Share

Chapter 1

“Sino ‘yon ha, Russell!? Bagong babae mo na naman ba!?” Tanong ni Aki sa kaniyang nobyo na si Russell. Hindi na maipinta ang kaniyang galit dahil sa patuloy na pangangaliwa ng nobyo nito, ngunit gano'n paman ay hindi pa rin niya ito kayang pakawalan. Anak kasi si Russell ng mayor sa kanilang siyudad dahilan upang isang malaking investment ito para sa kaniyang pasikat na Magic Fashion Boutique.

Magaling na fashion designer si Aki at madalas na nakakakuha ng bigating projects kagaya na lamang ng tinatrabaho niya ngayong bridal gown ng fiance ng Isa sa mga sikat na negosyante at CEO ng F Newspapers and Magazines Company na si Knight Forteros.

“Iyan ka na naman eh, Aki… why you always make everything so complicated, ha? Wala ka bang magawa sa buhay mo?” Sumagot naman si Russell at tumalikod.

" Talaga ba ,ha, Russell? Ako ba talaga ang ginagawang komplikado ang lahat!?" Napahawak sa siya sa kaniyang ulo at mababakas sa kaniyang mga galaw ang galit na namumuo sa kaniyang puso. Gusto man niyang magwala o gumawa ng eskandalo, ngunit wala siyang magagawa kundi ang manatiling kalmado.

" O baka ikaw lang ang hindi ma kuntento, Russell. I did everything to please you. Ginawa ko ang lahat para lang patunayan sayo na mahal na mahal kita, but what did you do? You made me a fool out of everything I did for you. Tapos ngayon sasabihin mo sa akin na ginagawa kong komplikado ang relasyon natin? Wow… ngayon lang yata nalaman na speaking out what you feel s what makes a thing so complicated!”

“Okay look…” Tumalikod ulit si Russell at ngayon ay nakaharap na kay Aki. “I never did everything wrong to you, okay? She's just a friend. We're just friends.”Paliwanag naman niya sa nobya niya ngunit mababakas naman sa mukha nito ang hindi maibsan-ibsang kalungkutan. Siguro kung pwede lang ilabas ni Aki ang lahat ng kaniyang nararamdaman ngayon ay baka pati ang MT. Everest ay malunod na sa kaniyang mga luha.

" Friends ba kamo? Wow… I'm done with it!" Sumagot naman siya at naglakad ng deritso patungo sa may pintuan. Sa kaniyang pagsara ng pinto ay halatang nagagalit at nasasaktan ito dahil sa lakas ng pagkalabog. Sa loob ng bahay ni Russell ay naiwan siya roon sa kaniyang kwarto, habang si Aki naman ay lumabas dahil hindi na niya kinaya ang kawalang hiyaang ginagawa ng kaniyang nobyo sa kaniya.

Nang makalabas si Aki ay agad na siyang nagmaneho ng kaniyang itim na kotse. Hindi na niya alam kung saan siya patungo ngunit ang tanging gusto lang niyang gawin ay maibsan ang sakit na kaniyang nararamdaman. Mabilis ang takbo ng kaniyang kotse at hindi niya alintana kahit gaano man ka traffic ang kalye. Sa ngayon ay hindi na niya iniisip ang kaniyang sarili bagkos ay ang paano niya mapapagaan ang kaniyang hinanakit. Nahinto lamang siya sa pagmamaneho nang biglang tumawag ang kaniyang secretary na si Gwen.

“Hello… ma'am Aki, good noon…” Pabati ng kaniyang secretary habang siya naman ay nakaparada sa gilid ng karsada at masama pa rin ang kaniyang loob dahil sa ginawa sa kaniya ng kaniyang nobyo. Matapos ayosin ang sarili at mapunasan ang kaniyang mga luha ay agad na rin siyang sumagot.

“Oh… G-Gwen, na-napatawag ka?” Ani niya.

" Ma'am Aki, okay lang po ba kayo?” Usisa naman ng kaniyang secretary dahil siguro naramdaman niya ang paghihinagpis ng puso ng kaniyang ma'am Aki.

" May ginawa na naman ba sa inyo si Russell? Nako, ‘wag niya talaga akong subukan baka makalbo ko ‘yong mukong na ‘yon. Tsaka bakit palagi ka niyang sinasaktan eh hindi mo naman deserve ‘yon ‘no. Ang ganda mo kaya tsaka ang bait pa. Che talaga ‘yang Russell na ‘yan palibhasa kasi anak ng mayor eh.

“I'm okay, Gwen, you don't have to worry about me. By the way, bakit ka nga pala napatawag? Is there anything urgent?"

“Yes ma'am… tumawag po kanina ang fiance ni Knight Forteros at ang sabi ay gusto raw niya kayong makausap at gusto rin daw niyang makita ang ipinagawa niyang bridal gown.” Sagot ng kaniyang secretary.

" Gano'n ba, sige at papunta na ako diyan. Ikaw na muna ang bahala sa kaniya baka kasi matagalan pa ako eh…”

" O-opo ma'am Aki. Mag-iingat po kayo ha.” Ani ng kaniyang secretary at ni-hang up na rin ni Aki ang kaniyang cellphone.

Napakamot na lang ng kaniyang ulo si Aki habang nakaparada sa gilid ng karsada dahil hindi niya lubos akalain na mangyayari ang lahat ng ito sa kaniya. She really wasn't in the mood to do anything right now, ngunit kailangan niyang kitain ang kaniyang sikat na customer dahil isa rin ‘yon sa kaniyang mga investment. Katulad ng maraming mga business owner ay ginagawa rin ni Aki ang lahat para lang protektahan ang kaniyang pangalan at ang dignidad ng kaniyang establishment. Handa siyang magsakripisyo kahit na kapalit ay ang kaniyang sarili huwag lang mamantsahan ang kaniyang pangalan. Pangarap kasi niya ang maging isa sa mga sikat na fashion designer sa buong Pilipinas dahilan kung bakit gano'n na lamang niya iniingatan ang kaniyang pangalan.

“F*ck! F*ck! F*ck!” Sigaw pa niya habang iniuntog niya ang kaniyang ulo sa likoran ng upuan ng kaniyang sasakyan.

" Bakit ngayon pa! F*ck!” Sigaw pa niya ulit at muling nagmaneho. Katulad ng kanina ay mabilis din ang takbo ng kaniyang sasakyan at hindi niya alintana ang sino o ano mang nakakasalubong niya. She wanted to calm herself and maybe this is the only way kung paano niya pakalmahin ang kaniyang sarili. Alam kasi niya na she will never do anything good kapag ganito ang kaniyang kalagayan dahilan kung bakit she's so eager to be calm ang relax.

Habang mabilis niyang pinatkbo ang kaniyang sasakyan at hindi alintana ang paligid ay hindi niya napansin na may biglang nag overtake na sasakyan dahilan kung bakit mabunggo niya ito. Sa sobrang lakas ng pagkabunggo ay agad na nawalan ng malay si Aki.

Maraming mga sasakyan at mga tao ang lumapit sa kanila at doon ay nakitang nakandusay na si Aki sa loob ng kaniyang sinasakyan habang ang kaniyang nabangga naman ay isang babae rin at nakahandusay rin ito sa kaniyang sariling sasakyan. Sa sobrang lakas ang banggaan ay halos hindi na maipinta ang harapan ng kanilang kotse.

Bago pa man dumating ang ambulance ay may dumating na dalawang van at armado. Pinaalis nila ang mga tao sa gilid at kinuha nila ang dalawang nakahandusay na babae. Kinuha rin nila ang mga plaka ng sasakyan. Matapos ‘yon ay agad na rin silang umalis at iniwan lamang ang dalawang basag na sasakyan.

Nagising si Aki sa loob ng isang nakakandadong kwarto. Wala siyang ibang makita kundi ang apat lamang na sulok ng kwarto ‘yon. Masyado ring tahimik ang kapaligiran at nang makatayo ay ramdam din niya ang sakit at galos ng kaniyang katawan.

“Na-nasaan ako…”Una niyang nasambit habang patuloy lang na iniinda ang bawat hapdi ng kaniyang mga galos.

“Na-nasaan ako…”

Kinatok niya ang pintuan at nagbabakasakaling may magbukas nito, ngunit ilang minuto pa ang makalipas bago iniluwa nito ang isang well-groamed na lalaki. Pamilyar sa kaniya ang lalaking ‘yon dahilan upang mapa-atras siya.

“M-Mr. Forteros?" Usisa ni Aki sa lalaki ng maliwanag ang mukha nito.

“Tama, Mr. Forteros of the F Newspapers and Magazines Company, nasaan ako? anong ginagawa ko rito?"

Hindi sumagot si Mr. Forteros sa mga tanong ni Aki at mababakas din sa mukha nito ang galit na namumuo sa kaniyang dibdib. Matalim din ang kaniyang mga tingin na para bang kinakain nito ng buo ang babae.

“M-Mr. Forteros, bakit hindi kayo makasagot?" Muling usisa ni Aki at tumakbo palabas ng pintuan ngunit sinapo lamang siya ni Mr. Forteros. Hinawakan ng mahigpit ang kaniyang balikat at itinulak pabalik sa kaniyang pinanggalingan.

“M-Mr. Forteros…?" Hindi makapaniwala si Aki sa ginawa sa kaniya ng isa sa mga sikat na negosyante sa kanilang lugar.

" Wala kang karapatang maging malaya… you don't deserve anything such as freedom and love! You don't deserve even a little bit of humility and care!” Hindi nag-atubiling sinigawan ni Mr. Forteros ang dalaga. Dala narin siguro ng kaniyang galit at pighati.

“Ba-bakit Mr. Forteros? What did I do to you?"

“You stole my happiness, Ms. Aki Rodrigo Salamanca! You took everything away from me!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status