Share

Kabanata 302

Penulis: Glazed Snow
Totoo na maganda si Jessica. Taglay niya ang malambot na kinang at masiglang alindog ng isang babaeng lumaki sa isang pamilyang may mataas na antas sa lipunan. At nang mabura ang malaking birthmark niyang iyon, ang maliit na beauty mark sa ilalim ng kanang sulok ng kanyang mata ay lalo pang nagpa-angat sa kanyang kagandahan, na para bang isa siyang munting diwata.

'Hala...'

Halos sunod-sunod naman ang pag-igik ng mga tao dahil sa gulat.

Hindi nila akalain na ang isang pangit na babae ay biglang naging isang nakabibighaning kagandahan.

Ngunit, walang mas nagulat pa kaysa kay Monica at Crizza. Biglang lumiit ang kanilang mga mata dahil sa sobrang gulat. Sa isipan nila, ang birthmark sa mukha ni Jessica ay talagang nawala?

Hindi nila maipaliwanag kung paano nangyari ang bagay na 'yon.

Samantala, agad naman na binawi ni Maxine ang kanyang kamay at sinabi, “Ayan.”

Itinaas niya ang isang maliit na salamin sa harap ni Jessica upang ipakita rito ang kanyang anyo ngayon.

“Jessica, kilal
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (62)
goodnovel comment avatar
Ge Vie CP
wla bha sariling story c jesseca at raven .tz monica at jared. adrian at crizza gnun din c lucas ..
goodnovel comment avatar
Nigel Baduria
my karugtog pa b ?
goodnovel comment avatar
Nigel Baduria
update po tapos kn po basahin
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 354

    Napatigil naman si Nora, tila may biglang naalala.“Mayroon akong natatandaan. Naging publiko ang Hope sa ibang bansa noong March 11. Ang tawag nila roon 'The Legend 311',” ani Nora sa kanila.Tumango naman si Amanda, tila kumpirmado ang alaala.“Tama 'yon.”Tumingin naman si Monica sa gamot na hawak-hawak niya, may bahagyang pagtataka sa mga mata.“Sa narinig ko, ang founder na ito ay itinuturing na isang pambihirang genius. Shawn, kilala mo ba ang founder?” sabat naman ni Monica.Sa loob-loob ni Monica, tila apoy ang kumukulo. Galit na pilit niya iyong nilulunok. Hindi niya maipakita kay Shawn ang tunay na bagabag sa dibdib niya, kaya idinidiretso niya ang lahat ng tensyon kay Maxine. Kailangan niyang maging maingat, mahigpit ang kapit sa sarili, at huwag hayaang makita ng iba ang pagkirot ng kanyang puso.Nag-isip sandali si Shawn bago tumugon.“Nakilala na natin siya minsan.”At sa isang iglap, bumalik sa alaala niya ang nakaraan.Anim na taon ang nakalipas, nasa Australi

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 353

    “Sandali!”Agad na sumabat si Maxine sa panglalait ni Monica. Tila biglang huminto ang hangin sa pagitan nila, parang napunit ang manipis na pisi na nagdurugtong sa dalawang babaeng matagal nang nagtatagong may bitbit na galit.“Monica, nagkakamali ka!” mariin niyang wika. “Kagabi, hindi ako ang nang-akit kay Shawn. Sa katunayan, buong-lakas ko siyang nilabanan, pero ginamit niya ang pagkakataon. Ang lagnat ko, ang panghihina ko, at pinilit niya ako.”'Ano?' ani Monica. 'Gumamit ng dahan si Shawn!?'Hindi agad nakapagsalita si Monica. Alam niya kung ano'ng uri ng lalaki si Shawn. Hindi kulang sa babaeng lumalapit sa kanya, ngunit madalas ay malamig at mailap. Ilang ulit na itinapon ni Monica ang sarili niya, lumapit, nagbigay-lambing, ngunit palagi siyang tinatanggihan nito. Kung ang pagpipigil sa sarili ay may mukha, iyon ay kay Shawn.'Pero pinilit niya si Maxine?'“Imposible!” mariing sigaw ni Monica. “Hindi ako naniniwala. Lahat ng sinasabi mo ay kalokohan lamang 'yan!”Lumi

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 352

    “Jared, bakit mo ako tinitingnan nang ganyan? Pinaghihinalaan mo ba ako? Iniisip mo ba na gusto kong pasabugin kayong dalawa kasama siya?”Nagsimulang tumaas ang boses ni Monica, puno ng hinanakit na halatang sinadya upang maka-apekto sa damdamin ni Jared. “Jared, ako kabigan mo rin ako at ang taong minahal at pinagkatiwalaan mo. Napakasakit na pagdudahan mo ako. Nagbago ka na,” dagdag ni Monica.Hindi pa siya nakuntento. Lumapit pa siya nang kaunti, pilit hinuhuli ang mga mata nito.“Bakit hindi ka nakabalik sa oras? Sa bangka, nag-atubili ka bang lumapit o gumawa nang kahit ano kay Maxine?”Matalino at mapanganib si Monica. Tumira siya nang nauuna, inunahan ang akusasyon, at ginamit ang emosyon para kontrolin si Jared. Bago niya pa man masabi ang alinmang pagdududa, siya na agad ang umarte bilang biktima.Nang maalala ni Jared ang nangyari sa bangka, ang katotohanang hindi niya kayang saktan si Maxine ay bahagyang lumambot ang matalim niyang anyo.“Monica, hindi 'yon ang ibig

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 351

    Hindi mapakali sina Maxine at Jared habang hinihintay si Shawn na bumalik. Dumating na ang mga tauhan nito at mabilis na pinalibutan ang buong lugar, tiniyak na ligtas na makakaalis ang grupo anumang oras. Ngunit kahit gaano katagal silang naghintay, hindi pa rin lumilitaw si Shawn. Nagtagal ang katahimikan, at kumakapit ang kaba sa bawat minuto ng paghihintay. Wala ni isa ang nakaaalam kung saan siya nagpunta, o kung ano ang nangyari sa kanya.“Bakit hindi pa dumarating si Shawn…” mahina at nag-aalalang bulong ni Jared, bahagyang naglakbay ang tingin sa madilim na daan na patungo sa kagubatan.At saka lamang lumitaw ang matangkad na anino ng lalaki. Maangas, kalmado, nakalapat ang mga hakbang na tila walang bakas ng pagod. Si Shawn. Bumalik na rin siya sa wakas.“Shawn, saan ka ba nagpunta? Ang tagal mong nawala,” tanong ni Jared, sinisingitan ng kuryosidad at bahagyang pag-aalala.Hindi sumagot si Shawn. Tahimik niyang kinuha ang isang piraso ng tissue, pinunasan ang likod ng kan

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 350

    Tiningnan ni Shawn ang babaeng nakayakap sa kanyang mga bisig. Bahagyang tumaas ang sulok ng kanyang magandang pares na mga mata, tila nang-aasar at nanunukso.'Kung gano'n, mahal na kapatid ay hindi na pala itinuturing na kapatid?' aniya sa kanyang isipan. 'Walang-hiya!'Agad na tinaas ni Maxine ang kanyang paa at sinipa si Shawn, parang nagising mula sa isang panaginip na siya mismo ang may kasalanan kung bakit nagsimula.Ngunit mabilis na lumingon si Shawn, walang kahirap-hirap na iginala siya sa ilalim niya. Para bang siya ang may kontrol sa lahat, lalo na sa kanya.“Gusto mo ba ng isa pang round?” tanong nito, mababa ang boses, puno nang mapanganib na init.Nakita ni Maxine ang apoy sa kanyang mga mata. Hindi iyon biro. Seryoso siya, at nakakatakot ang stamina ng lalaking ito. Para bang isang mandirigmang hindi napapagod, laging handang sumugod.“Maxine, sa tingin ko, hindi pa natin ito nagawa sa umaga noon,” dagdag pa niya, tila mas lalo pang nagbukas ng pinto sa kabaliwan

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 349

    Hiwalay na silang dalawa...At hindi iyon nakalimutan ni Shawn.“May lagnat ka,” aniya sa mababang tono, waring may katwiran. “Pinapainit lamang kita.”Tinitigan siya ni Maxine, habang malamig ang mata sa kabila ng init ng balat.“Hindi kailangan ang ganito para lang painitin ako,” mariin niyang sagot, at saka sumilay ang mapait na ngiti. “Ginagawa mo rin ba ito sa ibang babae?”“Hindi ang ibang babae ang unang nagtanggal ng butones ko at nagbihis sa harap ko,” mabilis na tugon ni Shawn, hindi nag-iwas ng tingin. “Ikaw ang nag-umpisa kanina.”Natigilan si Maxine. Tumama ang tingin niya sa nawawalang butones ng polo nito at hindi niya maitatangging siya ang may gawa noon.Umarko muli ang takot at inis sa dibdib niya. Mabilis niyang itinulak si Shawn.“Bumaba ka sa 'kin!”Ngunit nahawakan ni Shawn ang kanyang mga kamay, mariin ngunit hindi marahas, at pinigil iyon sa kama. Yumuko siya, hinalikan ang pisngi ni Maxine. Isang halik na may kasunod na balak, hindi simpleng paghawak.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status