Share

Kabanata 39

Author: Glazed Snow
Nagulat nang husto si Divina.

“Shawn!”

Si Maxine na nakatayo sa labas ng pinto ay namangha din. Hindi niya inaasahan na proprotektahan ni Shawn si Monica mula sa latigo.

Doon niya napagtanto na totoo nga—na si Monica talaga ang gusto niya at hayagan na niyang pinapakita iyon.

Tumingin si Shawn sa matanda at matatag na nagsalita, “Lola, tama na, please. Ako ang gustong makasama si Monica at kasalanan ko ang lahat. Huwag mo siyang sasaktan. Kung gusto mong parusahan ang isang tao, ako ang parusah
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (12)
goodnovel comment avatar
Elvi Ributaso
kawawa nman SI maxzine eh
goodnovel comment avatar
thees sissy
wasting time, nakakapagod manuod ng piso piso ads bwesit
goodnovel comment avatar
Paul Michael Nacion
nakakabwisit na magbasa sa totoo lang!
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 551

    Tumingin si Cassandra kay Shawn at bahagyang nagkunot ang noo. Sa kalmadong tinig ngunit may halong pagtataka, nagtanong siya sa anak.“Shawn, bakit mag-isa ka? Nasaan si Monica?”Ang tinutukoy niya ay si Monica.Bago pa man makasagot si Shawn, isang masiglang boses ang biglang pumagitna sa kanila.“Hello po, Tita Cassandra. Narito na po ako.”Masayang tumakbo papalapit si Monica, tila isang paru-parong papalapag sa bulaklak. Alam na niya na darating si Cassandra sa Cavite ngayong araw, kaya sinadya niyang dumating nang mas maaga at pinaghandaan ang bawat detalye.Perpekto ang kanyang anyo. Malinis ang ayos, banayad ang ngiti, at ang kanyang presensya ay namumukadkad na parang pulang rosas. Nang tumayo siya sa tabi ni Shawn, tila ba isang larawang hinulma para sa mga mata ng iba na marangal, elegante, at mukhang isang perpektong magkasintahan.Hindi itinago ni Cassandra ang kasiyahan sa kanyang mga mata habang sinusuri si Monica mula ulo hanggang paa. “Totoo ngang ikaw ay anak

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 550

    Sa kabilang banda, napangiti naman nang bahagya si Franco.“Maxine, ano ba talaga ang nangyari ngayon? Ginawa mo ba 'yon nang sadya para ipakita kay Mr. Velasco?”Dahan-dahang iniangat ni Maxine ang maliit niyang mukha mula sa dibdib ni Franco at tumingin sa kanya.“Brother, wala talagang maitago sa ’yo.”“So, ano ba talaga ang ipinapakita mo at ni Mr. Velasco?”“Si Monica ang anak ng pamilya Aguilar. May kasunduan sa kasal ang pamilya Velasco at Aguilar. Dapat pakasalan ni Shawn si Monica. Bukas, lilipad si Mrs. Velasco papuntang Cavite. Huhulaan ko, darating siya para paglapitin sina Shawn at Monica.”Matatag naman na tumingin si Franco kay Maxine bago siya sumagot.“Kaya sinadya mo bang maging maamo sa akin para sumuko si Shawn?”“Tapos na kami ni Shawn. Hindi na niya kailangang mabahala pa, at ayoko nang makialam pa.”Dahan-dahan namang tumango si Franco bilang pagsang-ayon.“Sana nga ganyan talaga ang nararamdaman mo sa puso mo, Maxine.”“Siyempre, gano'n nga.”Dahan-d

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 549

    Biglang sumikip ang dibdib ni Shawn nang marinig ang pangalan ni Maxine.“Ma…” ani Shawn, ang boses niya ay halos bulong na.Tahimik ngunit malamig ang sagot ni Mrs. Velasco sa kabilang linya. “Shawn, nasabi ko na sa ’yo dati na maaari kong balewalain ang mga babaeng nakapaligid sa ’yo, pero hindi mo dapat hayaang maapektuhan ang puso mo. Ngayon, personal akong tinawagan ni Mr. Aguilar. Sinabi niya na tinatanggihan mo ang pagpapakasal sa anak ng pamilya Aguilar dahil sa Maxine na ito. Totoo ba 'yon?”Tapat nanan na sumagot si Shawn.“Totoo. Si Maxine ang mahal ko. Wala nang iba akong pakakasalan pa.”“Hangal!” matalim na sagot ni Mrs. Velasco “Shawn, sa tingin ko ay tuluyan ka nang nabihah ng Maxine na 'yan. Kailangang tuparin ang kasunduan ng kasal sa pagitan ng mga Velasco at Aguilar. Ngayon na nakabalik na ang anak ng pamilya Aguilar, ihanda mo ang sarili mo at pakasalan mo siya agad.”Napakamot ng noo si Shawn, at sinabi, “Ma…”“Shawn, inayos ko na ang pribadong eroplano.

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 548

    Tiningnan ni Roberto ang determinasyon sa mga mata ni Monica at wala siyang magawa kung hindi makipagkompromiso.“Sige. Kung gusto siya ng anak ko, gusto ko sita. Huwag kang mag-alala, si Shawn ay pakakasalan ka.”“Talaga?” ani Monica, tila biglang nagniningning ang mga mata niya ngunit agad namang sumunod ang pag-aalinlangan. “Pero nakikita ko na ayaw pa ni Shawn pakasalan ako ngayon.”“Ang kasunduan sa kasal ng ating dalawang pamilya ay hindi lang nakasalalay kay Shawn. Hindi papayagan ng pamilya Velasco sa city at organisasyon na pakasalan niya ang iba. Ang posisyon ng pagiging Mrs. Velasco ay sa ’yo,” kalmadong sagot ni Roberto.Mas lalong nagliwanag ang mga mata ni Monica sa tuwa. “Napakaganda niyan! Salamat, Dad!”Agad naaman na sinunggaban ni Nora ang pagkakataon at nagsalita.“Mr. Aguilar, sa tingin ko, talagang gusto ni Mr. Velasco si Maxine. Para masiguro, dapat tayong gumawa ng ilang hakbang.”Nag-isip sandali si Roberto at sinabi, “Tatawagan ko ang ina ni Shawn. Ku

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 547

    Tumingin si Shawn kay Roberto at mariing nagsalita.“Uncle Roberto, uulitin ko. Hindi ko papakasalan ang anak ninyo na si Monica. Ang taong mahal ko ay si Maxine.”Agad na napuno ng sakit at hinanakit ang mukha ni Monica nang marinig 'yon.“Shawn!”Bigla namang hinila ni Shawn si Maxine, tuluyang inaalis ito mula sa pagkakahawak ni Roberto.Bumagsak ang marupok na katawan ni Maxine sa mainit na dibdib ni Shawn. Inakap niya ito sa baywang gamit ang malalakas niyang bisig at marahang nagtanong.“Are you alright?”Bahagyang tumango si Maxine at sinabi, “Ayos lang ako.”“Tara na,” sabi ni Shawn.Tumango si Maxine bilang tugon.“Sige.”Sinubukan niyang maglakad mag-isa, ngunit yumuko si Shawn at agad siyang binuhat, pahiga sa kanyang mga bisig. Bahagyang nanginig si Maxine sa init at tibay ng pagkakakarga.“Yumakap ka sa leeg ko,” utos ni Shawn.Ipinalibot ni Maxine ang kanyang mga braso sa leeg ng lalaki, at walang pag-aalinlangan siyang dinala palayo.Tumingin naman si Jessi

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 546

    Tiningnan ni Roberto si Monica nang may pagmamahal, saka niya iniangat ang tingin kay Maxine. Muli, magkatapat silang nagtagpo ng mata.Katatapos lamang umiyak si Maxine. Ang kanyang malinaw at matatalas na mga mata na tila hinugasan ng luha ay mas nagniningning habang tinitigan siya pabalik. Sa isang iglap, tila napuno ng katahimikan ang paligid, binabalot ng tensyon at kakaibang damdamin.Sa sandaling iyon, nagsalita si Amanda, may bahagyang pang-aasar sa kanyang boses.“Mr. Aguilary, napakaganda ng timing ninyo. Kararating lang ninyo sa tamang oras kung kailan inaapi na naman ni Maxine si Monica.”“Daddy, ayos lang po. Anak ninyo na ako ngayon. Malinaw namang nagseselos at hindi komportable si Maxine, kaya hayaan na lang po natin siyang mang-bully nang kaunti,” ani Monica, tila kunwari ay maunawain.Tumingin naman si Roberto kay Maxine.“Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang galit mo sa anak ko, at ayaw ko ring malaman. Iisa lang ang hinihiling ko sa 'yo. Mula ngayon,

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status