"Sir Ralph, teka lang po! Hindi ko alam ito!" naguguluhang sambit ko at bahagyang napaatras.
Napahawak ako sa dibdib ko.
"Wait, what are you saying, Riley? Aren't you the surrogate that I hired?"
Agad na umusbong ang kaba sa dibdib ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ako makatingin kay Sir Ralph. Para akong kakainin nito nang buhay.
"H-Hindi ko po alam ang tungkol diyan…" pikit-matang sabi ko.
Narinig ko ang maririing mura ni Sir Ralph na mas nagpagapang ng kaba sa buo kong katawan.
"Then what are you doing here and who are you? Get the fuck out!"
Mabilis akong napatingala at nanlaki ang mga mata ko. "T-Teka sir! Tatanggalan niyo ako ng trabaho?! Wag po! Wag po, please! Sorry po! Please, please, kailangan na kailangan ko ito, please!"
Halos lumuhod ako sa harap niya at magmakaawa. Tiningnan lang niya ako na bakas pa rin ang galit sa mukha niya.
"P-Please… kaya ko pong magbuntis! Kaya ko po. Wag niyo lang po akong tanggalan ng trabaho, p-please… kailangan na kailangan ko i-ito…"
Bigla kong naramdaman ang kurot sa mata ko. Kumurap-kurap ako para lang hindi bumagsak ang mga luhang nagbabadyang lumabas.
Hindi pwedeng mawala sa'kin 'to. Ayoko nang bumalik sa skwaters na tinitirhan ng tiyahin ko.
"P-Please po…" Nakagat ko ang labi ko nang pumiyok ako.
Sir Ralph let out a frustrated sigh bago ako tinitigan nang matalim.
"Look, I don't know who you are. At hindi basta-basta ang ipagbubuntis mo. You will bear my child, my heir. At hindi ako makakapayag na kahit sino na lang ang kunin ko."
Mas lalong nabahala ako.
"Sir, please! Kailangan ko po talaga! Aalagaan ko po ang baby niyo! Hindi po ako magpapabaya. Gagawin ko po lahat ng rules niyo. P-Please po, kailangan ko lang talaga ng trabaho…"
Dumiin ang pagkakakagat ko sa labi ko nang maramdaman kong may tumulong luha sa pisngi ko. Mabilis akong yumuko at pinahid iyon.
Narinig ko na naman ang pagbuntong-hininga ni Sir Ralph.
"Stay here. I'm gonna talk to my secretary," malamig niyang sabi bago ako iniwan doon.
Silang dalawa na lang ng doktora ang naiwan at hindi ako makatingin dito dahil sa kahihiyan. Nanatili akong nakayuko lang hanggang sa siya na mismo ang lumapit sa akin.
"Umupo ka muna," aniya at iginiya ako sa couch sa gilid. Nagpasalamat lang ako at naupo roon.
Nakatingin lang ako sa sahig. Pinaglalaruan ko ang mga kamay ko. Halos hindi rin mapakali ang mga paa ko. The thought of losing the job scares the hell out of me. Ayaw ko na talagang bumalik sa skwater. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ang pagmamaltrato roon.
Pigil ang hikbing hinayaan kong lumabas ang luha ko. Bahagya ko pang inilugay sa gilid ang mahaba at straight kong buhok para hindi ako makita ng doctor.
Then I thought about what Sir Ralph said. Surrogate. Surrogate ang kailangan ng lalaki. Iyon ang trabahong kailangan kong pasukan kung sakali. Nasapo ko ang noo ko.
Natatakot ako at nagulat din dahil hindi ko naman inakalang ganoon pala ang trabahong inaalok niya, pero mas nananaig ang kagustuhan kong makawala sa impyernong skwater na iyon. Lahat gagawin ko para lang makawala roon. I'm that desperate.
Kung ito ang magbibigay sa akin ng buhay na inaasam ko noon pa man, then bakit hindi?
Halos limang minuto rin ang lumipas bago bumalik si Sir Ralp. Agad akong napatingin nang marinig ko ang pagbagsak ng pinto. Ngunit mabilis ko rin iniwas ang tingin ko nang magtagpo ang mga mata namin.
"So, what's your plan?" dinig kong tanong ng doctor.
Sir Ralph let out a sigh.
"My secretary said nag-decline ang supposed to be surrogate," aniya.
Bahagyang nabuhayan ako ng loob sa narinig ko. Wala na akong kaagaw, kaso ang tanong ay kung papayag ba si Sir Ralp na ako na lang ang maging surrogate.
"So, it means walang problema kung si Riley ang maging surrogate mo, Mr. De Leon."
Napaangat ang tingin ko sa sinabi ng doctor.
Please, please. Pumayag na kayo…
"I don't want to rush things. Bakit ka nga ba napadpad sa opisina ko, miss? And why the hell are you in my building?"
Agad akong umayos ng upo at lumunok. Bahagyang nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Ibinaling ko ang tingin ko sa ibaba. Nakakatakot talaga si Sir Ralph.
"N-Nag-aapply po kasi ako sa baba. Ang sabi ng reception ay dito raw po ako pumunta sa floor na ito. Sinundan ko yung isang babae. Naligaw po ako. Wala akong ideya na sa opisina niyo iyon pupunta. Paglabas ko po, hindi ko na alam kung nasaan ako. Tapos... bigla po kayong lumabas at tinanong ako. Nabigla po ako at saka desperado na rin. Kailangan ko po talaga ng trabaho ngayong araw. Noong sinabi niyong trabaho, kinuha ko na agad."
Nakagat ko uli ang labi ko nang magsalubong ang mga tingin namin.
"P-Please, sir. Gagawin ko po lahat para maayos ang pagbubuntis. P-Please po…" pagmamakaawa ko.
Hindi sumagot si Sir Ralph.
Namayani ang katahimikan sa amin ng ilang minuto. Tumikhim ang doktora.
"Ralph, I think there is no need to worry about her. She seems harmless. Isa pa, mukha naman siyang healthy to bear a baby. Although, we still have to check her medically. You are also running out of time, remember?"
Napapikit at yuko na lang ako sa sinabi ng doktora.
Lord, ibigay mo na sa akin ito.
Taimtim kong dasal na sana ay pakinggan.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng lalaki. "Okay, fine. But let's postpone that for tomorrow. I need to background check her."
Mabilis pa sa alas kwatrong umangat ang tingin ko.
"Hindi na po ako tanggal?" tanong ko. Tumaas ang kilay ni Sir Ralph.
"Not really. I still need to check where you're from. We need to agree with the terms before you sign the contract."
Nanlaki ang mga mata ko at halos mapatalon ako sa sobrang tuwa.
"Sir, thank you!" mangiyak-ngiyak kong sabi.
Walang reaksyon si Sir Ralph. Sa halip ay binalingan niya ang doctor.
"We'll be back tomorrow for her check-up, then let's schedule the in vitro," aniya na agad tinanguan ng doctor.
Bumaling siya sa akin. "Let's go. We have a lot of things to talk."
---
Bumalik kami sa building a pinanggalingan namin kanina. Walang pagsidlan ng saya sa loob ko habang binabagtas namin ang daan pabalik.
Hindi na ako babalik sa skwater!
"What's your full name? Family? Where do you live?" Sir Ralph asked out of nowhere.
Mabilis akong tumingin sa kanya.
"Ako po si Riley Serrano. Iniwan po ako ng mga magulang ko sa aking tiyahin sa skwater, pero minamaltrato niya naman ako. Kaya nakapagdesisyon po akong umalis na lang. Kailangan ko po talaga ng trabaho at… matitirhan."
Napahinto ako at kinagat ang pang-ibabang labi ko.
Sir Ralph throws me a glance which I immediately dodged.
"It's okay. I like your honesty. And I'll let you stay for the night. Tomorrow, I'll send you to the townhouse. As long as you're healthy to bear the baby, I'm fine with it. Wala ka naman sigurong history sa drugs?"
Agad akong bumaling sa kanya at paulit-ulit na umiling.
Tumango siya. "Theft?"
"Hindi po ako magnanakaw," agad kong sabi.
Naningkit ang mga mata niya. "Transferrable disease? HIV? AIDS?"
"Wala po. Hindi po ako ganyan. Sa skwater lang po ako pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang magpokpok. Kaya wala po talaga."
Umiling-iling ulit ako. Tumango naman ulit si Sir Ralph.
"Then we'll have no problem," aniya at iniwas ang tingin.
"Nakasakay ka na ba ng eroplano?"
Agad akong napatitig sa kanya. "Hindi pa po, sir."
Tumango-tango siya. "Get yourself ready. Sasakay ka ng eroplano. I'll be needing your papers as well. We will fly to US."
Nanlaki ang mga mata ko. "P-Po?"
Lumingon siya sa akin. "Ichi-check ka ng doctor ko bukas. Then we will fly to US."
Shit. US daw. Pupunta kaming US.
"Ma'am! Saan po kayo nagpunta?!" alalang bungad ni Manang Miverva sa akin. Mas lalo akong yumuko lalo na noong tingnan ako nang masama ni Sir Ralph."Who the hell told you to go out and meet someone?!" Dumagundong ang sigaw ni Sir Ralph sa buong townhouse.Halos manginig ako sa takot. Kagat-kagat ko ang labi para pigilang tumakas ang luha at hikbing kanina pa nagbabadyang lumabas."Answer me!" Napaigtad ako sa gulat nang mariing hinawakan ni Sir Ralph ang aking baba at iniangat para magtama ang aming mga tingin.His brown eyes pierced through my soul. Matalim niya akong tinitigan. Napalunok ako."S-Sir… k-kaibigan ko po si Quin. P-Pasensya na po… gusto ko lang pong ipaalam sa kanyang o-okay lang ako. H-Hindi na po mauulit. S-Sorry po…" mangiyak-ngiyak kong sabi."You always say sorry!"Doon na tuluyang tumulo ang aking mga luha. Bahagya namang na-alarma si Sir Ralph at agad na binitiwan ako. Nag-iwas ng tingin ang lalaki."S-Sorry po, s-sir. Wag niyo po ako t-tanggalin, please…" humih
Malapad ang ngiti ko nang magising ako kinabukasan. Niyakap ko ang sarili ko at ibinalot ang comforter sa katawan ko. Impit akong napasigaw sa unan. Para akong nakalutang sa ulap.Wala na ako sa mabahong skwater. At ito pa, makakarating na ako sa America.Nakarinig ako ng katok sa pinto."Maam, kakain na raw po sabi ni sir." Dinig ko ang sabi ng kumatok.Mabilis akong pumunta sa pinto at binuksan iyon."Ay salamat po," sabi ko at agad na lumabas.Tumango lang ang kasambahay at naunang bumaba. Nakayukong sumunod lang ako rito. Napasadahan ko na ng tingin ang buong bahay kagabi pero hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako."Nandito na po si maam, sir," sabi ng kasambahay nang makarating kami sa dining. Iniwan na rin ako nito.Sumulyap ako sa lalaking nasa dulong upuan at naghihiwa ng bacon. Nag-angat ng tingin si Sir Ralph."What are you still doing? Sit down. Napalunok ako at agad na naupo sa katabi niya. Halos maging tuod pa ako dahil kinakabahan talaga ako kapag kami lang dalawa ni
"Sir Ralph, teka lang po! Hindi ko alam ito!" naguguluhang sambit ko at bahagyang napaatras.Napahawak ako sa dibdib ko."Wait, what are you saying, Riley? Aren't you the surrogate that I hired?"Agad na umusbong ang kaba sa dibdib ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ako makatingin kay Sir Ralph. Para akong kakainin nito nang buhay."H-Hindi ko po alam ang tungkol diyan…" pikit-matang sabi ko.Narinig ko ang maririing mura ni Sir Ralph na mas nagpagapang ng kaba sa buo kong katawan."Then what are you doing here and who are you? Get the fuck out!"Mabilis akong napatingala at nanlaki ang mga mata ko. "T-Teka sir! Tatanggalan niyo ako ng trabaho?! Wag po! Wag po, please! Sorry po! Please, please, kailangan na kailangan ko ito, please!"Halos lumuhod ako sa harap niya at magmakaawa. Tiningnan lang niya ako na bakas pa rin ang galit sa mukha niya."P-Please… kaya ko pong magbuntis! Kaya ko po. Wag niyo lang po akong tanggalan ng trabaho, p-please… kailangan n
"Teka, nasaan na ba ako?"Napatingin ako ulit sa elevator pero nakasarado na iyon. Hindi ako marunong gumamit noon. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko.Sinundan ko ng tingin ang babae at nakita kong pumasok sa isang kwarto. Dalawang kwarto lang ang nandoon. Isang malaki na may mahabang lamesa tapos maraming upuan, isang conference hall, at iyon ang pinasukan ng babae.Nakagat ko ang kuko ko sa sobrang kaba. Sana pala ay nagpahatid na lang ako kanina nang tanungin ako ng receptionist kung gusto ko raw ba magpasama.Hati tuloy ang puso ko kung susundan ko ba ang babae o hindi. Sa huli, aalis na sana ako pero biglang bumukas ang pinto ng kwartong pinasukan ng babae. Nanlaki ang mga mata ko at natuod ako sa kinatatayuan ko.Kumunot ang noo ng lalaking nasa harapan ko. Nakasuot siya ng itim na tuxedo. Nakaayos ang itim niyang buhok at may dala siyang briefcase. Napalunok ako at napaatras. Nakakatakot ang aura niya. Para niya akong lalamunin nang buhay sa paraan ng pagkakatitig niya.