LOGINDahil naiinip na ako sa kahihintay sa dalawa ay umalis na lamang ako. Maaga pa naman kaya napagpasyahan kong pumunta sa bar ni Cassian. At kung minamalas ka nga naman ay nandoon din pala ang dalawang mokong na si Rio at Gav.
"Hey, lover boy! Long time no see!" agad na bati sa akin ni Gav. Nakipag fist bumped ako sa mga ito nang makalapit na ako. "Oo nga. Ano ang pinagkakaabalahan mo at hindi kana nakikipag date sa amin, ha?" Napalingon ako kay Rio dahil sa narinig. "Date your ass!" Tinawanan lang ako ng mokong. Natigilan si Cassian na sana ay dadaanan lamang ang table namin nang makita ako. "Hello my friend!" bati ni Rio rito. "Sabi ni Kurt!" dugtong pa nito sabay ngisi. Napailing na lamang si Cassian at nilingon muli ako. "Problem?" he asked. "Nothing..." "Then, what bad air brought you here?" he asked again then looked into his metal wrist watch. "It's too early, dude." "Bakit kami ni Gav hindi mo tinatanong ng ganiyan? Favoritism na ba tayo rito?" naghihimutok na saad ni Rio. "Oo nga. Parang hindi friend!" agad naman na second the motion nitong si Gav. Ayaw talagang patalo. Tss. "Sanay na ako sa inyong dalawa. Gawin niyo ba namang rest house 'tong bar ko pagkakatapos niyo sa trabaho niyo!" said Cassian. "Grabe siya!" ani Rio. "Where's Kurt?" tanong ko na lamang. Naupo naman sa tapat ko si Cassian. "Wala pa akong balita." Sagot niya kaya sa dalawang itlog ako tumingin. "Ayon! Dinadama pa rin ang pagiging heart broken kahit hindi naman naging sila." Si Gav ang sumagot bago uminom sa bote ng beer na hawak nito. "Pwede pala 'yon?" tanong ni Rio kay Gav. "Ang alin?" "Ang ma broken hearted kahit hindi naging sila? Parang tanga naman ang ganoon?" "For someone who becomes that attached, even if they aren't in a relationship, it's a reasonable emotion. You wouldn't understand," I explained. Napakurap-kurap ang dalawa habang nakatitig sa akin. Natawa naman si Cassian dahil sa itsura nang dalawa. "Alam mo, kapag ikaw ang nagsasalita sa atin, parang napakasama naming tao ni Gav. Grabe kana sa amin. Para kang si Kurt. Insecure siguro kayong dalawa sa amin, 'no?" Parang may sama ng loob ang unang pananalita nitong si Rio pero biglang naging mayabang. Hindi na talaga maiiwasan. "At saan namang parte kami mai-insecure sa 'yo?" "Sa..." napaisip ang mokong. Matagal. "Tss." Nasabi ko na lamang dahil wala siyang maisip. "Mahirap mag-isip kung wala kang isip. Huwag mo na pahirapan ang sarili mo, dude." Tinapik-tapik ni Gav ang balikat ni Rio. Sinamaan naman siya nito ng tingin. Umorder na lamang si Cassian ng alak para sa aming apat at nag tuloy kami sa pag-uusap. Naaawa ako kay Kurt dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya na babalik ang secretary niya. Tinulungan naman namin siya pero sadya talaga sigurong kapag ayaw magpakita ay hindi mo talaga mahahanap. First time ma in-love nang kaibigan naming iyon tapos sa maling tao pa. Siya ang kauna-unahang nag seryoso sa amin sa isang babae. Pero parang mas gusto kong makita na ma in-love ang dalawang ito sa harapan ko tapos ay iiwan din. Tatawanan ko talaga sila. Madalang na kaming makumpleto. Bukod sa busy sa aming mga trabaho, may isang parang naiwala ang sarili ng dahil sa babae. Tss. I refuse to allow myself to suffer that fate due to a woman. I don't give a damn if you don't like me. Go find a man who is capable of loving you as much as I do. Hindi kita kailangan pilitin. At hindi kita hahabulin. DAYS have passed since the day I talked to Darwin. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita sa dalawa kung nakumbinsi ba ni Darwin ang mayabang na babaeng iyon. Who cares anyway? Tss. Sino ba ang magugutom dahil walang trabaho? Ang arte! "Sir, gusto ka raw po makausap ng mommy niyo." Ito ang bungad ng secretary ko sa akin pagpasok na pagpasok ko pa lamang sa company building. "Kailan daw ba?" "Ngayon po. Nasa office niyo na po." Natigilan ako sa paglalakad at nilingon ang lalaki. "Kanina pa?" tanong ko. "Mga 30 minutes na po siguro." Napabuntong hininga na lamang ako at tumuloy na patungong elevator. Hindi sa bahay natulog si mommy dahil kasama niya ang ilan naming kamag-anak sa isang party. Nakakapagtaka rin na sinadya pa niya ako rito para lamang makausap kung pwede naman sa bahay na lang mamaya. "Mom..." agaw pansin ko rito pagkapasok ko sa aking office. Agad itong ngumiti. Nilapitan ko ito at h******n sa noo. "What brought you here?" tanong ko pa. "I just want to talk to you, hijo. Are you busy?" she asked. Naupo naman ako sa swivel chair ko habang nasa sofa naman si Mommy. "Not that busy, mom. Is it really important? I mean, is that an important matter you want to talk to? Hindi po ba makapaghintay na sa bahay na lang pag-usapan?" "I'm just this excited to tell you something, that's why I went here early today." Nagtataka na ako sa maganda nitong ngiti. Sorry to say this mom but, her smile gives a creepy vibes. Iyon bang tulad sa mga movies kapag may balak na masama? Ganoon. Napaupo ako nang maayos sa aking kinauupuan. Lumipat naman si Mommy sa may upuan sa harapan mismo ng table ko nang nakangiti. Kinabahan na ako. "Uhm... M-Mom... What do you want?" "Relax, hijo." "How can I relax with your creepy smile, Mom?" "What? Creepy? Am I creepy?" Hinawakan nito ang kanyang pisngi. "No. Forget it. Let's proceed with your concern. So, ano po ba 'yon?" Nagpalumbaba ito sa aking mesa at ngumiti na naman. "Do you remember your ninang? Ninang Lussi?" She's referring to my godmother and also her best friend. I've never seen her after college because they migrated to Canada. She's my closest ninang. "Yeah. But what about her?" "Uuwi siya, hijo. And, kasama niya ang kanyang anak. Remember Jassie? Her unica hija? She's your age or a year younger than you, right?" Bakit parang alam ko na kung saan patungo ang usapan na 'to? "She's... two years younger, mom. Yeah, I remember her." We weren't exactly best friends, but we got along just fine. We talked politely to one another. She used to be polite to me, therefore I never treated her badly. "Did I sense it correctly?" I enquired. "I bet you want me to go out with her?" She grinned broadly. Oh come on! "You got it right, hijo! You are so smart like me!" tumatawang sabi nito. Tumayo ako humarap sa glass wall sa likod ko. Nagbuntong hininga ako bago muli humarap sa aking ina. "Mom... Alam niyo naman na ayoko sa mga reto na ganiyan, 'di ba? Akala ko po ba pumayag kayo na hindi niyo ako irereto kahit kanino?" "Yeah, I know. Pero kasi wala kapa ring girlfriend o dine-date manlang, hijo. Ano bang plano niyo magkakaibigan? Patagalan maikasal? My gosh! You guys are not getting any younger!" Kung alam mo lang, Mom. Busy sa ibang bagay ang mga kaibigan ko. Sa babae pa rin naman pero hindi para makipag-date. Tss. "Mom, I'm just 25. Hindi naman po ako nagmamadali—" "Pero matanda na ako, Crius. I want a baby boy from you. Pwede rin naman baby girl—" "Mom!" bulyaw ko. Nagulat naman ito. "What? Sinisigawan mo 'ko?" Nakataas na kilay na tanong nito. Napaupo ako pabalik sa swivel chair ko. "H-Hindi po. Pero, mom. Bakit nasa anak kana agad? Wala nga akong girlfriend, 'di ba?" "Exactly! Kaya nga ide-date mo ang anak ng ninang mo. Getting to know each other more. Matagal na rin naman nang huli kayong nagkita. I want you to date a fine and classy woman, like Jassie." Minsan na nga lang mag request 'tong nanay ko 'yong hindi ko pa magugustuhan na gawin. Ayoko talaga sa mga reto. Ayoko talaga 'yong pinagkakasundo lang. "Please, hijo? Just give it a try. Kapag hindi talaga nag work, fine. Hindi ko siya ipipilit. Pero gusto ko kung hindi man kayo mag work ni Jassie ay maghahanap ka ng babae na kasing classy niya. 'Yong mayumi kumilos, dalagang-dalaga." "Bakit may requirements, mom?" nababagot kong tanong. "Hindi ba pwedeng kung sino ang nakakapagpasaya sa akin regardless of her looks and status in life?" I commented. "I want a woman with words. A woman who can stay no matter how hard life is to be with me. A woman like you, mom. May paninindigan. A woman who, despite seeing the worst of me, will decide to stay." My mom was somewhat taken aback. She proudly gazed at me. Later, she began to cry, but her lips curled into a tiny smile. I went over to stand by her side and gently dabbed at her tears. "But I'll try dating Jassie for you. However, I pledge never to guarantee that it will work. As your son, I only want to fulfill your first request for me." Tumango-tango lamang ito bilang sagot bago ako niyakap sa aking bewang. Nakatayo ako sa kanyang harapan habang nakaupo pa rin siya. Hinaplos ko ang kaniyang buhok bago ito dampian ng magaan na halik sa tuktok ng kanyang ulo. I love you, mom... I only have you.While cooking something for breakfast, narinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa guest room kaya nilingon ko ito. Lumabas ang humihikab na si Kael habang sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri."Good morning, Minion." Bati ko rito kaya agad niyang tinakpan ang kanyang bibig. Natawa naman ako."B-bossing... Gising ka na pala. G-good morning din." Nahihiya nitong bati pabalik."Bakit ang aga mo? Wala namang tayong pasok ngayon ah?" Tanong ko pa habang tinatapos ang aking niluluto."Nasa ibang bahay kasi ako kaya ganun. T-teka... M-may kalokohan ba akong ginawa kagabi? May n-nasabi ba ako?""Huh? Bakit? Meron ka bang hindi dapat masabi?" Tanong ko pabalik."Ha? Wala naman. T-teka nga, bossing! Tanong ko, tanong mo rin?" Naupo ito sa high stool at nilapagan ko naman sya ng timpla ng kape. Natawa pa ako sa kanyang reaksyon na para bang krimen na yung ginawa ko."Relax. Okay. Wala kang ginawang weird o nasabing kahit ano. Humaharok ka lang.""A-ako? Humaharok? Oy, bossing, 'wa
"Oh? Kayo na naman?" bungad sa amin ni Cassian pagkarating namin sa kanyang bar."Bakit parang ayaw mong nandito kami?" tanong ko rito. Napatingin ito sa kasama ko na panay ang linga sa paligid."Good luck naman sayo mamaya. Mukhang magiging caregiver ka na naman. Sabagay, mukhang bet na bet mo naman ang sideline mo na 'yon.""Sira ulo! Kailangan ko rin ng kausap.""Bakit hindi mo kausapin 'yang kasama mo?" Inginuso pa nito si Kael sa tabi. Ramdam ko ang kapit nito sa laylayan ng damit ko.Tsk. Ano kami, mag-ama?"Mahirap kausap ang isang 'to. Tsaka damay sya e."Nagsalubong ang kilay ni Cassian dahil sa narinig. "Damay? Mukhang seryoso 'yan ah? Maupo na kayo at kukuha na ako ng alak.""Sige."Humarap ito kay Kael at tinignan ang kamay na nakakapit sa laylayan ng aking damit. Tinignan din naman iyon ni Kael. "S-sorry, bossing. Baka kasi mawala ako e." Saad nito bago dahan-dahang bumitaw sa damit ko."Kahit mawala ka rito may magsasauli naman sayo. Alam nung owner nitong bar kung saan
Pagkatapos namin mag-usap ni Jassie ay lumabas ako para hanapin si Kael. Nakita ko itong naggagawa ng isang sasakyan kaya naupo muna ako kung saan malaya ko siyang mapapanood ng hindi siya naaabala at nilalapitan. Napabuntong hininga ako nang maalala na naman ang naging usapan namin ni Jassie. Iyon ang unang beses na nagalit ako sa dalaga dahil sa pang-iinsulto at panghahamak nito kay Kael.Nawala ako sa sarili at natulala dahil sa pag-iisip kaya hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na si Kael na nagbaba ng isang tasa ng kape."M-minion... K-kanina ka pa ba riyan?""Kahapon pa."Napabuntong hininga ako dahil sa naging sagot nito. Naupo ito sa isang upuan na mataas na parang lalaki."Hindi mo manlang naramdaman o narinig ang paglapit ko?" Umiling ako. "Ay grabe namang pagkamanhid mo, bossing! Magigripuhan ka na ata hindi mo pa rin alam. May sakit ka ba?" Tanong pa nito. "W-wala."Nagsalubong ang kilay nito. "E bakit para kang lutang?""H-ha? H-hindi. Wala lang 'to."Pinaningkitan
Kinabukasan ay dumiretso muna ako sa office para tapusin ang trabaho ko bago pumunta sa garahe nung tanghali. Naabutan ko ang mga ito na nagkwekwentuhan habang nakaupo si Kael sa hood ng isang kotse na naroon, nakikipag tawanan sa mga katrabaho katabi si Jayson kaya awtomatikong nagsalubong ang aking kilay. “Bossing!” nakangiting bati sa akin ni Kael kaya naman nilingon ako ng mga nandoon. “Wala ba kayong trabaho na gagawin?”“Kalma, bossing. Kakakain lang namin. Baka lumuwa naman ang bituka namin nyan?” Sagot naman ni Kael kaya natawa ang mga tauhan na nandoon. “Ah, ganun ba? O-okay.”“Ikaw, bossing? Kumain ka na ba?”Natigilan ako at napatingin sa mga nandoon na pinapanood na kami. Bumalik ang tingin ko kay Kael. “H-hindi pa. Nakalimutan ko.”Nagsalubong ang kilay nito na nakatingin sa 'kin. “Nakalimutan? Ayos ah? Hindi ba pinaalala ng gutom mo na kailangan mo palang kumain?”“Tss. Okay lang, hindi naman ako gutom.” Sagot ko na lamang at nilampasan ito para dumiretso sa aking o
Kinabukasan ay maaga akong nagising para magluto ng almusal. Habang nagluluto ay nagkakape na rin. Hindi ko na muna kinatok si Kael sa kwarto habang hindi pa ako nakakaluto. Pero mayamaya lamang ay nakita ko na itong lumabas ng kuwarto habang palinga-linga sa paligid suot ang iniwan kong pamalit na damit at sweat pants kagabi. “Good morning!”“Ay kabayo!” gulat nitong naibulyaw sabay tingin sa akin. Napahawak pa ito sa kanyang dibdib dahil sa gulat. Natawa ako. “Sorry.”“Bossing, bahay mo 'to?“Yeah.”“Hala! Ang ganda! Teka. Bakit nga pala ako nandito?” Naglakad ito papalapit sa akin sa may kusina. “You were drunk last night. Hindi kita matanong kung saan kita ihahatid kaya... dito na lamang kita dineretso.”“E saan ka natulog? Huwag mong sabihing tumabi ka sa akin? Papupulis kita!”“What? Of course not! Syempre nandoon ako sa kwarto ko.”“Ah... Magaling na 'yung malinaw.”“Hindi ba masakit ang ulo mo?” tanong ko habang pinagtitimpla ko siya ng kape. Kinapa naman nito ang kanyang
"You mean, mala aso't pusa kayo nyan noon?" tanong ni Gavriel na tinanguan ko naman. "At ang lakas ng loob mong insultuhin na mukhang taong grasa pero patay na patay ka naman ngayon?" Mapang-asar na sabi naman ni Kurt kaya sinamaan ko ito ng tingin. "Tss. Kahit naman kayo ang nakakita sa kanya noon yun din ang masasabi nyo.""Hindi rin!" Asik naman ni Rio. "Sa ganda nyang 'yan, kahit dungisan mo pa maganda pa rin.""Tigilan mo pagpapantasya mo sa kanya, Rio, ha!" Banta ko. "Ulol! Sinabi lang maganda pantasya agad?""Bakit? Hindi ba?" Tanong naman ni Gav sa kanya. "Syempre... N-nung una. Noong hindi ko pa alam na sya pala ang kinababaliwan ng lover boy natin na 'to.""Paano pala kung hindi itong si Crius ang naging kaagaw mo?" Tanong naman sa kanya ni Cassian. "Ibang usapan na 'yon. Aagawin ko talaga sya!"Napataas ang kilay ko. Nakangisi naman akong tinignan nina Cassian, Kurt at Gav. "Mukhang ikaw 'tong patay na patay ah?" tanong ko. "Tss. Hindi naman. Type ko lang talaga sya.







