Share

Chapter 34

NANATILI ako sa kinatatayuan at hindi malaman kung gaano na kami katagal sa gano’ng posisiyon. Nakakapagtaka ring wala talagang dumaraang tao kahit isa sa lugar.

Hinayaan ko siyang umiyak sa aking balikat kahit hindi ko alam kung luha o may halo ng iba ang basa kong uniform. Pero sige lang, naiinis man ay hindi ako ganoon kalupit para ipagdamot kahit man lang ang uniform ko.

Ilang sandali pa ay hindi ko na ramdam ang mahihina niyang hikbi. “Okay ka na?”

Pero sa halip na sumagot ay mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin. Ano ba naman ‘to… hanggang kailan kami tatayo rito? Nangangawit na ako.

“What’s the meaning of dizzz!”

Nilingon ko ang nagsalita at bored na tiningnan. “Hindi ba obvious?” at saka, sa dinami-rami ng tao rito sa University… siya pa talaga ang nakakita sa amin. “Anong ginagawa mo rito Felipe?” Bahagya kong sinulyapan si Caleb na hindi pa rin ako binibitawan. Feel na feel niya talaga ang yakap sa akin.

“Napadaan lang tapos may nakita akong magsiyotang nagyayakapan.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status