Share

Chapter 35

HINDI ko mapangalanan ang emosiyong nararamdaman ngayon. Anong klaseng—

“’Wag ka ngang gan’yan, baka totohanin ko,” ani Shiela.

Natuon ang pansin ko sa kanya. At kahit si Mary Rose ay napunta sa kanya ang tingin na kanina ay na kay Caleb pa.

“Nakapag-usap na kami at sinabi niyang may iba siyang nagugustuhan kaya, ayon. Saka hindi ko naman ini-expect na ligawan niya ako kasi feel ko naman na hindi hihigit sa friendship ang meron kami—char, ba’t naiiyak ako.” Nakangiti pero kita ang panghihinayang sa mga mata niya.

“Binasted mo ang kaibigan ko?” ang biro ni Mary Rose na pabirong hinampas ni Sheila.

“Walang gano’n ‘di ba Kenan?” ang baling sa akin. Naghahanap ng kung sinong kakampi sa kanya.

Pinilit kong ngumiti at sumabay sa usapan. “Oo naman,” pagkatapos ay napasulyap kay Caleb na nasa akin pala ang tingin kaya agad akong umiwas. “Ah, mauuna na pala ako, Mary Rose.” Nawala ang interes kong mag-stay ng matagal.

“Ako rin, uuwi na.”

Bahagya pa akong natigilan nang marinig ang sinabi ni Ca
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status