"There are a lot of things that you don't know, Raine," Crassus said in a meaningful tone.Mababakas pa sa boses nito na parang may hindi ito nagustuhan. Napakunot ang kanyang noo. Humiga si Crassus sa kama. Sumunod naman si Raine. Napansin niyang nakatitig si Crassus sa bandang dibdib niya. Inayos niya ang kanyang roba."May itatawag na ako sa'yo."Napakunot ang noo ni Crassus. "Like a nickname?"Tumango si Raine. "Julio. Tatawagin kita na, Julio." Kinagat pa niya ang ilalim ng kanyang labi para pigilan ang sarili mula sa pagtawa. "Bagay sa'yo ang pangalan na Julio."Sumama ang mukha ni Crassus. "At bakit, Julio?"Tumikhim si Raine pero may ngiting nakasilip sa kanyang labi. "Ang bilis magbago iyang mood mo. Parang napakli lang ng kalendaryo. Nasa May pa lang tapos biglang naging June. Kaya Julio."Mas lalong sumama ang mukha ni Crassus. "Ang pangit!"Napabunghalit ng tawa si Raine. "Bakit? Bagay naman sa'yo.""Yeah, right!" ani ni Crassus sabay lapit kay Raine.Sa totoo lang ay gal
Hindi maintindihan ni Raine ang sarili kung bakit ang bilis niyang bumigay kay Crassus. Ang bilis matunaw ng depensa niya pagdating dito. Katulad ngayon, pinapaligaya lang nito ang pagkababae niya pero hindi na maampat ang kanyang halinghing. Kung hindi niya tatakpan ang kanyang bibig ay paniguradong maririnig ang ungol niya sa labas.Marahas niyang kinagat ang kanyang labi. Nang bigla nitong ipinasok ang ang pagkalalaki nito sa kweba niya ay napahiyaw siya. Napaliyad siya dala ng matinding sensasyon. Hindi pa siya nakabawi ay bumayo na ito.Napapikit na lamang si Raine dahil sa pagiging marahas nito. Hindi paman sila nagtatagal sa pagtàtalik ay gusto na niya sumuko. Hindi niya alam kung bakit naging malupit na naman ito sa kanya. Hindi man nito sasabihin pero ramdam niya ang galit ni Crassus. Naghalo ang sarap at sakit sa kanyang sistema kaya nakamot niya ang likod nito. Bumango na rin siya para unti - unting umatras, pero sa tuwing aatras naman siya ay susunod naman ito. Hanggang s
Napansin ni Diana na naging tahimik si Raine."Doon tayo," paanyaya niya sa pinakasulok para walang makakarinig sa kanila.Sumunod naman ito. Mayamaya pa ay dumating na ang waitress. Kahit na nilatag na ang pagkain sa harap nila ay tila hindi ito nasiyahan. Tila malayo ang nilakbay ng isip nito. Alam naman niya kung bakit kaya nagbigay siya ng suhestiyon.Naghintay muna siya na umalis ang waitress. Nginitian niya ito saka nagpasalamat."Kung gulong - gulo ka na talaga, magtanong ka na lang sa asawa mo," saad niya sabay higop ng sabaw ng nilagang baka.Napangiwi ito. "At ano naman ang sasabihin ko? Na nahihirapan akong pumili ng trabaho? Baka kapag sinabi kong nag - apply ako sa Firm ni Professor Xhun ay magwawala iyon. Alam mo naman na matindi ang galit niya sa dating guro ko.""Ayon, alam mo naman pala." Pinatong ni Diana ang kutsara sa platito. Tinitigan niya si Raine. Hininaan niya ang kanyang boses pero hindi rin sobrang hina. Sapat lang para marinig nito. "Alam mo naman pala na
Pagsapit ng alas singko ng hapon ay sabay na umuwi sina Raine at Crassus. Paglabas kasi ni Raine ay naka- parada na ang sasakayan nito sa bukana ng gusali. "Hi, babe. Pagod ka ba sa trabaho?" tanong pa ni Raine nang makaupo sa loob ng mamahaling kotse nito.Napansin ni Raine na natahimik ng ilang segundo si Crassus. Nang titigan niya ito habang inayos ang seatbelt ay mataman na itong nakatitig sa kanya. Napahinto siya."Babe?" Pag - ulit pa niya.Parang nagising naman ito mula sa reyalidad. Kumurap ito at tumikhim. Saka ito tumingin sa manubela."Still the same." Crassus drove the car with a very indifferent tone."Oh? Pagod ka nga talaga."Saglit na napatingin si Crassus kay Raine. "Bakit ka naman nag - alala?""Eh siyempre---""Kung ang iniisip mo ay napapagod ako dahil sa ginawa natin sa kama kagabi. Nagkakamali ka. Hindi ako nakabwelo dahil tinutulugan mo ako," magaan na sagot ni Crassus. Natigilan si Raine. Namula ang kanyang mukha. "N-nakakapagod n-naman kasi iyong a-ano...""
Habang nasa loob ng banyo si Crassus para mag - shower ay nakayukyok naman sa mesa si Raine. Nakabihis na siya at maayos na rin ang kanyang damit dahil dumaan sila kanina ni Crassus sa apartment. Pero anong ikina - komportable ng kanyang suot ay siya naman ikinagulo ng utak niya.Hindi siya makagawa ng resume. Ewan ba niya pero nahihirapan siyang gumawa ng bago. Ang sabi kasi sa requirements ay dapat sa wikang Ingles ang nakasulat ang resume. Pero gusto niya sana ay sa ibang lengguwahe nakasulat ang resume na ipapasa niya. Since Spanish si Sir Rothan ay gusto niya sana ay isusulat din sa wikang Espanyol ang kanyang resume. Gusto niya sana ay maging unique ang ipapasa niya Kaya lang ay hindi siya marunong.Napabusangot si Raine. Lumingon siya sa banyo. Nang marinig ang lagaslas ng tubig sa loob niyon ay mas lalong sumama ang mukha niya. Lalo na at naalala niya ang sinabi ni Crassus kanina.Mayamaya ay biglang kumalabog ang pinto ng banyo. Lumabas doon si Crassus. Mamasa - masa pa ang
Pagkaraan ng isang oras ay pumanhik si Raine sa kwarto nila ni Crassus. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya na itong nakaupo sa sofa at nagbabasa ng libro.Pumasok siya at sinarado ang pinto. Lumingon siya sa la mesa. Nandoon pa rin ang laptop pero hindi na nakabukas ang backlight nito.Binasa niya ang resume, at dahil hindi naman niya maintindihan kung anong nakasulat doon ay dinaanan lang ng kanyang mata ang mga salita. Sa tingin naman niya ay maayos ang pagkakasulat dito. Hindi naman siguro ito gagawa ng kalokohan dahil alam nitong resume ang pinapa - translate niya.Isasarado na sana ni Raine ang software kaya lang ay may nahagip ang kanyang mata. Pagkatingin niya sa itaas na bahagi ng isinulat nito, sa may kanang banda ay may nakasulat na pangalan. "Sallius?" Pagbasa niya sa pangalan. Napalingon siya kay Crassus. "Sino si Sallius?""I wrote it?"Napakunot ang noo ni Raine. "Nakalimutan mo?" tanong niya sabay tingin sa monitor ng laptop. Pinakita niya ito kay Crassus.Saglit l
"I named you little peewee because it has a two different story. Just like you."Parang dinuyan sa alapaap si Raine. Para sa kanya ay isa na iyong papuri. Natahimik siya at napatungo.Hindi niya inaasahan na ganito ang tingin sa kanya ni Crassus. Akala niya ay wala itong pakialam. Na nasa negosyo at kay Lolo Faustino lang ang atensiyon nito. Iyon pala ay nagmamasid din ito. Napangiti siya. Sinabi niya kanina na para rin siyang bulaklak sa Mayo. "Matulog na tayo," paanyaya pa ni Crassus at umalis sa kanyang likod. Napalingon si Raine. Nakita niyang umayos mula sa pagkakahiga si Crassus. Tinakpan nito ng kubrekama ang tiyan nito.Siya naman ang lumapit. Muli siya ng umunan sa dibdib nito. Sumiksik siya sa kili - kili nito. Naamoy niya ang pinaghalong sabon at amoy ng deodorant sa katawan ni Crassus. Kaya hindi siya nakapagpigil, inamoy niya ang ibaba ng kili - kili nito.Napalunok si Crassus. "Raine?"Napaangat ng tingin si Raine. "Nakiliti ka ba?"Napatitig si Crassus sa mga mata n
Pagpasok ni Raine sa Sabrina Cafe ay may nahagip na ang kanyang mata na isang may - edad na babae. Kalmado itong sumisimsim ng kape habang nakatingin sa glass wall.Hindi man niya nasiguro kung ito si Francesca Emilio, pero malakas ang kutob niya na ito ang taong tumawag sa kanya kanina. Mababasa niya sa awra at galaw nito ang pagiging edukada. Napakasopistikada nito sa suot na professional suit. Maging ang balat nito ay kumikinang sa tuwing natatamaan ng araw. Payat din ito at mukhang alaga sa gym ang katawan. Isang patunay lang na may kaya ito sa lipunan.Her whole body was full of the confidence and radiance of a professional woman. Raine saw it and was a little envious.Ganito ang gusto ni Raine. Na balang araw ay makilala sa mundo ng accounting. Hindi man sing taas ng napatunayan nito pero sisiguraduhin niya pa rin na may maabot siya kahit papaano. Pagsisikapan niya ang lahat para marating niya ang tagumpay. Gagawin niya itong ehemplo. Lumapit siya sa kinaroroonan nito. Nang na
Pagkatapos ng ilang buwan na pagtatrabaho ni Raine sa Almira ay bumalik siya sa Forgatto Celestina. Kasama ang dalawa pang kasama, sabay silang bumalik sa Araw ng Huwebes sa dating kompanya.Hindi na maampat ang ngiti ni Mr. De Guzman. Nakausap niya kasi si Raine. Sinabi nito na bibitawan na ang job oppurtunity na ibinigay ng taga Audit Department.Nang marinig niya ito ay halos mapunit na ang kanyang labi dahil sa malaki niyang ngiti. "Mabuti naman ang pinag - isipan mo ng mabuti ang suhestiyon ko, Ma'am Raine," ani pa ni Mr. De Guzman.Nagkibit - balikat si Raine. Gusto man niyang sabihin na walang kinalaman ang suhestiyon nito sa naging pasya niya. Pero mas pinili na lang niya na maglihim."Direktor ko po kayo. Mas mataas po ang experience mo sa akin kaya nararapat lang na makinig ako sa'yo," sabi ni Raine.Tumango si Mr. De Guzman. "Bueno! Sasabihin ko kay Mr. Almonte ang naging pasya mo."The next day, Mr. De Guzman promoted Raine to be the financial manager. Nang marinig iyon n
"Imma fool."Napailing si Crassus nang maanalisa niya ang kanyang mali. Napabuntonghiningang yumuko siya.Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Pumunta siya sa kanyang silid. Kinuha niya ang sigarilyo niya at saka selpon. Saka siya bumaba para tumambay sa veranda.Idinial niya ang numero ng isang kaibigan. "Rothan.""Hey!" Pasigaw na sagot ni Rothan sa kabilang linya.Lumalim ang gitla sa noo ni Crassus. "Saan ka na naman nagsusuot? At bakit ang ingay? Nag - babar hopping ka ba?""Im with a friend," sagot ni Rothan sa kabilang linya.Napailing si Crassus. "We need to talk," he said in a serious tone. "It's important."Narinig niyang hindi nagsalita si Rothan pero rinig niya ang pamamaalam nito sa mga kasama nito."Call me in a minute. Yo saldré primero. (Lalabas muna ako)" Rothan said."Okay," Saka niya pinatay ang tawag.Umupo siya. Sinindi niya ang sigarilyo habang nakaharap sa garden. Napatitig siya sa malaking kahoy na nasa gitna. Mayamaya pa ay may tumawag. Nagtaka si Crassus dahil
Habang kumakain ay napansin ni Raine ang pagiging tahimik ni Crassus. Madalas itong nakatitig sa kawalan na para bang nalulong sa malalim na pag - iisip.Kaya hindi nakapagtimpi si Raine. Kinausap niya si Crassus. "May problema ba?"Napakurap si Crassus at napatitig sa kanya. Ginalaw nito ang pagkain. Parati lang nito ginagalaw pero pakaunti lang kung sumubo.Umiling ito. "Wala."Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. Inatupag na lang niya ang kanyang pagkain pero nang mapansin niya na tahimik naman ito ay muli niya itong kinausap."Masyado ka naman atang tahimik ngayon. Ayos ka lang ba?" Pukaw pa ni Raine.Hindi makatingin kay Raine si Crassus. "Just eat, Raine. Huwag mo na akong isipin."Marahas na napabuga ng hangin si Raine. Padarag niyang nilapag ang kutsara at inis na tinitigan si Crassus. Saka siya tumango."Bakit mang - aaya ka pang kumain kung wala ka naman pala sa mood? Sana pala ay dumiretso na lang tayo ng uwi nang pareho na tayo makapagpahinga. Nagsasayang ka lang ng oras.
Napakunot ang noo ni Crassus. Mahigpit niyang hinawakan ang manubela na room ay kumuha ng lakas."Ano ang dapat kong malaman?" tanong niya.Hindi kaagad sumagot si Raine. Mas lalong nagkarambola ang puso ni Crassus. Nababasa niya sa aksiyon ni Raine na nag - aalinlangan ito."Ano kasi.."Malamig na tinitigan ni Crassus si Raine. Hindi siya kumibo. Gusto niya na ito na ang kusang magsalita.Napabuntonghininga si Raine. "Natatandaan mo pa ba iyong sinundo mo ako sa presinto?"Kumunot ang noo ni Crassus. "Iyong walang magpapiyansa sa'yo kaya tinawagan na ako ng Pulis?"Tumango si Raine. "Hmm."Binalot ng pagtataka si Crassus. "Bakit? Anong meron?"Nilaro ni Raine ang zipper. "Iyong lalaking nagtangkang manakit sa akin. Naalala mo?"Biglang dumilim ang mukha ni Crassus. "Bakit?"Tinitigan siya ni Raine sa mata. "May half brother si Sasha na lalaki. Iyong naabutan mo sa presinto noon, siya ang kapatid ni Sasha, si Romano." Tumingin sa labas ng bintana si Raine. "Kanina kasi ay napang - abo
"Natanggap din pala siya," komento pa ni Raine habang nakatingin sa lista na nasa selpon.Pabagsak niyang nilapag sa kanyang kamay sa hita. Lumaylay ang balikat niya. Muli niyang binasa ang pangalan nito. Napabuntonghininga siya nang maanalisang hindi siya namalik - mata.Gustuhin man niyang magtrabaho sa Departmentong iyon ay hindi na niya magawa. Nadala na siya sa nangyari noong biyernes at ayaw niya ng maulit 'yon. Labag man sa kalooban niya pero wala siyang choice kung hindi i - give up ang slot niya sa iba.Nagpadala siya ng email kay Sir Rothn. Medyo nahirapan pa siya kung paano magpaalam dahil hindi siya makapag - isip ng maayos. Ayaw kasing tanggapin ng puso niya ang kanyang desisyon. Dumaan ang mahigit kalahating oras ay sinent ni Raine ang kanyang apology letter. Simula niyon ay naging matamlay na sa pagtatrabaho si Raine.Nasa loob ng opisina ni Crassus si Rothan. Kararating pa lang nito para ibigay sa kanya ang listahan ng mga empleyadong natanggap sa Audit Department."
Araw ng Biyernes, bumalik si Raine sa Forgatto Celestina. Ngayon ang Exam niya sa Audit Department. Ni hindi na nga niya hinintay pa si Crassus sa kakamadali niya. Natatakot kasi siya na baka mahuli siya. Binigyan na sila ng hint ng HR Department kanina. Nakatanggap siya ng email. There were two exams in the morning and afternoon, and there was another interview next week.Kaya hindi niya maiwasan na kabahan. Akala niya kasi ay written exam lang. Hindi niya inaasahan na higit pa sa dalawa ang pasulit. Bigla tuloy siya napaisip kung tama na ba iyong mga inaral niya noong nakaraan.Habang nakaupo sa labas ng waiting area ay kinalma ni Raine ang sarili. Bumuga siya ng hangin at pagkatapos niyon ay huminga na naman siya ng malalim.Naagaw ang atensiyon niya sa isang babae. Kapapasok pa lang nito at may dalang shoulder bag na itim. May kasama ito na lalaki."Sasha?" Tawag ni Raine.Napatingin siya sa kasama nito. Bumaha sa utak niya ang ginawa nito noong nakaraan. Ito lang naman ang may d
Tinanggap ni Raine ang advise ng kanilang Direktor. Kaya kinabukasan ay hinatid siya ni Crassus sa mall para makabisado niya ang loob nito. Maging ang exit kung saan pwede dadaan ang mga empleyado na katulad niya ay tinuro ni Mr. De Guzman. Nagmamasid lang si Crassus at kung may kulang man sa sinabi ni Finance Director ay ito ang nagpapatuloy sa pagpaliwanag. Kaya kahit papaano ay hindi nakaramdam ng pagkalito si Raine. Hindi siya pinapabayaan ni Crassus, at nang pinaliwanag na nito ang accounts ng mismong mall ay mas lalo inigihan ni Raine ang makinig. Nalaman niya kung gaano iyon karami ay nakaramdam siya ng pressure. Nandoon na rin ang kaba at excitement. Ganoonpaman ay hindi siya nagpatinag."Are you sure about this?" Crassus asked while they are walking in the hallway.Lumingon si Raine kay Crassus. "Kaya naman na."Napataas ang kilay ni Crassus. "Ba't parang hindi ka sigurado?"Umiling lang si Raine. "Medyo kinabahan lang.""Don't be," Crassus replied. Namulsa siya. "Tawagan mo
Crassus face darkened. "What do you mean by I also published a book?" he growled pretended to know nothing about Paul Tyler's book. Nang maanalisa ni Raine ang kanyang naibulalas kanina ay tinakusan siya ng kulay sa mukha. "Wala, wala," pagtanggi niya at hindi na makatingin kay Crassus Binuklat niya ang libro. Muli niyang binasa ang pamagat nito. Bumaha sa mata niya ang paghanga. "Ikaw talaga ang nagsulat nito?" Muling tanong pa ni Raine. Sinimulan niyang basahin ang unang pahina ng libro. "The Human Resources Department wrote it and put my name on it. Simula ngayon ay hindi ka na pwedeng magbasa ng ibang libro. Maliban sa college books mo, wala ka na pwedeng ibang buklatin kung hindi yan lang. Oras na may nakita ako ng ibang libro na nakapasok sa bag mo ay itatapon ko. Or, if you put it in, don't let me see it! Otherwise, you know the consequences." His words were as firm as a law. Napatanga si Raine. Tama ba siya ng rinig? Ayaw nito na may makapasok na ibang libro sa
"Wala kang magagawa pa, Ma'am Raine. Buo na ang pasya ni Mr. Almonte." Saka siya tumalikod at bumalik sa kanyang opisina.Dahan - dahan na umupo si Raine sa upuan. Ang masayang enerhiya niya ay naglaho ng parang bola.Napailing si Raine. "Hindi, hindi pwede." Tinanaw niya si Mr. De Guzman." Tumayo siya at hinabol ito.""Direk," tawag ni Raine para pigilan ito.Napahinto si Mr. De Guzman. Lumingon siya kay Raine.Marahan na hinabol ni Raine ang kanyang hininga. Napaawang ang labi niya nang humarap siya sa pinuno nila."Sir, paano po kung ayaw kong sundin ang utos ng CEO?" Kumunot ang noo ni Mr. De Guzman. "Ano ang ibig mong sabuhin?"Napabuntonghininga si Raine. "Sir, nakapag - apply na kasi ako sa Audit Department. Kung sakaling matanggap man ako, napakalaki pong tulong niyon sa akin. Hindi lang sa pinansiyal, pati na rin po sa experience ko.""So, gusto mong lumabag sa utos ni Mr. Almonte?" Hindi na maitago ni Mr. De Guzman ang pagkadegusto.Napipilan si Raine. "Eh Sir--""Akala ko