangan niyang magpigil dahil lang sa kontrata nila. Naging martyr siya at tanga para lang mapasaya ito. Pait na ngumiti si Raine. "Alam mo ba kung gaano kabigat sa parte ko ang magselos ng palihim? Na kahit anong inis at galit ko sa Tia mo, hindi ko pwedeng ipakita dahil ex mo siya. Na hindi ko siya pwedeng saktan dahil siya ang mahal mo. Ano bang laban ko? Kontrata lang ang pinanghahawakan ko, Crassus. Hindi katulad ng sa kanya na may pinagsamahan talaga kayo. Ako ang asawa, pero hindi mo naman mahal. Ako ang kasama mo sa kama, pero hindi rin ako ang laman ng isip mo."Nabato si Crassus sa kanyang kinatatayuan. Biglang nanlamig ang kamay niya. Maging ang kanyang tiyan ay parang may paru-paro na nagsilapar
Hindi kaagad makahuma si Crassus. Tahimik niyang tinitigan si Raine. Kakatapos pa lang nila mag-usap ni Alessandro at binalaan na siya nito na huwag i-stress si Raine. Kaya lumabas sila kanina para mapag-usapan nila ng maayos ang health conditions ni Raine. Para hindi nito dibdibin ang payo ni Alessandro.Pero sa naririnig niya ngayon, mukhang hindi nito mapigilan ang ma-stress. Gusto niya sana ay makabawi ito sa lakas nito pero sa nakikita niya ngayon, mukhang wala sa bokabolaryo nito ang pumreno. Sa bibig na nito nanggaling na mas gugustuhin pa nito na umalis. Hindi na siya magtatanong kung para saan pa.Surely, she wants to escape from him. From his domain, but he will not allow it. Pagkatapos ng mga naitulong niya rito? Hindi siya papayag na aalis ito sa tabi niya. Lalo na ngayon.Naglapat ng mariin ang labi niya. "I'm sorry but I can't fulfill your wishes. Maayos ang usapan natin, Raine. Na hindi tayo maghihiwalay hangga't hindi pa tuluyang gumaling si Lolo.""Gagaling ng kusa an
Mistulang tumigil sa pag-ikot ang mundo ni Raine nang marinig niya ang sinabi ni Manang. Lumunok si Raine. "S-siya po ang nagbabantay sa akin?""Oo." Marahan na tinapik ni Manang ang balikat niya. "Sabi ni Timo, inutusan daw ni Señor si Señorito lara bantayan ka. Pero sabi ni Señorito, hindi na siya kailangan pang pagsabihan dahil siya raw talaga ang magbabantay sa'yo. Nagulat ang Señor. Akala niya kasi ay puro Tia lang alam ng apo niya."Natahimik si Raine. Napatingin siya sa pagkain at ginagalaw lang iyon.Bigla niyang naalala ang nangyari sa villa. "Manang..." pambibitin pa ni Raine. "Noong nahimatay ako, may ganap pa ba sa bahay?""Oo, Señorita. Nako!" Umayos ng upo si Manang Lena. Kumuha siya ng isang saging. Binalatan niya iyon at binigay kay Raine. Kinagatan naman kaagad nito ang prutas."Nagkagulo sa bahay nang mawalan ka ng malay. Nasigawan ni Señorito si Ma'am Tia. Buti nga sa babaeng iyon. Sa kakasigaw ni Sir ay napalabas ng kwarto si Señor. Nang malaman niya na hinimata
"Hey." Bulalas ni Crassus nang makitang gising na si Raine.Kaagad siya lumapit dito. Hinawakan niya ang balikat nito at masuyong tinitigan. Naningkit naman ang mata nito habang iginala ang paningin sa loob ng private room ng ospital."N-nasaan ako?" takang tanong ni Raine habang nakatingin sa palibot."Hospital," Crassus said.Napamulagat ng mata si Raine. Mabilis siyang bumangon para umalis sana sa kama.Nabasa naman ni Crassus ang galaw niya. Pinigilan niya ito. Hiniwakan niya ang magkabilaang balikat nito at tinitigan ng mariin sa mata si Raine."Where do you think you're going?" Crassus hissed."Bitawan mo 'ko," nanggigil na wika ni Raine sa nangangalit pa na ngipin.Natigilan si Crassus. Bahagyang nabawasan ang enerhiya niya sa pagpipigil kay Raine. Tinabig nito ang mga kamay niya at umalis sa kama.Hindi pa man tuluyang nakaalis sa kama si Raine ay bigla na siyang nakaramdam ng hilo. Napahawak siya sa kanyang ulo at napakapit sa gilid ng kama."Bigla ka kasing tumayo. Ayan tulo
"Raine!" Sigaw ni Crassus.Hangos na nilapitan niya ang kanyang asawa. Kinarga niya kaagad ito at inilabas sa kusina.Nang makita ni Tia na karga ni Crassus si Raine ay nagulat siya. Natutop niya ang kanyang bibig."Oh my God! What just happened?" Tia histerically shouted.Crassus clenched his jaw. "Out!" He shouted then he stared deadly at Tia. "Get out of my house! Now!""B-but...""Now!" Sigaw ulit ni Crassus at nilagpasan si Tia.****Isinugod ni Crassus sa ospital si Raine. Na-confine ito. Nalaman na nila ang findings nito at kasalukuyan itong under observation. "Crassus, sit down."Nang marinig ni Crassus ang boses ni Lolo Faustino ay napabuntonghininga siya. Tinabihan niya ito sa pag-upo."Lolo, ako na po rito. Bawal po sa'yo ang mapagod at mapuyat," saad pa ni Crassus na may bahid ng pag-alala sa boses."Shut up, grandson. I will stay here no matter what you'll say," Lolo Faustino said."Pero Lolo—""Enough!" Isang beses na pinukpok ni Lolo ang sungkod nito sa sahig. Tumayo i