Share

Chapter 6

Penulis: Opacarophile26
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-30 08:47:50

Mom told me that Ninang Lussie and Jassie will come back here next week. So, ibig sabihin ay kailangan maging maluwag ang schedule ko by that time. And my problem is...hindi ko pa rin alam ang plano sa naging usapan namin ni Darwin. Almost one week na rin nang huli ko silang nakausap pero hindi pa rin tumatawag ang mokong kung ano na ba ang plano ng kaibigan niya. Dahil kung wala ay hahanap na ako ng iba para sa posisyon na iyon.

Sa mga lumipas na raw ay madalas na rin akong hindi sumasama sa mga kaibigan ko. Hindi rin nila alam ang tungkol sa gusto ni mommy na pakikipag date ko kay Jassie. Kilala nila si Jassie, actually, naging crush nga siya nang isa sa mga kaibigan ko. Hindi ko tuloy alam kung ipapaalam ko pa sa kanila na uuwi ito.

Hindi ko alam kung bakit pero nakita ko na lamang ang aking sarili na nagmamaneho patungo sa shop ni Darwin. Siguro para alamin kung nakaalis na siya? Yeah. Iyon nga.

"He's still here?" tanong ko pagbaba ng aking sasakyan. Bukas ang shop ni Darwin kahit walang customer kaya sa tingin ko ay nandito pa siya.

Pumasok ako sa loob ng shop at napalinga sa paligid. Walang tao at walang kahit isang customer. Pero may ilang tools ang nakakalat sa sahig at may mahinang music na nanggagaling sa maliit na speaker na may rainbow color na ilaw, nakapatong sa isang mesa.

"Hoy!"

"Shit!" bulyaw ko dahil sa gulat. Bigla na lamang may nag hoy mula sa may likuran ko. Napapikit ako sa inis dahil sa pagkabigla. Hindi pa man ako lumilingon ay naglalakad na patungo sa aking harapan ang nagmamay-ari ng boses.

Hindi siya gaano maamos ngayon. Hindi rin nakapusod ang mahaba nitong buhok na medyo kulot. Napansin kong may kulay pala iyon sa ilalim na kulay pula. Naka itim ito na top tunk at cargo pants na kulay kaki. Nakatingin ito sa akin ng malamig dahilan para umurong ang inis ko dahil sa pagkakagulat. Naalala ko bigla na hindi nga pala maganda ang huli naming usap.

"Ang daming pwedeng maging buena mano ko, ikaw pa? Ang aga namang malas. Tss." Tila dismayado nitong sabi habang napapailing pa.

Nagsalubong ang aking kilay dahil sa sinabi nito.

"What? I'm not here to be your customer, Miss Minion!"

Nagtagis ang bagang nito at masama akong tinignan. Parang ano mang oras ay susunggaban na ako sa kinatatayuan ko.

"Minion? Pauso ka rin, e, 'no?"

Pigil na pigil ang ngiti ko. "It suits you. Ang liit liit mo pero ang ingay-ingay mo. Tss."

"Alam mo, ke aga-aga pero nandito ka at naghahatid ng malas. Ano ba ang kailangan mo? Kung hindi ka naman magpapagawa, ano'ng kailangan mo?"

Napakayabang talaga ng babaeng 'to! Mukha namang okay na siya dahil nakakapagyabang na ulit.

"Malamang hindi ikaw ang ipinunta ko rito," saad ko. Pinagtaasan ako nito ng kilay at naghalukipkip pa ng kanyang mga braso.

"Ah, talaga ba? Kunwari kapa, e, magpapapansin ka lang naman."

"What? Ha! At kanino ako magpapapansin? Sa 'yo? The hell! Asa!"

"Wow, ha! Kung maka asta ka parang lugi kapa? Huwag ako, oy! Wala ka namang ibang sasadyain dito."

Iba rin talaga ang bilib nito sa sarili niya. Lalo na siguro kung ang ganda niya ay nahihilera sa ganda nina Anne Curtis. Lalo na siguro nagyabang 'to. E, kahit ata paltos sa paa nun hindi pa siya umabot. Tss.

"Woah! You are praising yourself so much. I won't waste my time for you, Minion!"

"Ang aga-aga umi-english kana naman! Pwede ba? Maaga pa! Kaunti lang ang baon ko, uubusin mo pa?"

Nagsalubong ang kilay ko. "What?"

"What?" panggagaya nito, nang-aasar. "Watawat! Puro ka what! Leche Flan ka!" inis na sabi pa nito. "Anong kailangan mo? Kung hindi mo pa alam, bumatsi na si Darwin nang isang araw pa!"

"Buma-what?" naguguluhan kong tanong. Para naman itong nauubusan ng pasensya.

Same here, Minion!

"Anak ka ng kulog! Puro ka what! Bumatsi! Lumipad, lumayas, nag flight na. Ano pa? Ang bobo mo naman kung hindi mo pa na gets!"

"Hey! Watch your words!" Pero ang minion na ito, lalo pang nang-asar. She make face, mocking me.

"Sandali nga, kung umalis na si Darwin, bakit bukas pa rin ang shop niya?" seryosong tanong ko. Naglakad ito na parang isang model palapit sa sofa na nandoon habang nasa bulsa ng kanyang cargo pants ang kanyang dalawang kamay. Pabagsak itong naupo at tinignan ako ng seryoso.

"Alam mo, kapag ikaw ang kausap ko, parang napaka talino ko. Tss. Malamang, nakikita mo naman na nandito ako, 'di ba? Edi, iniwan niya sa akin. Susginoo ka!"

More patience, please... Calm down self.

"Ipinagkatiwala niya sa 'yo ang shop niya?"

"Aba! Anong palagay mo sa 'kin? Kawatan? Sira ulo ka ba? Matagal na kaming magkaibigan ni Darwin at madalas niya iwan sa akin ang lahat ng pag-aari niya." Naupo ito ng maayos at nagsimulang pusudin ang kaniyang buhok habang nakatitig sa 'kin. Agad akong umiwas ng tingin dahil sa pagkailang.

Kung gaano kami kadumi mag-usap ng mga kaibigan ko minsan, mas malala pa pala ang isang 'to. Literal na dirty talk ang tabas ng dila. Tss.

"Ganoon naman pala. Bakit kapa niya inihabilin sa akin?" Natigilan siya sa ginagawa na sakto namang tapos na ata. Medyo pinaningkitan niya ako ng kanyang singkit na mga mata.

"Inihahabilin ako ni Darwin sa 'yo? Ano ako, bata?"

"Sa trabaho, minion. Dahil kailangan mo raw ng trabaho habang wala siya kaya inihahabilin ka muna niya sa akin." Naglakad ako palapit sa gawi niya at naupo sa silya na katapat lamang niya.

"Inalok ba kitang maupo?" seryosong tanong nito kaya agad akong tumayo ulit. "Maupo kana. Baka sabihin mo naman ang sama ng ugali ko."

Naupo ako ulit. "Hindi pa ba ng lagay na 'yan?"

Pinagtaasan ako nito ng kilay kaya inilinga ko agad ang aking paningin sa paligid ng shop. Baka hindi na ako makalabas ng buhay dahil sa talim ng kanyang tingin.

"Tigilan mo katatawag sa akin ng minion dahil baka 'di kita matantya! Saka, kaya ko naman mag-isa rito sa shop niya."

"You're still a woman. You wouldn't know what other men would do to you when you are all alone here."

"Kaya ko ang sarili ko. Hindi ako kagaya ng ibang babae na puro paganda lang ang alam at puro pa cute. Huwag mo akong igaya sa kanila," seryosong saad nito.

Sa nakikita ko nga ay kakaiba naman talaga ang personality niya sa ibang babae. Hindi ko naman minamaliit ang kaya niyang gawin pero hindi rin niya pwedeng maliitin ang kayang gawin ng mga lalaking may masamang balak.

Wait... Why do I care anyway? Tss. Siguro dahil kay Darwin, sa pakiusap nito. Tama.

"Wala naman akong sinabi na hindi mo kaya ang sarili mo. Ang akin lang, hindi mo rin alam kung ano ang kayang gawin ng mga lalaki. Lalo na kung may masamang plano hindi lang sa 'yo kundi pati na rin sa shop ni Darwin."

"Sus! So, ang concern mo talaga ay ang shop ni Darwin hindi ako? Dami mo pang sinasabi!"

"Huh? Syempre sa 'yo rin-"

"Bakit ka concern sa 'kin? Aber?"

"Dahil nga ibinilin ka sa akin ni Darwin," sagot ko.

"Trabaho ko ang concern niya kaya niya ako binilin sa 'yo pero hindi niya ako pinababantayan sa 'yo."

Hindi ako makapagsalita. Oo nga pala. Tss. Sinabi ko bang babantayan ko siya? Parang hindi naman? Hindi nga ba?

Tumayo ako at kinuha ang calling card ko at inilapag sa mesa na nasa pagitan namin. Tinignan niya ito bago tumingala sa akin.

"Kung magbabago ang isip mo, just call me. Mahirap magtrabaho ng mag-isa lalo na kung inaabot ng gabi. Baka ako pa ang masisi ni Darwin kapag may nangyari sa 'yo."

I didn't wait for her answer and left that shop. When I got into my car, I felt as if I had been holding my breath for a while.

"Saan ba galing mga pinagsasabi ko? Ano namang pake ko kung mapahamak ang mayabang na 'yon? Tss."

Pero kapag minamalas ka nga naman...

"Shit! Bakit ayaw mag start? Bakit ngayon pa?"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Womanizer Series 2: Crius Irvin Holt   Chapter 24

    While cooking something for breakfast, narinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa guest room kaya nilingon ko ito. Lumabas ang humihikab na si Kael habang sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri."Good morning, Minion." Bati ko rito kaya agad niyang tinakpan ang kanyang bibig. Natawa naman ako."B-bossing... Gising ka na pala. G-good morning din." Nahihiya nitong bati pabalik."Bakit ang aga mo? Wala namang tayong pasok ngayon ah?" Tanong ko pa habang tinatapos ang aking niluluto."Nasa ibang bahay kasi ako kaya ganun. T-teka... M-may kalokohan ba akong ginawa kagabi? May n-nasabi ba ako?""Huh? Bakit? Meron ka bang hindi dapat masabi?" Tanong ko pabalik."Ha? Wala naman. T-teka nga, bossing! Tanong ko, tanong mo rin?" Naupo ito sa high stool at nilapagan ko naman sya ng timpla ng kape. Natawa pa ako sa kanyang reaksyon na para bang krimen na yung ginawa ko."Relax. Okay. Wala kang ginawang weird o nasabing kahit ano. Humaharok ka lang.""A-ako? Humaharok? Oy, bossing, 'wa

  • Womanizer Series 2: Crius Irvin Holt   Chapter 23

    "Oh? Kayo na naman?" bungad sa amin ni Cassian pagkarating namin sa kanyang bar."Bakit parang ayaw mong nandito kami?" tanong ko rito. Napatingin ito sa kasama ko na panay ang linga sa paligid."Good luck naman sayo mamaya. Mukhang magiging caregiver ka na naman. Sabagay, mukhang bet na bet mo naman ang sideline mo na 'yon.""Sira ulo! Kailangan ko rin ng kausap.""Bakit hindi mo kausapin 'yang kasama mo?" Inginuso pa nito si Kael sa tabi. Ramdam ko ang kapit nito sa laylayan ng damit ko.Tsk. Ano kami, mag-ama?"Mahirap kausap ang isang 'to. Tsaka damay sya e."Nagsalubong ang kilay ni Cassian dahil sa narinig. "Damay? Mukhang seryoso 'yan ah? Maupo na kayo at kukuha na ako ng alak.""Sige."Humarap ito kay Kael at tinignan ang kamay na nakakapit sa laylayan ng aking damit. Tinignan din naman iyon ni Kael. "S-sorry, bossing. Baka kasi mawala ako e." Saad nito bago dahan-dahang bumitaw sa damit ko."Kahit mawala ka rito may magsasauli naman sayo. Alam nung owner nitong bar kung saan

  • Womanizer Series 2: Crius Irvin Holt   Chapter 22

    Pagkatapos namin mag-usap ni Jassie ay lumabas ako para hanapin si Kael. Nakita ko itong naggagawa ng isang sasakyan kaya naupo muna ako kung saan malaya ko siyang mapapanood ng hindi siya naaabala at nilalapitan. Napabuntong hininga ako nang maalala na naman ang naging usapan namin ni Jassie. Iyon ang unang beses na nagalit ako sa dalaga dahil sa pang-iinsulto at panghahamak nito kay Kael.Nawala ako sa sarili at natulala dahil sa pag-iisip kaya hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na si Kael na nagbaba ng isang tasa ng kape."M-minion... K-kanina ka pa ba riyan?""Kahapon pa."Napabuntong hininga ako dahil sa naging sagot nito. Naupo ito sa isang upuan na mataas na parang lalaki."Hindi mo manlang naramdaman o narinig ang paglapit ko?" Umiling ako. "Ay grabe namang pagkamanhid mo, bossing! Magigripuhan ka na ata hindi mo pa rin alam. May sakit ka ba?" Tanong pa nito. "W-wala."Nagsalubong ang kilay nito. "E bakit para kang lutang?""H-ha? H-hindi. Wala lang 'to."Pinaningkitan

  • Womanizer Series 2: Crius Irvin Holt   Chapter 21

    Kinabukasan ay dumiretso muna ako sa office para tapusin ang trabaho ko bago pumunta sa garahe nung tanghali. Naabutan ko ang mga ito na nagkwekwentuhan habang nakaupo si Kael sa hood ng isang kotse na naroon, nakikipag tawanan sa mga katrabaho katabi si Jayson kaya awtomatikong nagsalubong ang aking kilay. “Bossing!” nakangiting bati sa akin ni Kael kaya naman nilingon ako ng mga nandoon. “Wala ba kayong trabaho na gagawin?”“Kalma, bossing. Kakakain lang namin. Baka lumuwa naman ang bituka namin nyan?” Sagot naman ni Kael kaya natawa ang mga tauhan na nandoon. “Ah, ganun ba? O-okay.”“Ikaw, bossing? Kumain ka na ba?”Natigilan ako at napatingin sa mga nandoon na pinapanood na kami. Bumalik ang tingin ko kay Kael. “H-hindi pa. Nakalimutan ko.”Nagsalubong ang kilay nito na nakatingin sa 'kin. “Nakalimutan? Ayos ah? Hindi ba pinaalala ng gutom mo na kailangan mo palang kumain?”“Tss. Okay lang, hindi naman ako gutom.” Sagot ko na lamang at nilampasan ito para dumiretso sa aking o

  • Womanizer Series 2: Crius Irvin Holt   Chapter 20

    Kinabukasan ay maaga akong nagising para magluto ng almusal. Habang nagluluto ay nagkakape na rin. Hindi ko na muna kinatok si Kael sa kwarto habang hindi pa ako nakakaluto. Pero mayamaya lamang ay nakita ko na itong lumabas ng kuwarto habang palinga-linga sa paligid suot ang iniwan kong pamalit na damit at sweat pants kagabi. “Good morning!”“Ay kabayo!” gulat nitong naibulyaw sabay tingin sa akin. Napahawak pa ito sa kanyang dibdib dahil sa gulat. Natawa ako. “Sorry.”“Bossing, bahay mo 'to?“Yeah.”“Hala! Ang ganda! Teka. Bakit nga pala ako nandito?” Naglakad ito papalapit sa akin sa may kusina. “You were drunk last night. Hindi kita matanong kung saan kita ihahatid kaya... dito na lamang kita dineretso.”“E saan ka natulog? Huwag mong sabihing tumabi ka sa akin? Papupulis kita!”“What? Of course not! Syempre nandoon ako sa kwarto ko.”“Ah... Magaling na 'yung malinaw.”“Hindi ba masakit ang ulo mo?” tanong ko habang pinagtitimpla ko siya ng kape. Kinapa naman nito ang kanyang

  • Womanizer Series 2: Crius Irvin Holt   Chapter 19

    "You mean, mala aso't pusa kayo nyan noon?" tanong ni Gavriel na tinanguan ko naman. "At ang lakas ng loob mong insultuhin na mukhang taong grasa pero patay na patay ka naman ngayon?" Mapang-asar na sabi naman ni Kurt kaya sinamaan ko ito ng tingin. "Tss. Kahit naman kayo ang nakakita sa kanya noon yun din ang masasabi nyo.""Hindi rin!" Asik naman ni Rio. "Sa ganda nyang 'yan, kahit dungisan mo pa maganda pa rin.""Tigilan mo pagpapantasya mo sa kanya, Rio, ha!" Banta ko. "Ulol! Sinabi lang maganda pantasya agad?""Bakit? Hindi ba?" Tanong naman ni Gav sa kanya. "Syempre... N-nung una. Noong hindi ko pa alam na sya pala ang kinababaliwan ng lover boy natin na 'to.""Paano pala kung hindi itong si Crius ang naging kaagaw mo?" Tanong naman sa kanya ni Cassian. "Ibang usapan na 'yon. Aagawin ko talaga sya!"Napataas ang kilay ko. Nakangisi naman akong tinignan nina Cassian, Kurt at Gav. "Mukhang ikaw 'tong patay na patay ah?" tanong ko. "Tss. Hindi naman. Type ko lang talaga sya.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status