Share

Kabanata 220

Author: Glazed Snow
Sinubukan muna ni Maxine ang temperatura ng tubig. Maligamgam lamang iyon, hindi mainit.

Ang malinaw niyang itim na pares mga mata ay matalim na nakatuon lamang sa mukha ni Arriana.

“Sinadya mong ipahamak si Althea,” mariing sabi niya, mababa ngunit matalim ang tinig. “Ngunit hindi talaga siya ang gusto mong saktan, hindi ba? Ako naman talaga ang totoong pakay mo.”

Walang bahid ng takot si Arriana sa sinabi ni Maxine. Bahagyang tumaas ang isa niyang kilay, at sa sulok ng kanyang labi ay sumilay ang mapanuksong ngiti.

“Oo,” maiksi niyang tugon, ngunit puno ng kayabangan.

Samantala, nagngitngit naman sa galit si Jessica dahil sa sinabi ni Arriana at hindi na napigilan ang sarili na sumabat.

“Arriana, nasisiraan ka na ba ng bait? Mula pa noon, itinuring ka ni Maxine bilang tunay na kaibigan! Nakalimutan mo na ba kung sino ang tumakbo para iligtas ka nang muntik ka nang madala ni Mr. Filipe mula sa Green Hills Hotel? At ngayon, dahil sikat ka na at may pera, tinalikuran mo na kami?
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (54)
goodnovel comment avatar
Grace Anne Alayon
wakas nlng pra mtpos na ung pgbabasa ko at ng mabura ko na to sa cp ko..sayang lng oras,
goodnovel comment avatar
Lucelle Entera
hahaha Yan na sana para maisakatuparan Ang title na win me back my CEO husband diba
goodnovel comment avatar
Lucelle Entera
same hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 232

    Paglingon ni Maxine, agad niyang namataan ang isang pamilyar na pigura na nakatayo sa bungad ng pinto. At ang taong iyon ay si Arriana.Si Arriana ay nagpunta roon upang hanapin sila. Nagising siya sa ingay at kaguluhan sa labas, kaya nagdesisyon siyang hanapin si Shawn. Sa huli, natunton niya ang kwartong iyon at doon niya nakita ang tanawing hindi niya kailanman inaasahan.Pagkakita niya kay Maxine at Shawn na magkasama sa kama, ang dating inosente niyang mga mata ay biglang nagdilim, naging parang mga matang puno ng lason. Ang titig niya kay Maxine ay parang kamandag ng isang alakdan. Matalim, mapanganib, at puno ng galit na nagkukubli sa ilalim ng sugatang damdamin.Samantala, ngumiti naman si Maxine nang malamig. At bago pa man makatayo si Shawn upang umalis, mabilis niyang iniyakap ang kanyang mga braso sa leeg nito, saka hinila. Si Shawn na ang nasa ilalim, at siya naman ang nakapatong sa ibabaw nito.Ngayon ay lalaki na ang nasa ibaba, at babae naman sa itaas.Nanlaki nama

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 231

    Matindi, mabangis, at nakakatakot ang bawat galaw ni Shawn. Maging ang mga lalaking nakaitim ay napa-atras sa gulat.Ang dalawang spoiled na anak-mayaman ay sandaling natigilan bago sabay na sumigaw nang galit.“Ano pa ang hinihintay niyo? Sugurin niyo siya!”“Opo, sir!”Parang isang mabagsik na alon naman na sumugod ang mga bodyguard.Paglabas ni Maxine mula sa dressing room, sinalubong siya ng isang eksenang puno ng kaguluhan. Isang marahas na away ang sumiklab.Mag-isa lamang si Shawn laban sa sampung mga lalaki, ngunit ang bawat galaw niya ay matalim, kontrolado, at puno ng galit.Isang malakas na sipa ang pinakawalan niya, at tumilapon ang isang bodyguard hanggang sa bumangga ito sa bar counter, nagkalat ang mga bote at basag na salamin sa sahig.“Aahhh!”Dahil diyan, nagsimulang sumigaw ang mga tao dahil sa takot. Ang ilan ay nagsitakbo, ang iba naman ay nagkubli sa ilalim ng mga mesa.“May nag-aaway! May nag-aaway!”Hindi inasahan ni Maxine na habang nagpapalit lamang

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 230

    Ang suot na polo at pantalon ni Shawn ay bahagyang nagusot. Ito ay mga bakas ng pagkakaupo ni Maxine sa kanya kanina. Ngunit sa ilalim ng mahinang liwanag ng bar, ang mga gusot na iyon ay tila hindi kapintasan. Sa halip, nagdagdag ito ng kakaibang alindog sa kanyang anyo. Isang magulong karisma na may halong pagiging sopistikado, parang isang panganib na mahirap iwasan ngunit nakakaakit sa bawat tingin.Hindi niya sinagot ang nakakalokong tanong kung kaninong sayaw ang pinakagusto niya. Nanatili siyang tahimik, tila walang naririnig. Sa halip, dinampot niya ang bote ng alak, ibinaba ang tingin, at uminom nang diretso. Isang mahabang lagok ang ginawa niya na parang gustong lunurin ang lahat ng iniisip.Si Arriana, sa kabilang banda naman ay nagngingitngit. Halos kumulo ang dugo niya sa galit.Ang magandang dilag. Kung sino man ang babaeng iyon ay biglang sumulpot na parang bagyong umagaw ng lahat ng pansin. Sa mismong sandaling tumapak ito sa entablado, nakalimutan ng lahat ang prese

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 229

    Unang tumingin si Maxine kay Arriana, ang mga matang hugis-almendra ay kumikislap ng tapang habang nakatitig sa babae.“Miss, pwede bang lumayo ka muna? Nasa pagitan ka namin ni Mr. Velasco sa aming mainit na sayaw,” matapang niyang sambit.Direkta, mapangahas, at walang pasintabi niyang sinabi iyon. Tahasan niyang pinaalis si Arriana.At dahil diyan, napakuyom ang kamao ni Arriana sa galit, ngunit ayaw pa rin niyang umalis.Ngunit biglang nag-udyukan ang mga mayayamang kabataang lalaki sa paligid.“Sige na, Miss Arriana! Tumabi ka na!” sigaw ng isa, na sinundan ng tawa ng iba.Matamang tinitigan ni Arriana si Maxine, ngunit sa huli ay napilitan siyang umatras, halatang labag sa loob niya ang ginawa.Malamig na ngumiti si Maxine. Sa wakas, nakita na niya ang tunay na mukha ni Arriana at ito ang kanyang pagbawi. Ang kanyang paghihiganti ay saka pa lang nagsisimula.Inilipat niya ang tingin kay Shawn, na mula pa kanina ay nakamasid lamang sa kanya.Hindi siya umiwas. Sa halip, ba

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 228

    Pag-akyat pa lang ni Maxine sa entablado, agad na sumabog ang hiyawan ng buong lugar.Habang tumutugtog ang malakas na musika, ang pigura ng babae sa gitna ng ilaw ay gumalaw na parang sinasabayan ng bawat tibok ng ritmo.Mabilis siyang tumalon, at sa isang mahinhing liko, yumakap ang kanyang mala-ahas na katawan sa bakal na poste, umiikot, bumabaliktad, at tila lumilipad sa hangin.Ang kanyang katawan ay kasing-lambot at kasing-gaan ng sanga ng walis-tingting na hinahampas ng hangin, bawat liko at galaw ay parang alon ng alindog na umaagos sa mata ng bawat nakatingin. Bawat pag-ikot, bawat pagbaba ay nagdulot ng mga sigawan at palakpak mula sa mga tao sa ibaba ng stage.Sa isang VIP table, hinawakan ng isa sa mga mayamang binata ang braso ni Jared, halos manlaki ang mga mata sa pagkagulat.“Jared! Kailan mo pa dinala rito ang ganitong klaseng babaeng parang diyosa? Hindi mo man lang ipinakilala! Hindi patas ‘to!”Natigilan din si Jared, hindi makapaniwala sa nakikita. Ang babaen

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 227

    Bahagyang ibinaling ni Shawn ang ulo niya, at tumama ang tingin niya kay Arriana.Sa sandaling iyon, nakapatong ang kamay ni Arriana sa kanya. Dahan-dahan niyang hinaplos ang matitigas at eleganteng mga daliri ni Shawn, bahagyang sumayad ang kanyang mga daliri sa mamahaling relo na nakapulupot sa matipunong pulso ng lalaki. Malamig ang relo. Marangya, may dignidad, at tila hindi dapat lapitan, ngunit imposibleng hindi mo gustuhing hawakan.Isang bahagyang pamumula ang lumitaw sa mukha ni Arriana, parang porselana na tinamaan nang kaunting araw.“S-Shawn, nang gabing iyon ay kusang-loob ako. Iyon ang unang beses ko. Naalala mo pa ba ang gabi nating dalawa?” sambit ni Arriana sa kanya.Agad naman na naramdaman ni Jared na may mali kaya mataman niya silang tinitigan.“Shawn...” simula ni Jared.Ngunit pinigilan siya ng isa sa mga lalaking kasama nila at bumulong rito.“Jared, mukhang may namamagitan kay Mr. Velasco at sa babaeng ‘yon. Kung sino man ang gusto ni Mr. Velasco, siya na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status