INICIAR SESIÓN“Miss Jessica Pablo.”Agad na napalingon kay Jessica ang lahat ng estudyante sa lecture hall.Excited naman siyang tinapik ng mga babaeng estudyanteng nakaupo sa tabi niya.“Jessica, tinatawag ka ni Mr. Montero!”“Jessica, bakit kabisado ni Mr. Montero ang pangalan mo?”Natigilan si Jessica.Matapos siyang tawagin sa harap ng lahat, napatingin siya kay Craige, bahagyang nagtataka kung ano ang pakay nito.“Miss Pablo,” sambit ni Craige. “Ano sa tingin mo ang pag-ibig?”Tinatanong niya kung ano ang pag-ibig.Saglit na nag-isip si Jessica bago siya seryosong sumagot.“Mr. Montero, sa tingin ko, ang pag-ibig ay ang kapwa pagkagusto ng dalawang taong magkaibang kasarian. Isa itong bugso ng hormones, isang pakiramdam ng paghanga sa isa’t-isa at pagmamahalan.”Ngumiti nang bahagya si Craige. Nang magsalita siya, malalim at nakakaakit ang kanyang boses.“Sa totoo lang, ang pag-ibig ay phenylacetic acid at dopamine. Kapag nakikisalamuha ang mga tao sa isa’t-isa, gumagawa ang katawan
Tinatawag ni Craige ang pangalan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Jessica. Tumingala siya kay Craige, at sa gitna ng napakaraming tao, nagtagpo ang kanilang mga paningin.Bagama’t wala ni isa sa kanila ang nagsalita, sa sandaling iyon, tila sapat na ang isang sulyap upang maipahayag ang isang libong salita. Isang matamis at mainit na pakiramdam ang unti-unting kumalat sa puso ni Jessica.“Present!” malakas niyang sagot.Halos hindi mapansin ang bahagyang pagkurba ng manipis na labi ni Craige bago siya nagpatuloy sa pagtawag ng mga pangalan.Malinaw naman na naririnig ni Jessica ang mabilis na pagtibok ng sarili niyang puso.Matapos ang attendance, nagsimula na si Craige sa kanyang lecture.Cultural Studies ang itinuturo niya nang araw na iyon. Mahusay at malinaw na nagsalita ang gwapo at marangal na lalaki mula sa podium. Bukod sa malawak ang kanyang kaalaman, mayroon din siyang nakakatawang paraan ng pagpapaliwanag, kaya maging ang mga tuyo at nakakabagot na paksa ay
Craige:Gano'n ba?Dalawang simpleng salita lamang iyon, ngunit taglay ng mga ito ang nakasanayan nang malamig at mapangibabaw na tono ni Craige na may bahid ng banayad na lambing.Jessica:I promise!Hindi na sumagot si Craige.Ibinaba ni Jessica ang kanyang telepono at nagsimulang magbasa nang seryoso. Hindi nagtagal, sumapit na ang oras ng kanyang klase sa hapon.“Jessica, tara na. Oras na para sa klase.”Tumayo si Jessica at tumango, “Tara.”Sabay-sabay na nagtungo ang mga estudyante sa lecture hall. Punong-puno ang silid-aralan nang hapong iyon. Halos lahat ng estudyante ay dumalo, hindi lamang para sa klase, kung hindi para masilayan ang sumisikat na bituin sa mundo ng negosyo.Hindi napigilan ni Jessica na mamangha sa kasikatan ng tinaguriang business prodigy na ito.Bago magsimula ang klase, muli niyang kinuha ang kanyang telepono at nagpadala ng text message kay Craige sa messenger.Jessica:Mr. Montero, ano ang ginagawa mo ngayon?Ngunit wala pa ring tugon mula
Agad na nagtipon-tipon ang mga estudyanteng nasa paligid, sabik na sabik na marinig ang bagong tsismis.“Ano raw ang malaking balita?”“May malaking balita ba talaga sa Ateneo De Manila? Bakit wala akong narinig?”“Ako rin. Wala akong narinig.”Tuwang-tuwa na ngumiti ang babaeng estudyante bago siya nagsalita.“Siyempre, wala kayong narinig! Ngayon lang nakumpirma ang malaking balitang ito. Nakuha ko ang exclusive information, kaya siguradong walang pagkakamali!”“Kung gano'n, huwag mo na kaming i-suspense. Bilisan mo at sabihin mo na kung ano ang malaking balita!”“Sige, sasabihin ko na, kaya makinig kayong mabuti!” excited na sabi ng babae. “Narinig ko na isang rising star sa business world ang pupunta sa Ateneo De Manila ngayong hapon para magbigay ng lecture!”'Isang rising star mundo ng negosyo ang pupunta sa Ateneo De Manila para magbigay ng lecture?'Agad na nasabik ang mga estudyante, lalo na ang mga bata at magagandang babaeng estudyante.“Sinong business tycoon kaya
Hindi nag-aalala si George, ngunit kabaligtaran naman si Craige. Lubos siyang nag-aalala.“Medyo iba ang sitwasyon ngayon,” sabi ni Craige. “Makikipagkita ang girlfriend mo sa isang lalaking kaibigan. Hindi ka ba nag-aalala na baka maagaw siya sa 'yo?”Napangiti naman si George at sinabi, “Sir, naiintindihan ko na. Nagpadala kayo ng text message kay Miss Jessica sa messenger, pero hindi siya sumagot, tama po ba?”Napakapropesyonal at napakatalino ng kanyang assistant. Ngunit sa pagkakataong ito, gusto ni Craige na sana ay hindi ito ganoon katalino.“Sir, kung ganoon no nami-miss si Miss Jessica, tawagan niyo na lang siya. Mas mabuti iyon kaysa maupo kayo rito at paulit-ulit na mag-isip.”Napahinga nang malalim si Craige.Marahil, ganito talaga ang pag-ibig. Ginagawa nitong duwag ang isang tao at nagiging dahilan upang pag-isipan nito nang sobra ang bawat bagay, kahit ang mga bagay na dati naman ay hindi niya pinapansin.“George, kanselahin mo ang lahat ng appointment ko ngayong
Ipinaparada ni Craige ang kanyang mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng milyun-milyong peso sa harap ng Ateneo De Manila. Ngayong araw, suot niya ang kanyang classic suit bilang isang CEO. Ito ay isang itim na suit na ipinares sa malinis at puting polo.Sa kanyang gwapo at marangal na anyo, agad niyang nakuha ang atensyon ng mga tao sa paligid.Hindi nagtagal, nagsimulang sumulyap sa direksyon ni Craige ang mga bata at magagandang babaeng estudyante. Puno ng interes ang kanilang mga mata, at hindi nila maiwasang kabahan at kumabog ang dibdib sa tuwing napapatingin sa kanya.Ngunit hindi man lamang pinansin ni Craige ang kanilang mga titig. Sanay na siya sa ganitong uri ng atensyon at matagal na niya itong hindi binibigyang-halaga.Sa halip, tahimik niyang pinanood si Jessica na maglakad palayo hanggang sa tuluyan itong mawala sa kanyang paningin.Saka siya tumalikod, muling sumakay sa kanyang mamahaling sasakyan, at naghanda nang umalis.Ngunit bago pa man niya mapaandar ang sa
Tuluyan nang na-speechless si Roberto. Nanatili lamang siyang tahimik, tila hindi alam kung paano tutugon.Bahagyang nainis si Maxine. Ngayon lamang niya lubos na napagtanto kung gaano kaliit ang pasensya ni Shawn, na kahit sa ganitong sandali ay nangingibabaw pa rin ang kanyang pagseselos.Tuming
Sumakay na sa kotse sina Maxine at Jessica at dahan-dahang umalis. Sa labas, nanatili si Shawn kasama si Damian na nakatitig habang unti-unting nawawala sa kalsada ang sasakyan. Lumingon si Shawn sa kanyang tiyuhin, halata ang pagdududa sa kanyang mukha.“Ano'ng problema mo, uncle?” tanong niya, ma
Namangha si Mr. Filipe nang makita si Maxine. Kumislap ang kanyang mga mata sa kasabikan.“Saan galing ang magandang ito? Para siyang diwata,” bulong niya, habang kumakalat ang isang sakim na ngiti sa kanyang mukha.Takot na takot, kumapit si Arriana kay Maxine at nagtago sa likod niya.“K-Kaklas
Ngunit walang sumagot sa kanyang pagtawag. Walang Shawn na tumugon.Si Wilbert naman ay nasa labas pa, inihahatid ang mga bisita nila. Nakangiti siya nang may paghingi ng paumanhin ang nakabalot sa kanyang mukha, habang tinutulungan niya sina Mr. Catacutan at Mr. Lopez na sumakay sa kanilang mga sas







