"Ma'am! Saan po kayo nagpunta?!" alalang bungad ni Manang Miverva sa akin. Mas lalo akong yumuko lalo na noong tingnan ako nang masama ni Sir Ralph.
"Who the hell told you to go out and meet someone?!" Dumagundong ang sigaw ni Sir Ralph sa buong townhouse.
Halos manginig ako sa takot. Kagat-kagat ko ang labi para pigilang tumakas ang luha at hikbing kanina pa nagbabadyang lumabas.
"Answer me!" Napaigtad ako sa gulat nang mariing hinawakan ni Sir Ralph ang aking baba at iniangat para magtama ang aming mga tingin.
His brown eyes pierced through my soul. Matalim niya akong tinitigan. Napalunok ako.
"S-Sir… k-kaibigan ko po si Quin. P-Pasensya na po… gusto ko lang pong ipaalam sa kanyang o-okay lang ako. H-Hindi na po mauulit. S-Sorry po…" mangiyak-ngiyak kong sabi.
"You always say sorry!"
Doon na tuluyang tumulo ang aking mga luha. Bahagya namang na-alarma si Sir Ralph at agad na binitiwan ako. Nag-iwas ng tingin ang lalaki.
"S-Sorry po, s-sir. Wag niyo po ako t-tanggalin, please…" humihikbing pakiusap ko.
"Kaibigan mo iyon?" malamig na tanong nito.
Mahinang tumango ako kahit na hindi niya ako nakikita.
"O-Opo."
"Fine. This is your last warning, Riley. Ayoko ng mga hindi sumusunod. Everything you do and decide, inform me first. Remember, pinapasweldo kita at dadalhin mo sa sinapupunan mo ang tagapagmana ko. Don't push me to my limits."
Halos kilabutan ako sa lamig ng boses nito.
"O-Opo..."
Hindi na niya ako pinansin at umalis na.
"Minerva, bihisan mo iyan at pakainin ng tanghalian. Aalis kami mamaya." Rinig ko pang sabi nito bago tuluyang mawala sa paningin ko.
Doon lang ako nakahinga nang maluwag at napaupo sa sofa. Pinahid ko ang aking mga luha at kinalma ang sarili. Lumapit sa akin si Manang Minerva.
"Halika na, ready na ang tanghalian. Ihahanda ko na rin po ang mga gamit niyo," anito sa akin. Mahinang tumango lang ako at sumunod na rito.
Tahimik akong kumain ng tanghalian. Mag-isa lang ako. Panay pa ang lingon ko sa sala pero wala naman doon si Sir Ralph. Si Manang Minerva naman ay nasa kanyang kwarto at nag-aasikaso ng aking mga isusuot.
Napatitig ako sa hapag. Noon pa lang pinapangarap ko na ang ganitong buhay. Iyong pagsisilbihan at wala na akong poproblemahin pa.
Kaya lang napaisip ako, makakatagal ba ako sa amo ko?
Bahagya akong lumunok. Naalala ko na naman ang takot ko rito. Kinagat ko ang labi at mariing iniling ang ulo.
"Hindi, Riley. Kaya mo yan. Wag mo lang siyang suwayin. Mas mabuti na ito kaysa naman bumalik ka sa skwater."
Bumuntong-hininga ako at tinuloy na lang ang pagkain. Dapat kong tatagan ang loob ko. Pagkatapos naman ng siyam na buwan ay aalis na ako at makakapagbagong buhay na rin sa wakas.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na rin ako sa kwarto ko at naligo. Mabilis lang iyon dahil baka magalit na naman sa akin ang amo ko. Pagkalabas ng banyo ay isinuot ko ang inihandang bestida ni Manang Minerva.
Nang matapos na ako sa simpleng pag-aayos ay lumabas na rin ako at bumaba. Naabutan ko si Manang Minerva sa dining at nagliligpit ng pinagkainan.
Nang dumako ang tingin ko sa living room ay napakunot ang noo ko dahil wala roon si Sir Ralph.
"Uhm, nasaan po si s-sir?" tawag ko.
Lumingon ito. "Nasa labas. Sabi niya nga pala kung tapos na kayo, lumabas na kayo kasi may check-up kayo."
Mabilis akong tumango at tumalima rito.
Nakayukong lumabas ako. Nang makita kong nasa loob na ng sasakyan si Sir Ralph ay mabilis akong lumapit doon. Agad naman akong pinagbuksan ng driver. Pumasok ako sa loob at nanatili sa aking pwesto.
"Sa hospital, Julio." Dinig kong sabi ni Sir Ralph.
Buong biyahe ay nakatingin at sandal lang ako sa bintana. Halos mag-iisang oras yata kaming nasa daan bago makarating sa hospital.
Walang imik lang akong sumunod sa aking boss. Nakita ko ulit iyong doktorang tumingin sa akin noon. Iba't ibang test ang ginawa sa akin. Halos ilang oras din kaming naghintay ng mga resulta sa aking mga test.
Nang makuha namin lahat iyon ay pumasok kami sa opisina noong doktor. Pinaupo kami ni Sir Ralph sa dalawang visiting chair sa harap ng doktor.
"Her test results show that she's healthy, Ralph. There's nothing wrong with her. You can already leave asap. I'll call my sister in US to tell her that we'll proceed with the process immediately." Dinig kong sabi ng doktor.
Nananatili akong nakayuko.
Medyo pamilyar naman ako sa mga sinasabi nito. Isa pa, nag-search kami ni Quin ng tungkol sa surrogacy kaya medyo may alam na rin ako tungkol doon.
"Good. I already got her papers. I'll book a ticket later," sagot naman ni Sir Ralph.
Ngumiti ang doktora.
"I guess we'll be going now. I still have a dinner meeting."
Tumayo si Sir Ralph kaya tumayo na rin ako. Nakipagkamay ang boss ko sa doktora. Bahagya lang akong ngumiti rito bago tumalikod. As usual, nakasunod lang ako at tahimik lang kami.
Ayaw ko nang magsalita at baka kung ano na naman ang masabi ko. Ayaw ko nang galitin ulit ang lalaki. Dahil rush hour ay mas matagal kaming nakabalik sa townhouse. Pansin kong panay ang tingin ni Sir Ralph sa relo nito at panay pa ang mahihinang mura. Ipinilig ko na lang ang ulo at hindi na ito pinansin baka kung ano na naman ang mangyari.
"You heard the doctor, Riley. Mag-empake ka ng mga gamit mo. Sabihan mo rin si Manang Minerva. Bukas na bukas, aalis tayo pa-America," bilin nito sa akin pagkarating namin ng bahay.
Tumango ako at bumuntong-hininga na lang bago pumasok na ng bahay.
Naabutan ko si Manang na naghahanda ng hapunan. Nilapitan ko ito.
"O, maam, nandito na pala kayo, halina po kayo at kumain," aya nito sa akin. Ngumiti lang ako at umupo na.
Hinintay ko munang matapos sa paghahanda si Manang Minerva.
"Sabay na po kayo sa akin. Ang lungkot kasing kumain mag-isa," anito.
Napabuntong-hininga naman ito bago ngumiti at tumango. Umupo ito sa aking tapat.
"Nako, maam, ito kain kayo at masarap ang pagkakaluto ko niyan."
Bahagyang natawa ako nang paghainan niya ako ng ulam.
"Nako, ako na po," saway ko. Ngumiti lang si Manang at tinuloy ang ginagawa.
"Sabi nga po pala ni sir maghanda raw tayo. Aalis daw tayo pa-America bukas."
Tiningnan ko lang siya saka nginitian at tinanguan. Huminga nang malalim ako.
"Matagal ka na po kay sir, Manang?" tanong ko rito.
Bahagyang tumigil si Manang Miverva at napatitig sa akin. Nagkibit-balikat ako. Curious lang kasi ako tsaka para naman kahit paano ay may mapag-usapan kami.
"Ay, medyo po. Ako ang yaya niyang si Sir Ralph noong bata pa. Umalis lang ako noong nag-asawa na siya. Pero hindi kami nawalan ng komunikasyon. Kinailangan ko lang kasing asikasuhin ang asawa kong may sakit noon."
Kumunot ang noo ko.
"Saan na po ang asawa niyo?"
Malungkot na ngumiti si Manang.
"Wala na siya."
Nakagat ko ang labi.
"Sorry po," nakayukong sabi ko. Ngumiti lang ang kasambahay.
"Okay lang."
Natahimik ulit kami.
Nagsimula na akong kumain."
"Ganoon po ba talaga kasungit si sir?"
Nakagat ko ang labi. Nag-angat ng tingin si Manang Mivera at malungkot ulit na ngumiti.
"Sa totoo lang, hindi. Nako, sobrang sweet niyang batang iyan. Napaka-gentleman. Alagang-alaga nga niyan iyong namatay niyang asawa. Ni hindi niya iyon pinapadapuan ng lamok. Mabait naman iyang si Ralph. Nagbago lang naman lahat noong namatay si Maam Winter. Simula noon naging malamig na ang turing niya sa iba. Hindi na ngumingiti. Naging mainitin ang ulo at mabilis nang magalit. Ulila na rin kasi iyan. Noong namatay iyong mga magulang niya, si Maam Winter ang naging hugutan niya ng lakas kaya noong nawala ito ay talagang gumuho ang mundo niya. Naaawa nga ako sa alaga kong iyan. Alam ko namang hanggang ngayon ay hindi pa rin iyan nakaka-move on."
Sandaling natigilan ako. Bumuntong-hininga ako.
Ang laki pala ng hugot ni Sir Ralph Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng lungkot. Siguro dahil pareho kaming wala ng mga magulang at alam ko ang pakiramdam ng nag-iisa. Maswerte lang ito dahil lumaki ito sa marangyang buhay.
Huminga ako nang malalim.
"Kawawa pala si sir. Nag-iisa na rin lang siya ngayon."
"Ma'am! Saan po kayo nagpunta?!" alalang bungad ni Manang Miverva sa akin. Mas lalo akong yumuko lalo na noong tingnan ako nang masama ni Sir Ralph."Who the hell told you to go out and meet someone?!" Dumagundong ang sigaw ni Sir Ralph sa buong townhouse.Halos manginig ako sa takot. Kagat-kagat ko ang labi para pigilang tumakas ang luha at hikbing kanina pa nagbabadyang lumabas."Answer me!" Napaigtad ako sa gulat nang mariing hinawakan ni Sir Ralph ang aking baba at iniangat para magtama ang aming mga tingin.His brown eyes pierced through my soul. Matalim niya akong tinitigan. Napalunok ako."S-Sir… k-kaibigan ko po si Quin. P-Pasensya na po… gusto ko lang pong ipaalam sa kanyang o-okay lang ako. H-Hindi na po mauulit. S-Sorry po…" mangiyak-ngiyak kong sabi."You always say sorry!"Doon na tuluyang tumulo ang aking mga luha. Bahagya namang na-alarma si Sir Ralph at agad na binitiwan ako. Nag-iwas ng tingin ang lalaki."S-Sorry po, s-sir. Wag niyo po ako t-tanggalin, please…" humih
Malapad ang ngiti ko nang magising ako kinabukasan. Niyakap ko ang sarili ko at ibinalot ang comforter sa katawan ko. Impit akong napasigaw sa unan. Para akong nakalutang sa ulap.Wala na ako sa mabahong skwater. At ito pa, makakarating na ako sa America.Nakarinig ako ng katok sa pinto."Maam, kakain na raw po sabi ni sir." Dinig ko ang sabi ng kumatok.Mabilis akong pumunta sa pinto at binuksan iyon."Ay salamat po," sabi ko at agad na lumabas.Tumango lang ang kasambahay at naunang bumaba. Nakayukong sumunod lang ako rito. Napasadahan ko na ng tingin ang buong bahay kagabi pero hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako."Nandito na po si maam, sir," sabi ng kasambahay nang makarating kami sa dining. Iniwan na rin ako nito.Sumulyap ako sa lalaking nasa dulong upuan at naghihiwa ng bacon. Nag-angat ng tingin si Sir Ralph."What are you still doing? Sit down. Napalunok ako at agad na naupo sa katabi niya. Halos maging tuod pa ako dahil kinakabahan talaga ako kapag kami lang dalawa ni
"Sir Ralph, teka lang po! Hindi ko alam ito!" naguguluhang sambit ko at bahagyang napaatras.Napahawak ako sa dibdib ko."Wait, what are you saying, Riley? Aren't you the surrogate that I hired?"Agad na umusbong ang kaba sa dibdib ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ako makatingin kay Sir Ralph. Para akong kakainin nito nang buhay."H-Hindi ko po alam ang tungkol diyan…" pikit-matang sabi ko.Narinig ko ang maririing mura ni Sir Ralph na mas nagpagapang ng kaba sa buo kong katawan."Then what are you doing here and who are you? Get the fuck out!"Mabilis akong napatingala at nanlaki ang mga mata ko. "T-Teka sir! Tatanggalan niyo ako ng trabaho?! Wag po! Wag po, please! Sorry po! Please, please, kailangan na kailangan ko ito, please!"Halos lumuhod ako sa harap niya at magmakaawa. Tiningnan lang niya ako na bakas pa rin ang galit sa mukha niya."P-Please… kaya ko pong magbuntis! Kaya ko po. Wag niyo lang po akong tanggalan ng trabaho, p-please… kailangan n
"Teka, nasaan na ba ako?"Napatingin ako ulit sa elevator pero nakasarado na iyon. Hindi ako marunong gumamit noon. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko.Sinundan ko ng tingin ang babae at nakita kong pumasok sa isang kwarto. Dalawang kwarto lang ang nandoon. Isang malaki na may mahabang lamesa tapos maraming upuan, isang conference hall, at iyon ang pinasukan ng babae.Nakagat ko ang kuko ko sa sobrang kaba. Sana pala ay nagpahatid na lang ako kanina nang tanungin ako ng receptionist kung gusto ko raw ba magpasama.Hati tuloy ang puso ko kung susundan ko ba ang babae o hindi. Sa huli, aalis na sana ako pero biglang bumukas ang pinto ng kwartong pinasukan ng babae. Nanlaki ang mga mata ko at natuod ako sa kinatatayuan ko.Kumunot ang noo ng lalaking nasa harapan ko. Nakasuot siya ng itim na tuxedo. Nakaayos ang itim niyang buhok at may dala siyang briefcase. Napalunok ako at napaatras. Nakakatakot ang aura niya. Para niya akong lalamunin nang buhay sa paraan ng pagkakatitig niya.