Share

Kabanata 36

Author: Glazed Snow
Nakita ni Crizza si Maxine na papalapit sa kanilang direksyon. Napansin rin ni Shawn at Monica ang pagdating niya kaya napatitig silang lahat sa kanya.

Nagulat naman si Monica nang makita ito at agad na nagtanong, “Maxine? Bakit nandito ka?”

Tiningnan naman ni Crizza si Maxine na may pagkasuklam sa mga mata nito. “Kagabi nakipagkita ka kay Lucas. Aayusin ko 'yan mamaya pero sa ngayon, mas mabuti pang umalis ka na. Naghihintay kami kay Legend M, at wala kaming oras para sa 'yo!”

Napatingin naman si Shawn kay Maxine at bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay. Bagaman nanatili siyang tahimik, halata na hindi niya gusto ang presensya nito ngayon.

Para bang nandito lang si Maxine para maghasik ng gulo at iyon ang pinakaayaw niya sa lahat. Hindi niya gusto na gumawa ito ng gulo. Hindi ngayon na may mahalaga siyang pakay.

Samantala, hindi naman nagalit si Maxine sa kanila. Tiningnan niya lang silang tatlo nang may halong tuwa sa mukha niya, saka nagkunwaring kumindat kay Shawn. Tila gusto
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Paul Michael Nacion
ano ba yan paulit ulit na lang..napupuyat na q sa kakabasa walang magbabago Kay Maxine!
goodnovel comment avatar
Johnzylan Ellos
pangit, bakit kung pupunta sya ng ospital hindi sya sinasalubong ng kanyang contact sa ospital. apaka bobo
goodnovel comment avatar
Janelyn Sahara
grabe nm naka kainip kht naka 200 na ako prang wlng ganap pa ulit ulit nlng ngyyari kAy max pro knibnap nm wla Bago hayss syung oras
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 366

    Muling bumalik ang kumpiyansa ni Monica. Mabilis niyang sinuklian ng mapanghamong tingin si Maxine bago tuluyang pumasok sa fitting room upang subukan ang lace na damit. Ang damit na ipinagpilitan niyang makuha.Ilang minuto lang ang lumipas nang muling magbukas ang kurtina. Lumabas si Monica na tila isang bulaklak na marahang sumisibol sa liwanag, nakasuot na ang damit na kanyang inagaw. Agad naman na nagsabay ang tinig nina Nora at Amanda, puno ng paghanga at tuwa.“Monica, ang ganda mo!”Tunay ngang maganda si Monica at iyon ay hindi maikakaila. Subalit may kapansin-pansing paninigas sa kanyang mukha, tila may hindi siya mahanap na tamang posisyon. Sa loob ng fitting room kanina, pinilit niyang isara ang zipper kahit sumisikip na ang baywang. Kinailangan niya pa nang malalim na paghinga upang maipasok ang katawan sa sukat na minsang swak sa kanya.Ngayon, sinusubukan niyang itago ang kawalan ng ginhawa, umiikot para ipakita ang paldang malambot na kumikilos sa bawat hakbang.“S

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 365

    Gusto ni Monica ang damit na suot ni Maxine, at hinila pa niya si Shawn upang isama sa kagustuhan niya. Hindi pumapayag ang kanyang matinding kompetisyon na siya ang talunin. Sa sandaling ninakaw ni Maxine ang spotlight, awtomatikong naging layunin ni Monica na maagaw iyon. Para sa kanya, ang damit na iyon ay dapat maging kanya.Hindi ito ang unang pagkakataon. Noon pa man, sa hot spring, sinubukan na niyang agawin ang mga damit ni Maxine. Ang ugaling ito ay hindi bago, ngunit ngayong nasa harap ng maraming tao, mas mabigat ang tensyon.Tiningnan ni Shawn si Maxine, walang emosyon sa malamig niyang mukha, para bang walang saysay ang eksena sa harap niya.Sa sandaling iyon naman, marahan ngunit kumpiyansa na inunat ni Franco ang braso niya, saka niyakap ang malambot na baywang ni Maxine. May banayad na ngiti sa kanyang mga labi, ngunit ang intensiyon ay malinaw.“Mr. Velasco, lahat ay may tamang pagkakasunod-sunod. 'Yan ang patakaran, hindi ba?” ani Franco.Bahagyang kumurap ang mg

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 364

    Pakiramdam nina Monica, Amanda, at Nora ay parang sinampal ang kanilang mga mukha. Halos hindi makapaniwala ang kanilang mga mata sa eksenang nangyayari sa harapan nila ngayon.Tiningnan ni Maxine si Shawn, ang kanyang mga mata ay kumikislap nang may halong pilyong talino.“Mr. Shawn, naniwala ka na ba sa 'kin ngayon?”Habang nakakapit sa bisig ni Franco, ang gwapong mukha ni Shawn ay tila nagdilim, para bang may anino na sumisipsip sa paligid. 'This little demon!' singhal niya sa isipan. 'At kahit si Franco Albert ay naakit sa kanya. Talaga namang pambihira ka, Maxine.'“Maxine, dinala kita rito para mamili. May nakita ka bang mga damit na gusto mo?” tanong ni Franco sa mahinahon, ngunit puno ng aliw.Agad namang nagpakita ang sales assistant ng isang lace dress sa kanila.“Ang damit na ito ay perpektong babagay sa beauty mo, madam.”Tumango naman si Maxine bilang tugon at sinabi, “Gusto ko itong suotin.”“Go ahead, po,” sagot ng assistant.Kinuha ni Maxine ang lace dress a

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 363

    Dumating si Franco.Kahit sina Monica at ng iba pa ay nakita na siya kahapon sa fan hall, nang makita nila siya muli ngayon ay agad na nagbago ang kanilang mga ekspresyon. Halos maramdaman ang bigat ng presensya niya sa lugar na ito.Lumapit si Franco kay Maxine at nagsalita.“Maxine, kakaalis ko lang para sagutin ang tawag. Ano'ng nangyayari? May na-miss ba ako na sobrang exciting?” tanong ni Franco.Ngumiti naman si Maxine nang may galang, habang ang pulang mga labi niya sobrang nakakaakit.“Hindi, wala kang na-miss. Sa katunayan, perpekto ang timing mo. Gusto ng lahat dito na makilala ang boyfriend, oo, ikaw.”Binigyan niya si Franco ng isang makahulugang tingin. Sa sandaling iyon, agad naman na naintindihan ni Franco ang gusto niyang iparating. Inabot niya ang braso niya at niyakap ang banayad na balikat ni Maxine.“At sino naman ang mga ito?” tanong niya, bahagyang nagbibiro na may halo ring pagkamausisa.Isa-isa naman na ipinakilala ni Maxine ang lahat.“Ito si Madam Mar

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 362

    Agad namang pinanatili ni Amanda ang kanyang tuwid na postura, at ikinurba ang kanyang nagliliyab na pulang mga labi. “Maxine, huwag kang mainggit. Si Surgery Master ang boyfriend ko. Magpapakasal na kami sa lalong madaling panahon.”Tumango naman si Maxine nang mahinahon. “So, napalago pala ang inyong ari-arian ng sampung beses. Pero paano naman ang perang iyon? Sinabi ba ni Surgery Master kung kailan ninyo talaga ito matatanggap?”Namutla si Marivic sa sinabi ni Maxine, hindi makapaniwala. “Ah…”“Mukhang hindi niya sinabi. Hindi pa dumarating ang pera, kaya siyempre pwede niyang sabihing sampung beses lumaki ang pera, kung ilan man ang gusto niya. At sasabihin ko pa rin na manloloko si Surgery Master. Dapat kayong mag-ingat sa kanya,” dagdag na sabi ni Maxine.Agad namang nagalit si Amanda. Ang kanyang boyfriend ay si Surgery Master. Iyon ang kanyang pinakamahal na taglay, at hindi niya pahihintulutang maninira ang sinuman.“Maxine, naiinggit ka lang sa akin. Naiinggit ka

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 361

    Bahagyang nakakunot ang noo ni Shawn, at sa kabila ng kanyang kagwapuhan, ramdam ang tensyon sa kanyang tinig. “Sino ang nagbigay nito sa ’yo?” tanong niya sa babae.Itinaas ni Maxine ang isang kilay, na may halong aliw sa kanyang mga mata. “Ang boyfriend ko ang nagbigay sa 'kin.”Agad naman na lumamig ang ekspresyon ni Shawn. Naalala niya na nabanggit ni Maxine noon na may boyfriend na siya, at ngayon biglang lumitaw ang taong iyon.'Boyfriend?'“Is it that very rich boyfriend of yours?” tanong ni Shawn sa kanya.“Oo, siya,” sagot ni Maxine nang mahinahon.Napailing si Shawn , hindi maitago ang pagkalito.“Ang hayaan kang magmaneho sa mamahaling kotse at matira sa mamahaling condo at napakalaking galaw ‘yan. Hindi naman ganoon kalaki ang Cavite. Talagang hindi ko maintindihan kung sino ang boyfriend na tinutukoy mo,” saad ni Shawn.Iginalaw naman ni Maxine ang kanyang mga labi, na may bahagyang ngiti. “Mr. Velasco, kung hindi mo matukoy kung sino ang boyfriend ko, proble

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status