Share

Chapter 3

Author: Irish Vanessa
last update Last Updated: 2025-07-20 21:03:22

Malapad ang ngiti ko nang magising ako kinabukasan. Niyakap ko ang sarili ko at ibinalot ang comforter sa katawan ko. Impit akong napasigaw sa unan. Para akong nakalutang sa ulap.

Wala na ako sa mabahong skwater. At ito pa, makakarating na ako sa America.

Nakarinig ako ng katok sa pinto.

"Maam, kakain na raw po sabi ni sir." Dinig ko ang sabi ng kumatok.

Mabilis akong pumunta sa pinto at binuksan iyon.

"Ay salamat po," sabi ko at agad na lumabas.

Tumango lang ang kasambahay at naunang bumaba. Nakayukong sumunod lang ako rito. Napasadahan ko na ng tingin ang buong bahay kagabi pero hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako.

"Nandito na po si maam, sir," sabi ng kasambahay nang makarating kami sa dining. Iniwan na rin ako nito.

Sumulyap ako sa lalaking nasa dulong upuan at naghihiwa ng bacon. Nag-angat ng tingin si Sir Ralph.

"What are you still doing? Sit down. 

Napalunok ako at agad na naupo sa katabi niya. Halos maging tuod pa ako dahil kinakabahan talaga ako kapag kami lang dalawa nito sa iisang lugar. Tahimik at dahan-dahan akong kumuha ng ulam at kanin. Baka kasi kung ano na naman ang sabihin niya sa akin. Halos tunog na lang ng kubyertos ang maririnig sa buong dining.

Maya-maya ay narinig ko siyang tumikhim.

"I've bought you clothes. Pinadala ko sa kwarto mo. Magbihis ka pagkatapos. I'll bring you to the townhouse already. You'll be staying there pagkauwi natin galing America," walang tingin na sambit nito sa akin.

Lumunok ako at tumango na lang.

Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay agad akong nagtungo sa kwartong tinulugan ko kagabi at halos malula ako sa dami ng paperbags sa kama. Isa-isa ko iyong tiningnan at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong halos lahat ng iyon ay branded.

Naitakip ko ang kamay ko sa bibig at hindi makapaniwalang inisa-isa ang mga iyon.

"Ang gaganda!"

Hindi ko alam kung ano ang susuotin at pipiliin kaya kung anong una kong nakita ay iyon na lang ang inihanda ko.

Pumasok na ako sa banyo at naligo. Binilisan ko pa kahit na gusto ko pa sanang magbabad. Baka kasi sumigaw na naman ang boss ko. Ngayon ko lang napagtantong suplado pala ito.

Pagkatapos magbihis ay nagsuklay lang ako at bahagyang inayos ang pagkakalugay ng buhok ko. Kinagat-kagat ko ang labi ko para naman hindi iyon maputla. Saktong tapos na ako at pumasok naman iyong kasambahay kanina.

"Ahm, alis na po kami?" tanong ko rito.

Tumango lang ito bago kinuha ang mga paperbags. Agad din akong tumalima para tulungan siya.

Naabutan namin si Sir Ralph sa sala na may katawag. Nang mapansin niya kami ay ibinaba niya ang telepono at binalingan kami.

"You ready?" tanong niya.

Tumango lang ako. Naunang maglakad si Sir Ralph, kasunod ang maid, tapos ay ako.

"Thank you po," sabi ko sa driver na kinuha ang dala ko. Pinagbuksan din niya ako ng second seat.

Tahimik akong pumasok doon at as usual ay nanatili ako sa gilid at hindi na umusog pa. Nasa kabilang gilid din kasi si Sir Ralph.

Nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo nang idilat ko ang mga mata ko. Tiningnan ko ang paligid at umawang ang bibig ko nang makita ang lugar na kinaroroonan namin. Napatingin ako sa katabi kong sa bintana lang nakatingin.

"S-Sir, nasaan po tayo?" kinakabahang tanong ko. Mabilis pa akong nag-iwas ng tingin nang lumingon ang lalaki.

"My private townhouse," maikling sagot nito.

Nag-korteng O ang bibig ko.

Ikinalat ko ang paningin ko sa paligid at nakita ko ang maraming bahay na nadadaanan namin. Ang gagara ng mga iyon. Halos ilang minuto akong namamangha nang sa wakas ay tumigil din kami sa isang bahay.

"Let's go," sambit niya at naunang lumabas. Natatarantang lumabas na rin ako.

Sinalubong kami ng isang nasa mid-40s na babae mula sa pintuan ng bahay. Tuloy-tuloy na pumasok si Sir Ralph kaya sumunod na rin ako. Nginitian ko lang iyong babae at sumunod sa amo.

"You will be living here for the next 10 months. Groceries are provided already. No need to worry. Nandito si Manang Minerva para samahan ka. Safe sa village na ito. It's a private property at kung wala ka sa registration, hindi ka makakapasok. I will visit you twice a month and will keep in touch with you through phone kaya siguraduhin mong palagi kang nakaabang sa cellphone mo."

Bumaling siya sa akin at naglahad ng isang puting box. Napalunok pa ako nang makita ang logo noon. Isang apple. Nanginginig na tinanggap ko iyon.

Tumikhim si Sir Ralph at tinawag ang babaeng kanina.

"Minerva, this is Riley, the surrogate of my child. I entrust her to you," sabi nito.

Tumango ang babae.

"Makakaasa ka, sir," sagot nito.

Nahihiyang ngumiti lang ako rito.

"Excuse me, sir. Ilalagay ko lang ito sa kwarto ni maam," paalam ni Minerva at nilagpasan kami. Dala-dala nito ang mga paperbags ko.

Napahinga na naman ako ng malalim. I really feel awkward whenever I'm around with Sir Ralph.

"Let's set up your phone, Riley." Dinig kong sabi niya kaya agad akong napatingin dito. Umupo siya sa mahabang couch. Mabilis ko namang inabot ang cellphone at umupo rin sa pang-isahang couch na katabi lang ng mahaba.

Pinanood ko ang pagkalikot niya sa cellphone. Ilang minuto pa ay ibinigay niya iyon sa akin.

"May manual naman. Kaya mo na yan, di ba?" tanong niya.

Mabilis akong tumango at pinaglapit ang mga labi ko. May nakikita na akong ganito na binebenta ng mga snatcher sa skwater kaya pamilyar na rin ako rito.

Bumuntong-hininga si Sir Ralph at inayos ang coat nito.

"We'll have a check up this afternoon. Pinaasikaso ko na rin ang mga papeles mo para sa passport at visa. Right after check up, if you're good to go, we'll fly immediately. I just need to report to work so you stay here. I'll fetch you later. You can familiarize the house or have a rest. Marami kang pwedeng gawin. May wifi at TV naman diyan. Naka-save ang number ko diyan. I'll just call you later."

Sunod-sunod akong tumango. Huminga nang malalim si Sir Ralph bago tumayo.

"Manang Minerva, I'll go ahead," paalam nito sa kasambahay nila.

Naiwan kaming dalawa ni Manang Minerva roon. Napanguso ako at sumandal sa sofa. Tiningnan ko ang buong bahay at masasabi kong elegante talaga nito.

"Gaano kaya kayaman si Sir?"

"Maam."

Agad akong napalingon nang tinawag ako ng kasambahay.

"Kailangan ko lang pong mamili ng gulay sa palengke. Iiwan ko po muna kayo," sabi nito.

Bahagya akong natigilan.

"Ah sige po. Okay lang po ako rito," sagot ko na lang.

Tumango ang kasambahay at umalis na.

Nang maiwan akong mag-isa ay nagdesisyon akong mag-ayos na lang ng gamit. Umakyat na ako sa itaas at tiningnan ang mga kwarto.

Hindi mawala-wala ang ngiti ko nang makita ang isang malaking cabinet na halos mapuno ng damit. Excited kong binuksan ang mga iyon at isa-isang in-arrange sa malaking built-in cabinet.

Ni minsan sa buhay ko, hindi ko inakalang matutupad ang mga pangarap kong ganito. At nangyari pa sa pinaka hindi ko inaasahang paraan.

Bumuga ako ng hininga at kinuha ang phone na bigay ni Sir Ralph. Kinalikot ko lang iyon gamit ang manual at inisa-isa ang mga apps doon.

Nang napunta ako sa contacts ay tanging number niya ang nandoon. Tsaka lang pumasok sa isip ko ang bestfriend ko. Hindi ko pa siya natatawagan.

Agad kong di-nial ang number nitong sinaulo ko na. Noon kasi ay ito palagi ang tinatawag ko pag may emergency kaya sinaulo ko na talaga ang number nito.

"Hello? Sino ito?" bungad ng kaibigan.

"Quin!" masayang bungad ko.

"R-Riley?"

Natawa ako. Halatang nagulat ang kaibigan. "Bruha ka, Nasaan ka? Nakakaloka, kahapon ka pa hinahanap ng Tiya Belen mo!"

Nakagat ko ang labi ko nang marinig ang pangalan ni Tiya Belen.

"Hindi na ako babalik sa kanya. Basta, maraming nangyari." Napakamot ako sa ulo, hindi alam kung saan magsisimula.

"Nasaan ka ba? Pupuntahan kita!"

Agad akong napalinga sa paligid. Tsaka ako napasapo sa noo. Hindi ko alam ang eksaktong lokasyon namin.

Napabuga ako ng hininga at nagdesisyon na lumabas ng bahay. Nakakita ako ng susi sa may center table kaya kinuha ko iyon bago lumabas. Nalaglag ang panga ko nang makita ang kahabaan ng kalsadang binagtas namin kanina.

"Magkita na lang tayo sa mall. Sa food court na madalas natin tambayan."

---

"Quin!"

Agad akong tumakbo at sinalubong ng yakap ang kaibigan ko.

"Akala ko naman kung ano na ang nangyari sa’yo!" palatak ni Quin sa akin.

"Pasensya ka na talaga. Ang dami lang talagang nangyari. Tsaka alam mo namang wala akong cellphone." Ngumuso ako.

Pinasadahan ako ng tingin ni Quin at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang mapansin ang suot at hawak ko.

"May sugar daddy ka ba?!"

Agad ko siyang pinanlakihan ng mata at kinurot sa tagiliran.

"Manahimik ka! Ikukwento ko!" saad ko rito.

Isinalaysay ko kay Quin ang mga nangyari simula noong pupuntahan ko sana siya, ang pagkapadpad ko sa opisina ni Sir Ralph hanggang sa pag-aalok nito ng trabaho at ang mismong trabaho na napasukan ko pati na ang sinabi nitong pupunta kami ng US.

Laglag ang panga ni Quin sa narinig.

"Asensado ka na nga! Naiiyak ako! Doon na ba kayo forever?"

"Uuwi kami agad dito pagka-successful na at buntis na ako. Dito ko ipagpapatuloy ang pagbubuntis ko."

Mahigpit niya akong niyakap at nagtalunan kaming nagtalunan.

"Masayang masaya ako para sa’yo! Iyong tiyahin mo roon sa skwater? Ayon! Nagwawala at hinahanap ka. Syempre hindi ko sinabi!" proud na balita nito.

Bahagya akong nanlumo at nag-alala. "Baka mapahamak ka. Alam mo namang adik ang kinakasama noon."

Umirap lang si Quin. "Huwg kang mag-alala at lilipat na rin naman ako."

Hindi ko namalayan kung ilang oras na kaming nakatambay roon sa food court.

"What the fuck are you doing here?"

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang kilalang boses. Agad akong napatayo at mabilis na hinarap ang pinanggalingan ng boses.

Kunot-noong nakatitig sa akin si Sir Ralph at halatang hindi nito nagugustuhan ang nakikita. Napalunok ako at napakapit kay Quin.

"I am asking you, Riley," malamig at mariin nitong sabi na nagpalingon sa kaibigan ko.

Lumunok ulit ako.

"S-Sir Ralph…"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Worth Million Surrogate    Chapter 4

    "Ma'am! Saan po kayo nagpunta?!" alalang bungad ni Manang Miverva sa akin. Mas lalo akong yumuko lalo na noong tingnan ako nang masama ni Sir Ralph."Who the hell told you to go out and meet someone?!" Dumagundong ang sigaw ni Sir Ralph sa buong townhouse.Halos manginig ako sa takot. Kagat-kagat ko ang labi para pigilang tumakas ang luha at hikbing kanina pa nagbabadyang lumabas."Answer me!" Napaigtad ako sa gulat nang mariing hinawakan ni Sir Ralph ang aking baba at iniangat para magtama ang aming mga tingin.His brown eyes pierced through my soul. Matalim niya akong tinitigan. Napalunok ako."S-Sir… k-kaibigan ko po si Quin. P-Pasensya na po… gusto ko lang pong ipaalam sa kanyang o-okay lang ako. H-Hindi na po mauulit. S-Sorry po…" mangiyak-ngiyak kong sabi."You always say sorry!"Doon na tuluyang tumulo ang aking mga luha. Bahagya namang na-alarma si Sir Ralph at agad na binitiwan ako. Nag-iwas ng tingin ang lalaki."S-Sorry po, s-sir. Wag niyo po ako t-tanggalin, please…" humih

  • Worth Million Surrogate    Chapter 3

    Malapad ang ngiti ko nang magising ako kinabukasan. Niyakap ko ang sarili ko at ibinalot ang comforter sa katawan ko. Impit akong napasigaw sa unan. Para akong nakalutang sa ulap.Wala na ako sa mabahong skwater. At ito pa, makakarating na ako sa America.Nakarinig ako ng katok sa pinto."Maam, kakain na raw po sabi ni sir." Dinig ko ang sabi ng kumatok.Mabilis akong pumunta sa pinto at binuksan iyon."Ay salamat po," sabi ko at agad na lumabas.Tumango lang ang kasambahay at naunang bumaba. Nakayukong sumunod lang ako rito. Napasadahan ko na ng tingin ang buong bahay kagabi pero hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako."Nandito na po si maam, sir," sabi ng kasambahay nang makarating kami sa dining. Iniwan na rin ako nito.Sumulyap ako sa lalaking nasa dulong upuan at naghihiwa ng bacon. Nag-angat ng tingin si Sir Ralph."What are you still doing? Sit down. Napalunok ako at agad na naupo sa katabi niya. Halos maging tuod pa ako dahil kinakabahan talaga ako kapag kami lang dalawa ni

  • Worth Million Surrogate    Chapter 2

    "Sir Ralph, teka lang po! Hindi ko alam ito!" naguguluhang sambit ko at bahagyang napaatras.Napahawak ako sa dibdib ko."Wait, what are you saying, Riley? Aren't you the surrogate that I hired?"Agad na umusbong ang kaba sa dibdib ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ako makatingin kay Sir Ralph. Para akong kakainin nito nang buhay."H-Hindi ko po alam ang tungkol diyan…" pikit-matang sabi ko.Narinig ko ang maririing mura ni Sir Ralph na mas nagpagapang ng kaba sa buo kong katawan."Then what are you doing here and who are you? Get the fuck out!"Mabilis akong napatingala at nanlaki ang mga mata ko. "T-Teka sir! Tatanggalan niyo ako ng trabaho?! Wag po! Wag po, please! Sorry po! Please, please, kailangan na kailangan ko ito, please!"Halos lumuhod ako sa harap niya at magmakaawa. Tiningnan lang niya ako na bakas pa rin ang galit sa mukha niya."P-Please… kaya ko pong magbuntis! Kaya ko po. Wag niyo lang po akong tanggalan ng trabaho, p-please… kailangan n

  • Worth Million Surrogate    Chapter 1

    "Teka, nasaan na ba ako?"Napatingin ako ulit sa elevator pero nakasarado na iyon. Hindi ako marunong gumamit noon. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko.Sinundan ko ng tingin ang babae at nakita kong pumasok sa isang kwarto. Dalawang kwarto lang ang nandoon. Isang malaki na may mahabang lamesa tapos maraming upuan, isang conference hall, at iyon ang pinasukan ng babae.Nakagat ko ang kuko ko sa sobrang kaba. Sana pala ay nagpahatid na lang ako kanina nang tanungin ako ng receptionist kung gusto ko raw ba magpasama.Hati tuloy ang puso ko kung susundan ko ba ang babae o hindi. Sa huli, aalis na sana ako pero biglang bumukas ang pinto ng kwartong pinasukan ng babae. Nanlaki ang mga mata ko at natuod ako sa kinatatayuan ko.Kumunot ang noo ng lalaking nasa harapan ko. Nakasuot siya ng itim na tuxedo. Nakaayos ang itim niyang buhok at may dala siyang briefcase. Napalunok ako at napaatras. Nakakatakot ang aura niya. Para niya akong lalamunin nang buhay sa paraan ng pagkakatitig niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status