Share

Chapter 3

Sumunod naman kaagad si aling Tirang kay mang Epyong at nang papalapit na sila sa may pintuan ay naririnig nila ang malakas na mga kalabog.

“Si-sinong nandiyan?" Sabi pa ni Aki ng may mapansin siyang mga bakas na papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Kinatok ng kinatok niya ang pintuan at nagbabakasakaling may tumulong sa kaniya na makalabas sa loob ng kwartong iyon.

“May tao ba riyan sa labas? Tulongan ninyo ako… hello… nandito ako sa loob!” Muli pa niyang ani dahil naririnig na niya sa di kalayuan ang mga bakas at tila papalapit ito sa may pintuan.

"Sinong nariyan? Sino kayo? Palabasin niyo ako rito… tulong!”

"Ikaw ba ang nakabangga kay ma'am Cayleigh?" Panigurado naman ni mang Epyong na ngayon ay nasa labas ng kwarto na kinaroroonan ni Aki. Sa likod naman niya ay si aling Tirang na may dalang pagkain.

“Ilabas ninyo ako rito, maawa na kayo… hindi ko naman sinasadya ang lahat ng nangyari. Maawa na kayo.” Pagmamaka-awa ng babae.

" Huminahon ka muna, ma'am…" Ani naman ni aling Tirang na agad naman itong sinapo ni mang Epyong.

“Ano ba Tirang, itigil mo nga ‘yang pagiging soft hearted mo riyan. Baka nakakalimutan mo na siya ang dahilan kung bakit nasa ospital ngayon si ma'am Cayleigh diba?"

“Ma-maawa na kayo sa akin… palabasin niyo na ako rito. Gusto kong makita ‘yong ma'am Cayleigh niyo. Gusto kong humingi ng kapatawaran sa nagawa ko…” Pagmamakaawa muli ni Aki. Gustohin man niyang magwala ay hindi niya ito magawa dahil hanggang ngayon ay mahapdi pa rin ang kaniyang mga galos at masakit rin ang kaniyang katawan gawa na rin ng impact ng banggaan.

" Maawa na kayo sa akin… palabasin niyo na po ako rito… parang awa niyo na…”

" Ano ka ba naman Epyong! Hindi ako sa pagiging soft hearted ‘no. Tsaka ano naman kung siya ang nakabangga kay ma'am Cayleigh? Hindi pa naman tayo sigurado eh. Tsaka nagpapaka-human being lang din naman ako ‘no.” Saad naman ni aling Tirang sa sumapo sa kaniyang si mang Epyong. Sa bagay minsan talaga sa buhay kailangan nating maging sigurado bago humusga. Tsaka totoo naman talaga na minsan talaga hindi tayo soft hearted lang, kundi nagpapaka-human being lang talaga tayo.

" Tira… !"

“Tama na…” Magsasalita pa sana si mang Epyong nang bigla naman siyang pinigilan ni aling Tirang.

" Ako na… baka ano pa ang sabihin mo eh." Ani nito at nagpa-unahan. Si mang Epyong naman ay hindi makagalaw.

“Hello… ma'am…”

" Tulongan niyo po ako ritong makalabas. Maawa na po kayo sa akin… hihingi po ako ng kapatawaran sa ma'am Cayleigh ninyo, pangako, palabasin niyo lang po ako rito.” Muling sambit ni Aki na nasa kabilang panig ng pintuan.

" Eh ma'am kabilin-bilinan po kasi sa amin na ‘wag kayong palabasin rito ma'am eh. Sinabi kasi ni sir Knight sa akin na bigyan ko lang daw po kayo ng pagkain…” Paliwanag naman ni aling Tirang.

“Parang-awa niyo na po… palabasin niyo na po ako rito.”

" Eh talagang hindi po pwede ma'am eh. Ako po kasi ang mananagot kay sir Knight kung palalabasin ko po kayo.”

“Where is that woman na nakabangga sa anak ko!?” Mula sa loob ng kwarto ay naririnig ni Aki ang kakaibang boses na paparating. Boses ng isang babae at tila galit na galit ito.

“Ma'am Trixie…” Napayuko naman kaagad ang dalawang katulong matapos nilang makita na paparating sa kanilang kinaroroonan ang ina ni Cayleigh na si ma'am Trixie.

" Where is that woman!?”

" Nasa loob po ng kwarto na ‘yan, ma’am…"

" Give me the key!”

" O-opo ma'am. Ito na po…" Matapos maabot ni aling Tirang ang susi kay ma'am Trixie ay agad naman niya itong binuksan at doon ay bumungad sa kaniya ang puno ng galos na si Aki. Nagmamakaawa pa ito na palabasin na mula sa kwarto na ‘yon.

“Get up!" Utos ng ina ni Cayleigh na si Trixie at hinila si Aki patayo. Nang makatayo na ay agad na dumapo sa kaniyang pisnge ang malutong na sampal ni ma'am Trixie.

“This is all your fault! Dahil sayo, maaaring maputulan ng dalawang paa si Cayleigh! This is all because of you!"

Hindi na makaganti si Aki sa malutong na pananampal sa kaniya ni ma'am Trixie. Manghihina na rin kasi ang kaniyang katawan dala na rin ng marami niyang mga galos.

" Kung may mangyari mang masama sa anak ko, I swear papatayin kita!” Hindi na rin maipinta ni ma'am Trixie ang kaniyang galit dahil kritikal ngayon ang kalagayan ni Cayleigh. Maaari rin daw siyang maputulan ng dalawang paa at matatagalan pa bago ito magising. Kahit sino naman sigurong magulang ay gano'm ang magiging reaksyon kapag may mangyari mang masama sa kanilang anak.

" Hi-hindi ko po si-sinasadya…" Nauutal na at napaluha na lang si Aki dahil kahit anong gawin niya, hindi pa rin matatabunan ang katotohanang siya ang naging dahilan upang hindi na matuloy pa ang kasal nila Mr. Forteros at sa fiance niyang si Cayleigh. Pinagkatiwalaan pa naman siya ng babae na gumawa ng bridal gown niya sa darating na kasalan ngunit siya rin pala ang magiging dahilan kung bakit malabo na ngayong matuloy ito.

" What else do you want to say, Ms. Aki Salamanca? We trusted you. Sa iyo namin pinaubaya ang bridal gown ng anak ko because we trusted you, but look what you've done!?” Dinuro-duro na ni ma'am Trixie si Aki. Ang babae naman ay nakayuko lang at hindi niya magawang itaas ang kaniyang ulo dahil sa kahihiyan.

“I'm so-sorry ma'am Trixie…”

" You don't deserve even an inch of my respect!” Muling sambit ng ina ni Cayleigh at sinabunutan si Aki. Sa sobrang panghihina dala na rin ng kahihiyan sa kaniyang ginawa ay hindi na lumaban pa si Aki. Hinayaan na lamang niya na sampalin siya at saktan ni ma'am Trixie dahil alam niyang kasalanan niya ang lahat.

“Tama na po, ma'am Trixie…” Umawat naman si aling Tirang at ibinigay kay mang Epyong ang dala niyang pagkain.

" Ma'am… tama na po… ma'am…" Muling sabi ni aling Tirang at pumagitna sa dalawa. Wala na ring ibang magawa si Aki kundi ang umiyak na lang. Si ma'am Trixie naman ay hindi maipinta ang kaniyang galit na para bang handa siyang pumatay ng tao sa kahit na anong oras.

“Argh!" Sa sobrang galit ay halos nanlilisik na ang mga mata ni Trixie. Mabuti na lang at pumagitna si aling Tirang kasi kung hindi baka ay kung ano pa ang mangyari.

“Ano ba! Tirang!"

"Anong nangyayari rito!?” Mabuti na lamang at dumating na rin si Mr. Forteros. Siya man din ay galit na galit, ngunit mabuti na lang at nakakaya pa rin niyang kontrolin ang kaniyang sarili.

"Si-sir Knight…" Napayuko na lang si mang Epyong gano'n din si aling Tirang.

“Argh!" Akma pa sanang susugod si Trixie para sabunutan muli ang nanghihinang katawan ni Aki nang bigla siyang pinigilan ni Mr. Forteros.

“Ma, stop it!" Ani Mr. Forteros at tumigil naman si ma'am Trixie.

Matapos niyang marinig ang pagpigil sa kaniya ni Mr. Forteros ay agad na rin siyang nagpagpag ng kaniyang suot at tinitigan si Aki.

“Hindi pa tayo tapos!" Muli niyang saad at tinuro pa ang nanghihinang babae bago ito lumabas.

Nang makalabas na si Trixie ay agad namang lumapit si Mr. Forteros kay Aki.

“Nasaan ‘yong pagkain?"

“Ito na po, sir Knight…" Sagot naman ni Mang Epyong at ibinigay kay Mr. Forteros ang dala niyang pagkain.

“Aling Tirang…”

" Yes po sir?” Sagot naman niya.

" Kumuha ka ng mga damit na pwedeng magamit nitong si Aki at bilisan mo…”

" O-opo sir.”

" Mang Epyong?”

" Yes po sir?”Sagot naman ni mang Epyong.

" Tawagan mo si Doc Glenn at papuntahin mo rito. Sabihin mo mag dala siy ng first aid materials.”

" O-opo sir…" At dali-dali naman siyang umalis.

Naiwan nalang silang dalawa ni Mr. Forteros at Aki sa loob ng kwarto. Ang dala rin niyang pagkain ay itinabi lang niya at umupo siya sa may kama.

“A-ano po ba ang kailangan mo sa akin, Mr. Forteros?" Tanong ni Aki kay Mr. Forteros.

“For now, I'm not sure kung ano ang gagawin ko sa'yo. But one thing for sure: no one knows that you're here. And no one knows that accident happened."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status