Share

Kabanata 6

last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-04 12:41:27

Colter POV

Sa likod ng malaking pagbabago ko sa katawan, hitsura, at lifestyle, isang bagay ang hindi nagbago—ang pagkakaibigan namin ng bestfriend kong si Damien. Siya ang taong palaging nandiyan, walang filter kung magsalita, pero sigurado kang totoo.

Ngayon, nasa penthouse siya, isang napakalaking unit sa tuktok ng isa sa pinakamamahaling condominium sa lungsod. Parang nasa sarili niyang mundo si Damien—suot ang isang silk robe, may hawak na baso ng mamahaling alak, at nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window na tanaw ang buong skyline ng Garay City.

“Colter, you’re late,” sabi niya nang lumingon sa akin, ang kilay niya ay nakataas.

“Tch. You know I hate being rushed, Damien,” sagot ko habang inaabot ang baso ng whisky na inabot ng butler niya. Umupo ako sa malambot na leather couch at sinimulan ang gabing pagba-bonding namin.

Ganito palagi ang bonding namin—isang tahimik na gabi na may mamahaling alak, magandang pelikula, at walang katapusang asaran.

Habang nanonood kami ng isang classic na pelikula, tahimik lang si Damien sa umpisa, pero hindi magtatagal, magsisimula na siyang magtanong ng kung anu-ano. Ganoon kaming dalawa.

“So, how’s the new you treating you?” tanong niya habang iniikot ang whisky sa baso niya.

“Good. Women notice me now,” sagot ko nang walang pag-aalinlangan. Totoo naman. Dami na nga nagme-message sa akin na mga dating ex-gf ko na makipagbalikan na sa akin. Who you sila ngayon sa akin. Maglaway at magsisi sila sa hindi nila pagseryoso sa akin.

“Notice you?” tumawa siya nang mahina. “You mean they’re practically throwing themselves at you. Admit it.”

Hindi ko na siya sinagot, tumawa lang ako. Alam niyang totoo ang sinasabi niya.

Napunta ang usapan namin sa paparating na high society event—isang charity gala na gaganapin sa isang sikat na luxury hotel sa lungsod.

“It’s a masquerade ball,” sabi ko habang iniinom ang whisky ko. “Every top-tier businessman and socialite will be there. It’s a big deal.”

“You’re attending, of course,” sagot ni Damien na hindi tanong kundi pahayag.

“Yes. I’m one of the main sponsors.”

Tumaas ang kilay niya, parang may naisip na kung anong kalokohan. “You know, Colter, this could be the perfect opportunity for you to test your new charms.”

“Test? What do you mean?”

Umupo si Damien nang diretso habang ang mga mata niya ay puno ng excitement. “Here’s the deal. With your looks and confidence now, you should have no problem finding a woman at that event. But I’m not talking about just any woman. I’m talking about someone who you can take home—and eventually marry.”

Natawa ako. “Marry? Damien, you’re insane.”

“Listen to me,” giit niya. “You’ve spent all these months improving yourself. Why not take it to the next level? I’m saying, find someone at the ball. If you succeed, good for you. If not…” Tumigil siya, kunwari dramatic ang pause. “You pay me one billion pesos.”

Napatingin ako sa kaniya habang nagtataka kung seryoso ba siya. “A billion? That’s absurd.”

“But you’re Colter Alcazan, the trillionaire. A billion is just pocket change for you, right?” Tumawa siya na parang natutuwa sa sarili niyang kalokohan.

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong natawa. Siguro dahil alam kong kaya ko. O baka dahil na-challenge ako. Tumango ako sa kaniya habang hawak ang baso ng alak.

“Fine. Deal.”

**

Kinabukasan, nakaupo ako sa opisina ko, nakatingin sa malaking glass window na tanaw ang city skyline. Tumutunog ang mga telepono, may dumadaan-daan pang mga empleyado, pero wala akong naririnig.

Sa utak ko, paulit-ulit na bumabalik ang usapan namin ni Damien. One billion pesos.

Napailing ako. “Why the hell did I agree to that?”

Pero alam kong hindi na ako puwedeng umatras. Hindi lang dahil sa pera—dahil na rin sa pride ko. Alam kong may mga babae na ngayon na halos maglaway sa akin. Wala nang dahilan para hindi ko kayanin ang challenge ni Damien.

Ngunit sa loob-loob ko, alam kong hindi ito magiging madali. Kailangan kong magplano. Kailangan kong tiyakin na may babae akong maiuuwi mula sa ball.

At kung magiging asawa ko siya? Bahala na. Isa lang ang sigurado—hindi ako mawawalan ng isang bilyon sa simpleng kalokohan na ito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 26

    Satya POVKahit busog na ako mula sa dinner sa restaurant nina Nanay at Tatay, wala akong nagawa kundi umupo sa hapag-kainan para sabayan si Colter. Kitang-kita pa rin sa mukha niya ang pagod at bahagyang galit, pero hindi na kasing tindi ng kanina.“Eat,” sabi niya habang inaabot ang isang plato sa akin. “I don’t want you skipping meals.”Ewan ko ba, parang siya ang tatay ko. Hindi siya galit dahil late ako, galit pala siya kasi akala niya ay nagpapalipas ako ng gutom. Hindi niya alam, busog na ako dahil kakakain ko lang.“Okay,” sagot ko habang pilit na ngumingiti. Kahit gusto kong sabihin na busog pa ako, alam kong hindi niya iyon tatanggapin bilang sagot. Kaya kahit mabigat na ang tiyan ko, kumuha ako ng kaunting pagkain at sinimulan itong kainin.Dahan-dahan na lang ako sa pagkain para hindi ako mabusog lalo.Tahimik kaming dalawa habang kumakain. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan o kung kailangan pa bang magsalita. Pero kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko dahil mas

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 25

    Satya POVMaaga pa naman at hindi pa ako gaanong pagod, kaya naisip kong dumaan sa bagong bahay nina Nanay at Tatay. Ilang na rin mula nang huli kong makita sila, at curious din akong makita ang bahay na para sa kanila.Akala nila ay kaya hindi rin ako umuuwi sa bagong bahay namin ay dahil naka-stay ako sa mansiyon ng pamilya gabaldon pero ang totoo ay sa bahay ni Colter ako umuuwi tuwing gabi.Bumaba ako sa tricycle pagkaabot ko ng bayad kay Manong. Pagdating ko sa harap ng bahay nila nanay at tatay agad kong napansin ang bagong at maayos na nilang bahay. Ang dating maliit na bahay na halos hindi namin mapuno ng gamit ay ngayon puno ng magagarang kagamitan sa bagong bahay na ito. May Malaking fridge, flat screen TV, mga bagong upuan, at dining set na parang galing pa sa mamahaling furniture shop. Parang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.“Wow,” bulong ko habang iniikot ang paningin ko sa sala. Walang tao sa bahay. May susi lang ako kasi inabutan ako ni Terter ng susi ng bahay na

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 24

    Satya POV Pagod man, hindi ko mapigilan ang excitement na maramdaman nang mag-aya si Taylin na kumain sa labas pagkatapos ng trabaho ko. Isang mahabang araw na naman ang natapos sa Pamilyang Gabaldon, at ang simpleng pagkain sa labas ay parang malaking reward na para sa akin. Kasama pa namin ang kaibigan naming si Orin, kaya sigurado akong mas masaya ang gabi. Libre na naman ako ng mga friend kong rich kid. “Libre ko,” sabi ni Taylin habang nilalakad namin ang daan palabas ng Gabaldon mansion. “Kaya order lang kayo ng gusto niyo.” “Sigurado ka?” tanong ko sabay tawa. Kahit ang totoo ay dati namang puro siya ang nanlilibre sa amin. “Baka magalit ang wallet mo.” “Walang problema,” sagot niya sabay wink. “Deserve ko rin namang gumastos paminsan-minsan para sa mga kaibigan ko.” Sumakay kami sa sasakyan ni Orin at habang bumibiyahe, nagkukulitan kami sa mga kuwento mula sa trabaho at buhay-buhay. Nakaupo ako sa likod habang si Taylin at Orin ay nasa harap. Napansin kong parang may pina

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 23

    Satya POVPagmulat ng mga mata ko, masarap sa pakiramdam kasi parang napaka-perfect ng tulog ko. Hindi manlang ata ako naalimpungatan, pero nang maramdaman kong may kakaiba ay doon na ako tuluyang dumilat. Putangina! Ano ‘to—bakit ako nakayakap sa natutulog na si Colter?!Parang tumigil ang mundo ko habang napatingin ako sa mukha niya—banayad ang paghinga, perpekto ang bawat anggulo, at parang gawa ng mga diyos ang mukha niya. Anong ginagawa ko? tanong ko sa sarili ko habang nanlalamig ang buong katawan ko sa gulat. Grabe, ang umbok ng dibdib niya na yakap-yakap ko. Ang matipuno ng katawan niya. Ibig sabihin ay matagal na akong nakaganito sa kaniya?Hindi ko alam kung aalis ba ako sa posisyon ko o hindi. Nakapako ako sa mukha niya. Napakaguwapo naman talaga ng lalaking ito. Ang makapal niyang kilay, ang matangos niyang ilong, at ang natural na linya ng kanyang labi—para bang isang obra maestra na hindi kayang pantayan ng kahit sinong artist. Napaisip tuloy ako kung paano naging posibl

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 22

    Colter POVNang tawagin ko si Satya, nakita kong para siyang estatwa na nakatayo lang sa may harap ko paglapit niya rito sa dining area, parang walang buhay, mukhang pagod na pagod, at halatang galing sa iyak. Ang bigat sa dibdib tingnan ang ganoong kalagayan, pero hindi ko alam kung bakit. Sa unang tingin, halatang may mabigat siyang pinagdaraanan.Napakunot ang noo ko. Bukod ba sa pagiging kasambahay, may iba pa siyang trabaho? Hindi ko maiwasang mag-isip. May mga taong nagkakandarapa sa pera, at minsan, kahit ang katawan ay nagiging puhunan na. Hindi naman siguro ako nakakuha ng asawa na pokpök? Sana ay hindi kasi maaga palang ay paaalisin ko na siya."Hindi naman siguro," bulong ko sa sarili ko. Pero alam mo iyon, kapag ganoon ang itsura ng isang tao, mahirap pigilan ang mag-isip ng masama."Eat," malamig kong sabi sa kaniya habang nakaupo na ako sa dulo. Hindi ko na iniwasang magmukhang brusko. "I don’t want to sleep beside someone who smells bad and feels filthy. So after you e

  • Woke Up Married To The Trillionaire (SPG)   Kabanata 21

    Satya POVPagkatapos ng isang buong araw ng walang katapusang trabaho, halos wala na akong lakas na maglakad palabas ng mansiyon ng pamilyang Gabaldon. Tatlong kuwarto ang pinaglilinis sa akin ngayong araw, at parang binitiwan na rin ng katawan ko ang anumang natitirang energy ko.“Satya, maaga ka na lang umuwi,” sabi ni Tita Linda—ang mayordoma dito sa mansiyon ng pamilyang gabaldon, habang pinupunasan niya ang pawis sa noo ko. “Mukha kang babagsak sa pagod. Kami na ang bahala dito. Wala naman na sila, kaya sige, uwi na at magpahinga ka na.”Gusto ko sanang tumanggi, pero hindi ko na kaya. Ang bigat ng pakiramdam ko, at alam kong kung pipilitin ko pang manatili doon, baka mag-collapse lang ako sa gitna ng sala. Tumango ako bilang pasasalamat bago ako naglakad palabas ng malaking gate ng mansiyon.Habang nasa daan, hinugot ko ang cellphone ko mula sa bag ko at tinawagan si Taylin, ang matalik kong kaibigan.“Hello, Taylin?” tanong ko nang sagutin niya ang tawag.“Satya? Ano’ng nangyar

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status